TUKLAS 🌹
ASH POV
Alas-siyete ng umaga nang dumating ako sa shop. Kasalukuyang inaasikaso ni Mitch ang order para sa kasalan ngayong araw. Tumatanggap din kasi kami ng set of order para sa kasalan, binyag, debut, etc.
Nang tuluyan akong makapasok sa shop, sakto naman ang pag tunog ng telepono. Ako ang sumagot para hindi malito si Mitch sa pag bibilang at para hindi na siya maabala. Siya pa lang ang tao sa shop. Siguro ay late na naman si Jelai at ella. Palibhasa ay mga party goer kaya tinatanghali lagi ang gising. Madalas ay absent pa."
"Miss Ramos ikaw pala!" Sagot ko sa tawag.
"Nako! Mabuti at ikaw ang naka sagot..." dinig ko pa ang kaniyang malalim na pag hinga bago muling nag salita.
"Nag retired na ako Natasha. Naisip ko lang kasi na mas makakabuti siguro sa akin kung mag tayo na lang ako ng business dito. Ayaw na rin kasi ako papasukin ni Roman dahil sa altapresyon ko at sa edad ko na rin." Saad niya.
Si Miss Ramos na aking adviser noong fourth year college, ang siyang tiyahin ni Roman. Ang kinagisnan ni Roman na ina. Dahil maagang naulila si Roman sa kaniyang mga magulang.
"Ganon po ba? Ano naman po ba ang naiisip ninyong business?" Tanong ko.
"Hindi ba at nabanggit mo sa akin noon na gusto mong mag tayo ng Sorbetes Full House? Naisip ko lang kung matuloy iyon, ako sana ang kauna-unahang mag franchise..." malambing na sabi ni Miss Ramos.
"Ah, iyon po ba? Kasi--"
"Nag bago ba ang isip mo?" Tila dismayado ang kaniyang himig.
"Hindi naman, pero naisip ko lang na kung matuloy man ang business na iyon, I think dapat ko na bitiwan ang flower shop na ito." Sagot ko saka huminga ng malalim.
"Kung sa bagay, wala ka rin naman katuwang sa pamamahala para pagsabay-sabayin ang business mo..." Nanghihinayang niyang tinig.
"No Miss Ramos. What I mean is kung aalis man ako sa shop na ito, mapapanatag ako dahil meron naman deserving sa pamamalakad nitong shop." Nakangiti kong sabi habang naka titig kay Mitch, na ngayon ay busy pa rin sa ginagawa.
"So, you mean to say may chance na babalik ka talaga dito sa Pinas?"
"Kagabi ko pa pinag iisipan ang tungkol sa pag balik sa Manila. Wala naman na kasi akong babalikang pamilya pa sa Pinas. Kung dito naman, nalulungkot pa rin ako. Kasi kaya nga ako narito ay dahil sa Mamá at kay Austine, pero ngayong wala na sila, siguro nga dapat ipag patuloy ko pa rin ang buhay ko. Sa Manila." Saad ko saka nag punas ng luha. Luha na dulot ng kalungkutan.
"Kung ganon, matutuwa si Roman! Masaya siguro kung narito ka sa kasal nila ni Ann!" Ulat niya na ikinabigla ko.
"Ho? Ikakasal na yung dalawa?" Hiyaw ko at tila di makapaniwala. Napa sulyap tuloy sa akin ang mga customer sa shop dahil napalakas ang aking tono.
"Oo. Kagabi lang nag propose 'tong si Roman. Ang akala ko nga ay wala ng pag-asa na maging lalaki pa siya!" Natatawang sabi ni Miss Ramos.
"Si Ash po ba 'yan? Ako po muna ang kakausap." Dinig kong tanong ni Roman mula sa kabilang linya.
"Ash! Aasahan kita sa kasal ko. Ikaw talaga ang gusto ni Ann na maging made of honor.."
"Talaga ba? Nako! Hindi ko naman akalian na aabot pala kayo sa ganitong eksena. God! Naiiyak tuloy ako."
"Nasabi ko na ba sa iyong Salamat? Dahil sa iyo kasi nakilala ko si Ann. Nung una mo siyang pinakilala sa akin, Nakita ko na talaga na ikinakasal kami sa simbahan tapos---ako yung naka suot ng gown..." Biro niya saka humagalpak ng tawa.
"Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Nako Roman! Si Ann mabuting tao 'yan. Duwag lang pag dating sa multo. Kailan pala ang kasal? Baka umabot ako?" Tanong ko saka tumitig sa kalendaryo.
"Ah, itong October 9, makakapunta ka ba?"
"Oo. Kaya lang October 9, din kasi yung art exhibit. Mga anong oras ba? Saang Church?" Tanong ko.
"11:30 am sa Manila Cathedral Parish Church." Sagot niya.
"Sige. Darating ako."
"Talaga? Sure ka? Kasi balak ko sana i-surprise ang future wife ko. Gusto ko sanang i-sikreto muna natin. Ano sa tingin mo?"
"Sige ba. Siguradong matutuwa si Ann. Talagang mahal na mahal mo no? Akala ko, friends lang kayo. Kaya pala may pa hatid-hatid ka pa noon! Ang suwerte niyo sa isa't-isa guys. Nakaka inggit." Saad ko sa mahinang boses.
"Alam mo, marami tayong pag-uusapan. Kaya lang mukhang maraming tao sa shop mo ngayon. Busy ka siguro?" Usal niya.
Ganitong oras talaga ay madami ang tao sa aking shop. Agad ko rin binaba ang tawag para naman tulungan at alalayan si Mitch sa ginagawa. Kakarating lang ni Jelai ngayon na mukhang inaantok pa at halatang kakagising lang. Nakayuko lamang ito ng makita ako. Konti na lang ay tatanggalin ko na siya sa trabaho. Sagad na ang pasensiya ko sa katamaran nila ni Ella.
"Good morning. What can I do for you?" Tanong ni Jelai sa lalaking may hawak na red envelope.
"Good morning. Ah- I'm looking for Miss Natasha Amorine?" Napatigil ako sa pag aayos ng mga bulaklak ng marinig ko ang aking pangalan.
"Hello. I'm Natasha Amorine. What can I do for you?"
"Ma'am, Mrs. Orlene Chitah told me to give this envelope to you, Personally because it is confidential."
"Orlene Chitah?" Ulit ko. Saan ko ba narinig ang pangalan niya?
Nanlaki ang aking mata ng bigla kong maalala kung sino siya. Siya lang naman ang kaibigan ni Miss Ramos sa Immigration. Marami siyang connection kaya sigurado ako na nahanap niya na si Spencer Pascual. Mabilis kong kinuha ang red envelope saka inabutan ng cash ang mail man. Matapos niya mag pasalamat, pumasok ako sa comfort room, saka ni-lock ang pinto.
Sinira ko ang sealed saka maingat na nilabas ang Papeles na naroon. Kinakabahan at halos manginig ako habang inilalatag ang papeles na nag lalaman ng mga impormasyon kay Spencer Pascual.
Maraming Spencer Pascual ang lumabas pero may best of three lamang silang pinili na mas malapit sa impormasyong ibinigay ko. Negative ang dalawang information ng makita ko na Masbate ang naka lagay sa Province at isa naman ay Davao.
SPENCER PASCUAL
ORIGIN- 1991 ISABELA PROVINCE OF THE PHIL.
Education Background:
Isabela National High School.
Study at UST MANILA (2 years)
COLLEGE GRADUATE AT UNITED KINGDOM.
MAJORED ECONOMICS IN UNIVERSITY OF UNITED KINGDOM.
PERSON MATCHED:
SPENCER PASCUAL VAHRMAUX-
Multi-millionaire.
CHIEF EXECUTIVE OFFICER.
OWNER OF TRAVEL AGENCY AND VAHRMAUX AIRPORT
MOTHER: MERVIE PASCUAL VAHRMAUX
FATHER: GENEROSO VAHRMAUX- Owner of biggest Agribusiness industry.
Other business: Real-estate.
HE TOOK:
ART LESSON/MUSIC/CULINARY IN SCOTLAND.
"Totoo ba ito?" Sambit ko matapos mabasa ang nilalaman ng envelope.
Nanlambot ang aking tuhod dahil sa natuklasan. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas.
"Kung ganon, ang lalaking tinupad ang pangako niya sa akin-iniwan ko ng ganon ganon na lang?" Nanghihinayang kong sabi habang naka titig sa papel na aking hawak.
"Si Pascual at Vahrmaux---iisa?"
Biglang nanumbalik sa aking isip ang Suka na gawa ng kaniyang ina, ang unang gabi na naming nag kita sa Mariago at ang sinabi niyang "Be my Slave", yung Painting ng puno ng mangga sa mansion niya, siyang puno sa bakuran namin noon. Yung mga eroplanong papel, saranggola, lahat ng iyon, ay mga patunay na si Spencer Vahrmaux ang Mushroom ng batang Ash?"
"Bakit hindi ko man lang siya nakilala? Bakit hindi niya ipinagtapat sa akin ang totoo?"
Saglit akong nag tigil nang makarinig ng katok mula sa labas ng comfort room. Mabilis kong iniligpit ang papeles. At agad dumiretsyo kay Mitch upang ibilin sa kaniya na aalis ako saglit.
Sumakay ako sa taxi at nag pasyang Bumalik ng apartment. Ipinag patuloy ko ang pag babasa ng information tungkol kay Spencer.
May mga larawan din palang kasama ang envelope. Laman din pala siya ng Inquirer kung saan madalas kasama ang iba't-ibang model at beauty queen sa iba-ibang events.
Parang ang hirap paniwalaan. Kung ganon, ako pala ang babaeng una niyang iniyakan? Ako rin marahil ang babae sa Painting na nasa kuwarto niya sa Hacienda. Ang dating buto't-balat, pulubi, baluktot mag english, ngayon ay isa ng multi-millionaire.
Kinuha ko ang stolen photo ni Spencer at tinitigan. Kung ganon, ikaw lang pala yung Mushroom ko? Ako 'to, yung shota na iniwam mo sa gitna ng ulan!
Ngayon ay lumuluha ako sa galak at pait. Dahil sa kabila pala ng pangungulila ko noon sa kababata ko, Hinanap niya ako. At iniligtas sa kamay ng mga taong sinaktan at binigo ako. Pero sa huli, iniligtas ko naman ang sarili ko sa kamay niya na minsan din akong binigo.
Kahit anong pilit, talagang hindi na puwede pa. Isang taon na rin mahigit, malamang nakalimutan niya na ako. Siguro masaya na sila ngayon ni Trixie at ng anak nila?
Mas masakit pala malaman na Si Spencer Pascual at Spencer Vahrmaux, na parehas kong minahal. Iisang tao na Parehas akong nasaktan...
Ang mga mata niyang almond eye, si Spencer at Tita Mervie lang ang nakilala kong may ganong uri ng mata sa bayan namin. Kaya pala...
I'm so proud of you.
Nag tagumpay kang maging alila ako.
Pero bigo akong ipaglaban ka.
I'm not worthy.
Iniwan kita sa kabila ng lahat.
Sana lang-
Maging masaya ang pamilya mo-
Tanggap ko na,
Tapos na ang kabanata
Para sa istorya nating dalawa.
Hindi ko alam kung masaya ba akong malaman ikaw ang parehong lalaki na minahal ko, o dapat ba akong magalit sa sarili ko dahil may parte sa puso ko na umaasang--Ako pa rin sa huli...