webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Mermaid’s Tale: Sister and Magical Seashell

"GINOONG SEIFFER!!!" sigaw ni Azurine nang itapon sa loob ng silid na pinagkukulungan sa kanila ng mga pirata si Seiffer. Nakatali ang dalawang kamay nito at maraming galos sa katawan. Bakas ang dinanas na pagkatalo sa mga kinalaban niyang pirata lalo na kay Serarah.

"A-Azurine, Octavio? Mabuti't ligtas kayo… ugh!" Litaw ang namamagang sugat niya sa binti. Gawa ito ng patalim ni Serarah na humiwa sa kanyang balata. May kalaliman nang kaunti ang sugat niya na tinalian ng tela ni Azurine gamit ang laylayan ng suot niyang bestida.

"Bakit nandito ka? Ginoo? Ano'ng nangyari sa labanan sa isla?" nag-aalalang usisa ni Azurine.

"Ligtas si Lady Liset maging ang iba pa. Salamat sa tinig mo't walang malubhang napinsala sa ating panig. Ang kaso, nalaman nila ang tunay mong pagkatao kaya nagmadali akong pumunta rito para iligtas kayo. Iyon nga lang, hindi ko akalaing malakas pala sa labanan ang isa sa mga hari ng pirata. Sayang sexy pa naman siya't litaw ang makinis niyang legs."

Nagawa pa siyang batukan sa ulo ni Octavio. "Hanggang sa ganitong sitwasyon, manyak ka pa rin!"

"Ikaw naman…"

Natawa nang bahagya si Azurine. Kahit papaano nagagalak siya na hindi malubha ang lagay ni Seiffer. "Susubukan kitang kalagan sa pagkakatali."

"Huwag ka nang mag-abala pa. magic item ang taling ginamit nila sa akin. Pinipigilan ako nitong maglabas ng mana, hindi ko magagamit ang magic spell ko dahil dito. Hayaan mo, kaya ko namang kumilos kahit nakatali ang dalawang kamay ko sa likod." Pinilit ni Seiffer na maupo sa sahig.

Ang tali na ginamit sa likod ni Seiffer ay tinatawag na death string. Dahil sa mahika nito walang ibang makakatanggal mula sa pagkakatali nito kundi ang mahikerong nag-cast nga magic spell sa tali. Kung sino? Hindi alam ni Seiffer dahil wala siyang malay ng matalo siya at maigapos ng mga pirata.

"Ano'ng gagawin natin ngayon? Kapag dumaong na ang barko sa pampang tiyak katapusan na ng lihim ni Prinsesa Azurine," pabulong na wika ni Octavio.

"Sa totoo lang, kahit ngayong nasa dagat tayo… delekado pa rin. Tandaan n'yo kapag nalagyan ng tubig alat ang mga paa mo, babalik ka sa pagiging sirena." Itinuon niya ang pansin sa kinakabahang sirena. "Pero, huwag kayong mag-alala siguradong paparating na sina Eldrich para tumulong sa atin."

"Si Prinsipe Eldrich? Ang aking prinsipe!"

"Hay! Itigil mo nga 'yang pagpapantasya mo sa mga oras na 'to!" Napakamot sa batok si Octavio. Nasa bingid na nga sila ng panganib nagagawa pang managinip ng gising ng kaibigan niyang sirena.

"Totoo 'yan kaya huwag na kayong mag-alala, nyahaha!!!" sumabay pa nang halakhak si Seiffer.

Napasapo sa noo si Octavio. "Kung sana'y naririto lang para tumulong ang ibang sireno at kawal ng kaharian siguradong maililigtas nila tayo." Tinuon niya ang tingin kay Azurine.

"Octavio, huwag na tayong umasa kina Ama. Alam mong matinding kaparusahan ang kakaharapin natin kapag nakita nila tayo. At kahit humingi tayo ng tulong siguradong walang tutulong sa atin. Takot din sila kay Ama," malungkot na paliwanag ni Azurine sa kaibigan.

Hanggang ngayon ay wala silang balita sa nangyayari sa ilalim ng karagatan kung saan sila nagmula. Ang huling tapak nila sa kaharian ng Osiris ay noong mga sirena't pugita pa silang dalawa. Sa ngayon, batid nilang malaki ang maitutulong sa kanila ng mga nilalang sa ilalim ng dagat. Iyon nga lang, walang maglalakas loob na tumulong sa kanila lalo na't kapag nalaman ng hari ang kinaroroonan nila.

Bumukas ang pinto't dinampot silang tatlo bago pinasunod ng lakad ng mga tauhang pirata. Dinala sila sa labas, sa ship deck kung nasaan si Serarah. May mahabang plank sa gilid na kapag tumapak ka rito't nawalan ng balanse'y mahuhulog ka sa tubig dagat.

"Dalhin n'yo ang sirana sa harap ko." Humakbang ng lakad si Serarah sa gilid kung nasaan ang unahang bahagi ng wooden plank. "Ilagay siya sa ibabaw!" utos pa nito.

"Teka ano'ng balak n'yon gawin?!" natatakot na usal ni Azurine.

Pero wala siyang nagawa gano'n din sina Seiffer at Octavio. Inilagay nila sa ibabaw si Azurine saka tinutukan ng patalim.

"Lumakad ka!" mariing utos ni Serarah kay Azurine na ayaw sundin ng dalaga.

Inilabas ni Serarah ang dual knife niya bago hinawi ang laylayan ng damit ni Azurine. Napaatras si Azurine at nadulas nang humakbang siya paatras patungo sa pinakadulo ng wooden plank.

"Azurine!!!" sigaw ni Seiffer at Octavio.

"Ngayon, tingnan natin kung magagawa n'yang lumangoy sa karagatan! Isa siyang sirena hindi ba?"

"Mga halimaw kayo!!!" galit na sigaw ni Octavio. Hindi niya masabing hindi magagawang lumangoy ni Azurine sa kadahilanang siya ay may sumpa.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Seiffer. Tinabig niya ang piratang nakahawak sa kanya bago tumalon sa barko kahit nakatali pa ang dalawang kamay niya sa likod.

"Ginoo!!!" sigaw na lamang ang nagawa ni Octavio.

***

MABILIS na bumababa si Azurine sa ilalim ng dagat. Wala na ang mga paa niya't bumalik ang bunot sirena niya. Nanghihina't hindi makahinga sa ilalim ng dagat. Ito ang kapalit ng kanyang mga paa ang hindi makakalangoy tulad sa isang sirena. Lalamunin siya ng kailaliman ng karagatan hanggang bawian siya ng buhay.

Hindi naman papayag si Seiffer na mangyari iyon. Pilit niyang inaabot si Azurine kahit nakatali ang mga kamay niya sa likod. Hindi rin magawang mag-cast ng magic spell ni Seiffer dahil sa magical item na tali.

Sa gitna ng lahat isang kumikinang na nilalang ang dumating. Halos maubos na rin ang hangin ni Seiffer sa bibig. Nang maaninag niya ang kulay kahel na nagpapaikot-ikot sa paligid niya. Naramdaman ni Seiffer na kinalagan ng nilalang na ito ang tali sa likod niya't nagawa na niyang mag-cast ng magic spell.

Kahit sa isip lamang iyon gumana pa rin ang magic spell niya. Isan magic bubble ang ginawa niya kung saan may hangin sa loob para siya makahinga. Nang tuluyan niyang masilayan si Azurine na nilalamon ng kailaliman ng dagat nagmadali siyang tinungo at iniligtas ang sirena.

"Azurine!!!" tawag niya sa walang malay na sirena. "Hindi kita hahayaang mamatay! Ililigtas kita anuman ang mangyari!!!"

"Mukhang marami siyang nainom na tubig dagat," sambit ng napakagandang nilalang sa harapan ni Seiffer.

"Teka! I-isa kang, sirena?" bulalas niyang sambit. "Kahawig mo si Azurine. Kulay kahel nga lang ang iyong buntot. Teka, kapatid ka ba niya?" Napansin ni Seiffer ang munting koronang nakapatong sa ulo ng sirenang may kulay kahel na buntot.

"Oo ako ang nakatatandang kapatid ni Azurine, ako si Celes. Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala. Siguradong magagalit ang buong karagatan ng Azura kapag nalaman ni Ama na natagpuan ko na si Azurine. Matagal na siyang pinapahanap ni Ama, subalit walang may gustong magtungo sa ibabaw ng lupa. Kaming mga sirena ay hindi maaaring makihalubilo sa inyong mga nilalang na may mga paa. Matigas lang talaga ang ulo nitong kapatid namin. Tinakasan niya si Ama sa araw mismo ng kanyang kaarawan. Nakatakda na dapat makilala ni Azurine ang kanyang magiging kabiyak na sireno nang tumakas siya sa palasyo."

"Isang prinsipe ang dahilan kaya siya narito sa lupa…"

"Ikaw ba ang prinsipeng iyon?"

Nagulat bigla si Seiffer sa tinanong ni Celes. Hindi siya nakasagot kaagad. Napatitig lamang si Seiffer sa magandang mukha ni Celes. Si Celes ay may kulay kahel na buhok, kulot at kahel din ang mga mata. Napakaputi niya at malungkot ang mga mata. Maging ang boses ni Celes ay may kalungkutan din.

"Ikaw man o hindi, pakiusap… ingatan mo ang kapatid namin. Mahalin mo siya, ginoong?"

"Seiffer! Seiffer Wisdom!" pakilala niya.

"Ginoong Seiffer. Paalam!" Lumangoy nang bahagya si Celes. "Maging maligaya sana ang kapatid ko sa piling mo, Ginoong Seiffer!!!"

"Teka nag—"

Kumaway at tuluyang naglaho sa tubig si Celes. Hindi na nagawang ituloy ni Seiffer ang sasabihin niya.

"Hindi ako isang prinsipe…" malungkot na bulong ni Seiffer.

Wala pa ring malay si Azurine. Patuloy lang sila sa pag-angat sa tubig patungo sa ibabaw ng dagat. Ngayong nakawala na siya at makakagamit na rin ng mahika magagawa na niyang iligtas nang tuluyan sina Azurine. Kaya lang naman siya nagpahuli kanina ay dahil para malaman ang kinaroroonan nilang dalawa. Hindi nga lang alam ni Seiffer na may itinatagong magic item si Serarah kaya nagawa nitong itali ang mga kamay niya upang hindi siya makagamit ng mahika.

"G-Ginoo?" Dahan-dahang iminulat ni Azurine ang kanyang mga mata. Yakap siya sa bisig ni Seiffer. Damang-dama ni Azurine ang dibdib ni Seiffer sa kanyang pisngi.

"Gising ka na pala, Azurine. Huwag kang mag-alala siguradong ligtas ka na." Itinuro niya ang nagliliwanag na ibabaw ng tubig. Nasisilayan na rin nila ang ilalim ng barko. "Sa oras na lumitaw tayo sa ibabaw ng tubig, ating ililigtas si Octavio tapos gagamit ako ng instant transmission magic para makapunta tayo sa ibang lugar."

"Paano sina Prinsipe Eldrich?"

"Huwag kang mag-alala, magpapadala ako sa kanya ng tunog gamit itong mahiwagang kabi—"

"Ang kabibe ko?!!"

Huli na nang maisip ni Seiffer ang lahat. Nagulat si Azurine nang makita niya ang mahiwagang kabibe na nakasabit sa leeg ni Seiffer.

"Paano napunta sa 'yo ang kabibe ko?" atubiling tanong ni Azurine na hinahanapan niya ng mabilis na sagot.

"M-Matagal nang nakasabit ito sa leeg ko. Ginagawa ko itong kwintas…"

Kahit hirap si Azurine dahil sa buntot niya'y pilit niyang hinawakan ang kabibe. Siniguro niya na sa kanya nga iyon.

"Hindi ako maaaring magkamali! Sa akin 'to! Ito ang ibinigay ko kay Prinsipe Eldrich nang iligtas ko siya noong mga bata pa kami! Ito ang nagdala ng barko para mailigtas siya sa dalampasigan. Paano na punta sa 'yo 'to?"

"Pakiusap… ipapaliwanag ko sa 'yo sa oras na miligtas ko na kayo ni Octavio…"

May kakaibang pakiramdam si Azurine. Naramdaman na niya ito no'ng una niyang makilala sa palengke si Seiffer. Nanatiling tahimik si Azurine, kanyang pinagmasdan ang mukha ni Seiffer.

Pagkaahon nila sa ilalim ng tubig ay siya namang pag-cast ng magic spell ni Seiffer upang mapunta sa kanila si Octavio. Nang magkakasama na sila sa loob ng magic bubble sa isang kisap mata'y naglaho sila sa paningin ng mga pirata.

Tahimik at walang kibo sa pagitan nina Seiffer at Azurine. Ano nga kaya ang dahilan, bakit nga ba nasa kanya ang mahiwagang kabibe ni Azurine?

"Tinanong ko noon si Prinsipe Eldrich kung nasa kanya ang mahiwagang kabibe. Nagtaka ako sa sagot niyang hindi niya maalala ang importanteng bagay na tulad nito!"

"A-Azurine…"

"Prinsesa, ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nasa kanya ang mahiwagang kabibe ko, Octavio. Paano napunta sa kanya 'to?!" Pinutol ni Azurine ang kabibe mula sa pagkakasuot sa leeg ni Seiffer.

"Sa 'yo nga iyan, Prinsesa. Walang katulad ang kabibeng iyan. Tanging ang batang prinsipe ang pinagbigyan mo niyan hindi ba?"

"Oo! Kaya sabihin mo, Ginoong Seiffer… sino ka bang talaga?!"