webnovel

Suspicious Guy

One year ago..

Athena.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga sa aking kama at dumiretso sa CR and do my morning rituals. Pagkatapos non ay bumaba na ako sa sala, nadatnan ko naman sila mom and dad na nanunuod ng TV. They are so sweet with each other like teenagers couple. That's why I can't help only but to smile.

"Good morning." Bati ko sa kanila at pumagitna ako sa kanilang dalawa. Oh well, this is really my kind of mornings.

"Good morning sweetie." My mom replied with a big smile on her face. Why so pretty, mom?

Si mom and dad ko ay isang leader ng isang secret agency na isa sa pinakamalakas sa buong Pilipinas. Delikado ang trabaho nila kasi maaaring manganib ang buhay nila sa mga ginagawa nila. I'm scared of losing them. 'Yong secret agency kasi na 'yon ay isang group company na nagbabantay o nagliligtas sa mga elite people like the president. Ang ikinababahala ko ay naassign sila na bantayan ang isang mafia leader.

Lagi akong nangangamba sa kalagayan ng parents ko. Parang ang isang paa nila ay nakalubog na sa hukay dahil sa trabaho nilang maaaring buhay na nila ang kapalit. It's too dangerous! I want to replace them on doing that job but they are always insisting. They won't let me do that silly idea.

"Mom, dad, pupunta lang po ako kay Thamia." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Sure, but don't be late on coming home." My dad said with a hint of menace on his voice. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. He's a strict dad who always gives me a curfew. Tch, I'm already 15 and I know what the wrong and right doings are.

"Bye mom and dad." I said then started to walk while waving a good bye to them.

Si Thamia nga pala ay pinsan ko. Their house is just right in front of ours kaya nga I don't get my dad why he still gives me a curfew. We're just same age and she's older than me for about three months but I'm older when it comes on maturity. To be honest, she's like a sister to me because we are indeed close like a twin.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong tumawid at nagdoor bell. Pagkatatlong pindot ko ay bumukas na yung gate nila at bumungad sa'kin si tita Rose. The younger sister of my dad.

"Hi po tita! Nasaan po si Thamia?" Tanong ko kasi hindi si Thamia yung bumungad sa'kin e. Madalas kasi, siya yung nagbubukas ng gate.

"Nando'n siya sa kwarto niya Athena. Pasok ka." Sabi sa'kin ni tita habang pinagbubuksan ako ng gate.

"Salamat po tita. Dideretso na po ako kay Thamia." I said then I immediately run towards her room. Feel at home ako dito eh.

Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Thamia ay agad ko 'yong binuksan, wala ng katok-katok. Nadatnan ko naman siya na nakadapa sa kama niya habang nakaharap sa laptop niya. What a techie girl!

"Hey! Your beautiful cousin is already here." Pang-aasar ko sa kaniya. Well, sa'ming dalawa siya ang mabilis mainis o hindi kaya ang maasar.

"Where?" She asked not bothering on facing me. So mean!

"Tch, here." I said while pointing my index finger towards me.

"Ow, really? Do you think you're beautiful?" See? Naiinis na siya niyan.

"Ay hindi ba?" Tanog ko at lumapit na ako sa kaniya. Naupo ako sa edge ng kama niya at agad kong sinara ang laptop niya. Agad siyang napaupo sa ginawa ko at agad akong pinaningkitan ng mga mata. She's angry now.

She was about to whine at me when I immediately cover my hand on her mouth, "Istorbo sa pag-uusap natin." Seryosong sabi ko.

"What brought you here?" Tanong niya sabay sandal sa headboard ng queen sized bed niya.

"My feet." Pamimilosopo ko sa kaniya kaya naman agad niya akong nabato ng unan. Agad ko naman 'yong sinalo at niyakap.

"I have no time for jokes Athena." She seriously said then she rolled her eyes.

"Haha! Chill lang insan. You're too hot! What's with the day?" Tanong ko nang mapansin kong may problema siya.

"Psh..My boyfriend broke up with me!" She said then she cuddled the throw pillow besides her.

"What's the reason?"

"I don't know! He didn't tell me why. A while ago, tumawag siya saken and he said that he wants a break up."

"Hindi mo alam ang rason?!"

"Obviously, right? Kakasabi ko lang di ba?" Sinabi niya sa'kin habang nakasubsob yung mukha niya sa unan. I knew it, she was about to cry.

"Psh! He's not worth the tears." I said while caressing her back.

"Ang drama ko naman!" Sabi niya habang pinupunasan yung magkabilaang pisngi niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan. She's the typical kind of girl that's jolly and always laughing or smiling, she used to be like that.

"Ano ka ba? Normal lang 'yan sa isang katulad mo na may ganiyang problema! Let's go?"

"Where?" She asked with a frown face. She's curious.

"Mall." I said and it made her smile again. I know it's the least thing I can do for her to soothe the pain that she's carrying for now.

"Sure!" Sagot niya at agad siyang bumangon sa pagkakahiga.

"I want this! This, this and this!"

Hay! Ganiyan talaga si Thamia kapag stress or hindi kaya 'pag may problema. Lahat nalang gusto niyang makuha. Stress reliever niya kasi ang pagsho-shopping. Nandito kasi kami ngayon sa isang botique shop sa malapit na mall samin. Tsk, ako? Wala naman akong hilig sa mga ganiyang bagay eh! Kaya nga minsan napagkakamalan na akong tomboy, pero hindi ah! I'm a pure hearted-girl, hindi nga lang halata. Sa pananamit ko, sa kilos ko? Masasabi mo ngang tomboy ako but seriously not.

"Are you going to buy a dress or just stare at me?" Tanong niya habang hawak-hawak ang mga damit na napili niya.

"Nah! I'm not interested." Bored na sagot ko. Well, this is me and I used to be like this for every moment.

Nagcross-arms naman si Thamia at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "Hay, Athena! Kaunti nalang talaga at maniniwala na ako sa sinasabi nila na tomboy ka."

"Edi maniwala ka sa kanila." Panghahamon ko.

"Aha! You need a make-over." She said then she grabbed my arm and holds it tightly. What the hell is wrong with her?

"Ano bang pinag--" Hindi na natapos yung sasabihin ko kasi tinulak ako agad ni Thamia papasok sa fitting room.

"What the hell are you doing Thamia? Stop--" Sinara na niya agad yung pinto ng fitting room. Thamia talaga, lagot ka talaga sa'kin mamaya paglabas ko dito. Mayamaya lang ay may tumama sa mukha ko ang isang ang red above the knee dress.

"Suotin mo yan Athena." Dinig kong sabi niya mula sa labas.

"Seriously? Alam mo namang ayaw ko magsuot ng mga gan'tong damit e!" Reklamo ko habang diring diri na tinititigan yung damit na hinagis niya sakin. This is so so!

"Susuotin mo 'yan sa gusto at sa gusto mo."

"Well, I don't have any option you bitch."

"Aysh! In ten minutes dapat tapos ka na."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Thamia. She's so bossy and that's the one thing I don't like. Humarap ako sa whole-length mirror at tinignan ko ang sarili ko. I just wear a blue jersey, what's the problem with this fabrics?

Agad na ako nagbihis ng damit na inihagis sa'kin ni Thamia at pagkatapos no'n ay tinignan ko ulit yung repleksyon ko sa salamin.

"Anak, you're a teenager na. Try to be conscious to your look. Maganda ka naman eh, kung matututo ka lang mag-ayos ng pambabae."

Naalala ko na naman tuloy yung laging sinasabi sa'kin ni mommy. She used to tell me that kind of statement.

Agad akong lumabas ng fitting room at nadatnan ko naman si Thamia na nakaupo sa cemented seat.

"Wow! Look at yourself Athena, you look stunning. Huhuhu, I admit, mas maganda ka nga sa'kin. Tama nga ako, bagay na bagay sayo ang color red dress." She said in a dramatically way. What an actress!

"Ayaw ko nga ng gan'tong damit eh! Pangprostitue ang dating." Sabi ko habang pilit binababa yung dress kahit ayaw nang mababa. Feeling ko kasi kaunting galaw ko nalang, masisilipan na ako. Well, sadiyang ganito ako ka-conservative.

"Pangprostitute ka diyan? Dress lang po yan. Buti sana kung pinagsuot kita ng panty at bra, OA mo masyado. Let's go?" Tanong niya habang taas-baba pa ang kilay niya. Ano na naman bang trip ng babaeng 'to?

"Huh? Saan?"

"Basta!" Sabi niya at hinatak na ako palabas ng boutique.

"Oy! Nabayaran mo na ba 'tong damit?" Tanong ko habang patuloy pa rin siya sa paghatak sa'kin.

"Malamang! Hahatakin ba kita palabas dun kung hindi ko pa yan nababayaran? I'm not a shoplifter."

"Haha! I know, I know. "

Hay. Nangalay leeg ko don ah. Pano ba naman kasi, hinatak ako ni Thamia papasok sa isang salon at ayun, inayusan ako. Kanina ko pa nga gustong burahin 'tong make-up sa mukha ko 'e. Shit! My face is now starting to become itchy.

Kasalukuyan kaming nandito ni Thamia sa Greenwich at hindi pa dumadating yung order namin kaya naisipan kong mag-CR.

"Thamia, punta lang akong restroom ah." Pagpapaalam ko at tinanguan niya lang ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pumasok na sa CR. Buti nalang at ako lang ang tao dito. Agad kong binuksan yung gripo at binasa ko yung scarf na dala ko at agad ko itong pinahid sa mukha ko. After mabura nung make-up sa mukha ko ay pumasok na ako sa isang cubicle at nagpalit ng damit. Buti nalang at may nadaanan kami ni Thamia na Hammerhead na store. Nakasuot na ako ngayon ng black t-shirt na pinarisan ko ng ripped jeans.

Lumabas na ako ng CR at pumunta sa table namin ni Thamia at syempre nagalit siya sa'kin kasi ayaw ko daw pagbigyan yung gusto niya. Hangga't sa makalabas kami ng Greenwich ay nakasimangot pa rin siya.

"Uy! Wag ka ng magtampo. Promise simula bukas, magbibihis pang-babae na ako. Ayaw na ayaw ko lang talaga na naglalagay ng make-up kasi nangangati yung mukha ko." Sabi ko habang hinahabol siya dahil ang bilis niyang maglakad. Well, ganiyan talaga siya kapag nagtatampo.

Agad naman siyang napalingon sa sinabi ko at ngumiti, "Sure yan ah?"

"Oo ba! Basta para sa'yo."

"Hihihi. Sige, sige. Basta, gagawin mo yan ah? Pinkie swear?" Tanong niya habang nakalahad sa harap ko yung hinliliit niya, agad ko namang pinulupot yung hinliliit ko dun.

"Pinky swear! Tara na sa parking lot."

Habang naglalakad kami ni Thamia papunta sa parking lot, feeling ko may sumusunod sa'min. Baka guniguni ko lang yun? Pero, parang may mali talaga 'e! Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko. Wala namang tao. Binalewala ko nalang yung instinct ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Athena! Ang bagal mo naman maglakad." Pag-iinarte ni Thamia. Hindi ko magawang bilisan maglakad dahil pakiramdam ko may tao sa likod ko.

"Ah, sige mau--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may nagtutok ng kutsilyo sa leeg ko.

"Wag kang gagalaw, sumunod ka nalang kung s'an man kita dadalhin." Sabi ng isang lalaki na nasa likod ko. Tsk. Mukhang mapapasabak ako sa gulo nito.

"Ikaw! Subukan mong humingi ng tulong at magsisisigaw diyan, ikaw ang uunahin ko." Pagbabanta niya kay Thamia na ngayon ay halatang ninenerbyos na sa takot. Fuck this man behind me!

Ito na nga ba ang sinasabi ko 'e, napakadelikado ng trabaho nila Mom and Dad. Kaya pati ako nadadamay pati na rin yung mga taong malapit sa'min.

"Sumunod ka nalang sa'kin kung ayaw mong matapos ang buhay ng pinsan mo pati na rin ang mga magulang mo." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nung lalaki. Stalker ba 'to? Malakas talaga ang kutob ko na may nag-utos nito sa kaniya.

Mukhang magagamit ko ngayon ang tinuro sa'kin ni Dad. Tinuruan niya kasi akong mag-sparing. Tinignan ko si Thamia at sinenyasan na mauna na siya sa loob ng kotse. Ayaw ko na mapahamak siya. Agad naman niyang sinunod yung sinabi ko.

Naghintay muna ako ng tiyempo at nag-isip ng plano kung pa'no ako makakatakas sa kupal na 'to. Agad kong hinawakan ang kamay ng lalaki na may hawak na kutsilyo at pinilipit ko 'yon na naging dahilan ng pagkabitaw niya sa hawak niyang patalim.

"Ugh! Palaban kang babaeng ka huh?" Daing niya sa sakit.

Ngayon ko lang napansin na nakamask pala na itim yung lalaki. Akmang susugudin niya na ako ng suntok niya nang agad kong kinuha ang nalaglag na kutsilyo at tinutok ko iyon sa kaniya, "Sige, subukan mong lumapit! Matutuluyan ka talaga."

Sasaksakin ko na sana siya sa tagiliran ng tabigin niya ito gamit ang kaliwang kamay niya na naging dahilan ng pagkasugat nito, "Shit!"

"Tsk." Hinagis ko ang kutsilyo na hawak ko at ngumiti sa kaniya saglit, "Maglaban tayo ng patas."

Sinugod ko siya at agad na sinuntok sa mukha. Tinignan niya lang ako nang masama at humugot ng baril sa bulsa, "I don't play fair! Magdasal ka na, haha! Dapat ko ng tapusin ang inutos sa'kin." Pagkasabi niya n'on ay agad niyang kinasa ang baril at akmang kakalabitin niya na yung trigger ng baril nang may nakapa ako sa paa ko. Yung kutsilyo na hinagis ko. Kinuha ko 'yon gamit ang dulo ng paa ko at hinagis pataas at sinalo ko. Pagkasalo ko 'non ay pinutok na niya yung baril. Hinagis ko naman sa bandang puso niya yung kutsilyo at agad akong umilag sa bala ng baril na papunta saken. Umilag din naman siya sa kutsilyo na hinagis ko pero nadaplisan yung braso niya.

"Ugh!" Nang matumba na yung lalaki ay agad akong lumapit sa kaniya at hinapit ko pataas yung mask na suot niya upang makita ko yung buong mukha niya. Tumambad naman sa'kin ang isang lalaking kasing edad ko lang, siguro.

"SINONG NAG-UTOS SA'YO NA IPAPATAY AKO?" Tanong ko habang nagtitimpi ng galit.

"Hinding hindi mo yun malalaman." Sagot niya habang nakangisi pa.

Aba, makulit talaga 'to ah. Sinuntok ko siya sa mukha para mapa-amin pero mukhang matigas talaga ang bungo niya.

"Haha! Kahit patayin mo ako, hinding hindi mo malalaman ang sagot sa tanong mo."

"Ganun ba? So pwede na pala kitang patayin kasi wala ka ng silbi, 'yon ba ang gusto mong mangyari?" Tanong ko habang pinupulot ko yung baril at pinapahid yung dulo n'on sa mukha niya. Napahinto ako sa ginagawa kong paglalaro ng baril dahil sa sumunod na sinabi niya.

"Tama nga sila. Malalaman mo rin sa tamang panahon ang sagot sa mga tanong mo. Sa ngayon hindi pa pwede kaya sige lang, patayin mo na ako."

Naguluhan naman ako bigla sa sinabi ng lalaking 'to. Tama nga sila? Tamang panahon? Huh? What the hell is wrong with this guy?

"No! Hindi ko muna tatapusin ang buhay mo dahil sigurado ako na magkikita pa tayo at kapag nangyari 'yon, maghanda ka na ng sagot sa mga katanungan ko."

Pagkasabi ko 'non ay agad ko na siyang iniwan at naglakad palayo kaso napahinto ako sa mga sinigaw niya, "Psh! Wag kang masyadong mabait, baka yan pa ang ikadahilan ng pagkawala ng buhay mo."

Nagtayuan talaga ang balahibo ko sa mga sinabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kotse ni Thamia.