webnovel

Premonition

Someone.

"Simpleng bagay hindi niyo nagawa? Tatlo laban sa isa? Nasa'n na 'yong mga tinuro ko sa inyo, ano? Lumabas na sa kukote niyo?" Sigaw ko sa tatlong tauhan ko na ngayon ay nasa harap ko at mga sugatan pa. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang mga itsura nila pagbalik nila sa'kin. Akala ko, magagawa nila ang pinapagawa ko.

Well trained sila kaya hindi sila maaaring matalo lang ng kung sino-sino!

"La Eme Ricko, magaling po siya." Saad ng isa kong tauhan habang nakayuko pa.

"Wala akong pakialam kung magaling siya! Ang inutos ko sa inyo, kitilin ang buhay niya, mahirap bang gawin 'yon?"

"Sorry po La Eme Ricko. Gagawin po namin ang gusto niyo sa lalong madaling panahon."

"Siguraduhin niyo lang. Kung hindi niyo magagawa ang inuutos ko, buhay niyong tatlo ang mawawala, kuha niyo?" Paniniguro ko. Puro nalang pangako ang tatlong 'to. Sila ang inaasahan kong papatay sa babaeng 'yon pero ano, mukhang sila pa ang mawawala sa landas ko.

"Makakaasa po kayo."

"Magsi-alis na nga kayong tatlo sa harapan ko!" Pagtataboy ko sa kanila kaya naman agad din silang umalis. Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa mga pangyayari. Kung hindi ka nila mapatay-patay, ako mismo tatapos sa buhay mo.

Athena.

Tsk. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin ang nangyayari sa paligid ko. Bakit nila ako gustong patayin? Wala naman akong maalalang pinagkakautangan ko.

"Ms. Choi! You're not even listening to my discussion. If you're not interested, you may go outside. The door is open."

Naku! Umuusok na naman ang ilong ng teacher namin. Nawala kasi sa isip ko na nasa school nga pala ako.

"Sorry sir."

Hayy..Ganito pala ang pakiramdam nang may bumabagabag sa'yo. Feeling ko tuloy, wala na ang ibang tao sa paligid ko kasi ang iniisip ko nalang ay 'yong sarili ko, isama niyo na rin ang pagkabigat-bigat kong problema sa buhay.

"ANO?! Grabe naman sila, 1 vs. 3? Buti nalang magaling talaga ang pinsan ko pagdating sa pakikipaglaban!" Proud na sabi ni Thamia habang nakataas pa yung kamao niya. Baliw talaga, kahit kailan.

Naikwento ko na kasi kay Thamia yung nangyari kagabi, kanina pala 'yon kasi madaling araw na yun nangyari.

"Pero, ano bang motibo nila at bakit gusto ka nilang mapatay?"

Napaisip din ako sa tinanong ni Thamia. 'Yan din ang tanong na palaging tumatakbo sa isip ko eh. Ang motibo nila sa pagkitil sa buhay ko.

"I don't know. Sa t'wing tinatanong ko sila, they'll just leave my question hanging." Sabi ko habang patingin-tingin lang sa mga estudyanteng nagdadaanan.

"Pa'no kung dahil ito sa trabaho nila tita and tito?"

Natahimik nalang ako sa sinabi ni Thamia. May punto naman kasi siya. Pero ayaw ko munang magjump into conclusions dahil wala pa naman akong proweba na 'yon nga ang dahilan nila.

"Basta insan, mag-iingat ka palagi. Kahit amasona ka, alagaan mo 'yang sarili mo." Puno ng pag-aalalang sinabi sa'kin 'yan ni Thamia kaya naman nahampas ko nalang siya sa braso. Oh well, that's my way of saying thank you.

"Aye aye captain! You don't have to worry 'cos I can handle myself. Osya, CR muna ako ah. Masyado kasi akong kinilig sa pag-aalala mo sa'kin."

Natawa nalang siya sa sinabi ko kaya naman naglakad na ako papuntang CR. Para kasing sasabog na yung pantog ko e.

Nang makarating na ako sa tapat ng ladies room ay nakarinig ako ng mga babaeng nag-uusap. Hindi ko alam pero parang may sariling utak yung mga paa ko dahil huminto na lamang ako sa paglalakad at nagtago sa likod ng pinto para marinig yung usapan nila.

"Dito siya nag-aaral, believe me."

Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Her voice, it sounds very familiar. Para bang narinig ko na 'to dati pa.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo, hindi ako pwedeng magkamali."

"Siguraduhin mo lang kasi baka malagot tayo nito kay boss."

Biglang nanlambot ang tuhod ko sa aking napakinggan. I knew it. Kaya pala pamilyar yung mga boses nila. Sila yung mga babaeng nakalaban ko kanina sa pool area. Dahil sa narinig ko ay agad akong tumakbo. Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong naupo sa tapat ni Thamia habang hinahabol ko ang aking hininga.

"You look pale, Athena." Saad ni Thamia habang inuusisa ang aking mukha. Agad naman akong umiling at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Wala lang 'to." Pagsisinungaling ko. 'Wag kang matakot Athena. Kakayanin mo ang kung anumang hamong dala nila sa buhay mo.

GULONG-GULO na talaga ako. Para bang sasabog na yung utak ko sa kaiisip sa mga nangyayari. Siguro, dapat ko na 'tong ikonsulta kay mama at kay papa. But how am I able to do that if they aren't here? Nandito lang kasi sila sa bahay t'wing weekend. Saya ng pamilya namin 'no? T'wing Sabado't Linggo lang nakukumpleto.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang kwarto ni Mom & Dad. I'm sorry mom and dad. I desperately need to do this.

Pumasok na ako sa kwarto ni mom at dad. Tumingin muna ako sa paligid kung may iba bang tao, nang ma-sure ko na walang tao ay agad akong dumiretso sa lagayan ng files nila. Ang pagkakaalam ko, ang mga nakalagay dito ay yung mga masyadong confidential.

I let out a deep sigh first before I open it. Naghalungkat ako ng naghalungkat nang may mahagip ang dalawang mata ko.

"Certificate of adaption?" Hindi makapaniwalang sinabi ko sa sarili ko nang mabasa ko ang nakalagay sa isang papel. What the hell is the meaning of this?

Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko ngayon. Tinignan ko ulit yung papel at binasa. Fallen Angel Orphanage.

Narinig kong dahan-dahang bumubukas yung pinto kaya agad akong napatago sa ilalim ng kama. Naknang! Sa dinami-dami ng pwede kong makalimutan, yun ay 'yong i-lock pa ang pinto.

Damn! Naiwan ko palang nakabukas yung drawer at nakalapag pa sa ibabaw ng desk yung papel na nakita ko. Bakit ba may gano'n ang mga magulang ko? Sana.. mali ang hinala ko.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa desk, "Naku! May nakialam na naman dito. Ako ang malalagot nito eh."

Nakahinga na ako ng maluwag nang marinig kong sumara na yung pinto. Si manang lang pala, akala ko naman kung sino na eh.

Agad na akong lumabas sa pagkakatago sa ilalim ng kama at bumalik na ako sa desk na pinag-iwanan ko nung papel kanina...pero, kapag minamalas ka nga naman!

"Manang, bakit mo 'to ni-lock?" I hissed under my breath. Hindi ko pa tapos basahin yung certificate eh.

Dahil sa kawalan ko ng pag-asa ay lumabas nalang ako ng kwarto ng parents ko at pumasok na ako sa sarili kong kwarto.

Pumunta ako sa mini fridge at kumuha ng root beer, agad ko naman iyong binuksan. Naglakad ako papunta sa balcony at sumandal sa may railings no'n. I can't help but to smile while taking a glimpse on the perfect view. Habang umiinom ako ng root beer ay pinapanuod ko rin ang paglubog ng araw.

Ano bang meron sa buhay ko? Bakit parang hindi ko pa kilala ng lubusan ang sarili ko?

Maya-maya lang ay napag-isipan ko na pumunta sa park kaya bumalik muna ako sa loob ng kwarto ko at nagbihis, I just wear a loose black shirt and jeans. Pagkatapos no'n ay nilagay ko sa aking tagiliran ang aking scottish claymore at brass knuckles.

Simula kasi nung may nangyari sa parking lot ng mall pati na rin yung sa pool area ay dapat lagi na akong may dalang panangga, para may pang-laban ako sa kung sino man ang darating na kalaban para patayin ako. Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso agad ako sa sala. Sakto namang nadatnan ko si manang na naglilinis.

"Manang, pupunta lang po ako sa park." Pagpapaalam ko. Napahinto naman siya sa ginagawa niya at pinasadahan ako ng tingin.

"Sige iha, basta umuwi ka rin ng maaga. Gabi na at delikado sa daan lalo na't babae ka." Tumango nalang ako at binigyan ng isang mahigpit na yakap si manang.

Pumunta na ako sa garahe namin at agad akong pumasok sa kotse ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinaandar nang mabilis yung kotse ko papuntang park.

NANDITO ako ngayon sa swing, mag-isa. Siguro, kung may ibang tao lang dito, ano bang malay ko't tumakbo na 'yon dahil sa takot kung makita man niya ako sa gan'tong posisyon. Mukha na kasi akong nasa horror movie eh.

Madilim na nga, anong oras na ba? I look at my wrist watch, it's already eight in the evening.

The cold wind brushes through my skin, I can't help but to tremble because of the sensation it brings.

Napahagod nalang ako sa magkabilang braso ko para maibsan ang lamig na nararamdaman ko. I need someone that can help me on my problems.

"May I join you?" Okay, mukhang masyadong mabilis matupad ang hinihiling ko ah.

Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita. Tanging ang street light lang at ang buwan ang nagsisilbing ilaw dito kaya medyo kita ko naman yung mukha niya. Siguro nasa mid-30's na siya base sa facial features niya.

"Oo naman po sir." Magalang na sagot ko.

"Don't call me sir, just Cosa Nostra Franc."

My body became weak because of what I'd heard. Ang pagkakaalam ko kasi, ang Cosa Nostra ay term para sa mga American mafia boss. Nakakakilabot naman 'tong si manong.

"Ah..err--Cosa nostra Franc?"

Napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko yung usok na nanggagaling sa sigarilyo niya. Nyemas! Ayaw ko pong magkaroon ng lung cancer, uy! Nagiging sidestream smoker tuloy ang lagay ko nito.

"Naguguluhan ka pa, ano? Alam kong mahirap pero bandang huli, maiintindihan mo rin ang lahat. Sadyang may mga bagay na hindi pa dapat ngayon malaman. Everything falls into place, a right one." Natulala naman ako sa sinabi niya. Manghuhula ba 'to o ano? Pa'no niya nalaman ang tungkol sa pinoproblema ko?

"Ah? Ano pong pinag--" Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko kasi agad siyang sumingit.

"See? I knew it! Wala ka pa ngang kaalam-alam, but don't worry because everything takes time." And with that, he patted my head while smiling and leave me here with so many questions playing in my mind.

Third person.

Umalis na ang matandang lalaki na lumapit kanina kay Athena at sumakay sa kotse nito. Kanina pa nila sinusundan si Athena ng patago kaya alam niya na doon siya sa park tutungo.

"Punta tayo kay Yakuza Chin."