webnovel

Panyo

Athena.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa aking kotse ay hindi ko napansin na may isang matandang babae ang tumatawid. Agad akong napatapak sa break ng kotse ko.

"Shit." I cussed under my breath. Muntik na akong makasagasa ng isang matanda.

Tumingin ako sa harap ng kotse ko at pagtingin ko, wala na do'n yung matanda. Nagbuntong hininga muna ako bago ko ulit pinaandar yung kotse ko.

Nang makarating na ako sa bahay namin ay pinarada ko na yung kotse ko sa garahe namin at lumabas na ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan kong patay na yung mga ilaw. Ang aga naman nilang matulog.

Agad akong umakyat sa taas at dumiretso na sa kwarto ko. Hiniga ko na ang aking katawan sa aking queen sized bed at dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

My life is so miserable. Hanggang kailan ba ako maghihirap ng ganito? Hanggang kailan ba ako maghuhukay sa kung anuman ang pagkatao ko?

"Hala! Athena ikaw ba yan?"

Nasa university na kami ngayon at si Thamia 'yang nagsalita. Sinasabi niya 'yan habang matiim na sinusuri yung mukha ko. Mukha naman akong sinapian sa tanong niya.

"Malamang! Sino ako sa tingin mo?" Pamimilosopo ko sa kaniya. Anong akala niya, na may gumayang masamang elemento sa'kin at nagpapanggap na ako? Thamia talaga.

"Psh. May gumugulo sa isip mo, ano?"

"Nah. Ano.. tawag dito? Ayun! Na-iinsomnia ata ako." Pagdadahilan ko. Mahirap na, ayaw ko na siyang madamay pa sa problema ko sa buhay. Masyado nang ma-drama ang level ko, baka mamaya mas drumama pa 'pag nasama siya. Alam niyo naman, madamdamin ang babaeng 'yan.

Nagtitigan naman kami ni Thamia nang tumunog na yung bell. Okay, oras na para pumunta sa room.

"Oyy Athena, babye na. Kitakits nalang tayo mamayang uwian." Sabi niya habang patingin-tingin sa paligid. Naghahanap siguro siya ng makakasabay sa pagpasok sa room niya.

"Sige. See you!"

Tumakbo na papalayo sa 'kin si Thamia, hindi kasi kami magkaklase. Section one siya samantalang ako namam ay section three. Oh, kasalanan ko bang ipinanganak akong hindi katalinuhan? We're 3rd year high school here in Pristine International Academy.

Habang naglalakad ako papuntang room may isang lalaki ang bumangga sa 'kin.

"Aray ko po." Napaupo ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ko do'n sa lalaki. Aish! Nagkalat din pala yung mga books ko. Habang pinupulot ko yung mga nagkalat na libro ko ay biglang nagsalita yung lalaki.

"Sorry miss. I'm really, really sorry. I have to go, nagmamadali kasi ako." And boom! Tumakbo na ulit palayo yung lalaki. Hindi naman obvious kuya na nagmamadali ka kasi nakabangga ka na nga 'di ba?

Pero, his voice! Takte! Hindi ko kasi nakita yung mukha niya dahil busy ako sa pagpupulot ng mga gamit ko. Para kasing narinig ko na somewhere yung boses niya eh.

Lumingon ulit ako sa likod ko upang tignan yung itsura nung lalaki kaso wala na siya. Baka hallucination ko lang 'yon. Tumayo na ako at pinagpag yung likod ng skirt ko at nagsimula ng maglakad ng may mapansin akong panyo na nakalapag sa sahig.

Agad ko iyong pinulot at tinignan.Panlalaki yung design niya, inamoy ko naman 'yon and to my surprise, Clive Christian ang pabango nito. Ang bango talaga ng perfume na 'to, napaka-boyish ng amoy. Nakuha ng atensyon ko ang maliit na nakaburdang pangalan 'don. Zans Zhyne.

Nice name! Hindi kaya sa lalaking nakabunggo ko 'to? Well, itatago ko muna 'to, baka magkita pa naman kami. Yun nga lang, boses lang niya ang natatandaan ko.

Binulsa ko na 'yong panyo at tumakbo ako ng mabilis nang maalala kong PE class nga pala namin ngayon. Pumunta na ako sa locker ko at kinuha yung PE uniform ko at dumiretso na ako sa CR para magbihis. After no'n ay pumunta na ako sa classroom namin at sakto naman na wala pa 'yong teacher namin sa PE. Mabuti naman, istrikto kasi si Sir pagdating sa pagtuturo eh, ayaw na ayaw niya na may nalelate sa klase niya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Sir Chua na may kasamang lalaki. Hindi ko maaninag yo'ng mukha nung lalaki kasi nakayuko lang siya. Wow ah, shy type!

Dahil nga sa dumating na si Sir Chua ay nakuha niya ang atensyon naming lahat. Agad namang nagtanong ang isa sa mga kaklase ko.

"Sir, sino po siya?"

"Mr. Dy, introduce yourself to them." Utos ni Sir Chua sa lalaki kaya naman agad nag-angat ng ulo yung lalaki.. at, what the hell?

Siya 'yong lalaking nagtangka sa buhay ko no'ng nasa parking lot kami ng mall...ANAKNAMANNGPUSANGKALYEOH!

"I'm Zans Zhyne Dy and much better if you don't talk to me." May awtoridad na sinabi nito. Halata naman na natakot ang mga kaklase ko sa sinabi niya.

Teka! Ano nga ulit 'yong pangalan niya? Nang tumingin ako sa harapan ay agad na nagtama ang mga mata namin. He just gave me a terrifying glare.

"Ang sungit naman, gwapo sama eh."

"Oo nga, mukha siyang papatay sa mga titigan niya."

Rinig kong pag-uusap ng mga babae kong kaklase. Hindi rin uso sa kanila ang salitang 'mahina', ano?

Zans Zhyne. Gosh! So, sa kaniya yung panyo na napulot ko kanina? Take note, siya rin ba yung nakabangga ko?

"He's a transfer and your officially new classmate. He came from, International Christian School."

Hindi ko namalayan na kinukwento na pala ni Sir ang talambuhay ng mokong na 'yon. Masyado kasi akong nawindang sa mga pangyayari eh. Masyadong mabilis at masyadong maliit ang mundo para sa 'ming dalawa.

"Okay, let's start."

Ah? Anong let's start ang pinagsasasabi ni Sir sa harap? Wala kasi ako sa huwisyo e! Absent-minded ako ngayon.

"Ang ididiscuss ko sa inyo ngayon ay ang paggamit ng kama sword at uchigatana."

Nice! Kapag sinuswerte ka nga naman. 'Yan ang pinaka-handle kong mga Japanese weapons. Mukhang magiging basic para sa'kin ngayon ang practical namin.

Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala sa kabilang aisle si Zans. Bale, magkatapat kami kasi nasa kabilang aisle ako.

After half an hour ay natapos na rin si Sir sa pagdidiscuss at sumunod na ipinaliwanag ang magiging practical test namin for this particular lesson.

"Okay class, you'll have a feud so called 'Battle Royale'. All of you will use kama sword and uchigatana to fight your opponents."

Nagtaas naman ng kamay yung isa kong kaklase. "Yes, Ms. Bartolo?"

"Sir, are you going to give us a time for us to prepare or practice?"

"Yeah, 30 minutes is enough. After niyong mag-practice or warm up ay magsisimula na kayong maglaban. First 5 pairs muna ang maglalaban ngayon and next day nalang yung ibang pairs. Bubunot ako ng mga maglalaban, buti nalang dala ko yung mga list of names niyo para sa draw lots. Pero gagawan ko palang si Mr. Dy ng kaniya. Saglit lang naman 'yon."

Galing, ang haba ng sinagot ni Sir eh yes or no lang naman ang isasagot niya sa tanong ng classmate ko.

Nang matapos na ni Sir gawan si Zans ng name for the draw lots ay nagsimula na si Sir bumunot.

"Kung sino nga pala yung first pair na mabunot ko, sila rin 'yong unang maglalaban."

"First pair, Ms. Xierry Haiku versus Ms. Gela Ho. Second pair, Mr. Tyler Jo versus Mr. Kylee Style. Third pair, Ms. Sheen Marcos versus Mr. Sean Ward."

Oh c'mon, girl versus boy? That's unfair for us, knowing that in stereotyping, boys are stronger than girls.

"Fourth pair, Ms. Fleir Sy versus Ms. Cathleen dela Fuente."

Sa huling bubunutin ni Sir ay tutok at tahimik lamang ang lahat. Bawat hininga ay tila maririnig mo na sa gitna ng katahimikan, pero napalitan ito ng mga sigaw matapos banggitin ni Sir ang huling maglalaban.