webnovel

The Mafia Next Door

A dangerous kind of people that has nothing to do with you but to bear and suffered with feeling that he's just beside you. And the problem is, He is a Mafia. And by the word of Mafia alam mo na kung ano na katangian niya at pag uugali. But one day, He knocked to your door and say something that it made your life turned into miserable and danger. Because without noticing, He's being already paranoid to you. And Who is he again? The Mafia Next Door. All Rights Reserved Written By: Miesync Original 2018 Action AVAILABLE IN WATTPAD FOR DEMAND OF COMPLETE AND UPDATES.

Miesync · Integral
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

#TMND 1

#TMND

_________

Nakahalumbaba ako habang hinihintay si Quennie umorder ng pagkain. Andito kami sa cafeteria habang ako nag iisip ng malalim.

Magpapasko na ngunit mag isa nanaman ako. Tanging si Quennie lang naman ang makakasama ko muli nito. Inuntog ko ang ulo ko sa lamesa habang napapasimangot. Grabe kailan ko kaya makakasama pamilya ko?

"Hoy!"

Tumingala ako na marinig ang boses ng kaibigan ko.

"Okay ka lang?" Tumango ako ng dahan dahan. "Oh, pagkain mo." Binigay nito sa akin ang pagkain.

"Salamat.."

Agad naman niya ako pinitik sa noo. "Aray! Ang sakit nun ha!"

Kumunot ang noo niya. "Bakit ganyan mukha mo?"

Napabungisngis ako at inabot ng bibig ko ang milkshake at sumipsip.

"As usual, wala akong kasama ngayong darating na pasko."

Napatingin ako sa mga christmas tree sa loob ng cafeteria. Dalawa sa sulok, tatlo naman sa harap. Mas lalo lang ako naiiyak dahil pinapamukha sa akin na wala akong makakasama.

"Anong tawag mo sa akin? Gaga."

Napanguso ako sa untag ni Quennie. Nahihiya na ako magbakasyon sa kanila. Baka pagalitan na siya ng mga magulang niya. Baka sabihin abusado na ako.

Simula nang makilala ko 'tong babaeng to hindi na kami maipaghiwalay maliban lang sa pag uwi. May sarili naman silang bahay dito kaya hindi siya tumutulog sa apartment. Nakakahiya na kase halos lahat ng lakad naming dalawa siya ang nagpoprovide sa lahat ng gastos namin.

Grabe. Napakahirap ko nuh?

Aakmang magsasalita pa sana ako nang maagaw ang atensyon ko sa lalakeng dumaan sa likod ni Quennie at tila walang pakealam sa paligid. Ang mahabang buhok nito ay halos matabunan ang boung mukha nito.

Akala ko deretso ang lakad niya ng tumigil ito at humarap sa akin.

"Laila.."

Napakurap ako ng bigla niya tawagin ang pangalan ko. Hindi ko halos makita ang mga mata niya. Si Quennie ay halos mapatalon sa gulat dahil bigla may nagsalita sa likod nito na hindi niya alam.

"Jusko naman!"

Agad ako napainom ng tubig at binalik ang tingin sa kanya.

"B-Bakit?" I don't feel like it is a normal question to me. Hindi ko maiwasan kabahan and I don't know why.

Lumingon si Quennie at tumaas ang kilay nito at bumalik ang tingin sa akin. Hindi muna nagsalita.

"Sabay na tayo umuwi mamaya.." Mahinang sambit niya para sapat na marinig namin ni Quennie.

Nakita kong lumaki ang mata ni Quennie sa akin habang nabalot ito ng pagtatanong.

"Close na kayo?" Quennie's words spill out without making a sound.

Hindi ko siya pinansin at napakamot sa ulo ko. To be honest ang weird niya para sa akin. He's not asking for something but it sounds like he's ordering me to do what have he just said.

"S-Sige..?"

I tried not to sounds like I saw weirdly things. Pilit ko tignan ang reaksyon niya ngunit nabigo ako dahil natatakpan ito ng mahabang buhok niya.

"I'll wait.."

Umalis na siya pagkatapos niya sabihin 'yun. Nang mawala siya sa paningin ko ay tila ako nabunutan ng tinik sa dibdib. Agad ako tinampal ni Quennie at naibalik ang atensyon ko sa kanya.

"Who's that?!"

Alam kong ito ang una niyang tatanungin sa akin. Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin kung saan siya umalis.

Why I have this feeling like he's going to destroy my normal life?

"He's Husher Caverly.." Sagot ko.

Sumingkit ang mata ni Quennie.

"H-Husher?" Tanong niya sa akin. Her eyes seems told me she's familiar with that name.

Tumango ako at kinuha ang milkshake saka ako sumipsip.

Naalala ko tuloy ang nangyare sa apartment ko. We were looked like were hiding that time. Umalis na siya pagkatapos umalis ang mga nakakatakot na nilalang sa labas ng apartment ko. Sa harap ng mismong kwarto ko. Hindi ko siya naikamusta tungkol dun dahil dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos mangyare 'yun. Dahil hindi ko rin siya nakita sa loob ng dalawang linggo. Kaya hindi ko siya nakausap ng matino.

At nakakagulat dahil bigla nalang siya susulpot dito at sabihing sabay kami umuwi. Isn't it weird?

"Are you sure he's Husher Cavelry?" Tumango ako muli. Ang mga mata niya ay nababalot ng pagtataka. Tila hindi ito naniniwala.

"He's Husher. Paulit ulit ka nalang." Napasimangot ako at kumain nalang. "Bakit? Pamilyar ba siya sayo?" Kaswal na tanong ko rito.

"S-Sort of? Well, uhm maybe.. yeah. He's Husher. The earth is wide and.. uhm kapangalan niya siguro.. He's Cavelry.. sounds normal for normal people like him."

Tumaas ang kilay ko pagkatapos ko sumubo ng kanin. Tinignan ko siya. I felt her nervous here.

"What are you saying? Kulang ka ba sa kanin?"

Umiling siya at ngumiti nalang sa akin. Minsan itong babaeng 'to inaatake ng mga kung ano ano na kaweirduhan sa utak nito. Kaya minsan kahit ano lang pinagsasabi nito sa akin na hindi ko maintindihan. She is spilling words like a confusing numbers that you have to decode.

Naghiwalay na kami pagkatapos namin kumain sa lunc. Ngayon lang na sem kami nakapaghiwalay, may mga ibang major naman kami magkak-klase. Nasa ibang course lang siya.

Patungo ako sa susunod kong subject. Habang naglalakad ako, napapatingin ako sa paligid. Hindi ko aakalain na makakapasok ako sa ganitong kaelite na eskwelahan. Akalain mo 'yun? Ganitong estado at status ko na mahirap lang at walang halagang pera nakapasok sa ganitong klaseng paaralan? Na pinapangarap ng mga ibang mag aaral?

Napangisi ako, ganito pala mapapala mo kapag magaling ka dumiskarte. Naalala ko kasi na nagtake ako ng scholarship dito at mga sagot ko hindi sigurado pero the result made me shock! Nakapasa ako and I can eventually start my school here!

Out of the one hundred fifty students na nakapagtake ng scholar ay just twenty percent ang nakapagbigay ng oportunidad na makapasok dito at makapag aral. And really! I am one of them!

Hindi naman ako matalino na masasabing smart or genius. Average lang pero nakapasok pa rin. God is really making impossible possible!

Natapos ang boung hapon at agad na nagpadismissed ang professor. Nagsilabasan ang iba kong mga kaklase at agad ako nag ayos ng mga gamit.

Aakmang paalis na ako ng tawagin ako ng isa kong professor.

"Ms. Zeredu."

Napalingon ako. "P-Po?"

Inayos nito ang mga test paper. Tumingin ako roon. Kinabahan agad ako. Bagsak ba ako? Hindi ba ako nakapasa? Tumingin sa akin ang professor ko sa marketing. Napansin niya ang pag aalala sa mukha ko dahilan para matawa ito.

"Chillax Ms. Zeredu. Hindi ka bagsak. I just need you to check these." Aniya sabay taas ng makapal na mga test paper. Sigurado, sa mga ibang section iyon na pinaghalo sa amin.

Napakamot nalang ako sa ulo at natawa dahil sa kahihiyan. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sige po.."

Agad ko kinuha sa kanya ang kalahating papel kasabay ang answer key.

Umupo ako sa isa mga upuan at sinimulan icheck ang mga papel. Sa totoo lang nakakatamad ang mga ganitong gawain pero sino naman ako para tanggihan 'to? Libre na nga ako sa tuition ko eh. Kahit ito lang maitulong ko sa school na 'to.

Hindi ko namalayan ay paubos na ang papel sa akin.

"Hindi tayo pwede magpagabi."

Tumingala ako kay Sir. Napatingin ako sa labas. Tanging ilaw lang sa corridor nagbibigay ng liwanag. 6:30 na pala.

"Ako na bahala rito Ms. Laila, umuwi kana."

Tumango nalang ako at ibinagay sa kanya ang mga natapos ko at ang natira. Nagpaalam na ako sa professor ko at lumabas.

Papalapit pa lang ako sa gate ng school ay may natanaw akong isang bulto ng lalake. Sinong estyudante pa ang nasa paaralan sa ganitong oras?

Ngunit habang papalapit ako ay unti unti nanlalaki ang mata ko. Napagtanto kong si Husher!

Agad ako napamura dahil nakalimutan ko pala na maghihintay siya sa labas! Shiiit!

Tumakbo agad ako patungo sa kanya. Tila narinig niya mga apak ko sa direksyon niya at lumingon.

"H-Husher! Sorry! Dapat nauna ka na!" Nag aalalang sabi ko sa kanya.

Anong oras kaya siya naghintay? 1 hour? Two? Grabe ka Laila, pinaghintay mo ang tao! Kawawa naman siya.

Hindi ko makita masyado yung mata niya dahil sa mahabang buhok nito. Dagdag mo pa ang madilim na paligid na tanging ang ilaw sa labas ng gate nagbibigay ng liwanag.

"Okay lang.."

Napangiwi nalang ako sa sagot niya. Hindi okay para sa akin.

Nagsimula ito maglakad palabas kaya agad naman ako sumabay. Habang nasa daanan kami hindi ko alam kong papaano ko sisimulan makipag usap sa kanya.

Pero teka nga? Pano ba kami narating sa ganito? Simula nang makapasok siya sa kwarto ko ha?

Pero pinaghintay mo pa rin siya Laila! May usapan kayo..

________

Pietro's POV

"Sigurado ba kayong dito nag aaral si Boss?" Kunot noo ko sa mga gago kong kasama.

Inis naman lumingon sa akin si Tommaso.

"Oo nga! Oo nga! Oo nga! Isa pang tanong!"

"Baka kasi nagkakamali ka nanaman sa impormasyon mo ugok!" Singhal ko sa kanya.

"Hindi nga ako nagkakamali! Nasundan ko mga tauhan niya eh. Atsaka kung nagkakamali man ako ba't nakita ko siya papasok d'yan sa paaralan? Bobo nito."

Aba't! Nasabihan pa ako ng bobong ulol na 'to ha?

Aakmang papatulan ko siya ng sumigaw si Alessio.

"Si boss ayun!"

Buti nalang sumingit ang isang gago na 'to kung hindi nakuu lang.

"Asan?!"

Agad ko sinundan ang turo ni Alessio habang nasa loob kami ng van. Natanaw ko agad ang malaking katawan ni Bossing na natatakpan ng mahabang buhok na may kasamang babae.

Teka? Si boss ba 'yun?

"Sigurado ka Alessio na si Boss 'yan?" Agad ko narinig ang seryosong tanong ni Manuel.

Dahan dahan napangiwi si Alessio. Tila hindi rin sigurado kung si Boss 'yun tinuro niya.

Napahalakhak naman si Tommaso.

"Puntahan kaya natin para malaman natin."

Naputol ang tawa ni Tommaso ng tinignan siya ni Samuel ng malamig na tingin. Agad ito napatikom.

Napangisi ako. Iyan kase. Tanging si Samuel lang kasi nagpapatikom sa bibig ng gagong 'to maliban sa boss namin. Gago talaga.

"Hmm, tama si Tommaso Samuel. Siguro sundan lang natin sila.. Tignan natin kung si Boss 'yun..". Pahayag ni Manuel kay Samuel. Magkapatid sila ngunit magka iba ang pag uugali at ikot ng utak nila.

'Yung isa may pagkagago din, yung isa naman hindi nakakagago.

Tumango si Alessio.

Ako naman pinagmamasdan ang dalawang taong pinapanood namin habang naglalakad sila.

"Dalian niyo! Papalayo na sila mga ogag." Sabi ko sa kanila. Daig pa kasi ang mga babae kung makatagal magdesisyon. Kala mo humihingi ng pagkain sa tuwing nireregla. Psh.

"Bahala kayo, wag niyo ako idamay kapag nahuli niya kayo." Makalmang sumandal si Samuel sa upuan. Nagkatinginan kami nila Tomasso, Alessio at Manuel.

Kapag nahuli ni Boss, damay lahat! Walang paspecial treatment dito! Ngumisi ako sa kanila. Don't worry Samuel. Damay ka pa rin. Wahaha.

_________

Laila's POV

"U-Uhm.. pasensya na ulit kanina ha?" Pilit na sabi ko sa kanya habang naiilang. I don't understand myself for being like this. Kinakabahan na nahihiya sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nilingon ko mukha niya. Deretso ang mukha niya sa harap.

Napasimangot naman ako. Tsk! Hindi nalang sana ako nagsorry! Aakmang uunahon ko siya ng hinila niya ang kamay ko.

"Dito tayo dumaan.." Mahinang sabi niya. Liningon ko muli ang mukha niya ngunit sa iisang direksyon siya nakatingin. Sinundan ko tinitignan niya at agad na nanliit ang mata ko ng may nakita akong isang grupong kalalakihan na lumabas mula sa isang van.

Napalunok ako at mas lalo kinabahan. Hindi ko mainag ng mabuti ang mga mukha ng mga lalake pero base sa sout nila na nakapormal tila gaya rin sila ng mga kalalakihan na nakakasabay ko sa elevator!

Napatigil kami sa paglalakad. Medyo nawala ang kaba ko ng tumigil sa paglalakad din ang mga lalakeng medyo malayo sa amin. Tumungo sila sa likod ng van.

Aakmang papanoorin ko pa sila ng hinila agad ako ni Husher sa ibang direksyon. Medyo napapatakbo ako dahil sa bilis ng lakad niya.

Nasa isang masikip na iskinita kami dumaan. Short cut ito sa mga malalayong dormitory na mula sa school. Pero may malaking disadvantage ito dahil delikado ito sa tuwing ganitong oras, may mga tambay o mga frat na nagkakagulo 'daw' dito.

Nasa kalagitnaan palang kami ng makatanaw agad ako ng mga tambay o mga grupo ng lalake na nag iinuman. Napalunok ako nang makitang may mga armas ito.

"H-Husher.."

Ayoko sa ganitong senaryo kapag dumadaan sa tuwing umaga sa ibang lugar. Once is enough when I was making a living for my father before in our place. Naalala ko lang ang squatter area sa amin.

Bumagal ang lakad namin dahil sa nakita namin. Mahigpit ang hawak niya sa akin na hindi naman masakit.

Napailing siya. "This is not the right time.."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Mag tatanong pa sana ako ng bigla may sumigaw.

"Wow naman!"

Tumigil ang pag antras namin ng magsalita at tumayo ang mga lalake tila nakita nila kami.

"Sa kakaunting dumadaan dito, Ikaw pa?!" Sigaw ng isa.

"Anong meroon d'yan?"

Agad na bumulagta sa aking paningin ang isa pang grupo na paparating pa lang tila mula sa ibang direksyon kung saan sana kami lalabas ni Husher. May mga makukulay ang tenga nito habang may mga dalang armas din. Ang ibang kalalakihan ay nakasando na parang gusto ipaglandakan ang malaking tattoo sa braso o sa leeg nila.

Kumabog ang puso ko sa nakikita ko. Tila nagtitipon tipon sila na may pagpupulong. Napahawak ako sa matigas na braso ni Husher sa takot. Ito ata sinasabi nilang frat sa eskinita na 'to..

"B-Bumalik na tayo d-doon.." Takot na sambit ko at hinila siya pabalik ngunit marahan niya ako hinila patungo sa kanila.

"Wag ka matakot.. hindi ka nila gagalawin. Just act normal like you haven't seen anything yet. Kapag wala tayong ginagalaw sa kanila, hindi nila tayo gagalawin..." Bulong niya sa akin.

Sigurado ba siya? Sa mga mukha pa lang nila tila hindi uso sa kanila ang katahimikan. Ang lalaki ng mga katawan nila. Hindi nalang ako sumagot at sumunod nalang sa sinasabi niya.

Tama. Kapag wala kaming ginagawa o ginagalaw sa mga ganitong klaseng nilalang. Hindi nila kami gagalawin..

Ngunit tila nabigo kami. Lalampasan sana namin sila ng may humigit sa balikat ni Husher.

"Bastos ka ha?! Hindi mo ba nakikita na nandito kami sa harap mo?!"

Mas lalo ako natakot ng ikabig ni Husher ang kamay nito sa braso niya. Shit ka Husher! Hindi mo dapat ginanun!

Gusto ko sana sabihin 'yun sa kanya na muli sumigaw ang isa nilang mga kasama.

"Hindi mo ba alam na pinagbabawal na ang dumaan dito?" Malamig na sabi na lider lider nila. Mas lalo ako natakot na tila nakaready ang mga dala dala nilang gamit na gawing armas para sa amin.

Hindi sumagot si Husher at tumalikod na lang ito at hinila ako palakad tila hindi dapat niya pinapatulan ang mga 'to.

Ngunit nanlaki ang mata ko ng hahampasin sana siya ng lider nila nang bigla kami makarinig ng mga kasa ng baril.

"Ituloy mo at papasabugin namin ang ang mga bungo ng kasama mo." Isang malamig na boses mula sa likuran namin ang umalingawngaw sa boung biglaang katahimikan.

Napatigil si Husher lalo na ako. Lumingon ako at halos manlambot ako na makita ang mga lalakeng nakapormal na nakatayo at walang emosyong nakatutok ng baril nila isa isa sa mga nagbabanta sa amin.

"A-Ano 't-to?"

Kitang kita ko kung pano binalot ng takot ang kanilang mga mukha. Siguro dahil sa nakakatakot na aura na pumalibot sa amin mula sa mga lalakeng nakapormal na may hawak na baril.

Bago pa ako makareak ay muli ako hinila ni Husher paalis doon at halos patakbo kaming lumabas sa eskinitang 'yun.

Habang papauwi kami, hindi ko maiwasan magulat at isipin 'yun.. Anong nangyare? Saan galing ang mga 'yun? Anong gagawin nila sa mga frat na 'yun?

Nasa elevator kami habang malalim pa rin ang iniisip tungkol sa kanina. Nakayuko ako at nakita kong tinanggal niya ang kamay nito sa braso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na makasaksi ako sa mga ganun senaryo.

Agad na bumukas ang elevator at nauna siyang maglakad. Sumunod ako hanggang sa makarating kami sa sariling kwarto namin. Hindi ko alam kung pspaano ko siya tatanungin sa nangyare. May kinalaman ba siya?

Nawala nalang lahat iniisip ko nang magsalita ito.

"Sabay na tayo pumasok bukas, hihintayin kita.."

Sa bilis ng pangyayare ay hindi ko namalayan ay hinalikan niya ako sa labi dahilan para makaramdam ako ng malambot na bagay na lumapat sa labi ko ng ilang segundo.

"Good night.. Laila.."

___________

Updated.