webnovel

CHAPTER THREE

Sumama si Rukawa sa opisina ni Maki kasama sila Mitsui Fujima at Hanagata. "Napaka laki pala ng opisina mo." seryosong sabi ni Rukawa at tumingin sa picture frame na nasa table ni Maki.

"Wag muna titigan picture ng asawa ko pagmamay ari ko na yan." sabi ni Maki at napakamot na lang si Rukawa saka naupo.

Tinawag ni Maki si Zelly Mae ang secretary nya. "May appointment ba ako ngayong araw?" tanong ni Maki sa secretary nya.

Hindi makasagot si Zelly Mae ng makita si Rukawa. "OMG sir na-nanaginip ba ako nandito si Kaede Rukawa ang pinaka gwapo sa SHOHOKU." namumulang sabi ni Zelly Mae habang titig na titig kay Rukawa.

"Zelly Mae ako ang pinaka gwapo sa SHOHOKU pangalawa lang si Rukawa." sabi ni Mitsui na masama ang tingin kay Rukawa.

Natatawa nalang si Fujima at Hanagata samantalang si Maki naman napabuntong hininga nalang. "Hi Rukawa ako nga pala si Zelly Mae ang secretary ni Maki." nagpapacute na sabi ni Zelly Mae.

"I know." sagot ni Rukawa.

"You mean kilala mo ko my god natutunaw ang puso ko." ngiting sabi ni Zelly Mae.

"Zelly Mae kung wala akong appointment ngayong araw pwede kanang lumabas may pag uusapan kami." seryosong sabi ni Maki.

"Sige po sir Maki... Kaede Rukawa pa autograph mamaya hah hehehe." bulong ni Zelly Mae saka lumabas ng opisina ni Maki.

"Rukawa bumalik kana lang kaya ng MACAU." naiinis na sabe ni Mitsui.

"Paano kung ayoko." nang aasar na sabe naman ni Rukawa.

Nagulat si Rukawa ng dumating si Sendoh. "Rukawa nakauwi kana pala." ngiting sabe ni Sendoh.

"Kaya nga nakikita mo ko eh." sagot ni Rukawa..

"Alam mo bang namiss kita dito kana rin ba mag ta-trabaho kanila Maki?" tanong ni Sendoh.

"Dahil nalaman kong nandito ka parang ayoko na." sabe ni Rukawa at nagtawanan silang lahat.

"Hindi ka parin nag babago ang laki talaga ng galit mo sakin hehehe." ngiting sabe ni Sendoh.

Pumasok naman sa loob si Zeku at masamang tinignan si Maki. "Ganito ba ituturo mo sa mga empleyado mo? Ang ubusin ang oras sa pakikipag kwentuhan. Oh sabagay mga kaibigan mo nga pala sila kaya di na ako magtataka kung lumaki ang ulo ng mga yan dahil sayo." sabe ni Zeku.

"Anong bang problema mo? Lahat ng trabaho namin tapos na pikang pika na ako sayo. Alam mo kundi ko lang kaibigan si Maki matagal na akong nag resigned dahil sayo." inis na sabe ni Mitsui na hindi na nakapag timpi kay Zeku.

"Tama na Mitsui." mahinang sabe ni Sendoh na masama ang tingin kay Zeku.

"Pasensya na sir Zeku pero lahat po ng trabaho namin tapos na po. Iniwan ko na rin po sa table nyo ang designed na kailangan nyo." sabe ni Fujima.

"Yun naman pala eh. Wala naman pala silang pending na trabaho kaya kahit ubusin nila oras nila okay lang. Ikaw ba tapos na?" seryosong tanong ni Rukawa.

Hindi naman makapag salita si Zeku dahil hindi pa nya tapos ang trabaho nya. "Bakit kaba nakikialam hindi ka naman empleyado rito." naiinis na turan ni Zeku kay Rukawa.

"Nakikialam ako dahil kaibigan ko binabangga mo. So tell me tapos kana ba?" tanong ulit ni Rukawa.

"Hindi pa." tipid na sagot ni Zeku.

Natatawa si Sendoh, Maki, Fujima at Mitsui dahil napapahiya si Zeku kay Rukawa. "So ikaw pala yung umuubos ng oras sa kakapuna. Good job." sabe ni Rukawa at inis na lumabas ng opisina si Zeku.

"Iba ka talaga Rukawa wala ko masabe sayo hehehe." ngiting sabe ni Sendoh.

"Wala palang sinabe si Zeku kay Rukawa eh." sabe ni Hanagata.

"Hay naku parang mas gusto ko nalang matulog." sabe ni Rukawa at nagtawanan silang lahat.