webnovel

THE LAST SUNSET

Kimberly was diagnosed with neuroblastoma (a cancer of the nerve cells) when she was 6 years old. Ngunit pagkatapos ng surgery at chemotherapy ay napagtagumpayan niya ang sakit. Bumalik sa normal ang kanyang buhay. After she graduates from high-school, she spends her vacation at her older sister's place. There she meets Lawrence, a very mysterious boy. He lives in a house not very far from her sister's house. Maraming beses niyang sinubukang kausapin ito pero lagi lamang itong umiiwas. He won't even bother to glance at her. Pero dahil sa kakulitan niya ay pinansin din siya nito. Not so long after their first quite good conversation, a special bond between them started to grow. Lawrence on the other hand, tried his hardest to isolate himself from everyone. He lived life alone for so many years. He hates living but he doesn't have a choice. He doesn't age. He doesn't die. It hurts too much to see the people you love die one after the other. So he kept himself from falling in love. But what is he going to do when he can not resist the temptation of falling for Kimberly? 12 years after gumaling sa sakit na cancer ay tila multong nagbabalik ito kay Kimberly. Now it's back and this time it's already terminal. Handa na nitong bawiin ang buhay ng dalaga... Ngunit may isang bagay siyang nais na maranasan bago siya mawala... ang umibig! Destiny is playing its part. A dying girl meets a boy who doesn't die. Will they find their way to love together? Is Kimberly willing to take a chance at love even if she knows her time will soon be over? Is Lawrence brave enough to love... and lose? Find out how their love will teach you how to hold on and let go even if it hurts..

SamanthaEmanuelle · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
6 Chs

Chapter 4- Horseback Riding

"Hello Mommy?" kinabukasan ay maagang nakatanggap ng tawag si Kim. "Hello anak, I miss you!" malambing na wika ng kanyang ina. "I miss you too, Mom!"

"Kumusta ka diyan anak? Maganda ba diyan?"

"Sobra po Mommy! Dapat sumunod kayo kaagad ni Daddy dito. Mas masaya kung magkakasama tayo!"

"Don't worry anak, in two weeks, darating na ang kuya mo. Magkakasabay kaming pupunta diyan..." masayang balita ni Helga sa bunsong anak. "Fixed na rin ang planong leave ng daddy mo!"

"Yey! Sobrang excited na po ako Mommy!"

"Eh ang ate mo, kumusta? Si kuya Bernard mo?"

"OK naman po sila Mommy Naniniwala na po talaga akong sobrang busy nga ng asawa ni Ate. Grabe Mommy, ang laki ng farm nila!"

"Really anak?"

"Opo Mommy! Iyong kasambayahay ni ate, may anak na kaedaran ko lang, si Gina! Gusto ko sanang maging kaibigan pero mukhang ayaw nya sa 'kin!" natatawang wika ni Kim.

"Hindi 'yan anak. Baka nahihiya lng sa 'yo. Kadarating mo lang diyan kahapon. Baka sa mga susunod na araw, mapalagay na ang loob niya sa 'yo."

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumaba na si Kim. Nakahanda na ulit ang almusal pagdating niya sa hapagkainan. "Good morning bunso!" bati ng ate niya sa kanya. "So, how was your first night here?"

"Naku ate, I just had the best sleep of my life ever!" nakangiting sagot niya. "Si Kuya Bernard po?" usisa niya nang mapansing wala sa hapagkainan ang asawa ng kanyang ate. "Ayon, as usual, busy na naman. Mas nauuna pa niyang batiin ang mga alaga niyang hayop kaysa sa akin!" malungkot na wika ni Charmaine. "Nagsiselos si ate!" tukso ni Kim sa kanyang ate. "Sanay na ako bunso," anito. "Ngayong nandito ka na, hindi na ako masyadong malulungkot.Tara na, kain na tayo Mamaya may gagawin tayo."

"Ano po ate?" biglang nakaramdam ng excitement si Kim.

"I asked Peter to teach you how to ride a horse!"

"Wow! Talaga ate?" tuwang tuwang wika niya. "But who's Peter?"

"Pinsan siya ni Bernard. Kinausap ko na siya bago ka pa dumating dito na turuan ka. Mas masarap mamasyal kung nakasakay ka sa kabayo."

Lalong magiging exciting at memorable ang bakasyon niya. Maliban sa napakaganda na nga ng lugar, may bago pa siyang matututunan.

Paglabas nila ng bahay kaagad silang nagtungo ng kanyang ate sa malawak na damuhan kung saan naroroon ang kabayong gagamitin niya. Natanaw niya ang isang matangkad na lalaki habang hinihimas ang likod at ulo ng kabayo. Nakatalikod ito.

"Peter!" tawag ni Charmaine sa lalaki. Lumingon ito. Napawow sa isip si Kim. Mestiso ito. Maputi, matangos ang ilong at maganda ang mga mata. "Hi Charmaine!" bati nito sa kanyang ate. "Is she your sister, Kimberly?"

"Yes! I told her you are going to teach her, aren't you Peter?"

"Yes, of course!" nakangiting tugon ng lalaki.

"Half Autralian si Peter bunso. Hindi pa siya gaanong nakakaintindi ng tagalog, kaya I'm warning you, paduduguin niya ang ilong mo!" Natawa si Kim sa sinabi ng kapatid. "Ang mommy niya ang kapatid ng Mama ni Bernard. Sa Spain niya nakilala ang papa ni Peter. Kalahating taon pa lang silang naglalagi dito sa Pilipinas."

Napakamot sa ulo si Kim. "Hi Kimberly, I'm Peter. I hope we'll have a nice time together! " malugod nitong inilahad kay Kim ang palad at nakangiting tinanggap naman iyon ni Kim. "I'm sure, we will!" tugon naman niya.

"Oh, paano maiwan ko na muna kayo, may aasikasuhin pa ako eh," wika ni Charmaine. "Peter, take care of my sister OK? I trust you!"

"Don't worry Charmaine, I will!"

Pagkaalis ni Charmaine ay kaagad nagsimulang turuan ni Peter si Kim. Gumamit ito ng isang mounting block dahil nahihirapang sumampa si Kim sa kabayo. Maliit kasi ito, maliban sa unang beses niyang sumakay ng kabayo. Matiyaga naman siyang inaalalayan ni Peter sa bawat kilos niya.

"The horse's name is Sandra, she's well-trained. You won't be having a real hard time learning with her." Natawa si Kim. "Why? Why are you laughing?" nagtatakang tanong ni Peter kay Kim dahil sa biglang pagtawa nito. "I have a friend whose name is Sandra. She's gonna go crazy when she knows I'm riding on her! I mean I'm riding on a horse with name same as hers." Tumawa ulit ito.

"I see!" natawa na lamang din si Peter. "I have this feeling that I want to meet her."

"So sad, she's flown to States with her family! But you know, time flies fast and the world is small. Maybe someday you'll meet her!"

Napangiti na lamang si Peter sa sinabi ng dalaga. Nagpatuloy na ito sa pagtuturo. "OK, keep your back straight, your shoulders as well... straight and even. Hold the reins tightly with your left hand." Mabait naman si Peter at pasensyoso sa pagtuturo kaya hindi gaanong nahirapan si Kim. Nakinig siya ng mabuti sa lahat ng sinasabi nito. Tinuruan din siya nito ng mga signals kung paano pagagalawin ang kabayo. "Squeeze the sides of the horse with your legs gently, that means she should walk. When you want her to turn right, pull back with your right hand very lightly. And vice versa." wika ni Peter habang patuloy parin ito sa pag-alalay sa kanya. "You can also use your legs for her to turn directions. For example, you want her to turn right, squeeze your left leg!" Walang kinaligtaang detalye si Peter sa pagtuturo kay Kim.

"You are making me proud Kim, you are learning fast!" nakangiting bulalas nito pagkatapos ng halos dalawang oras ng detalyadong pagtuturo nito sa kanya. "Really?" natutuwang wika ni Kim. Tumango si Peter.

Napalingon si Kim nang marinig ang sunod sunod na pagtahol ni Strike. Inalalayan siyang bumaba sa kabayo ni Peter. Nang lalapitan na niya ang alagang aso ay tila nagtatampong humakbang ito palayo mula sa kanya.

"Strike!" tinawag niya ito ngunit hindi iyon lumilingon. Tinawag niya ito ng paulit ulit hanggang sa wakas ay maabutan niya ito. "Nagtatampo ka ba?" aniya habang hinahaplos ito sa ulo. Mukhang malungkot si Strike. Baka nga nagtatampo ito, sa isip niya.

"Pasyal tayo gusto mo?" tila lumiksi naman bigla si Strike sa sinabi niya. "Napakamatampuhin mo naman kasi, nag-aaral lang akong mangabayo! Mas masaya paring maglakad kasama ka!" aniya. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha ni Strike. Niyakap siya ni Kim at dinilaan siya nito sa mukha. "It tickles Strike! Stop it!" nakikiliting wika ni Kim habang pinapahiran ang pisnging

dinilaan ng alagang aso.

"You love animals," untag ni Peter na pinagmamasdan lamang pala siya habang nakikipaglaro kay Strike. "Yes, so much! And actually, I'm going to a vet school, I'm going to be an animal doctor!"

"Wow, that's great!" nakangiting wika ni Peter.

Pagkatapos ay nagpaalam na muna sila sa isa't isa. Si Peter ay uuwi na daw at bukas na babalik upang turuan pang muli si Kim kinabukasan.

"Ate, pwede ba akong mamasyal ulit?" tanong ni Kim kay Charmaine. May mga pinipirmahan itong papel na hindi na niya inabala pang tanungin kung ano ang mga iyon. "Busy ako bunso. Wala din dito si Gina, namamalengke sila ni Manang Lydia. Walang sasama sa 'yo." wika nito na di manlang tumitingin sa kapatid.

"I'll go alone Ate, I mean kasama ko naman si Strike! Promise, I won't go far!" Sa wakas ay nag-angat din si Charmaine ng paningin sa kapatid. Matamang tinintigan niya ito. "Ayusin mo lang Kimberly!" seryosong sabi nito. "You just came here yesterday and you're already asking me for you to go alone?"

"Kung papayag ka lang naman ate," nakasimangot na wika ng dalaga. "I was just kidding!" nakangiting wika ni Charmaine. "Sumisimangot ka kaagad eh. Go ahead, mamasyal ka. Basta, diyan lang sa malapit ha! At wag ka masyadong magtatagal."

"Si ate talaga, pinapakaba muna ako eh."

"Sorry bunso. Sorry busy pa si ate eh. Kailangan kong tapusin 'to, mamaya na hihingin 'to ng kuya Bernard mo. Some other days OK, I promise sasamahan kitang mamasyal."

"OK lang ate,naiintindihan ko." Pakiramdam niya ay mas maigi nga kung wala siyang kasama. Malaya siyang makakapamasyal, malaya niyangmapupuntahan ang bahay na unang kita niya pa lang ay nais na niyang puntahan.

Kasama si Strike ay namasyal muli siya. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang napakagandang lugar na iyon. Nakakarelax ang hangin. Katulad ng nakaraang pamamasyal, hinayaan niyang tumakbo at maglaro si Strike.

Ilang saglit pa ay nasa harap na muli sila ng bahay na iyon. Tahimik talaga sa banda roon. Tahimik pero hindi naman nakakatakot. Inilibot niya ang kanyang paningin, tila wala pa ring tao.

"Tao po! Tao po!" Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya makikilala ang may-ari ng bahay. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais niyang makilala kung sino man 'yon pero hindi niya mapigil ang utos ng isip niya. Hindi naman siya kinakabahan dahil kasama niya si Strike. Malakas ang pakiramdam nito, tatahol ito kapag mayroong hindi magandang nakita.

Nang wala pa ring sumasagot ay ipinasya niyang pumasok na lamang maski walang paalam sa kung sino man ang may-ari ng bahay na 'yon. Hindi naman nakakandado ang gate niyon na yari lamang sa kahoy kaya malaya siyang nakapasok. Sumunod sa kanya si Strike.

"Tao po!" aniya habang nagpapalingalinga. All her life, never pa siyang nagtresspass, ngayon lang! Sobrang curiosity ang binuhay ng bahay na ito sa katawan niya. "Wala talaga yatang tao Strike," tila nanghihinayang na wika niya. Humakbang siya palayo sa pinto ng bahay. Ayaw niyang lumabis ang kanyang pagpasok ng walang pahintulot.

Napatigil siya nang may marinig na kumalabog galing sa loob ng bahay. "May tao ba diyan? Sorry po. Pumasok ako ng walang paalam." aniya habang sumisilip sa loob mula sa maliliit na siwang sa pinto ng bahay na yari lamang sa kawayan.

Napatili siya nang may sumilip din sa kanya mula sa loob. "Umalis ka na!" sigaw ng nasa loob. Napaatras si Kim. Boses iyon ng lalaki. Parang galit iyon. "S-sorry po..." wika niya. Si Strike naman ay tila naging balisa. He looked excited. His tail wiggled at mukha itong masaya. Tumakbo ito patungo sa pinto at tila nais nitong pumasok. "Let's go Strike!" pigil ni Kim sa alagang aso.

Narinig niyang itinaboy ng lalaki si Strike. Hindi pa rin ito lumalabas.

"Strike!" saway naman ni Kim sa alaga nito. "Tara na!" Kahit anong gawin niyang tawag sa kanyang alaga ay hindi ito tumitigil sa kakatahol. Nagpupumilit talaga itong makapasok sa loob ng bahay. Maya maya ay nakarinig si Kim ng isang matinis na kahol galing sa bahay. May alagang aso rin pala ang may-ari ng bahay. Ito siguro ang tinatahulan ni Strike.

Halos buhatin na ni Kim si Strike upang makalayo sa pinto ngunit malakas ito. Maya maya ulit ay biglang bumukas ang pinto at may asong patakbong lumabas. Isa iyong aspin, isang babaeng aso. Mabilis na naglapit ang dalawa, sina Strike at ang aspin. Tila mga batang naglaro ang mga ito.

"Venus, get inside!" utos ng lalaki sa aspin. "Come on!" anito. Natulala si Kim nang lumabas ang lalaki mula sa likod ng pinto.

Matangkad ito, kayumanggi ang balat, matikas at may maamong mukha. Ang mukha nito ay tila inukit. Bawat bahagi ay perpekto. Tama lamang ang kapal ng kilay, magaganda ang mga mata. Matangos ang ilong at pula ang tila hugis puso nitong labi. Tila nagsu-zoom in ito sa kanyang paningin.

Wala sa sariling napangiti siya. Unang beses siyang tumitig sa isang lalaki. Napahanga na siya sa angking gandang lalaki ni Peter, ngunit iba itong nasa kanyang harapan ngayon.

Nakasimangot ang lalaki, kunot ang noo at salubong ang mga kilay. Tinapunan siya nito ng tingin ngunit isang beses lang at saglit pa.

Sapilitan nitong ipinasok ang alagang aspin nito at saka hindi man lang siya pinansin.

Nainis siya. "Tara na Strike!" This time hindi na umangal pa si Strike. Sumama na ito kay Kim. Panay ang ngiwi at nguso ni Kim dahil sa inis. "Ang sungit naman ng lalaking 'yon!" bulong nito sa sarili. Ngunit hindi na maalis sa isip niya ang itsura ng lalaking iyon. Napapangiti pa siya tuwing naiisip ito. "Ano ba naman 'tong pakiramdam na 'to?! Hmp!" wika niya sa kanyang sarili. "Para ka namang timang Kimberly, ngumingiti ka mag-isa! Mamaya makita ka ng ibang tao pagkamalan ka pang baliw!" aniya pa.

Nilingon niya uli ang bahay na iyon. She felt disappointed nang hindi makita ang lalaki.

"Hey!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Peter. "Hey!" bati niya pabalik dito. "I just took a little walk."

"Wanna ride? I'll take you home," ani Peter, nakasakay kasi ito sa kabayo. "No thanks, I'll just walk." Naisip niya kasing baka magtampo uli ang alagang aso. "OK. Maybe next time?"

"Sure!" nakangiting sagot niya. Pagkaraa'y pinatakbo na ni Peter palayo ang kanyang kabayo at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi si Kimberly.