webnovel

EPISODE 24

"HULING BAHAGI NG PAGSASANAY"

ANG NAKARAAN,

Nagtungo si Aira sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Samantala naiwan naman sina Sam, Liam, Joshua, Xavier at Zandro upang magpatuloy sa pagsasanay ng ating bida na si Sam.

SA PAGPAPATULOY...

"Sam? " Tawag ni Selena sakanyang pamangkin.

Agad namang lumapit ang dalaga at yumakap sa kanya.

Lumapit din sina Liam, Joshua, Xavier at Zandro.

"Pinuno, kaya na ni Sam gamitin ang apat na elemento. At lahat ng mga itinuro namin sakanya ay nakuha nya." Ngiting Sabi ni Xavier.

"Magaling! Ngunit may huling pagsubok! " Ngiting Sabi ni Selena.

"Pagsubok? Anong ibig mong sabihin Tiya?" Tanong ni Sam.

"Oo may huli kapang pagsubok. Ngunit ang pagsubok na yan ay mangyayari sa ibang mundo! " Sabi ni Selena.

"Po? Anong ibig nyong sabihin Mahal na Prinsesa.?" Gulat na Sabi ni Victoria.

"Magtutungo kayo sa Ayden, o dating Aydendril. Doon magaganap ang huling pagsubok para sa itinakda. "Sagot ni Selena.

"Tiya saan po bang demensyon ang Ayden na sinasabi mo?" Tanong ni Sam.

"Yan ang tahanan ng mga nilalang at orihinal na tahanan nating mga Jamaisan. At pagdating nyo sa Ayden malalaman ang sinasabi ko." Sagot ni Selena.

Magtatanong na sana si Sam nang biglang kumumpas si Selena ng kanyang kamay at agad syang napadpad sa Mundo ng mga Tao.

"Nasaan ako?" Tanong nya sa sarili nang may mapansin syang kakaiba. Biglang nagbalik sa dati ang kanyang boses. Naging lalaki ito pati narin ang kanyang katawan ay nagbago.

"Nagbalik nako sa dati? Lalaki na ulit ako?" Sabi nya habang kinakapakapa nya ang kanyang Pisngi, pababa sa kanyang dibdib.

Habang nasa Mundo na ng mga Tao si Sam.

Gulat na gulat naman sina Liam, Xavier, Joshua at Zandro sa ginawa ni Selena.

"Saan mo dinala si Samantha Pinuno?" Tanong ni Joshua.

"Nasa mundo na sya ng mga Tao ngayon. At ipapadala ko din kayo doon. Ngunit nakiki-usap ako sainyong apat. Gawin nyong lihim ang tungkol sa tunay na katauhan ni Sam. Ako ang magpapaliwanag sakanya lahat. Sa ngayon nararamdaman kung nagkita na ang mga reinkarnasyon ng mga dating tagalipon at si Aira. Kelangan ninyong sunduin si Aira sa Mundo ng mga at mag tungo kayo sa Ayden. Para sainyong bagong kapangyarihan. " Sabi ni Selena.

"Makakaasa ka Pinuno." Sabi ni Zandro.

"Zandro, nakalimutan Kung sabihin saiyo. Isa ka sa mga reinkarnasyon ng mga taga lipon."Sabi ni Selena sabay hawak sakanyang Ulo. Nakaramdam ng kakaibang lamig si Zandro at agad syang naglaho.

"Nauna na din ba si Zandro sa Mundo ng mga Tao?" Tanong ni Xavier.

"Ang totoo kalahati ni Zandro ang nakasama natin simula pa nung una. Pinabalik ko si Zandro sa kanyang mortal na katawan." Ngiting Sabi ni Selena.

"Tunay na napakahiwaga ninyo Prinsesa Selena. Pero naloka ako. Ang gulo! Pero Tara na! Sundan na natin si Samantha sa mundo ng mga tao." Sabi ni Liam.

Sabay sabay nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan.

Nauna si Joshua, na nagpalit anyo bilang isang tigre na kulay puting balahibo at nauna itong tumakbo patungo sa kakahoyan.

Sumunod naman sina Liam at Xavier na nagpalit anyo din.

Si Xavier ay naging isang malaking ibon na katulad ng Phoenix na Ang kanyang mga pakpak ay umaapoy habang si Liam ay tumalon sa ilog sinundan ang agos ng tubig papasok sa kakahoyan.

"Mag iingat kayo. Naway magtagumpay kayo!" Sabi ni Selena.

Lumapit naman sina Nuno, Rosa at si Victoria.

"Naway magtagumpay sila insan?" Ngiting Sabi ni Rosa na biglang nagbago ang anyo.

"Tama na ang pagkunkunwareng Victoria. Bumalik kana sa dati mong anyo Tyler! At ikaw Nuno? Bumalik kana sa pagiging Theo Adonis!" Sabi ni Rosa.

"Mga Plano ito ni Jenna! Bakit Nuno ipinangalan nyo sa duwende kung pang cover sa identity ko." Sabi ni Theo.

"Pasensya na no? Bat parang kasalanan ko pa?" Sabi ni Selena na ngayon ay binago ang anyo at naging si Jenna ang napakagaling na babaylan.

Dumating naman si Adrian.

"Jake buti naman dumating ka na. Handa kanaba sa PAGBABALIK natin?" Tanong ni Jenna.

"Oo Selena, este Jenna. " Sagot ni Jake na agad namang niyakap si Tyler.

Victoria the best alalay with magic powers is Tyler Adonis

Nuno the dwarf is Theo Adonis

Rosa the Pixie is Katalina.

Adrian the Harte Guard is Jake.

Selena the princess of Aera is no other than Jenna.

"Gusto ko nang makita ang Anak natin. Kamusta na kaya si Kathleya?" Sambit ni Katalina Kay Theo.

"Ako parang buntis yata ako?" Biro ni Tyler.

"Tumigil ka dyan Tyler. Bibigwasan kita dyan!" Saway ni Jenna.

"Ate Kat si Jenna masunget ulit. Wala pading pinagbago Selena nga pangalan nya pero masunget pa din.mapanakit pa din!" Sabi ni Tyler.

At tumawa silang lima sa pagiging makwela ni Tyler.

"Wala bang idea sina Raven tungkol dito Insan?" Tanong ni Theo.

"Wala dahil Alam nilang hiniling ko na tanggalin ang Pagiging immortal natin. Pero Ang totoo, inilagay tayo ni Bathala dito. At Ewan ko ba bakit yang mga kampon ni Sitan ay Hindi mawala-wala!" Sagot ni Jenna.

"Ang mahalaga, nagawa natin ang dapat. Ngayon kelan Ang balik natin sa mundo Ng mga tao?" Tanong ni Jake.

"Malapit na Jake. Sa ngayon, hayaan muna nating maging malakas silang mga itinakda. " Sagot ni Jenna.

Samantala sa mundo ng mga tao,

Nang magsama sama na silang apat agad nilang hinanap si Aira upang mag Tungo sa Ayden.

"Sure kayo na sa Baryo Marikit tayo pupunta? Napaka layo nyan dito sa Syudad! And again please walang gagamit ng powers sa harap ng mga Tao!" Sabi ni Sam.

"Speaking of! Hali ka tingnan nyo to sa balita!" Sabi ni Liam. Sabay pindut ng remote control sa TV.

Kasalukuyan nilang pinapanood ang kakaibang pangyayari, isang babae ang lumapit sa ipo-ipo ngunit ang pagtataka ay umaapoy ang kamay nito habang nasa loob Ng ipo ipo ang kamay. At parang may Tao sa loob ng ipo-ipo.

"Gosh! Superhumans! " Sabi ni Sam.

"Baka mga kampon Yan ni Hex." Sabi ni Joshua.

"Joshua, hindi! Wala akong nakikitang bakas ng mahikang itim sa dalawa. Pupuntahan ko Yan!" Sabi ni Sam.

"Samuel? Nakalimutan mo na ba na pupuntahan pa natin si Aira sa Baryo Marikit at para makapunta tayo sa Ayden. " Sabi ni Xavier.

"Okay fine, kelan Alis natin?" Tanong ni Sam.

"Bukas na bukas aalis tayo!" Sagot ni Xavier.

Itutuloy....