webnovel

The Hidden Story Of Mysterious University

"Kasalanan ang bumuhay sayo, at kasalanan rin ang bubuhay sayo."

Yinexiyin_19 · Horror
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

Chapter 7

Andito na kami ngayon sa Dorm ko...Nilapag ko ang Blue Folder at nagsidatingan na sila pati si Aisha at Clark.

"Bisto" Pagod na pagkasabi ni Khane at umupo sa maliit na Sofa.

"Okay lang yan...Ang mahalaga nakuha hindi ba Yuna?"Tanong sa akin ni Icel.

"Bwisit ka...Kayo.Muntik na akong matamaan ng kutsilyo" Nakataas ang kilay ko at isa-isa silang binalingan ng tingin.

"Okay lang yan,Humihinga ka pa naman" Pilosopong pagkasabi ni Jairro.

Inis akong tumingin dito at tsaka sya binigyan ng nakakatakot na tingin.

"Ah ganon pala yun" Tango-tangong pagkasabi ko,Pansin ko naman na naguluhan sila saakin.

"Okay lang kasi ako naman yung Muntik nang mapahamak" Pagkasabi ko nun ay nginitian ko pa sila ng peke.

"Psshhh Pasalamat ka na lang at nakakahinga ka pa." Pikon kong nilingon si Jairro,Anong trip netoh?

Kinusilapan ko na lang sya at tsaka ko nilabas ang Blue Folder,Tinago ko kasi toh sa tagiliran ko para hindi sagabal sa pakikipaglaban kanina,Lukot na tuloy.

Nung maibaba ko na ay masama nang nakatingin sa akin ang DarkH.

"Bakit?"

"Bat lukot?"

Tinaasan ko naman ng kilay si Dwife...Kapal naman ng mukha nya mag-iinarte pa siya?Eh kung batukan ko kaya sya.

"Bakit aangal ka?"Mayabang na pagtanong ko rito.

" Ano ba mag-aaway nanaman kayo,Kung Binuksan nyo na lang sana yang Folder"Awat samin ni Clark at tsaka lumapit sa lamesa para buksan ang ito.

Lumapit na rin si Jairro para tignan ang laman ng Blue Folder,Nilakihan ko naman sya ng mata nung tumingin sya sa akin,Pero ang loko pinakyuhan lang ako...Lalapit na sana ako para batukan sya pero pinigilan na ako ni Aisha.

Kaya ang ginawa ko na lang ay pinakyuhan ko din sya.

Napalingon naman ako sa Sofa,Andun si Khane nakatayo at nakatingin sa amin.

Kaya ang ginawa ko din pinakyuhan ko rin sya,Kita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Sige mag pakyuhan na lang kayo diyan"

Nang marinig ko ang boses ni Clark,ay tinuon ko nalang din ang pansin ko sa lamesa para tignan kung ano nga ba talaga meron dyan.

Binuklat na ito ni Clark ng mapansin na maayos na ang lahat at nakatuon na kami sa Lamesa.

Pagkabuklat nya ay nilapit nya pa ang mukha nya dito.

Seryoso sya at parang hindi maganda ang iniisip nya,Samantalang tumingin din si Jairro at naging ganon din ang itsura nya kagaya kay Clark.

May binulong si Clark kay Jairro at tumango naman ito.

"Pupunta tayo sa dating canteen"Naka cross arm napagkasabi ni Jairro.

Kumunot naman ang mga noo namin nila Aisha.

"Wag mong sabihin na ang wala lang sa mapa ay ang Dating canteen?" Tanong ni Aisha

Mabilisang nilukot at pinagpupunit ni Clark ang Folder na syang ikinagulat naming lima liban kay Jairro

"Pupunta tayo dun"

"P-pero" Di pa natapos ni Jake ang sasabihin nya ay binalingan sya ng masamang tingin ni Clark.

"Wala ng pero-pero,Mamamatay tayo lahat dito kung wala tayong gagawin..." Pagkasabi nya non ay tumingin sya kay Jairro.

Parang naiintindihan naman nila ang mga sinasabi ng mga mata nila,Samantalang kami dito nila Khane at nila Aisha ay litong lito kung ano nga bang nakita nila sa Folder

"Anong oras?"

"Gabi tayo pupunta don"