webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
24 Chs

CHAPTER TWO

(Hereux Academy, first day of school)

(Laurrie's POV)

OMG!

LATE NA AKOOOOOOOO!!!!!

Kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay. Malaking bagay sa akin na malapit ang bahay namin sa school. Ang kaso lang, kapag late akong nagigising, ang walking distant na school sa bahay namin ay kailangan ko pang takbuhin para lang wag akong ma-late. Tss. Buhay nga naman.

Anyways, I'm Laurrie Mendoza and this is my first day as a fourth year student which is sad to say, late ako.

Habang binibilisan ko ang pagtakbo ay tumingin ako sa wrist watch ko. Naku po. Fifteen minutes na lang, masasaraduhan na ako ng gate!

* BEEP! BEEP! *

Ay kamote!

Napatingin ako sa likod ko at ready to fight na sana sa kung sinumang walang manners na bumusina sa akin, nang biglang.....

"Peppa, you're blocking my way!"

That voice. That familiar voice.

Lumingon ako at nakita ko si Raffy Clavecillas na nakasilip sa bintana ng Ferrari niya. He's smiling at me.

Fudge. I hate that smile. It makes me fall for him again and again.

"Good morning, Peppa."

Kung bakit Peppa ang tawag sa akin ng isang 'to ay dahil mataba ako nung mga bata pa kami. That's a slang term for fat. Matagal na niya akong tinatawag ng ganyan, since elementary pa!

Raffy Turner Clavecillas is my childhood friend. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-transfer sa Hereux Academy, a school for elite students. Paanong ang mahirap na katulad ko ay nakapasok sa eskwelahan ng mga mayayaman? Ganito yun. Every year, nagbibigay sila ng scholarship sa mga incoming freshman na mag-te-take ng entrance exam sa kanila. Then they will grant a full scholarship sa kung sinuman ang magiging top one sa entrance exam. And fortunately or should I say, unfortunately, ako ang nakakuha ng full scholarship. Kaso lang, kailangan kong maging student assistant at mag-maintain ng high grades para sa scholarship.

Anyways, ang tagal ko ding hindi nakita ang baliw na 'to. Kasi kahit na nasa iisa kaming school ay hindi naman ako basta-basta makalapit sa kanya dahil kung hindi siya palaging pinapaligiran ng mga babae't bakla ay lagi naman niyang kasama ang Upper East Side Club or UESC for short.

"T-tisoy....."

Aba, kung may pang-asar siya sa akin, ako din dapat noh! Tisoy ang palayaw ko sa kanya, because of his fair complexion. Akala mo lumaklaklak siya ng isang bote ng gluta sa sobrang kaputian.

"At bakit ganyan ka makatakbo, ha?"

"Late na kasi ako eh!"

"Ganun ba?" at binuksan ni Raffy ang pinto ng kanyang kotse. "Tara, sabay na tayo."

"A-ano?"

"Ang sabi ko, sabay na tayo. Gusto mo bang magkaroon ka ng sanction sa mismong first day of school? Kawawa ka naman kung ganun. Sakay ka na kasi!"

"Oo na! Sasakay na!" at dali-dali akong sumakay sa loob ng kotse. Kapag sinuswerte ka nga naman oh. Ehehe.

"Ba't kasi hindi ka na lang sumakay sa tricycle o di kaya sa Angkas?" tanong pa niya.

"Poorita prades po kasi ako."

"Weh. Parang ten pesos na pamasahe lang." sabi pa niya.

"Ang ten pesos kasi sa amin, pang-softdrinks na."

Natawa siya sabay gulo niya sa buhok ko. "Kaya ka tumataba eh, kasi inom ka ng inom ng softdrinks, Peppa!"

Ganyan talaga si Raffy. Makulit siya at mahilig mang-asar. Pero nag-iiba siya kapag nasa school siya.

Limang minuto ang ang itinagal ng biyahe namin at nakarating na agad kami sa school. As I expected, ang dami na namang nakaabang na mga estudyante sa gate.

Oo nga pala, isang UESC member ang kasama ko kaya hindi na nakakapagtaka kung ba't ganyan karami ang mga tao dito.

Raffy is known as the "Campus Geek". He's the top student of this academy pagdating sa academics at extra curricular activities. Bukod pa sa pagiging matalino niya ay magaling rin siyang kumanta. He captured a lot of girls hearts (including me), lalo na kapag nag-pe-perform siya, on stage. Pero kabaligtaran ng personality niya sa stage ang personality niya sa loob at labas ng school dahil napaka-isnabero niya. Tapos idagdag pang mapanlait siya sa mga schoolmates namin. Pero kahit na abnormal ang kaibigan ko ay marami pa ring patay na patay sa kanya.

"Let's go, Peps." ang narinig kong sabi niya.

"Ha? Ah, hehehe."

"Bakit? May problema ba?" tanong niya.

"P-papano tayo bababa?"

"Yun ba? Don't worry. Basta diri-diretso lang ng lakad."

Tumingin ako sa bintana. Seryoso ba 'tong tisoy na 'to? Diri-diretso lang?! As in?! Eh parang hindi yata ako makakalabas ng buhay sa dami ng mga taong yan! Very wrong talaga na sumabay ako sa lalaking 'to (kahit na deep inside ay kinikilig ako.)

"Bakit? Baka naman ikinahihiya mo na makita ka nila na kasabay mo ako."

"P-pano mo nalaman?" gulat na tanong ko sa kanya. May sa-psychic ba ang utak ng tisoy na 'to?

"Ikaw talaga, Peppa. Sa guwapo kong 'to, nahihiya ka."

Wow. Yabang-yabangan na naman 'tong kasama kong anak-araw!

Hinila ako ni Raffy pababa, dahilan para biglang humawi ang mga estudyante. As usual, pinagbulungan na naman nila ako. Haay. Ano pa bang bago?

"Don't mind them, Peps."

Napabuntung-hininga na lang ako. This is one of the reasons kung bakit nakakalungkot ang pagiging UESC member ni Raffy. Parang pinagsisigawan kasi ng buong mundo na hindi kami bagay.

"Hey, Raf! It's nice to see you again!" may isang lalaking palapit na sa kanya, dahilan para mas lumakas ang tilian ng lahat.

He's Kyle Andrew Yunon, one of the members of UESC and known as the "Campus Comedian." Siya ang newly-elected Student Council President ng school na ito. Nag-iisang anak siya ng may-ari ng Yunon Pharma, ang pinakasikat na pharmaceutical company sa bansa. Katulad ni Raffy ay guwapo siya at matalino, pero 'di tulad ng abnormal kong kababata na cold at saksakan ng sungit ay friendly siya at palangiti sa mga tao, akala mo'y kandidatong

nangangampanya tuwing eleksyon.

"Halika, Peps. Ipapakilala kita sa kanila." anyaya sa akin ni Raffy.

"Ha? Naku, wag na." sagot ko.

"Bakit naman?"

"M-may gagawin pa kasi ako eh. Sa susunod na lang!"

Sa totoo lang ay iniiwasan kong ma-involve sa UESC kasi pakiramdam ko'y magugulo ang payapa kong buhay kapag naka-engkwentro ko sila. And besides, ayoko sa kanila.

Nakangiting lumapit si Raffy kay Kyle at kasabay nun ay ang pagbaba ng isa pang estudyante sa kanyang mamahaling sasakyan. All the eyes of the students are on her. She's very beautiful and regal. Itsura pa lang ay mahahalata nang mayaman siya.

She's Courtney Pineda, the so-called "Campus Princess". Isa rin siya sa mga top students sa school tulad nina Raffy at Kyle. Editor-in-chief siya ng school paper ng Academy. Nag-iisang anak ng may-ari ng Virra Foods Corporation, ang pinakasikat na food company sa Southeast Asia. Pinag-aagawan siya ng mga lalaki't tomboy sa school na ito pero mas gusto pa niyang mag-aral at magsulat ng article sa school paper kaysa pansinin ang mga schoolmates naming patay na patay sa kanya.  

Kasunod ni Courtney ay bumaba naman ang isa pang guwapong lalaki sa kanyang BMW. He's Timothy Peñaflor, the "Chick Magnet" of this school. His favorite collection? Girls, girls, and lots of girls. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng Ridge Incorporated na isa sa pinakasikat na conglomerate sa bansa.

"Tss. Here comes the freak." ang narinig kong sabi ni Raffy habang masama ang tingin niya kay Timothy. Oo nga pala, mortal enemies ang dalawang yan ever since. Kung bakit? Ewan ko sa baliw kong kaibigan.

Ilang minuto lang pagkarating ni Timothy ay sunod namang dumating ang isa pang mamahaling sasakyan. Bumaba sa sasakyang yun ang isa pang guwapong lalaki. He has a good body, expressive eyes and a nice smile.

He's Derrick De Leon, the "Campus Jock" of this school. Captain ball siya ng football team at anak siya ng may-ari ng sikat na construction firm sa bansa, ang De Leon Holdings Incorporated.

Wala pa ring tigil ang tilian ng mga tao dito. Akala mo'y may isang malaking celebrity na nagpunta dito sa school. Kunsabagay, mga totoong celebrity naman ang mga yan dahil nanggaling sila sa mga prominente't mayayamang pamilya sa bansa.

Nang biglang.....

"OMG! HERE COMES YOUNG MASTER WADE!"

Lumakas yung tilian ng mga tao habang papasok ang isang puting limousine sa school namin. Mas lalo pang naglakasan ang mga tilian nung huminto na yung limousine at may isang lalaking bumaba. He's tall and handsome but there is something wrong with him.

I never seen him smile for the whole five years I'm studying in this school. Parang laging problemado at galit sa mundo.

He's Mark Wade Escudero, the "Campus Prince." He is the most popular among them. Ang pamilya niya ang may-ari ng Hereux Academy at Universidad de Escudero. Her brother is the school president of UDE while her sister-in-law is the school principal. Captain ball din siya ng basketball team. Marami siyang mga admirers pero ni isang beses ay hindi ko man lang siya nakitang ngumiti o tumawa. Haay. Hindi ko alam kung bakit siya nagustuhan ng mga babae dito. Mukha naman siyang suplado eh.

May dalawa pa raw na members ang UESC pero nasa ibang bansa na ang isa sa kanila habang yung isa naman ay diumano'y umalis na sa grupo at nagsarili na. Kung sino man sila, hindi ko alam. Tsaka hindi naman sila nababanggit ni Raffy sa akin.

"Wade! It's been a long time!" sabay akbay ni Kyle kay Wade.

"How's your vacation?" sabad ni Derrick sa usapan.

"Okay naman." walang ganang sagot ni Wade.

"Tara na sa classroom. I can't stand the noise in this place." sabi ni Courtney na agad nilang sinunod.

Habang naglalakad sila papasok sa Main Building ay nakatingin ang mga tao sa kanila.

"Hi, Miss Courtney! Please accept this. Custard cake yan, ako ang gumawa." 

Tinitigan lang ni Courtney yung lalaki at kalauna'y nilagpasan niya. Eeh?! Sayang yung cake! She's such a mean talaga! At least tanggapin niya man lang noh! Kawawa naman yung lalaki.

"Pwede bang akin na lang 'to?"

"S-sige." at inabot nung lalaki kay Derrick ang cake.

"Hey, Courtney! Tanggapin mo naman 'to! Mukhang pinaghirapan 'ata 'tong gawin!"

"Kung gusto mo, Derrick, sayo na lang yan!"

Eeh? Ba't si Kyle ang nag-react?

"Grabe ka naman, Kyle! High blood ka kaagad! Akin na lang talaga 'to."

"Young Master Derrick, kunin mo din 'to." at inabutan siya ng gift ng isang babae.

"Thanks." sabi niya sabay kindat. Halos mahimatay na sa sobrang kilig yung babae.

"Young Master Wade, please accept this."

Hindi pinansin ni Wade yung babae. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kahit yung ibang nag-aabot ng mga regalo sa kanya ay hindi niya pinapansin. Same as Raffy and Timothy.

Maraming nag-aabot ng mga regalo sa UESC. Tuwing pasukan at Christmas party sila nakakatanggap ng mga regalo mula sa schoolmates namin. Mukhang ako na nga lang ang hindi pa nagbibigay sa kanila eh.

Ganyan ang buhay ng Upper East Side Club sa Hereux Academy. Parang mga hari't reyna. Pero wala naman akong pakialam sa kanila kasi wala naman silang kinalaman sa buhay ko. Tanging si Raffy lang ang kilala ko sa kanila, personally. Pero yung iba? Well, let's just say, they don't know my existence. And besides, wala naman akong pakialam sa kanila o sa pinaggagagawa nila. For me, they're just a bunch of people na masyadong na-e-enjoy ang popularity nila dito sa school. Kaya siguro ang dami nilang magagandang high school memories, hindi tulad ko na palaging binu-bully dahil sa pagiging scholar ko.

But little did I know, everything will change starting this day.