webnovel

THE GIRL WHO SMELLS LIES

Cibrina De Vella is a girl who woke up from an accident and started to smell lies that are beyond her imaginations. Little by little, she started to unfold the lies that has surrounded her for all the years. After figuring a one small lie it began to connect to the bigger lies that she didn't know exists. Will she be able to forgive them?

Rex_Shalyn_Lagarto · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
3 Chs

Pangalawang Kabanata

Minsan gusto ko nalang mawala na parang bula. Ang gulo na nga ng mundo, dumadagdag pa mga magulang ko.

"How long are you going to keep blackmailing me, Ylazar!"

"I am not blackmailing you!"

"Then what's this again?!"

All I can hear is their shouting and yelling at the living room. I shook my head at their incredulity.

Nawalan na ako ng ganang kumain.

Sanay na ako sa bangayan nila Mommy at Daddy tuwing umaga. Naging routine ko na nga yata ang makinig sa usapan nila kahit wala akong maintindihan.

Napalingon ako ng biglang may umakbay sa'kin. Si Lolo.

"Ano ba itong napakaganda 'kong apo at hindi kumakain? H'wag kang magda-diet apo, masama iyan. Ubusin mo ang hinanda sayo ng Lola mo."

All of a sudden I lost the weigh I felt in my chest and was quickly replaced with a smile.

"Yes lo."

I heard him giggled and kissed the top of my head before leaving.

I smiled at his gesture. Lolo is such a sweet man and Lola is lucky to have him.

"Puntahan ko muna ang Lola mo sa garden. Bilisan mo na ang pagkain at baka mahuli ka sa klase mo."

I nodded and quickly ate all of the food in my plate.

After eating I immediately washed my plate at the sink and stormed out to the garage and went straight into my car.

Hindi na ako nag abala pang magpaalam kela mommy at daddy dahil hindi rin naman nila ako mapapansin.

I straight off myself to the car and drove it to my School.

Agad kong pinark ang sasakyan pagkarating ko ng parking lot.

Taas noo akong naglakad papasok ng main building at dumeretso sa department namin.

May mga nakakasalubong pa akong kakilala at classmates ko kaya nginingitian ko lang sila pabalik.

Dumeretso muna ako sa Deparment Head's office kung saan ko matatagpuan si Miss Ria, ang aming Chief Head sa Accountancy Department.

"Good morning classmate, how can I help you?" nakangiting tanong sa akin ni Diane, naging kaklase ko siya no'ng second year kami.

Isa si Dianne sa mga Student Assistant or SA for short.

Every offices inside the campus has their own Student Assistant, by this, they can help those students who can't afford the tuition fee or the scholars.n

"Yes classmate, I'm looking for Miss Ria, is she inside?" ngiti ko ring tanong pabalik.

Nag hand signal muna siya ng 'wait lang' at pumasok sa loob upang tignan.

May isang maliit na information desk sa labas ng kahit saang office dito sa loob ng campus. Dito naka tambay lahat ng mga student assistant.

"She is inside classmate." aniya pagkalabas niya.

Kung nagtataka kayo bakit 'classmate' ang tawagan namin kasi isa itong culture sa loob ng campus.

Hindi lahat alam ang pangalan mo kaya imbes kung ano ano itawag mo sakanila, 'classmate' nalang daw para may respeto na rin sa kapwa mo mag-aaral.

Nginitian ko lang siya ulit at iginaya na ako papasok sa loob.

Malaki ang office ni Miss Ria, may mini sofa at mini kitchen siya rito sa loob.

Minsan narin akong tumambay dito no'ng mga panahon na isa ako sa mga kasali at ni represent ang school sa isang national competition.

Agad ko siyang nakita sa table niya at busy sa mga ginagawa.

"Good morning Miss Ria, kukuha lang po sana ako ng clearance form."

"Oh Hello Cibrina, come have a seat." nakangiti niyang sabi at humarap sa akin bago itinuro ang upuan sa harap niya.

"Nasabi ko na ba sayo na baka ikaw ang makakuha ng spot as Summa Cum Laude? Well hindi na nakakapagtaka yun." dagdag niya pa at diretso ang tingin sa mga mata ko.

Gusto 'kong lumundag lundag sa tuwa dahil pangarap ko 'to pero may parte sa'kin ang hindi magawa iyon.

I let out a forced smile and nodded to her cheerfully.

"Really Miss? Matutuwa nito si Daddy." I tried to act happy and giggled

"Yes and of course hindi pa official yan. Kailangan mo munang maipasa ang finals mo with flying colors."

"Yes Miss, I will do my very best."

Hindi na ako nagtagal sa office ni Miss pagkatapos niyang ibigay sa'kin ang clearance form.

I hurriedly walked out to her office and decided to share this news to Ryss and Ange. I'm sure they will be happy for me.

Hindi paman ako nakakapasok sa loob ng room when all of a sudden someone grabbed my hand.

Recognition drawn in my face as I saw who he was, I immediately pulled my hand back.

Sirang-sira na talaga ang araw ko.

"Ano bang problema mo?" I snapped at him.

Kurt gave me a lopsided grin and crossed his arms.

"You think you'll won? You won't get my position as Summa Cum Laude in this batch."

I raised my eyebrow.

"Let's see then."

"Stop dreaming Cibrina and hide to your mommy's skirt. Stop bullshitting me."

Napakuyom ako ng kamao at sinamaan siya ng tingin.

"May barbarians eat your brain, jerk." I mocked and went inside the room.

I saw Ryss and Ange in their seats kaya agad akong tumabi sakanila.

"Oh ba't bad mood ka yata?" Ange asked

Kinalma ko muna ang sarili bago bumaling sakanila.

"Bweset na Kurt yun, ipapamukha ko talaga sakanya na ako ang karapat-dapat na maging Highest honor ng batch na 'to." I uttered as I gritted my teeth.

"Hay nako, wala na talagang magawa sa buhay 'yang si Kurt." ani Ange

Isang Summa Cum Laude lang kasi ang pwede bawat department at ang iba ay mapupunta sa Magna Cum Laude o Cum Laude lang.

Kaya gano'n nalang ang kagustuhan ni Kurt na ibagsak ako pero nagkamali siya ng binangga dahil hindi ako makakapayag.

Di rin nagtagal ay dumating ang professor namin. Nag bigay lang siya ng reviewer para sa finals at kinongratualate kaming lahat.

Nagbigay din siya ng tips para sa pag take namin ng CPALE at kung ano-ano pang pwede naming magamit in the future.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Kailangan 'kong makapag graduate with latin awards. I need to make mommy and daddy proud of me. Baka sa paraan na yun, mapansin na nila ako. Maramdaman nilang may anak pa silang nag hihintay ng aruga nila.

Natapos ang klase namin sa umagang yun kaya napag desisyunan naming tatlo na tumambay lang muna sa gazebo.

Si Ryss na ang nag presenta na bumili ng pagkain namin sa cafeteria.

I looked up to sky and listened to its serene silence as the sun shone on my face.

"Ange can you turn of the sun, please?" I requested still my eyes close.

"Tongiks ka dai."

Pareho kaming natawa na dalawa sa kabaliwanan namin.

Angelu and I have been friends since freshmen days. Lalo pa kaming naging close ng malaman 'kong secretary ng daddy ko ang ate niya.

"Ano kaya mangyayari sa'tin sa future 'no?" tanong ko habang nakatingin sa may malaking puno kaharap ng gazebo.

I saw on my peripheral view how she shrugged her shoulders and sighed.

"We can't know that. We just have to move forward and focus on our goals. We must not look in any direction but ahead."

"As long as I have you and Ryss. Lolo and Lola. Mommy and Daddy, I am happy and contented."

"Well, well, well. Pag nakikita ko talaga pag mumukha mo Cib, nawawalan ako ng gana."

Sabay kaming napalingon ni Ange sa nagsalita.

Kurt.

"Umalis ka nga. Walang lugar ang kabaliwan mo rito." Ange expressed, harshly.

Natawa naman bigla si Kurt at hinarap ang kaibigan ko.

"Para namang hindi ka nabaliw sa'kin no'ng una."

Napataas bigla ang kilay ni Angelu.

Kurt and Ange had a relationship in the past pero ng mapansin ni Ange ang pagiging war freak at vulgar ni Kurt ay agad niyang hiniwalayan ito.

"Back off Kurt! Hindi ko pa nga opisyal na nakukuha ang titulo bilang Summa Cum Laude tumatahol kana. Paano pa kaya kung maging ako? Baka magpatiwakil ka?"

Nakita kong napakuyom siya ng kamao at susugurin na sana ako ng saktong dumating si Ryss.

"Pre, babae yan. Respeto naman." anang ng kaharap ko at tinulak si Kurt palayo.

Bigla naman niya akong dinuro.

"Babae lang yan--"

"Hindi 'lang' kundi babae talaga. Nirerespeto dapat pre. Umalis kana baka hindi ko pa matantya ang sarili ko sayo."

Kurt gave me a deadly glare before leaving us. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.

Agad naman akong hinarap ni Ryss at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Are you okay?"

I nodded at him as a response.

"Naku! Takte! Nagsisisi talaga akong sinagot ko ang hinayupak na yun! Nakakahiya siyang maging ex." may pandidiring sabat ni Ange habang inaayos ang mga biniling pagkain ni Ryss sa mesa.

"Char ka ha, marupok kapa nga do'n dati e." I joked and helped her with the foods.

Natatawang hinampas niya ako sa balikat.

"Kung pwede ko lang mabago ang nakaraan hindi ko sasagutin ang baliw na yun."

Nauwi sa tsismisan at kabaliwan ang tanghalian naming tatlo.

Nasa gitna kami ng asaran at tawanan ng biglang mag ring ang phone ko.

Agad 'kong tinignan ang caller at nagtatakang sinagot ito ng mabasa ang pangalan kung sino.

"Yes lo? Napatawag po kayo?" sagot ko at sumenyas kela Ryss at Ange na huwag maingay.

"Apo! Salamat naman at sinagot muna ang tawag ko. Nandito kami ng Lola mo sa labas ng school niyo. Halika't tayo ay mamamasyal."

"Ho? Ngayon na? Bakit naman po?" Hindi naman sa ayaw ko pero nakakapagtaka lang.

"Huwag ka ng umangal at lumabas kana diyan. Sumasakit na ang balakang ng Lola mo. Baka magalit pa 'to at maging dragon na naman bigla." natatawang ani Lolo at pinatay ang tawag.

"Ano daw?" Ryss asked.

"Sila Lolo nasa labas. Puntahan ko muna ah. Tawagan niyo nalang ako kung wala si Sir." paalam ko sakanila at hindi na hinintay ang sagot tsaka dali-daling lumakad papunta sa parking lot.

Malayo palang ay natatanaw ko na si Lola at Lolo na halatang nagbabangayan.

My heart soften at Lolo's gesture when he tries to hug Lola because she keeps hitting her.

Their love story is my greatest happiness.

"Lolo! Lola!" I waved and kissed them both on the cheeks.

"Ano pong ginawa niyo rito?"

"Ano kaba naman apo, sinabi ko na kanina sayo. Tara na at sumakay na tayo sa kotse mo, mainit dito sa labas."

Wala na akong nagawa ng sumakay na silang pareho sa sasakyan ko.

Agad akong pumasok at naupo sa driver's seat, pareho naman silang nasa likod.

I looked at them in the rear view mirror and pouted.

"Para niyo naman akong driver nito."

Lolo chuckled and patted my head.

"Magandang driver apo."

Nakangiting sinimulan ako ang makina ng sasakyan at pinaharurot palayo sa school.

Napapatingin ako sa rear view mirror at nakikita ko kung gaano sila ka sweet na dalawa.

If waiting will give me the best lovelife like theirs, then I'll keep on waiting even if it means forever.

But lovelife isn't my priority now.

"Apo tumingin ka sa daan, huwag sa amin ng Lola mo."

I rolled my eyes and focused on the road.

"Naiinggit lang ako sainyo, sana all may lovelife."

"Ano ka ba naman apo, huwag kang maiinggit sa lovelife ng iba dahil naniniwala akong mas maganda ang darating para sayo. Taong isasakripisyo ang buhay niya at mamahalin ka ng totoo."

I make faces at Lolo's statement.

Hindi sa hindi ako naniniwala sa sinabi ni Lolo, sadyang wala pa sa utak ko ang mag lovelife.

"Apo, sa jollibee tayo kumain. Namimiss ko na ang fried chicken doon. Hindi na kasi kami nakakalabas ng Lolo mo kaya't hindi na kami nakakapag date." aniya Lola

Natawa ako sa sinabi nito at agad naghanap ng Jollibee malapit sa kinaroroonan namin.

Nang makakita ay agad akog nag park sa tabing kalsada.

Inaalalayan ko silang pareho na makababa sa sasakyan ko.

Bigla namang pumalakpak si Lola habang nakangiti ng malapad.

"Hay! Sa wakas makakakain din ako ng friend chicken joy ng jollibee!" Sigaw nito at naunang lumakad papasok.

Natatawang nagkatinginan kami ni Lolo at napapailing na sinundan siya sa loob.

"Ako na po ang mag oorder." tinanguan lang nila ako pareho at naupo malapit sa may malaking salamin.

I was waiting in queue behind a man when I saw a little girl who was tripping the edge of his fabric clothing.

"Tito Wax gusto ko rin ng sundae!" a girl begged in a soft tone.

He disheveled the girl's hair and chuckled.

"Oo, si tito na ang bahala."

Naririnig 'kong sinasabi na nung lalake ang order niya sa cashier at di nagtagal ay dumating narin ang order nila.

Why does his voice sounds familiar?

Hawak ang tray sa dalawang kamay ay humarap ito sa gawi ko.

Nanlalaki ang mata na napaatras ako kaya naapakan ko ang paa ng nasa likod ko.

"Ano ba Miss!"

"S-sorry po."

Tinapunan lamang ako ng tingin nito at naglakad papunta sa table nila.

Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Matapos mo'kong hingian ng lisensya ngayon hindi moko makikilala? Pwes!

"Oorder ka Maam?" nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang waiter.

"Ah oo," anang ko at inilahad ang order ko sa babae.

Dalawang C2, isang large fries at sundae lang ang binili ko dahil tapos narin akong kumain sa school kanina.

Nakangiti akong naglakad papunta sa gawi nila Lolo at isa-isang nilapag ang inorder ko.

"Bakit parang masama ang timpla ng mukha mo apo?" may dismaya sa tono niyang tanong.

"Hindi kaba masaya na kasama mo kami ng Lolo mo?"

"Of course not Lola, that's not it. Ano kasi, nakikita niyo yung lalaking yun?" ani ko at itinuro ang kupal na nasa kabilang mesa kasama ang isang bata.

"Oh sino naman sila apo?" Lolo asked with a curious tone.

"Kagabi kasi marami akong na violate na rules at siya yung kupal na police na hiningian ako ng lisensya Lolo." I was like a kid explaining that I got bullied at school.

Lola suddenly plastered a wide smile where fine lines get visible on her forehead and cheeks.

"Aba mabuti yan apo." She giggled.

Ano raw?

"Lola!"

"May isang tao rin na hindi nasindak sa pagiging anak mo ng isang Mayor."

"Lola naman!" nakanguso 'kong asik

"At baka siya narin ang soulmate mo apo." Lolo teased and grinned.

"Pati ba naman ikaw Lo? Tss." at nilaro-laro ang tunaw kong ice cream.

Tinawanan lamang nila ako pareho kaya mas lalo akong napabusangot.

We were enjoying our meals when suddenly we heard gunshots that causes the glass to shattered.

Out of adrinaline rush, I tightly hugged Lola who was sitting next to me.

Agad nagkagulo ang mga tao sa loob na ang tanging gusto lang ay makalabas sa fast food chain.

Nakita ko pang tumakbo papalabas yung kupal na police. Tss. He should create peace pero siya naunang tumakas. What a coward.

I held Lola's face when I felt her shivers.

"Lola are you okay?"

Hindi ito sumagot at tumagos lamang ang tingin sa'kin atsaka may itinuro sa kung saan.

My body went trembling as I saw Lolo lying on a cold dirty floor covered with his own blood.

"Lolo!" I screamed in horror.

"E-efren."

My knees shuddered as I approached his body.

"N-no, L-lolo..."

Nanginginig ang pareho 'kong kamay. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan o kung dapat ko ba siyang hawakan.

Naluha ako ng makitang umubo na siya ng dugo.

I scanned the whole place looking for help.

"Somebody call an ambulance! Please! M-my lolo needs help! P-please!" I cried for help and placed Lolo's head in my lap.

Lumapit naman sa'min ang manager at agad tumawag ng ambulansya.

Naiiyak namang lumapit si Lola at hinawakan ang mukha ng asawa.

"L-langga..."

Mas lalo akong naiyak ng tawagin ni Lola si Lolo gamit ang kanilang endearment.

At mas lalong nadurog ang puso ko ng haplusin ni Lolo ang pisngi ng asawa bago bumaling sa'kin.

"A-apo..m-mahal na mahal ka--"

"L-lo please, don't talk. I love you too. Don't talk. Don't leave us. We'll get you to the hospital, you will be fine. Keep hanging in there--"

Patuloy ang pag ubo nito ng dugo at umiling-iling sa'kin.

"M-mahal ka ni L-lolo...t-tandaan mo yan a-apo ha?"

Tumatango-tango ako sakanya at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng biglang nahimatay si Lola sa tabi ko.

"LOLA! DAMN WHERE IS THE FCKING AMBULANCE!"

Agad nagkagulo ang mga tao dahil sa sigaw ko.

Humahagulhol na ako sa iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin. Natataranta na ako. Natatakot.

I was about to loose my control when lolo suddenly held my hand tightly.

Agad ko siyang nilingon. Patuloy na ang paglabas ng dugo sa bibig niya.

Please somebody call an ambulance please.

"M-maging...m-masaya ka lamang ng totoo....apo, iyan l-lang ang h-hiling ko sa m-mundong ito...."

He gave me a wink and gave me his sweetest smile before letting go of my hand.

Sunod-sunod ng pumatak ang mga luha ko.

"LOLO!"

------------

By: Savolonte