webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
49 Chs

Chapter 14

Now playing: Stickwitu by Pussycat Dolls

Jennie

Simula nang makauwi kami ni Lisa galing sa farm ng kanyang lolo at lola ay madalas na kaming hindi sabay sa pagpasok sa school.

Mas madalas na rin niyang kasama ngayon si kuya. Ayaw ko namang makisingit sa kanila dahil nobyo niya yun at best friend lamang ako.

Hindi na kami nagkakasama. Kaya naman, ang madalas kong kasama ngayon ay si Miyuki. Si Miyuki na hanggang ngayon ay ubod parin ng kulit ngunit overload naman sa cuteness.

Haaaay. Iba parin kasi talaga kapag 'yung taong gusto mong makasama araw-araw ang nakakausap mo. Mas magaan sa feeling, mas masaya at mas may energy.

Napahinga ako ng malalim sa tuwing naaalala ko ang araw na kulang nalang ay awayin ako ni Lisa.

Simula kasi noong araw na iyon, parang iniiwasan na niya ako. Anong magagawa ko? Kailangan kong mag kunwari na wala akong natatandaan no'ng gabi na iyon.

*Flashback*

"Good morning!" Masayang pagbati nito sa akin noong magising ako.

Agad na lumabas kasi ako ng kwarto dahil nag-alala akong wala si Lisa sa tabi ko. Baka kung saan na naman nagpunta.

Nakahinga ako ng maluwag noong naabutan ko itong nagliligpit ng aming mga gamit. Isa-isa niya itong inilalagay pabalik sa loob ng kanyang sasakyan dahil pauwi na kami.

Parang hindi lang siya moody kagabi ah. Sabi ko sa aking sarili.

"G-Good morning." Utal na pagbati ko sa kanya at napaiwas ng tingin dahil naramdaman ko ang awtomatikong pang iinit ng pisngi ko, bago muling tumalikod sa kanya at bumalik sa loob ng bahay.

Nagtungo ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

Bigla na lamang kasing bumalik sa aking alaala ang ginawa ko kagabi. Nagawa ko siyang halikan kahit sa gilid lamang ng kanyang labi.

Hinihingal na napahawak ako sa aking dibdib nang matapos ako sa pag inom.

Hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magawa iyon. Siguro dahil masyadong perfect ang timing dahil sobrang magkalapit ang mukha naming dalawa noong magising ako. At ayoko ng sayangin pa ang pagkakataon na ibinigay sa akin kaya sinamantala ko na.

"Can I ask?"

"Ay, palaka!" Gulat na napatalon ako dahil hindi ko namalayan na nasa likuran ko lang pala siya.

"A-Ano yun?"

Sigurado ako na tungkol sa nangyari kagabi ang itatanong niya. Saad ko sa aking isipan bago muling napalunok.

Kinakabahan din.

"About last night." Sagot naman niya.

Sabi ko na nga ba eh.

"A-Anong tungkol kagabi?" Kunwari naman na hindi ko alam. At hindi naman ako aamin 'no?

Natigilan ito sandali na animo' y nag-iisip ng tamang words na gagamitin sa pagtanong.

"What about last night, Lis?" Pag ulit ko ng tanong pa. Ngunit napailing lamang ito bago mapakampay sa ere.

"Nothing." Tipid ngunit madiin na sagot niya. "Obvious naman na hindi mo natatandaan. Sabi ko na nga ba eh." Dagdag pa niya.

"Ano ba kasi yun?"

"Nevermind." Tatalikod na sana ito nang magsalita akong muli.

"A-Alam mo bang nanaginip ako..." Bigla naman lumambot ang awra nito at napatitig sa mukha ko.

"Ano naman yun?" Tanong niya bago napa cross arms.

"H-Hinalikan daw kita." Diretsahan na sagot at pagsisinungaling ko na rin ngunit hindi naman nakatingin sa kanya dahil sa kahihiyan.

Hindi naman kasi panaginip yun. Totoong nangyari yun, ngunit para lang gumaan ang loob niya eh kailangan kong sabihin na nanaginip ako ng same scenario.

Napatawa lamang ito.

"Nanaginip ka?" Tanong niya. Napatango ako. "Na hinalikan mo ako." Dagdag pa niya, muli akong napatango.

Napailing ito ng mariin at mataman na tinitigan lang ako sa aking mukha.

"Alam mo? Kausapin mo ang sarili mo." Sambit niya at pagkatapos ay tinalikuran na ako habang napapairap sa akin.

"Panaginip pala, huh!" Bulong nito sa kanyang sarili habang naglalakad palabas ng kusina ngunit dinig ko naman.

"Lisa, wait!"

"Don't talk to me!" Ganting sigaw nito sa akin dahilan upang mapangiti ako ng palihim.

*End of flashback*

Kahit na anong mangyari, hindi ko sasabihin o aamining natatandaan ko ang lahat ng iyon at hindi lamang ito isang panaginip sa akin.

At some point, I am so proud of myself because of that courage. Kaya ko naman palang gawin.

Palakasan lang talaga ng loob.

Katatapos lamang ng aking klase. Agad na lumabas ako nang mapansin ko si Austine na naka sandal sa pader ng aming classroom. Halatang may hinihintay ito kanina pa.

At sino naman kaya sa mga kaklase ko ang hinihintay niya? Hindi naman siguro si Miyuki, right?

Mukhang hindi naman sila magkakilala.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nilampasan pa. Isa pa, baka siya na naman ang mambully sa akin. Minsan kasi may tama rin 'yung lalaking ito sa utak eh.

"Jennie!" Pagtawag nito sa akin. Natigilan ako sa pag hakbang bago napalingon sa kanya.

Lumapit ito sa akin.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Tanong ko. Tinignan naman ako nito na parang nasisira.

"Isn't it obvious? May ibang tao ba sa paligid?" Pamimilosopo naman niya. Inirapan ko lamang ito at tatalikuran na sana nang hawakan niya ako sa aking braso upang pigilan.

"Ito naman, hindi na mabiro." Pagkatapos ay napakamot siya sa kanyang batok. "Ano kasi eh...p-pwede ka bang mayayang lumabas?"

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa narinig at gulat.

"H-Huh?" Hindi maitago ang gulat sa aking mukha.

Agad na pinagtinginan din kami ng mga napapadaan sa amin at narinig na niyayaya ako ni Austine na lumabas.

Nahihiya naman na napatingin si Austine sa paligid noong pinagbubulungan na kaming dalawa.

Napapikit ito ng mariin, halatang napipilitan lang.

"Bakit mo ba kasi ito ginagawa?" Seryosong tanong ko. "Alam mo kung nantitrip ka lang dahil boring na naman yang buhay mo, maghanap ka nalang ng ibang mabibiktima--"

"Let's hang out, please." Saka nito ipinagdikit ang kanyang dalawang mga kamay na animo'y nagdadasal. "Hindi naman masama ang magsaya kung minsan, hindi ba?"

"Omg! Seryoso ba talaga siya?" Narinig kong tanong ng babae sa kanyang kasama nang mapadaan sa aming dalawa.

"Baka naman nang titrip lang si Austine, tiyak na oo ang sagot ni Jennie dahil pogi na kaya ang lumalapit sa kanya." Mula naman sa grupo ng mga kababaihan na kanina pa kami pinanonood.

Napalunok ako.

Wala naman akong choice kung hindi ang umuo. Iisipin kasi nilang ang kapal naman ng mukha ko para tumanggi. Isa pa, hindi naman siguro ako ipapahamak ni Austine dahil siya ang mananagot may Kuya at Lisa.

"F-Fine." Tuluyang pagpayag ko dahilan upang mapasuntok ito sa ere.

Dinala ako ni Austine sa isang hindi pamilyar sa na lugar. Panay kalalakihan halos ang nandito at kokonti lamang ang mga babae.

Isa itong underground place, isang lumang bodega ang dadaanan at pinaka entrance bago ka makakapasok rito.

Amoy na amoy sa buong paligid ang amoy ng yosi at alak. At ang mas nakakaagaw ng pansin ay ang malaking bakal na ring sa gitna ng maraming tao at ang malakas na hiyawan ng mga ito sa buong paligid.

Napalunok ako at kinakabahan na mas iginala pa ang paningin sa paligid.

Ano bang ginagawa ko lugar na ito? Akala ko ba masaya ang pupuntahan ko, pero bakit tila yata napunta ako sa isang lugar na magiging dahilan ng huling hininga ko.

Hindi nagtagal ay may lumapit na apat na lalaki kay Austine. Nakipag man to man hug siya sa mga ito atsaka sila napatingin sa akin. Napaiwas na lamang ako ng tingin bago napayuko.

Noon din ay napatingin ako sa ring na nasa aming harapan kung saan mayroong dalawang naglalaban.

Para silang nasa isang kickboxing show. Agad naman na naawa ako doon sa isa dahil kinikiga na siya mula sa likod. Ngunit pilit na lumalaban parin ito.

Ang galing! Hindi ko mapigilan ang mapapalakpak, noong matanggal niya ang kamay ng kanyang kalaban ay umikot siya at isang malakas na sipa ang ibinigay nito sa kalaban dahilan upang mabagsak ito.

Binilangan ang kalaban ng hanggang sampu, ngunit hindi na ito muling bumangon pa kaya siya nanalo. Pati si Austine at ang mga kasama nito ay napapahiyaw sa saya. Marahil kilala nila ang kung sino man ang nasa ring na iyon.

Ngunit awtomatiko na napakunot ang aking noo nang mapansin ang pamilyar na mukha na iyon. Kahit pa panay dugo ang mukha nito dahil sa sugat na natamo sa kanyang magkabilaang kilay.

Hindi ko rin mapigilan ang mapasinghap nang magtama ang aming paningin.

Shit! Siya ba iyong---

"Drinks?" Lumapit sa akin ang isang babae na hindi ko alam kung waiter ba rito o sexy dancer. Halos kasi lumuwa na ang kaluluwa nito dahil sa kanyang suot.

"H-Hindi ako umiinom--"

"Just give her one." Singit ni Austine bago lumapit sa amin. "Try it, masarap yan." Pagkatapos ay kinindatan niya ako.

"A-Austine alam mo naman na--"

"Makisama ka nalang..." Bulong nito sa akin.

Dahil doon ay malakas ang kabog sa dibdib na kumuha ako ng isang shot glass. Hindi na muna umalis kaagad ang babae, noong una ay tinikman ko lamang ang inumin gamit ang aking dila. Hindi ko maitatanggi na masarap nga ito.

Kaya naman, walang sabi na nilagok ko na ng tuluyan ang laman ng baso.

"Woah!" Tuwang-tuwa na komento ni Austine habang napapalakpak pa. Napangiti na lamang din ng malawak yung babae at tatalikod na sana nang pigilan ko.

"I-Isa pa nga." Sabi ko rito bago kumuha ng isang shot glass ulit na mayroong laman na alak.

Sabi nila, mapait ang alak. Parang juice lang naman pala.

Muli ko itong inubos at sa pagkatapos noon ay basta ko na lamang naramdaman ang pagbigat ng ulo ko, pati na rin ang pagkahilo.

"A-Aus-Austine..." Napatingin ako kay Austine ngunit maging ito ay tila ba umiikot sa paningin ko, hanggang sa tuluyan na mag dilim ang lahat sa paligid ko.

---

Napa ungol ako dahil sa sakit at bigat ng aking ulo. Pati na rin yata talukap ng mga mata ko ay hirap sa pagmulat.

Napakapit ako sa aking ulo habang napapangiwi, bago dahan-dahan na tuluyang iminulat ang mga mata.

Ngunit mabilis na napabalikwas ako kahit pa iniinda ang bigat ng ulo noong makita na nasa ibang kwarto ako.

Mabilis na napayuko ako at napatingin sa suot kong damit. Para akong binunutan ng tinik sa dibdib nang mapansin na iyon parin ang suot ko.

Ano bang nangyari kagabi? Pilit na inaalala ko ang nangyari, hanggang sa maalala ko ang lahat.

Napatakip ako sa aking bibig at hinanap sa paligid ang aking bag dahil doon nakalagay ang aking cellphone.

Agad na nakita ko naman ito ngunit malayo mula dito sa kama na hinihigaan ko. Dahan-dahan na bumaba ako sa kama at lumapit rito.

Thank God dahil hindi pa naman lowbat ang cellphone ko. Nag-iisip ako kung sino ang pwede kong tawagan dahil hindi pwede na malaman ni Kuya o ni Lisa ang nangyari.

Wala akong ibang maisip na tawagan kung hindi si Austine lamang. Isa pa, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako iniwan at hinayaan lamang na mag-isa rito.

I was about to call him when someone spoke from my behind.

"Finally, you're awake." Hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Dahan-dahan na napalingon ako sa aking likuran at nakita roon ang naka ngisi at prenting nakaupo na dyosa. Iyong misteryosong babae na madalas kong maka-encounter. May hawak itong dyaryo habang nagkakape.

Tumayo siya at inilapag sa lamesa ang kanyang hawak bago lumapit sa akin, habang hindi inaalis ang mga mata sa aking mukha.

Napansin ko na may bandaid ito sa magkabilaang kilay niya at sa kanyang ilong. Pati ang kanyang labi ay mayroong sugat.

Ngunit kahit na ganoon ay napaka ganda parin niya. Hindi lamang ako makapaniwala na kaya niyang makipagbasagan ng mukha sa iba.

Noon ko lamang naalala ang nakita ko kagabi. Napalunok ako ng mariin at napaatras na rin ng aking paa palayo sa kanya.

"W-Wait...a-anong---"

"I'm Nami." Putol na pagpapakilala nito sa akin bago inilahad ang kanyang kamay. At dahil hindi ko iyon tinanggap kaya dahan-dahan na hinawi na lamang nito ang ilang hibla ng buhok kong humaharang sa aking mukha.

Nang siya namang biglang bumukas ang pintuan nang kwarto at iniluwa no'n si Miyuki.

"Gosh! Mabuti naman at gising kana." Wika nito habang nakatingin sa akin bago na patingin sa kamay ni Nami na nasa may pisngi ko parin.

Napalunok siya bago lumapit sa amin.

Nagtataka ang mga mata at naguguluhan na nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa.

"We're cousins." Chorus na sabi ng mga ito sa akin.

Awtomatiko naman na nalaglag ang aking panga dahil sa gulat.

Mukhang parami na ng parami ang nahuhumaling kay Jennie ah.

Jennexcreators' thoughts