webnovel

Chapter Twenty

Lolo?!" gulat na wika ni Anica nang dumating sila sa bahay nila. Kasama niya noon si Andrew at kakagaling lang nila sa grocery store. Dahil maaga siyang nakauwi at day off ni Andrew naisip nilang magkasamang mag grocery dahil nasa school pa si Ramil kaya naisip nilang sila nalang ang pupunta sa Grocery. Napatingin sila sa isa't-isa nang makita si Don Menandro na nasal abas nang gate nila kasama si Melissa at Albert.

Agad namang kinuha ni Andrew ang dal ani Anica. Agad na nilapitan nang dalaga ang lolo at ama niya saka nagmano. Hahalik din sana ito kay Melissa ngunit biglang umiwas ang dalaga sa dalaga.

"Sir." Wika ni Andrew sa dalawang lalaki nang maibaba ang mga dala saka nag mano sa ama at lolo ni ANica.

"Napadalaw ho yata kayo?" Tanong ni Anica.

"Dahil simula nang dumating kayo hindi pa kayo dumadalaw sa mansion." Wika nang matanda.

"Pasensya na kayo lolo medyo na busy lang kami." Wika ni Anica.

"Wala ba kayong planong papasukin kami sa bahay niyo? Kanina pa kami nakatayo dito." Wika ni Melissa saka umirap sa mga dalaga.

"Pumasok na muna tayo." Wika ni Andrew saka binuksan ang gate. Inakay naman ni ANica ang lolo niy papasok saka sumunod sina Alfred at Melissa. Nang makapasok sila sa loob nang bahay. Ipinaghanda ni Andrew nang meryenda ang tatlo habang nasa living room ang mga ito kausap ni Anica.

"Kung hindi pa kami nagpunta dito hindi pa naming kayo makikita." Wika ni Menandro nang makabalik si Andrew na may dalang meryenda. Nang mailapag niya sa mesa ang dala saka siya tumabi kay Anica.

"Nawala sa isip namin. Marami rin kasi kaming project sa school at ------"

"Biglang mag-asawa may obligasyon kayo sa mga magulang niyo. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon." Wika ni Melissa. Napakagat labi naman si Anica.

"Pasensya na ho sa nangyari. Marami lang mga nangyari nitong mga nakaraang araw." Wika naman ni Andrew. Nakalimutan din niyang magtungo sa mansion nang mga ito matapos silang makabalik dahil sa sunod-sunod na trabaho.

"Gusto ko sanang manatili kayo sa mansion kahit isang linggo lang. Nalaman ko mula kay Daniella na nanatili kayo sa mansion niyo nang isang linggo. Hindi naman siguro masama na I demand to be with my granddaughter?" wika nito saka bumaling kay Andrew.

"Wala namn pong problema doon." Wika ni Andrew saka tumingin kay ANica. Ngunit bigla niyang naisip na sa susunod na linggo aalis siya dahil sa misyon. Iniisip niya kung magiging okay lang si ANica sa mansion. Alam naman niyang hindi ito gusto nang unang pamilya nang ama niya. At bukod doon nasa isip parin niya ang nangyari noon. Ang naabutan niyang pagmamaltrato ni Melissa sa dalaga.

"That's good to know." Wika ni Menandro.

"Kaya lang ho. Hindi ako makakasama. May misyon ako ang I will be out for a week. Okay lang bang pag balik ko -----"

"The more that I want my granddaughter to be with us. Hijo, alam kong may trabaho ka at responsibilidad bilang isang alagad nang batas. Ganitong iniiwan mo ang apo ko dito nang mag-isa kahit na isa itong Military compound hindi parin ako kampante." Wika ni Menandro.

"Okay lang ako lolo. May mga kasama naman ako dito sa bahay." Wika ni Anica.

"Mga kasama?" Tanong ni Alfred.

"Opo. May mga foster children si Shin sila ang kasama ko dito kapag umaalis si Shin." Sagot naman ni ANica.

"Kahit na." Biglang wika nang matanda. "Hindi ako komportable na iniiwan mo ang apo ko sa lugar na ito na mag-isa kapag umaalis ka para sa misyon mo. Baka nakakalimutan mo ang nangyari sa kanya?" wika nang matanda kay Andrew. Napatingin naman si Anica sa binata. Saka bumaling sa lolo niya.

"Lolo, Hindi naman----"

"Huwag ka nang sumagot pa Anica. Tama ang lolo mo. Maging ako hindi komportable na naiiwan ka dito." Biglang agaw nang papa niya. Napatingin naman si Anica sa binata.

Hindi niya maintindihan ngunit bakit na raramdaman niyang tila may disgusto ang dalawang lalaki sa binata.

"Don't worry. I will have Anya stay at your place while I am away." Wika nang binata na direktang nakatingin sa matanda. Mukhang masyadong mataas ang tension sa pagitan nang mga lalaki kaya hindi na nakapagsalita ang dalaga.

May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Ramil sa isang lalaking naka uniporme na nakatayo sa harap nang gate nang bahay ni Andrew. Kakadating lang niya noon mula sa pagsundo sa mga nakakabatang kapatid. Bigla siyang natigilan nang biglang napahawak nang mahigpit sa kamay niya si Tommy saka naman agad na nagkubli si Dahlia sa likod niya. Taka naman siyang napatingin sa sundalong naka tungo habang nakahawak sa sombrero nito. Nagtataka siya kung bakit biglang natakot ang dalawang kapatid niya sa lalaki..

"Oh! Dumating na pala kayo bakit hindi pa kayo pumapasok?" Wika ni Anica na binuksan ang gate nang lumabas nang bahay at makita ang magkakapatid na nasa labas nang Gate. Bigla siyang napatingin sa lalaking nakatayo sa harap nang mga ito.

"May kailangan po ba kayo sir?" Tanong ni Anica sa lalaki saka lumapit dito.

"Huwag kang lumapit sa kanya ate!" biglang sigaw ni Dahlia taka namang napatingin ang dalaga sa bata ngunit bigla siyang nagulang nang hawakan nang lalaki ang kamay niya saka hinatak siya nito papalapit sa kanya. Doon nila nakilala ang lalaki dahil nahulog ang sombrero nito. Doon napagtanto ni Ramil ang dahilan kung bakit natakot ang mga kapatid niya sa lalaki.

"Huwag kang kumilos Miss. Baka bigla akong mawalan nang control sa kamay ko at mahiwa ko ang leeg mo." Wika nang lalaki habang nakatutok ang hawak na kutsilyo sa Leeg niya. Napatingin si Anica sa magkakapatid. Nakakubli parin sina Tommy at Dahlia sa likod ni Ramil.

"Ang tagal ko kayong hinahanap dito ko lang pala kayo makikita. Dito pa talaga sa lugar nap uno nang mga Militar. Alam niyo bang nahirapan akong pumasok dito. At dadalhin ko na kayo babalik." Wika nito.

"Sino namang sasama sa batugang kagaya mo!" wika ni Anica sa lalaki. "Hindi mo ba nakikitang natatakot sila saiyo? Kung sana naging ama ka sa kanila, baka sumama pa sila saiyo. Ako man din ay hindi papayag na dalhin mo sila at saktan." Wika Ni Anica.

Saka nagpumilit na kumawala ngunit idiniin nang lalaki ang kutsilyo sa leeg niya at hinigpitan ang paghawak sa kanya.

"Ate Anica!" sigaw ni Tommy at Dahlia nang makita ang dugo mula sa leeg nang dalaga. Nahintakot sila dahil sa nakitang ginawa nang ama-amahan sa dalag. Ilang sandali pa saka naman ang pagdating nang sasakyan nang sundalo.

Sakay nang sasakyan ang grupo ni Andrew kasama ang binata. Nang huminto ito saka naman ang pagbaba nina Andrew. Agad namang tinutukan nang mga tauhan ni Andrew nang baril ang lalaki. Si Rafael at Andrew naman ay lumapit sa Magkakapatid.

"So it was him na pumatay sa isang Guard sa main gate." Wika ni Rafael.

"Ikaw pala ang dahilan kung bakit narito ang mga batang yan." Wika nang lalaki saka itinuro si Andrew bahang hawak ang kutsilyo sa kamay. Nang ialis nang lalaki ang kutsilyo sa leeg nang dalaga una niyang Nakita ang pulang likido na tumutulo mula sa leeg nang dalaga. Biglang na ningkit ang mata nang binata nang makita ang sugat sa leeg nang dalaga.

"Huwag kang lalapit." Sigaw nang lalaki nang biglang naglakad si Andrew papalapit sa kanila. Muling ibinalik nang lalaki ang kutsilyo sa pagkakatutuok sa leeg nang dalaga. BIgla namang natigilan sa paglapit si Andrew nang makita ang ginawa nito.

"Subukan mong lumapit at gigilitan ko nang leeg ang babaeng ito." Wika nang lalaki saka ngumisi. "Ngunit, madali naman akong kausap. Pakakawalan ko ang babaeng ito kung ibibigay mo sa akin ang mga bata." Wiika pa nito. "Hindi mo naman sila kaano-ano kaya bakit mo sila kukupkupin." Wika nito.

"Hindi ka ba nakakaintindi! Hindi naming ibibigay sa iyo ang mga bata. Hindi sa isang katulad mo." Wika ni Anica.

"Tumahimik ka!" wika nito saka akmang sasaksakin ang dalaga. Umakma ding babarilin nang mga tauhan ni Andrew ang lalaki ngunit bigla sila pinigilan nang binata. Itinutok nang binata sa kanila ang kamay niyang nakabugas ang palad na ibig sabihin ay huminto sila saka muling bumaling sa lalaki.

"Mahalaga saiyo ang dalagang ito hindi ba? Kung ganoon susundin mo ang gusto ko. Hindi ko siya sasaktan kung ibabalik mo sa akin ang mga anak ko."

"I don't Obey command coming from the likes of you." Wika ni Andrew saka muling naglakad patungo sa lalaki. Bigla namang nahintakutan ang lalaki at napaatras saka muling itinutok ang kutsilyo sa leeg nang dalaga.

"Huwag ka nang Humakbang pa kung ayaw mong ------ Arg!" biglang wika nang lalaki nang biglang apakan nang dalaga ang paa niya. Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya nang lalaki. Agad niyang itinulak ang lalaki. Hindi paman nakakabawi ang lalaki nang bigla sumalubong sa kanya ang isang sipa mula kay Andrew na naging dahilan nang upang bumagsak sa lupa ang lalaki.

Nang bumagsak ang lalaki. Agad namang napatingin si Anica sa lalaki. Saka tumingin kay Andrew na nakatayo sa harap niya. Ang mga tauhan naman ni Andrew ay nagbaba na nang kamay nang makitang bumulagta na sa lupa ang lalaki. Saka lumapit sa mga bata at kay Rafael.

"You're hurt." Nag-aalalang wika ni Andrew saka lumapit sa dalaga at hinawakan ang leeg nito na dumudugo.

"I'm Okay. Maliit na sugat lang naman ito." Wika ni Anica saka hinawakan ang sugat.

"This is what you get for being stubborn. How troublesome. Don't piss a perpetrator with your stubbornness. What will you do if this is more than this?" tanong nang binata.

"I-I'm Sorry okay. Wala namang nangyaring masama." Wika nang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang reaksyon nang binata.

Habang nag-uusap sila hindi nila namalayan na ginagap nang lalaki ang kutsilyo na nahulog niya at ngayon ay tumayo na. Naging mabilis ang sunod na nangyari. BIglang natuptop ni Anica ang bibig niya nang biglang makita sa likod nang binata ang lalaki na nakatayo na na itinarak ang kutsilyo sa likod nang binata. Pa simple namang itinulak ni Andrew si Anica saka umikot at mabilis na sinuntok ang lalaki dahilan upang maatras ito. Sinundan pa iyon nang binata nang isang spinning kick. Sapol sa mukha ang lalaki. Bumulagta ito sa daan na parang na dislocate ang leeg. Agad namang lumapit ang tauhan ni Andrew upang lapitan ang lalaki na wala nang malay.

"Sorry for what I did." Wika nang dalaga saka lumapit kay Anica. Kinailangan niyang itulak ang dalaga upang masugod niya ang lalaki.

"M-May sugat ka." Nanginginig na wika ni Anica na tanggang hinawakan ang balikat ni Andrew na may nakatarak na kutsilyo ngunit hindi niya magawang hawakan maski balikat lang nang binata dahil sa labis na takot.

"Mabuti pa, Bumalik na Tayo sa Kampo para matingnan ang sugat mo. Mukhang malalim ang pagkakatarak nang kutsilyo." Wika ni Rafael saka lumapit sa kanila.

"I'm Okay. Wala ito." Wika nang binata.

"Hindi wala yang sugat mo. Tama ang sinabi nang kasama mo masyadong malalim ang sugat mo." Wika nang babae na lumapit sa kanila. Nakasout ito nang putting gown na para sa mga doctor.

"Dr. Camille Mijares." Sabay na wika nina Trish At Joyril.

"Hindi ka pa rin nagbabago General. Matigas parin ang ulo mo." Wika nang dalaga. Taka namang napatingin si Anica sa dalaga. Tila ba magkakilala ang dalawa at parang malapit pa. "Mukhang hindi mo naman pinatay ang isang yan." Wika nito saka tumingin sa walang malay na na lalaki saka bumaling sa ibang tauhan ni Andrew. "Dalhin niyo na sa kampo ang isang yan. Tiyak na magwawala uli yan kapag nagising." Saka Bumaling kay Trish at Joyril.

"Kayo na muna ang bahala sa mga batang yan. Huwag niyong iiwan dahil tiyak they are still in shock sa nangyari." Saka bumaling kay Andrew. "And you. You are coming with me." wika nito saka hinawakan ang isang kamay ni Andrew saka walang pasabing inakay ang binata papalayo. Taka namang napatingin si Andrew kay ANica na gulat din sa nangyari at walang kibo lang na sinundan nang tingin ang dalawa.

"Intindihin mo nalang. Sundalong doctor siya at siyang physician nang Kampo." Wika ni Rafael na lumapit kay Anica bago bumaling sa mga binata. "Dalhin niyo na sa Kampo ang lalaking yan at ikulong kapag nagising I-turn over niyo sa mga pulis" wika ni Rafael. "Charles. Samahan mo si JOyril at Trish na Samahan muna ang magkakapatid." Wika pa nito saka bumaling kay Anica.

"Sundan natin sina General." Wika nang binata.

"Ha?" gulat na tanong na dalaga.

"Alam kung nag-aalala ka kay General. Tiyak na dadalhin siya ni Dra. Sa Clinic niya malapit lang yun dito." Wika ni Rafael. Tumango naman ang dalaga.

Nang dumating sila sa Clinic, Nakita nila si Andrew na ginagamot nang doctor habang nasa loob nang clinic.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Rafael nang biglang huminto si Anica sa pinto. Napatingin siya sa doctor habang ginagamot nito ang sugat nang binata. Nakikita niyang labis ang pag-aalala nang dalaga sa binata. Narinig pa niyang pinagalitan nang dalaga ang binata dahil sa ginawa nito.

"I'll wait here." Wika nang dalaga saka naupo sa isang upuan sa labas nang clinic. Napakibit balikat naman si Rafael saka pumasok sa Loob nang clinic.

"Kumusta Doctora. Mabubuhay ba siya?" Tanong ni Rafael.

"Sapalagay ko naman mabubuhay pa siya." Wika nang Doctora.

"Si Anica?" tanong ni Andrew.

"Nasa labas." Simpleng wika ni Rafael. Agad namang napatingin sa labas ang binata.

"Anica? Your wife?" Tanong ni Camille. Hindi naman sumagot ang binata ngunit agad na tumayo nang matapos lagyan nang benda nang Dra. Ang Balikat niya saka nito kinuha ang kanyang Damit at isinuot.

"Maraming salamat." Wika ni Andrew.

"Anytime. Pupuntahan mo ba ang asawa mo? Is she a jealous type?" tanong nang doctor. "I think She is too young for you. Baka naman minor de edad yang pinakasalan mo. You are going against your principles." Wika pa nito,

"Huwag kang mag-alala. Alam naman nang lahat na nagpakasal sila dahil sa komplikasyon sa pamilya nila." Wika ni Rafael.

"I'll run along. Thank you again." Wika nang binata saka lumabas. Napatingin lang si Rafael at ang Doctor sa binata.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nang binata nang lumabas at makitang nakaupo ang dalaga sa labas. Nang marinig naman ni Anica ang boses nang binata agad siyang tumayo at unang hinagip nang mata ang balikat nang binata na agad na napansin nang binata.

"It's all right now. I had a few stitches malayo sa bituka I can still live." Wika nang binata. Bigla namang napabuntong hininga ang dalaga na sign nang relief.

"Were you worried about me?" tanong nang binata.

"Of course I am." Sagot nang dalaga. Na agad na pinamulahan. "Ibig kung sabihin. Sino namang hindi mag-aalala kung makita ang nangyari sa iyo. Tiyak nag alala din ang mga tauhan mo, Si Rafael, SIna Ramil, Tommy at Dahlia."

"Just them?" Wika nang binata saka tumingin sa dalaga.

"Y-Yes." Wika nang dalaga saka naglakad papalayo.

"Hey, Where are you going?" Habol nang binata.

"Home." Sagot nang dalaga. Stupid Demon General. Wika nang isip nang dalaga habang papalayo at malakas ang kabog nang dibdib.

"Hey. Wait for me. Hindi mo dapat iniiwan ang isang pasyente." Habol ni Andrew sa dalaga.

"Hindi ka naman isang pasyente. Sabi mo malayo sa bituka diba?" wika nang dalaga nang hindi lumilingon.