webnovel

Chapter Thirty Five

May bisita ka ata." Wika ni Anica na napatingin sa pinto nang condo ni Claire. Matapos ang kanyang Klase, nagtungo siya sa condo ni Claire upang magpalipas nang oras. At para na rin makapag-usap sila ni Claire. Simula nang bumalik sila mula sa Private island nang mga Espinosa naging abala na si Claire at ganoon din siya.

"Ako nang magbubukas." Wika ni Anica na tumingin sa kusina kung saan naroon si Claire na naghahanda nang meryenda.

Nang buksan niya ang pinto ganoon na lamang ang gulat ni ANica nang bumagsak sa harap niya si Benjamin na sugatan.

"Benjamin!" gulat na wika ni Anica nang makitang natumba sa harap niya si Benjamin. Agad din niyang napansin ang dugo sa bandang tiyan nito.

"Anong nangyari?" wika ni Claire na sumilip at Nakita si Benjamin na nakahandusay sa sahig. Agad siyang tumakbo si Claire sa kanila at sinakluluhan ang Binata. Gulati to habang nakatingin sa binata.

"Tatawag ako nang Ambu---"bilang natigilan si Claire nang hawakan ni Benjamin ang kamay niya.

"Please don't call anyone not even the police." Wika ni Benjamin na nahihirapang magsalita. Nagkatinginan naman sina ANica at Claire.

"Tulungan natin siya. Dalhin natin sa Guest room." Wika ni Claire. Tumango naman si Anica saka nila pinatulungang buhatin si Benjamin patungo sa guest room. Nang maihiga nila sa Kama ang binata agad na ginupit ni Claire ang damit ni Benjamin saka nila Nakita ang dalawang sugat sa tiyan nito.

"These are gunshot wounds." Wika ni Claire na hinawakan ang sugat sa tiyan ni Benjamin. "Kailangan nating makuha ang bala sa loob nang katawan mo. Kaya kailangan mong madala sa hospital. Wala akong gamit dito sa bahay." Wika pa nang dalaga.

"No Hospital and Police please I beg you." Wika ni Benjamin na hinawakan si Claire.

"Tatawagan ko si Shin." Wika ni Anica. Ngunit biglang natigilan si Anica nang nahawakan ni Benjamin ang kamay niya saka ito naupo.

"Don't call him. He won't even help me." wika ni Benjamin.

"Just stay still." Wika ni Anica saka pinahiga muli si Benjamin.

"Naghihingalo kana at lahat ang taas pa nang pride mo. Pareho lang kayong mag tiyo." Wika ni Anica na dahilan upang ikagulat ni Claire. "SIya lang ang makakatulong sa atin ngayon." Wika ni Anica saka naglakad papalayo sa higaan.

Nang makalayo si Anica sa dalaga sak aniya kinuha ang Cellphone niya at tinawagan ang binata. Si Claire naman ay agad na binigyan nang first aid si Benjamin. Dahil marami na ring dugo ang nawawala sa binata. Habang labis pa rin ang pagtataka kung bakit ito pumunta sa condo unit niya. Matapos tawagan ni Anica si Andrew saka siya bumaling nang tingin kay Claire at Benjamin na puno din ang pagtataka sa isip at kung bakit nandoon ang binata.

"I didn't know na malapit kayo ni Benjamin sa isa't-isa to the fact na dito siya pupunta on his state." Wika ni Anica habang nakatingin sa binata.

"Ako man din ay naguguluhan. Hindi naman kami gaanong malapit. Alam mo naman ang klase nang personalidad na meron ako." Wika ni Claire. "Ano sa palagay mo ang nangyari sa kanya?" Tanong nito kay Anica. Umiling lang ang dalaga.

"Hintayin nalang natin si Shin." Wika nang dalaga.

Ilang sandali matapos niyang ibaba ang telepono saka naman ang pagdating ni Andrew at Rafael. Sinabi ni Anica kay Andrew na ayaw pumunta sa hospital ni Benjamin o kahit humingi nang tulong sa mga pulis.

"Why is he here?" Tanong ni Rafael kay Claire nang dumating sila.

"Wala rin aming ideya." Sagot ni Claire.

"We have to move him to the hospital." Wika ni Andrew matapos tingnan ang pamangkin saka nilingon si Anica at ang iba pa. Bigla ding napatingin ang binata sa pamangkin nang hawakan nito ang kamay niya.

"Don't----Not the Hospi---" putol na wika ni Benjamin.

"Just Shut it. And rest." Wika ni Andrew saka marahas na tinanggal ang kamay ni Benjamin saka naglakad patungo kay Anica at Claire. "You have to come with us. It's not safe na narito kayo." wika ni Andrew saka bumaling kay Rafael.

"Call the team and let them proceed to the hospital. We need someone na magbantay kay Benjamin." Wika ni Andrew. "Maaaring hinahanap siya ngayon nang mga humahabol sa kanya." Wika pa nang binata. "Let's move him to the roof deck. Nasa Taas ang chopper. Dadalhin nila tayo sa hospital." Wika ni Andrew.

Agad namang tumalima si Rafael. Magkatulong nilang binuhat at inalalayan si Benjamin patungo sa Roof deck. Kung saan naghihintay ang isang chopper na magdadala sa kanila sa Hospital. Sumunod din sa kanila si Anica at Claire.

Nang makarating sila sa Hospital agad na dinala si Benjamin sa operating room upang tanggalin ang bala sa tiyan nito. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga tauhan ni Andrew. SInabihan niya ang mga ito na magbantay sa binata hanggang sa madala ito sa ICU. Habang sila naman ni Rafael ay magtutungo sa main headquarters.

"You are coming with me." wika ni Andrew kay Anica.

"I can stay here----"

"No. you are coming with me. Who knows what trouble will you make." Ani Andrew. "Charles. I will assign you as a temporary body guard of Dr. Ledesama." Wika ni Andrew sa binata.

"Yes Sir." Sagot namna nang binata.

"There is no need General. Nasa -----"

"Just follow what he says. Hindi natin alam kung anong klaseng kalaban meron tayo ngayon." Agad ni Rafael sa sasabihin nang dalaga. "For the mean time huwag ka munang bumalik sa Condo mo. Mas mabuting sa bahay nang pamilya mo ka umuwi." Wika pa ni Rafael.

"You guys sounds like we are under some serious trouble. It is scaring me." wika ni Claire. Ngunit hindi sumagot si Andrew at Rafael na kumumpirma sa takot niya. Anong klaseng gulo ang pinasok ni Benjamin at ganito nalang ang reaksyon nang dalawang binata.

"Shin, kailangan ko ba talagang sumama sa inyo sa main headquarters? I can stay her with Claire and the rest." Wika ni Anica habang sumusunod kay Andrew at Rafael patungo sa sasakyan. Biglang natigilan ang dalaga nang bilang huminto si Andrew at tumingin sa kanya. He was lookin at her at hindi niya alam kung bakit. Hindi naman yun ang klase nang tingin nagalit. We was more like looking at her with an instinct of protecting here.

"No you are coming with me." maya-maya ay wika ni Andrew matapos siyang matamang titigan at saka binuksan ang pinto sa likod nang kotse upang papasukin siya.

"Alam mo makakasagabal lang ako saiyo." Wika ni Anica at pumasok.

"It's not something new." Wika ni Andrew saka pumasok at tumabi sa dalaga. Napasimangot naman ang dalaga dahil sa tinuran nang binata. Nang makaupo si Andrew ay agad na binuhay ni Rafael ang sasakyan saka umalis.

Matapos ang ilang minutong biyahe narrating nila ang Main headquarters. Doon, Sinabi ni Andrew na gusto niyang makipag-usap sa iba pang General. Na agad namang pinaunlakan nang mga naroon. Dahil hindi naman miyembro si Anica nang military forces. Pinaghintay siya sa waiting room habang kinakausap ni Andrew ang mga General.

That's totally insane! Bakit mo bubuksan ang kasong matagal nang ipanasara." Nag taas nang boses na wika nang Commissioned Office or 5 Star General nang sabihin ni Andrew na gusto niyang hawakan ang kaso tungkol sa illegal smuggling na kung saan involve ang international MAFIA. Pero hindi niya sinabing gusto niyang buksan ang kaso dahil sa pagkakasangkot nang kanyang pamangkin.

Isa pa sa mga rason ni Andrew kung bakit gusto niyang buksan ang kaso ay dahil sa naging enkwentro nila noon sa mga MAFIA sa ITALY. May kutob siyang mahahanap niya ang nawawalang abogado nang lolo ni Anica kung maiimbestigahan niya ang kasong ito. Hanggang ngayon hindi siya mapalagay sa ideya na Nawala ito. At nangangamba siya para sa kaligtasan ni Anica.

"Alam mong hindi handa ang hukbo natin sa mga ganitong kaso. Going against a large organisation. And an international MAFIA to boot. That's suicide! Ano naman ang gusto mong patunayan? Malaki na ang napatunayan mo even getting a rank that can ----" wika nang Major General.

"Ano mang ranggo ang meron ako ngayon. I strive to achieve it. Hindi ko ginagawa ito para lang magkamit nang karangalan. Kahit anong ranggo meron ako. Kapag alam kong may mali I will make sure to correct it. That's my principle. I am not asking permission to re-open the case. As an officer. I have the right to investigate cases as I deemed accurate. I am telling you this for you to be aware of what is happening. In case hindi niyo gustong imulat ang mata niyo sa katotohanan." Agaw ni Andrew.

"Don't be so deluded with your rank, Young man." Wika nang Lieutenant General.

"Don't worry sir I am not. I will take full responsibility on this case." Wika nang binata sa apat na General.

"If anything comes to worst. Hindi kami nag kulang nang paalala saiyo." Wika nang Five star General.

"I understand." Wika nang binata. "Permission to leave sir." Wika ni Andrew saka sumaludo. Ganoon din naman si Rafael sa apat na heneral. Saludo din ang tinugon ni nang apat sa mga binata bago sila tuluyang umalis.

"Hahayaan nalang ba natin siyang gawin ang gusto niya?" Wika nang Lieutenant General.

"Sa ngayon hayaan natin siya. Let him dig his own grave. We can always take everything from him kapag gumawa siya nang kapalpakan." Wika nang Commission Officer.

"The President is very fond of him. Kapag natulas niya ang kasong ito mas lalo siyang babango ang pangalan niya sa Presidente." Wika nang Major General.

"If he can resolve this. We were not able to resolve this dahil sa komplikado nang kaso. How can a mere young officer be able to resolve a case such as this?" wika ni Four star General.

"Sapalagay ko ay ginalit mo lang sila." Wika ni Rafael sa binatang si Andrew nang naglalakad sila patungo sa waiting area kung saan nila iniwan si Anica.

"Wala rin naman akong pakialam sa sasabihin nila. I will do what I have to do." Wika ni Andrew.

"Sabihin mo. Bakit gusto mong hawakan ang kasong ito. Benjamin getting involve in this case is not the only reason right?" wika ni Rafael na huminto sa paglalakad. Huminto rin naman si Andrew at nilingon ang binata.

"It's part of it. But I have a feeling there is something big about this case. Remember the case we handled in Italy months ago?" wika ni Andrew.

"Tungkol sa MAFIA na involve ang lolo ni Anica? Ito ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Rafael.

"Yes. I am not sure yet. But I have a feeling this is related to this. I am also thinking about that Consigliere lawyer na hindi pa natin alam kung nasaan. Even the UN forces is unable to locate him." Wika ni Andrew saka nagsimulang maglakad.

"Speculation without evidence is still a speculation." Habol ni Rafael sa binata.

"I know that." Wika ni Andrew na huminto sa may pinto nang makitang wala sa loob ang dalagang iniwan nila. Napatingin si Andrew sa paligid ngunit hindi niya makita si Anica. Naisip niyang lapitan ang isang lady soldier na naroon sa waiting room.

"Excuse me. Nakita mo ba ang dalagang kasama namin dito? Dito naming siya iniwan kanina." Wika ni Andrew sa babaeng sundalo.

"Sir! General." Wika nito nang makilala at sumaludo sa binata. "Kanina may isang sundalong sumundo sa kanya. Hindi ba kayo ang nagpa sundo sa kanya?" Tanong nang babae sa binata. Nakatinginan naman sina Andrew at Rafael dahil sa sinabi nang babae.

"Wala kaming inuutusan para sunduin ang kasama namin." Wika ni Rafael. Hindi naman nakapagsalita ang babae dahil sa sinabi nang binata.

"Can I see the CCTV footage on this area?" Biglang tanong ni Andrew.

"Bakit sir?" Tanong nang babae.

"I want to know who was that person na sumundo sa kasama namin." Wika nang binata na napapakuyom ang kamao.

Agad namang tumalima ang babae at dinala sila sa Control room nang dalawang binata. Doon Nakita nila ang CCTV footage nang waiting room kung saan Nakita nila si Anica sa sinundo nang isang lalaking naka uniporme ngunit hindi nila Nakita ang mukha nito dahil naka talikod ito sa CCTV at magaling itong umiwas sa Camera.

"May hinala ka ba kung sino ang pwedeng sumundo kay Anica?" Tanong ni Rafael. Ngunit umiling lang si Andrew habang nag-iisip.

Habang nag-iisip si Andrew kung sino at kung ano ang kailangan nang lalaking sumundo kay ANica. Saka naman nila natanggap ang tawag mula kay Claire. Ligtas na sa panganib si Benjamin At dinala na sa ICU. Ang problema nila ngayon ay ang mga magulang ni Benjamin na sumugod sa hospital na nalaman ang nangyari sa binata. Sinabi din nang ama ni Benjamin na gusto nitong makausap ang Binatang si Andrew upang malaman kung anong nangyari sa binata.

"What a day." Wika ni Rafael.

"Bumalik na tayo sa hospital." Wika nang binata saka naglakad papalabas nang control room.

"Paano si Anica? Hindi ba natin siya hahanapin?" tanong ni Rafael saka sinundan ang binata. "Hindi ka ba nag-aalala -----"

"She will be fine. At least I think." Wika nang binata na hindi nilingon si Rafael. Ngunit Nakita ni Rafael na nakakuyom ang kamao nang binata. Alam niyang nangangalit ito dahil sa biglang pagkawala nang asawa habang may problema pa silang nilulutas.