webnovel

Chapter Thirty Eight

How do you like the view? Maganda hindi ba? Pinili ko ang lugar na ito dahil Malaya mong mapagmamasadan ang karagatan." Wika ni Giovanni na pumasok sa silid kung saan niya dinala si Anica. Nasa isang mansion si ANica sa gilid nang isang bangin. Doon siya dinala si Giovanni nang dumating sila sa Italy.

"This is a very Ideal place for couples don't you think?" wika ni Giovanni at inilapag ang tray nang pagkain sa mesa saka nilapitan ang dalaga at tinangkang yakapin ito mula sa likod ngunit nang maramdaman ni Anica ang kamay ni Giovanni, napaigtad ang dalaga at lumayo saka hindi makapaniwalang tumingin kay Giovanni.

Pakiramdam niya kinilabutan siya sa ginawa nito. Hindi siya sanay sa hawakan nang iba kaya naman ganoon na lamang ang reaksyon niya. At ang katotohanang galit siya sa taong ito ay lalong nagpatindi sa disgusto niya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" asik ni Anica habang lumayo sa binata.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Don't tell me, your husband is not even touching you." Ngumising wika nang lalaki.

"Wala kang pakiaalam. Huwag mo akong basta-basta hawakan na para bang malapit tayo sa isa't-isa. Your presence is enough to disgust me." wika nang dalaga.

"Masyado kang straight forward I like that. Hanggang kailan naman kaya ang pagtatapang-tapangan mo. Ilang araw kana dito. Bakit wala paring ginagawa ang asawa mo? Dahil ba, hindi ka naman mahalaga sa kanya? Alam mo bang ginamit niya ang impormasyong ibinigay ko para iligtas ang pamangkin niya. Kahit na lutas na niya ang kaso nang pamangkin niya, wala pa rin siyang ginagawa para hanapin ka."

"Ano namang pakiaalam mo sa kong anong ginagawa niya. Bakit hindi mo nalang ako pakawalan? Wala rin naman akong silbi s aiyo hindi ba?"

"Now, that's where you are mistaken." Ngumiting wika ni Giovanni. "Kailangan kita para ibigay sa akin nang lolo mo ang pamumuno sa grupo niya." Dagdag nito.

"It would have been easier kung ako ang pinakasalan mo. Kaya lang, you married that good for nothing Demon General. And I was forced to resort to this kind of plan. Kapalit mo, I will have to persuade your grandfather to give me the group and become the King of the largest MAFIA here." Anito. "Kaya huwag mong isiping wala kang silbi sa akin. Ikaw ang ticket ko para makabalik at maging makapangyarihan." Wika ni Giovanni saka tangkang muling lumapit sa dalaga.

"Baliw ka na!" wika ni Anica saka lumayo sa lalaki. Dahil sa mga sinasabi nito na dagdagan lamang ang kanyang galit sa lalaki. Hindi rin niya magawang tawagan ang mama niya o ang lolo niya dahil walang kahit anong telepono sa silid niya. Hindi rin siya makalabas dahil sa bantay sa buong paligid. Ang tanging paraan naman upang makatakas siya ay kung tatalon siya mula sa terrace. Ngunit sa lakas nang mga alon baga patay na siyang maka takas sa lugar na iyon.

"Kumain kana. Ayokong magkita kayo nang lolo na mukha kang walang buhay." Wika ni Giovanni at naglakad patungo sa pinto. Napakagat labi lang ang dalaga nang lumabas si Giovanni saka napatingin sa karagatan.

Shin, nakalimutan mo na ba ako? Mangiyak-ngiyak na wika nang dalaga. Ayaw niyang padala sa mga sinasabi ni Giovanni ngunit na sasaktan dahil hindi naman lingid sa kaalaman niyang walang pagtingin sa kanya ang binata. It was part of his obligation and Job as an officer nang pumayag itong magkasal sa kanya at marahil dahil na din sa awa.

Andrew!" wika ni Alice nang dumating si Andrew sa mansion nang mga De luna nang dumating siya sa Italy. Sinalubong pa siya ni Alice at nang matandang si Antonio na nasa Wheelchair. Bago siya lumipad nang Italy tinawagan niya si Alice at sinabi kung anong nangyari kay Anica at ang plano niyang pagpunta sa Bansang iyon upang hanapin ang dalaga.

"Pasensya na kayo sa biglaang pag dating ko dito." Wika ni Andrew sa babae at sa matanda.

"Hindi huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga makita natin si Anica." Wika ni Alice.

"May Ideya ka na ba kong sino ang dumukot sa apo ko?" Tanong ni Antonio.

"For now. Ang nasa isip ko ay Giovanni Brambilla. I am not sure kung dito nga niya dinala si Anya. And That is why I am here. I need your help." Nang binata.

"I treated him like my own son. Hindi ko akalaing siya ang magtatraydor sa akin. At ngayon naman ay dinukot niya ang apo ko." Wika ni Antonio nang mag-usap sila ni Andrew sa study niya kasama si Alice.

"If you are planning to capture him. Mahihirapan ka kung ikaw lang mag-isa. Umalis ka kamo sa serbisyo? Ngayon isa ka nalang orinaryong sibilyan. Mas malakas siya sa iyo. Kahit na isa siyang pugante. Hindi maikakailang Giovanni has built his name and reputation in Mafia world." Wika ni Antonio.

"And you are not even sure kong nandito siya?" Tanong ni Alice.

"Yes. That's why if you will allow me I would like to secretly join your Group. At malaman ang pasikot-sikot sa loob nang MAFIA world. Malaya akong makakakilos kung miyembro din ako nang grupo." Wika ni Andrew.

"That would go against your principle. Alagad ka nang batas." Wika ni Alice.

"I don't have a choice otherwise." Wika nang binata. Nakikita sa ni Antonio sa mukha nang binata ang Desperasyon nitong mahanap ang dalaga.

"Then tell me this." Wika ni Antonio na tumingin nang derecho sa mukha nang binata. "It was not love when you decide to marry my grand daughter, was it?" wika nito na dahilan upang mapatingin si Alice sa ama niya.

"Hindi na ako magsisinungaling. It was not because we have mutual feelings for each other that we got married." Wika ni Andrew na gumimbal kay Alice dahilan upang mapatingin si Alice sa binata. "Patawarin niyo ako kung niloko ko kayo." wika ni Andrew kay Alice. "It was to save Anya from marrying Giovanni." Dagdag nang binata. "I don't think I regret marrying her if you are going to ask me. Right now, I believe it was the right decision."

"Then, why are you here? Putting everything on the line even you own life?" Tanong ni Antonio.

"She is a person who will stick her nose to someone else's problem nang hindi nag-iisp sa kung anong mangyayari sa kanya. She is clumsy and not good in cooking. But she has a good heart. She would do everything to protect everyone that is dear to her. I like her courage. And I want to see her smile more than anything. People would always call me a demon General and tremble just by hearing me name. But it was only her that looked me I directly into my eyes and treat me as equal without label."

"And how should we interpret the things that you are saying right now?"

"Interpretation is unnecessary. Only one thing I know. I will protect her with all my life." Wika nang binata.

"You know how to talk big, young man." Wika ni Antonio. Saka tumingin sa lalaking nasa pinto na nakatayo. Ito ang bagong assistant at secretary ni Antonio.

"Guiller. Gather all the members. I will introduce them to their temporary head." Wika nang matanda.

"Head?" tanong nang binata sa gulat saka tumingin sa matanda.

"Kung gusto mong lumabas si Giovanni sa lungga niya. We have to make him believe I have already chosen my successor. He was the first in line before he betray me." wika ni Antonio.

Gaya nang sinabi ni Antonio. Ipinakilala niya si Shin sa mga miyembro nang Grupo niya bilang bagong head nang grupo. Dahil sa mga salita nang matanda, walang nagtangkang kumowestion sa pasya nang matanda. Biglang bagong leader nang MAFIA. Sumama si Andrew sa mga Transaction nang Grupo ni Antonio. At dahil din sa ginawa Antonio. Nakarating kay Giovanni ang balitang nakapili na si Antonio nang bagong Pinuno nang Grupo, ngunit hindi nito pinangalanan ang bagong leader.

Tingnan mo ang lolo mo. Talagang matigas ang ulo. Ngayon kumuha pa siya nang bagong leader. Talagang gusto niyang sagarin ang pasensya ko." Wika ni Giovanni nang pumasok sa silid niya.

"Hindi ko pa sana gustong gawin ito, kaya lang masyado akong ginagalit nang lolo mo. Ako dapat ang pinuno nang grupo niya. Ginugol ko ang buong buhay ko para sa grupo niya." Wika ni Giovanni saka hinawakan ang braso nang dalaga.

"Ano ba nasasaktan ako." Wika ni Anica saka nagpumiglas.

"Ipapakita ko sa Lolo mo kong anong kaya kong gawin." Wika nito kay Anica. Bigla siyang nahintakotan dahil sa nanlilisik nitong mga mata. Hindi niya alam kong anong pwedeng gawin sa kanya ni Giovanni. Kung may magagawa lang sana siya upang makatakas sa lalaking ito sana matagal na niyang ginawa.

Halos dalawang linggo na siya sa lugar na ito ngunit wala siyang balita kay Andrew. Sinasabi ni Giovanni sa kanya na kalimutan na nito ang binata dahil wala naman itong balak hanapin siya.

May isang sulat na dumating sa mansion nang mga De Luna. Laman noon ang hamon ni Giovanni sa Bagong leader nang Grupo ni Antonio. Sabi din doon na kapalit nang hamon na iyon ay ang kaligtasan nang nag-iisang apo nang matanda. Kapag tumanggi ang bagong leader ay papatayin niya ang dalaga. At ipapadala ang ulo sa kanila.

"That Bastard!" wika nang binata nang Mabasa ang sulat at makita ang laman nang kahon. Laman noon ang isang ring finger kung saan Nakita nila ang engagement ring at wedding ring ni Anica. Nang makita ni Alice ang laman nang kahon ay bigla itong nawalan nang malay.

"How can he do this?" wika ni Antonio.

"You will be in gave danger kung tatanggapin mo ang hamon niya. Underground fighting is illegal. Kaya mo ba?" wika ni Guiller sa binata. Hindi sumagot si Andrew ngunit kinuyom niya ang kamao na may hawak nang sulat saka kinuha ang singsing ni Anica.

"Sabihin mo sa kanya ang dapat niyang gawin." Wika ni Antonio kay Andrew.