webnovel

Chapter Sixteen

Mama?!" Gulat na wika ni Anica nang makita ang mama niya kasama si Atty. Brambilla na nag-aabang sa kanila sa arrival area nang airport. Taka naman siyang napatingin kay Andrew. Doon lang niya napagtanto kung anong bansa ang pinuntahan nila. Nakita niyang tumango si Andrew sa kanya. Na tila sinasabing okay lang na lapitan nito ang mama niya.

Agad na tumakbo ang dalaga papalapit sa mama niya sabay yakap dito na tila ba napakatagal na mula nang huli nilang pagkikita. Tahimik lang na sumunod sa kanila si Andrew habang tinutulak ang trolly na may mga gamit nila.

"Andrew. Salamat dahil dinala mo dito ang anak ko." Wika ni Alice nang makita si Andrew na nakalapit sa kanila saka lumayo sa anak.

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Anica na naguguluhan parin.

"Noong isang araw tinawagan ako ni Andrew at sinabing dadalaw kayo. Sabi niya you've been crying every night at tinatawag mo ako. Napakamalalahanin mo. Maraming Salamat." Wika pa ni Alice at bumaling sa binata. Taka namang napatingin si Anica sa binata. Was she crying in her sleep? Bakit walang sinasabi si Andrew sa kanya.

"Lady Anica. Kanina pa kayo hinihintay nang lolo niyo. Ihahatid ko na kayo." Wika nang binatang attorney saka lumapit sa kanila.

"Oo." Mahinang wika ni Anica na nasa binata parin ang atensyon but he intentionally direct his attention so somewhere.

You are not that Icy at all. Shy demon General. Ngumiting wika nang dalaga habang nakatingin sa binata. Tila lalo pa yata siyang nahuhulog sa binata. He can see right through her. ALam nito ang kailangan niya bago pa man niya sabihin.

"You are staring at me so much, Daydreamer." Wika ni Andrew saka mahinang pinitik ang noo nang dalaga. Agad namang sinapo nang dalaga ang noo niya.

"Yah." Reklamo nang dalaga. Ngunit bigla siyang natigilan at ngumiti. "I'll let it pass today. Because you----"

"Stop talking nonsense." Agaw nang binata saka nilampasan ang dalaga at naglakad patungo sa sasakyan na naghihintay sa kanila.

"Hmmp. Shy Demon General." Nakangiting wika ni ANica saka sinundan nang tingin ang binata.

"May sinasabi ka?" tanong nang mama niya.

"Wala po. Tayo na." ngumiting wika ni Anica. Saka kumapit sa braso nang mama niya saka naglakad patungo sa kotse.

"Masaya akong makita kang Energetic ulit. Did you enjoy your honeymoon?" Tanong ni Alice sa anak.

"Yep. Very Much." Ngumiting wika nang dalaga.

"That's good to hear." Wika ni Alice.

Shin!" Tawag ni Anica sa binata sabay takbo papalapit dito. Nakarating na sila sa mansion nang lolo niya. Isang mansion na tila isang palasyo. Masaya siyang malaman na makakasama niya ang mama niya sa loob nang tatlong araw ngunit bigla siyang nalungkot nang sabihin ni Andrew na hindi ito mananatili sa mansion kasama siya dahil may gagawin ito. Kaya siya dinala ni Andrew sa Italya dahil naroon ang misyon nito at upang ihabilin siya sa mama niya habang wala ito. Naiintindihan naman siya iyon kaya lang malungkot parin siya. Hindi niya akalaing iiwan siya nang binata.

"Oh, bakit ka sumunod?" tanong nang binata saka huminto sa paglalakad saka napatingin sa dalaga.

"Do you really have to leave? I mean. Not that I am selfish or acting like a brat. Kaya lang---" biglang natigilan si Anica nang biglang hawakan ni Andrew ang mukha niya at marahang hinaplos. It was the first time that he caress her face. He is also looking at her with such passionate eyes. If she an interpret it that way or even is he allowed to think about it that way?

"I'll be back." Wika nang binata saka ibinaba ang kamay at tumalikod. Bigla namang natigilan ang binata nang maramdaman ang paghawak ni Anica sa dulo nang jacket niya.

"You have to come back. I'll be waiting." Wika nang dalaga. Napangiti naman ang binata dahil sa sinabi nang dalaga.

"Try not to cause so much trouble while I am away." Wika nang binata saka naglakad papalayo.

Naramdaman niya ang biglang pagkatanggal nang pagkakahawak ni Anica sa damit niya. It was the first time na pakiramdam niya ang bigat nang mga paa niya habang naglalakad papalayo.

"Alam mong iiwan ka rin niya dahil sa mga misyon niya. He is a guy with so much mystery in his personality. Why did you choose to marry such unpredictable guy?" wika ni Atty. Brambilla na nasa tabi na ni ANica at nakatayo.

"I think that how it is. When you love a person, you don't have to find any reason. You just love them unconditionally as they are." Wika ni Anica na nakatingin parin sa papalayong binata.

"Ganoon din ba ang nararamdaman niya?" Tanong nang binata dahilan upang mapaiisp si Anica at mapatingin sa binata. "I see, it's different for him. You should better stop thinking about him that much. Bago ka masaktan." Wika nito.

"Hindi ba't kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Full package na iyon."

"You are saying that because you are still a naïve little girl. Don't get fooled by him. He is he devil General after all." Wika ni Atty Brambilla saka tumalikod. Nang hindi na matanaw ni Anica si Andrew saka siya tumalikod at sumunod kay Atty Brambilla.

Sir!" Sabay-sabay na wika nina Rafael at nag iba pang miyembro nang Task force Wolf saka sumaludo sa binata nang pumasok si Andrew sa hotel room kung saan sila naroon. nang pumasok si Andrew Nakita niya ang mga naka set up na Computer. Sa isang monitor nakikita niya ang isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ito ang Lolo ni ANica na si Antonio De Luna na ngayon ay kilala sa pangalang Antonio Sutherland.

"Andrew. Alam ba nang asawa mo na iniimbestigahan mo ang lolo niya?" tanong ni Rafael sa kaibigan saka sinundan ito nang maglakad ito patungo sa monitor kung saan naroon si Joyril. Tatlong araw na nauna sa kanya ang mga tauhan niya sa lugar na iyon. Nakatanggap siya nang tawag mula sa presidente na nang rerequest ang UN nang special force para imbestigahan ang isang Mafia Group sa Italy at si Andrew ang napiling maging commanding officer nang surveillance team na iyon.

"She doesn't have to know. Kakakilala lang niya sa lolo niya. She will be devastated if she found out about his dark works." Wika ni Andrew.

"So you have come to care for her." Wika ni Rafael.

"Don't get it wrong. As a member of peacekeeping forces. Innocent civilian should not be dragged into this mess." Wika ni Andrew.

"Yeah. If you say so." Wika pa ni Rafael. "Anong plano mo ngayon?"

"Let's continue to tail them. Make sure na hindi nila kayo mapapansin lalo nan ang kanang kamay ni Antonio De Luna. He is not just a simple lawyer." Wika nang binata. "Other UN troopes are also tailing them let's make sure we are discrete. We have to make sure we have enough evidence against him."

Hijo. Kanina ka paba naghihintay?" tanong ni Don Antonio nang lumapit kay Andrew na nasa loob nang isang restaurant. Nang makita siya nang binata ay agad itong tumayo mula sa kinauupuan upang salubungin ang matanda. "Maupo ka. Pasensya na at medyo natagalan ako." Wika nang matanda saka naupo sa isang bakanteng upuan sa harap ni Andrew.

"Pwede ka namang dumalaw sa mansion bakit kailangan pa nating magkita sa labas." Wika nang matanda sa binata.

"I will go straight to the point. Hindi ako nakipagkita sa inyo bilang asawa nang apo niyo. Kundi bilang isang alagad nang batas." Wika nang binata. Bigla namang napatingin ang matanda sa binata.

"So, you have already found out my real identity." Wika nang matanda. "Anong plano mo ngayon? Sasabihin mo sa apo ko? Alam mo ba ang magiging epekto nito sa kanya? Kaya mo ba dinala dito ang apo ko?"

"Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya. Hindi ako ganoong kalseng tao. Hindi rin involve si Anya sa kung ano man ang trabaho ko o ang ginagawa ko bilang alagad nang batas. Pero bilang asawa niya, Kinakausap kita ngayon para sabihing pag-isipan mong Mabuti ang mga ginagawa mo. Habang maaga pa, mas mabuting itigil mo na ito. Huwag mong saktan ang anak at apo mo." Wika nang binata.

"You are really interesting. Kahit alam mong lolo ako nang asawa mo. Talagang ipapatupad mo ang batas."

"Nakilala ako ni Anya nang ganito. Hindi ko babaguhin ang mga prinsipyo dahil lang sa nag-asawa ko. Alam ni Anya kung ano ako at ang mga prinsipyo ko."

"Talagang hanga ako sa prinsipyo mo Hijo. Sana lang hindi dumating ang araw na ang prinsipyo mo ang maglagay s aiyo sa panganib maging ang buhay nang mga malalapit s aiyo. Ito lang din ang sasabihin. Mahalaga sa akin ang apo at anak ko. Ano man ang ginagawa ko ay walang kinalaman sa kanila. Gagawa ako nang paraan na hindi madamay ang anak at apo ko sa mga ginagawa ko. I appreciate your concern. Pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at ang organisasyon ko. Hindi ako tatagal nang ganito katagal kung hindi ko alam kung papaano patakbuhin ang Negosyo ko." Wika nang matanda.

"Sa susunod na magkita tayo hindi na bilang asawa nang apo ninyo kundi isang autoridad na magpapatupad nang batas." Wika nang binata.

Shin!" wika ni Anica nang dumating ang binata sa Hospital kasama si Rafael at ang iba pang miyembro nang Task force Wolf. Nasa labas sila nang operating room nang mama niya. Nang makita niya ang binata. Nang makita niya ang binata doon lang tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigil.

"An---" putol na wika nang binata nang makalapit sa dalaga. Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang niyakap nang dalaga sabay hikbi habang nakayakap sa kanya. Dahil sa nangyari, panandaliang nagulat si Andrew ngunit agad din namang nakabawi at niyakap din ang dalaga saka marahang tinapik ang likod nito at hinaplos ang buhok sa upang pakalmahin.

Kakagaling lang nina Andrew sa isang operasyon kasama ang ilang miyembro nang UN special forces upang pigilan ang isang malaking away sa pagitan nang dalawang malaking grupo nang mafia. Ang away na iyon ay sa pagitan nang Grupo ni Don Antonio at nang isa pang malaking mafia. At dahil sa away na iyon. Malubhang nasugatan si Don Antonio na ngayon ay nasa operating room. Habang ang Abogado naman nito ay hindi malaman kung nasaan na. marami ding mga tauhan nang Don ang nasugatan at namatay dahil sa nangyari.

Napatingin din si Andrew kay Alice na nakaupo at tila nakatingin sa kawalan.

"Are you okay now?" masuyong tanong nang binata kay Anica nang bahagya itong humiwalay sa kanya. Masuyo di niyang pinahid ang luha sa mga mata nito.

"Here. Maupo ka muna." Wika ni Andrew saka inakay ang dalaga upang maupo. Masuyo nitong hinimas ang ulo ni Anica saka lumapit kay Alice.

"I'm sorry sa nangyari." Wika ni Andrew kay Alice saka hinawakan ang kamay nito. Alam niyang may kasalanan din naman siya sa nangyari. Nahuli sila nang makarating sa lokasyon. Hindi nila agad nalaman na may alitan pala sa pagitan nang dalawang grupo. Naging focus sila pag-iimbestiga sa grupo ni Don Antonio.

"Wala ka namang kasalanan. Dati pa alam ko nang mangyayari na ito. Hindi ko akalaing their issues has escalated to this situation." Wika naman ni Alice. Ang dahilan kung bakit siya naglyas noon ay dahil sa uri nang trabaho nang ama niya. Naisip niyang ngayon na bumalik siya makukumbinsi niya ang ama niya na tigilan na ang ginagawa nito. Lalo pa at lumalaki na ang away nito sa kabilang grupo na ngayon nga naging isang Malaki nang gyera. Natatakot siya na mangyayari ang bagay na ito.