webnovel

Chapter Fourteen

Hindi mo alam?" Bulalas ni Melissa kay Alfredo nang sabihin ni Daniella sa pamilya nila ang nalaman niya mula kay Zane. Sinabi sa kanya nang binata na naghahanda ang lolo niya upang makipagkita sa Lolo ni Anica. Sinabi sa kanila ni Andrew na balak nilang magpakasal ni ANica at at gusto nang lolo nito na makausap ang pamilya nila.

"Kaya naman pala hindi nagpupunta dito ang mag-inang yun dahil gumagawa pala sila nang plano laban sa pamilya natin." Wika pa ni Melissa. "Nakita mo na? Hindi dapat natin tinaggap dito ang mag-inang yun." Dagdag pa nito.

"Baka naman talagang nagmamahalan sila." Wika naman ni Amanda. "Isipin niyo, inihinto nila ang kasal dahil sa trabaho ni Andrew pero sa huli magpapakasal pa rin sila." Dagdag pa nito.

"Gusto niyong maniwala sa bagay na yan Tita?" sakristong wika ni Natasha. "Isipin niyo nalang. Andrew is a High Ranking General. Habang si Anica ay isang bastarda. Sinong maniniwala sa gusto nila ang isa't-isa. Andrew is known to be cold General. Dati na niyang tinanggihan ang kasal nil ani ANica. Bakit siya ulit papasok sa ganoong sitwasyon."

"Tama si Natasha. Masyado di kapani-paniwala." Wika naman ni Meynard.

"Hindi talaga ako titigilan nang babaeng yan. Malapit na ang kasal namin ni Zane. Gusto ba niyang sirain ang buhay ko." Gigil na wika ni Daniella.

"I think you should talk to Them." Wika ni Melissa sa Asawa. "Ikaw ang nag ugnay sa kanila sa pamilyang to. Kausapin mo sila."

"Papa gumawa ka nang paraan. Hahayaan mo nalang ba na sirain ni ANica ang buhay ko?" wika ni Daniella sa ama. Hindi naman sumagot si Alfredo. Nakatingin lang siya sa mag-ina niya. Ayaw naman niyang nalulungkot ang mga anak niya. Ngunit iniisip din niya si Anica. Alam niyang hindi siya naging mabuting ama para dito. Ano nalang ang iisipin nito sa kanya? Isang ama pa kaya ang tingin nito sa kanya matapos ito?

"Kakausapin ko si Alice at Anica." Maya-maya ay wila ni Alfredo. Nakita naman niya ang saya sa mukha ni Daniella at Melissa.

Bakit naman ganito ang nangyari?" Tanong ni Alfredo kay Alice at Anica. Nagkita sila sa isang restaurant. Matapos niyang malaman mula kay Daniella ang nangyari. At dahil sa pakiusap ni Daniella na kausapin niya SIna Alice ay nakipagkita siya sa mag-ina. "Alam mong ikakasal ang ate Daniella mo sa apo nang mga Bryant. At akala ko natapos na ang usapin tungkol sa kasal ninyo ni Andrew."

"Wala namang kinalaman ang pamilya niyo sa desisyon nila." Wika ni Alice sa lalaki. "Ang pagpapakasal ni Daniella at Zane ay kasunduan niyo at nang pamilya ni Zane iba ang usapin tungkol kay Anica at Andrew."

"Ito nalang ang isipin mo Anica. Masasaktan ang ate mo. You are a good girl hindi mo naman siguro gustong naiipit ako sa inyong dalawa nang ate mo." Wika ni Alfredo saka hinawakan ang kamay nang anak. Napatingin naman si Anica sa kamay nang ama niya. Saka marahang binawi iyon mula sa pagkakahawak nang ama.

"Habang maaga pa, Itigil mo na ang kasal na ito. Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa iyo dati? Gusto mo bang maulit iyon? Isa pa----"

"Bakit ka ba ganyan magsalita!" biglang agaw ni Alice sa sasabihin ni Alfredo.

"Ma." Mahinang usal ni Anica saka napatingin sa Mama niya.

"Alam kung para sa iyo at sa pamilya mo salin pusa lang kami ni ANica. Hindi ko rin naman gustong ipagpilitan ang sarili namin sa inyo."

"Hindi sa ganoon. Alam mo namang-----"

"Alam ko! Hindi gusto nang asawa at anak mo ang kahit anong tungkol sa amin ni ANica. Huwag kang mag-alala hindi ko rin naman gusto nang kahit ano tungkol sa pamilya mo. Ang kasal nang anak ko sa taong gusto niya ay matutuloy wala akong pakialam sa kung anong iisipin nang pamilya mo." Wika ni Alice saka tumayo.

"Alice." Habol ni Alfredo sa Babae.

"Alfredo. Dahil kay Anica kaya kita pinakikisamahan at tinitiis ang sama nang ugali nang pamilya mo. But Enough is enough!" malakas na sigaw ni Alice.

"Mama." Wika ni Anica saka hinawakan ang kamay nang mama niya. "Pasensya na papa. Sa susunod nalang tayo mag-usap." Wika ni Anica saka inakay ang ina papalabas nang restaurant.

"Bakit mo naman ako pinigilan." Wika ni Alice nang makalabas sila.

"Mama naman ang daming taong nakakakita." Wika ni Anica. "Isa pa po. Ayokong magalit kayo kay papa. Kahit naman hindi tayo ang pamilya niya papa ko parin siya. Tiyak nag---"

"Kaya hahayaan mong kontrolin lang tayo nang pamilya nila?" Wika ni Alice.

"Hindi ho sa ganoon. Kaya lang, INiisip ko. Tama lang siguro na maraming tumutol sa kasal na ito. Wala naman talaga kaming relasyon ni Shin. Sinabi ko lang yun dahil ayokong pakasalan yung abogado ni lolo. Bakit naman ganoon ang mga matatanda, pwede nilang dektahan ang buhay nang pamilya nila. Dati si lolo MEnandro ngayon naman si Lolo Antonio. Hindi ba pwedeng magdesisyon naman ako para sa sarili ko?" Wika ni ANica na nangilid ang luha.

"Anya." Naawang wika ni Alice sa anak saka hinawakan ang kamay nito sabay yakap dito at tinapik nang marahan ang likod nang anak.

"Sorry Anya, Hindi ko naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. I failed as your mom. Hindi manlang kita magawang protektahan." Wika ni Alice saka hinimas ang buhok nang anak niya. Nagawa niyang sigawan si Alfredo ngunit alam niyang hindi sapat iyon para protektahan niya ang anak niya.

"Andrew?" gulat na wika ni Alice nang makita ang binata bumaba sa sasakyan. Nang marinig naman ni Anica ang pangalang binanggit nang ina ay agad siyang napatingin dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Anica sa binata.

"Well, your dad called me and asked me to come here." Anang binata.

"General!" wika ni Afredo na lumabas sa restaurant at ngayon ay naglalakad na patungo sa kanila. Sabay naman na napatingin si Anica at Alice sa lalaki.

"Did I came in late? Pasensya na, may mga------"

"No it's okay." Agaw ni Alfredo sa sasabihin nang binata.

"Bakit mo naman siya pinapunta dito?" tanong ni Alice sa lalaki. Taka namang napatingin Si Andrew kay Alice at Alfredo. Sa reaksyon nang ginang tiyak na may nangyayari hindi maganda. At ano naman ang kinalaman niya dito?

"He is involve on this too. Gusto kong malaman ang opinion niya." Wika pa ni Alfredo. Lalo namang nagtaka ang binata.

"I am not sure what's going on. But is there anything I can help?" Tanong nang binata. Napatingin naman si Anica sa binata.

"Well, Nalaman naming na itutuloy niyo ni Anica ang kasal ninyo. Hindi ko alam kung anong nangyari pero, alam mo naman siguro na ang kapatid ni Anica ay ikakasal din sa pamangkin mo."

"Yes. Is there anything wrong about it?" derechang wika nang binata.

"This is creating a conflict between sisters. Kung alam mo ang ibig kong sabihin. Bilang isang---"

"Alfredo! Wala na tayong pakiaalam sa desisyon nila." Agaw ni Alice sa iba pang sasabihin ni Alfredo. Napatingin naman si Andrew sa tahimik na si Anica. Alam niyang naiipit ito ngayon sa sitwasyon nang pamilya nila. Simula pa nang una ay nasa gitna na ito nang gulo sa bawat pamilya Idagdag pa ngayon ang gustong mangyari nang lolo niya.

"Well, I totally understand what you mean sir. At hindi ko rin naman gustong maging dahilan nang sugalot sa pamilya ninyo. I am aware that with me. Anya will be in danger I have countless Enemies and what happened last time might happen again. At bilang isang ama alam kung nahihirapan kayong mag desisyon. Ayaw niyong magulo ang pamilya ninyo. So I want to ask Anya." Bigla namang napatingin si Anica sa binata. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Andrew.

"You will be in constant Danger if you're with me. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo kung napipilitan ka lang. Alam kung mahalaga sa iyo ang pamilya mo. And you have to decide if you want to continue this marriage or not."

Ano bang sinasabi niya? Umaarte pa ba siya? Kapag sinabi kong hindi ko itutuloy ang kasal. Tiyak na ipipilit ni lolo Antonio na ipakasal ako kay Atty. Brambilla. Wika nang isip ni Anica habang nakatingin kay Andrew.

"Tama si General, Anica. Pag-isipan mong Mabuti. At isipin mo rin ang Ate mo. Ano nalang ang mararamdaman niya." Wika ni Alfredo at hinawakan ang kamay ni Anica. Napatingin naman si Anica sa papa niya.

You love her this much? Papa, Hindi mo ba alam na hinihiling ko rin n asana pantay ang pagmamahal mo sa amin? Wika nang isip ni Anica sabay tulo nang luha.

"Anica?" malungkot na wika ni Alice saka napatingin sa luhaang mukha nang anak. Maging si Andrew ay napatingin din sa dalaga. Agad namang pinahid nang dalaga ang luha niya at ngumiti sa ama.

"Pag-iisipan ko po." Wika ni Anica. Matama lang na nakatitig si Andrew sa kanya.

General, mag naghahanap sa iyo." Wika nang isang sundalo na nakasalubong si Andrew habang papasok ito sa opisina niya. Sumaludo ito sa binata bago mag salita. Nakita naman niya ang pagtataka sa mukha nang binatang General. "Nasa main gate siya ngayon. Hindi muna naming pinapasok baka-----"

"Sino siya?" Tanong ni Andrew.

"Yung dalagang mapapangasawa niyo dapat." Sagot nang binata.

"Send her in." wika nang binata saka pumasok sa opisina niya.

"Yes Sir!" wika nito saka sumaludo at nag mamadaling nagtungo sa main gate upang sunduin si Anica.

Nang pumasok si ANica sa Opisina ni Andrew. Napatingin siya sa paligid. Pareho parin ang ayos nito simula nang huli siyang nagpunta dito. Nasa mesa niya siya Andrew at nagbabasa nang mga files. Iyon din ang unang beses na Nakita niya itong mag suot na spectacles.

Nang mapansin nang binata ang pagpasok niya. Agad nitong binitiwan ang binabasa saka nihubad ang suot na spectacles saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa sofa.

"Maupo ka." Wika ni Andrew kay Anica saka inilahad ang kamay patungo sa sofa. "Hindi ko inaasahan na pupunta ka. May gusto ka bang sabihin?" wika nang binata saka naupo sa sofa.

"Tungkol sa nangyari noon nakaraang araw." Wika ni ANica saka naupo. Ang tinutukoy niya ay ang pagkikita nila nang Papa niya. Hindi siya noon nakasagot dahil sa pagiging emosyonal niya at hindi rin siya makapag desisyon.

"So have you decided to end this little charade?" anang binata.

"Gusto kong malaman. Bakit ka hindi tumatangi sa pagpapanggap ko? Hindi mo naman obligasyon na tulungan ako. Biglang isang military officer, iniisip mo bang isa lang ako sa mga taong nangangailangan nang proteksyon mo? Kaya hindi mo ako magawang tanggihan?"

"I guess you can call it that way. Yan lang ba ang pinunta mo dito?" tanong nang binata.

"You are as cold as ice as expected." Bulalas nang dalaga.

"Hindi ka naman siguro nagpunta dito just to get my sympathy. I am this kind of person. What else do you expect?" biglang natigilan ang binata nang makita ang tumutulong luha nang dalaga. Pakiramdam niya biglang kumirot ang puso niya nang makita ang umiiyak na dalaga.

"Sorry." Wika ni Anica saka pinahid ang luha. "I don't have friends where I can run if I am troubled. You are the first person na naisip kung pwede kong matakbuhan. Kahit na you are treating me with your icy cold shoulders. I can only think of you. Minsan iniisip ko kung saan pa ako pwedeng magtago para matakasan ang mundong ginagalawan ko."

"Hindi mo kailangang tumakas. You have to tell them what you feel. Sabihin mo sa harap nil ana ayaw mong dinidektahan. Mahiram bang gawin yun?" wika ni Andrew.

"Pwede ko bang gawin iyon nang hindi na sasaktan ang pamilya ko?"

"At sa palagay mo sa pagsalo mo sa mga responsibilidad iyon ang makabubuti? Tell me, what is it that you want?"

"I just want to live a normal life. Masyado bang Malaki ang hinihiling ko?"

"Tell me this. Bakit ayaw mong magpakasal sa kanang kamay nang lolo mo? He is a man with profession and achievements."

"Buong buhay ko, nabuhay akong kailangang kalkulahin ang bawat kilos ko. I need to be a good daughter para tanggapin nang pamilya nang papa ko. Kahit na sinasaktan kami ni Tita Melissa I have to endure it for my Mom ang for them to accept us as their family. I have to pushed around by them and pull to every directions. But never they asked if I am okay or happy about it. For once, gusto ko namang mag desisyon nang para sa sarili ko."

"And by doing this you think you will be-----"

"Sasabihin mo rin bang mali ang gagawin ko? O ang iniisip ko?"

"You are a stubborn girl. Do you know that?" wika ni Andrew saka tumayo at naglakad patungo sa mesa niya at may kinuha sa drawer. Sinundan naman nang tingin ni Anica ang binatang. Nakita niyang may dala-dala itong maliit na kahon. Saka lumapit sa kanya.

"This is the second time I am giving this to you." Wika ni Andrew.

Naupo ang binata sa tabi nang dalaga saka inabot ang kamay niya at isinuot sa kanya ang singsing na dati nitong ibinigay noong pinagkasundo silang ikasal nang pamilya nila.

"Bakit mo naman ibinibigay sa'kin to?" tanong ni Anica saka napatingin sa binata.

"Let's just say I am binding you to a contract and a debt of gratitude. Besides if you want the elders to believe we have a relationship they need to see proof." Wika ni Andrew. "With this they will not question our relationship. At least."

"And you are willing to-----"

"Silly girl. Hindi naman kita pwedeng pabayaan while you're this pitiful." Wika ni Andrew saka ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. And again her heart is in Chaos with a simple gesture kumakabog na nang matindi ang puso niya.

"You are talking too much." Wika nang dalaga saka hinawi ang kamay ni Andrew mula sa ulo niya.

Sa isang simpleng family Dinner kasama ang lolo ni Anica na si Antonio, Si Alice At Atty. Brambilla. Kinausap nila ang pamilya ni Andrew. Kasama si Edmund, Francis at Luke. Dumalo din si Alfredo sa dinner dahil siya ang ama ni ANica, hindi naman gusto nang dalaga na hindi nito malaman kung ano ang kanilang desisyon ni Andrew. Alam niyang masasaktan niya ang ama niya at ang At Daniella niya ngunit, gusto rin niyang maging makasarili kahit ngayon lang.

"I suppose, wala na tayong magagawa kundi ang pumayag sa gusto nila." Wika ni Antonio na tumingin kay Anica at Andrew na magkatabing nakaupo. Una din nilang napansin ang Singsing na suot nang dalaga na sinabi ni Anica na ibinigay sa kanya ni Andrew bilang isang Engagement ring. "Sa totoo lang, ayokong mag-asawa nang military ang Anak o Apo ko. This profession comes with uncertainty. Pero ano pa bang magagawa ko mukhang nakuha na nang anak mo ang loob nang apo ko." Wika ni Antonio saka tumingin kay Edmund.

"Andrew is a responsible young man. Siguro nga mapanganib ang kanyang propesiyon but there is one thing I can assure you. He will protect your grandchild with all his got." Wika naman ni Edmund.

"That is bare minimum as his husband." Wika nang matanda. "I will entrust my grand daughter to you. Young Man." Wika nang matanda kay Andrew.

"Thank you sir. I will make sure to protect her and make her happy." Wika nang binata saka tumingin kay Anica. Simple namang ngumiti si Anica.

Ang galing mo talagang umarte. Sinong magsasabi ikaw ang demon General na kilala nang lahat. Wika nang isip ni Anica.

Naging maayos ang pag-uusap nang pamilya nila at nagkasundong idaos ang kasal sa susunod na linggo dahil sa pagmamadali ni Antonio. Sabi nito gusto nitong makitang ikasal ang apo niya bago siya bumalik sa Italya.

Bakit hindi niyo sila pinigilan!" sigaw ni Daniella sa ama niya nang bumalik ito sa mansion at ibinalita ang nangyari sa dinner nang pamilya ni Anica at ani Andrew at sa naging kasunduan nang pamilya nang dalawa.

"Don't act like a spoiled brat, Daniella." Wika nang matandang si Menandro. "Hindi naman natin hawak ang pasya nila. Ano namang magagawa natin kung gusto nila ang isa't-isa." Wika pa nito.

"Pero lolo, I am to be wed to that family as well. Talagang gusto akong inisin nang babaeng yun." Wika ni Daniella. "Ikakasal sila next week? Bakit naman sila nagmamadali."

"SInabi ko na dahil babalik sa Italya ang ama ni Alice he wanted to attend the wedding of His granddaughter dahil hindi niya alam kung kailan siya ulit makakabalik dito." Sagot ni Alfredo.

"Huwag ka nang masyadong magalit sa kapatid mo. Wala naman siyang ginagawa saiyo hindi ba. Maging masaya nalang tayo sa kanya."

"Wala siyang ginagawa? Andrew should have been my husband pero dahil sa kanya hindi nangyari iyon. I would have accept when he said he won't marry because he is scared his wife will be in so much trouble because of his Job. Pero Ano 'to? Magpapakasal siya sa babaeng yun?" bulalas ni Daniella.

Hindi naman nagawang magsalita ni Menandro at Alfredo. Wala silang masabi upang pahupain ang saman ang loob ni Daniella. Alam naman nilang napipilitan itong magpakasal kay Zane. Ang pagpapakasal nito ay dahil sa kasunduan nang pamilya nila. At pangako ni Menandro at Edmund.