webnovel

Chapter Eleven

Sinabi ko naman saiyo ayoko nang dino-double cross ako ang lakas nang loob mong kalabanin ako." Wika nang lalaki sa binatang sugatan ang mukha nang maabutan niya ito. Ito ang binatang nakabangga din kay Anica kanina. Nakahulukipkip ang binata sa gilid nang isang eskinita habang tinatakpan ang ulo. Hahatawin sana nang lalaki ang binata nang pamalo nang biglang pigilan ni Andrew ang lalaki at hinawakan ang pamalo nito. Sa gulat nang lalaki, Napatingin ito sa lalaking pumigil sa kanya.

Bigla namang napatingala ang binatang nakahulukipkip nang mapansing walang tumama sa kanyang kahoy doon niya Nakita ang binatang pinigilang ang pamalo nang humahabol sa kanya. Nakita niyang sinugod nang lalaki ang bagong dating Ngunit hindi manlang nito tinamaan ang binata at sa isang iglap lang with a single spinning kick mula sa binata bumulagta sa lupa ang lalaki na walang malay. Nagimbal naman ang binata dahil sa Nakita.

"Don't worry he is not dead. You better leave before he wakes up. At kung ano man ang kinasasangkutan mo sa kanya, you better stop it. Kung ayaw mong masira ang buhay mo." Wika ni Andrew saka tumalikod at naglakad.

Hindi naman nakapagsalita ang binata at nakatingin lang sa binatang naglalakad papalayo. Labis ang panghangang naramdaman niya dahil sa Nakita. He had an urge na malaman kung sino ang lalaking iyon. Gusto rin niyang magpasalamat dito dahil sa ginawa nito.

Director Kim?!" sabay na wika ni ANica at Alice nang makilala ang binatang pumasok sa shop nila. Ito ang director na nasa lawaran na pinakita ni Melissa at Daniella. Nagkatinginan pa ang mag-ina nang makilala ang bisita nila.

"Sorry. Mali yata ang timing ko." Wika nang director. Ang director na ito ay Si Director Darylle Kim isang sikat na director nang mga sikat na drama at Movies. Kilala ito dahil sa ibang bansa pa ito nag-aral at halos lahat nang proyektong hawakan nito ay nagiging box office hit. Ilang beses na rin nitong kinausap ang mama niya na bumalik na sa pag arte.

"Mama, lalabas na muna ako at bibili nang meryenda niyo. " wika ni Anica sa mama niya. "Bibili din ako nang gamot sa mga sugat sa kamay mo." Dagdag pa nang dalaga saka tumingin sa

"Director, maiwan ko po muna kayo." Baling ni Anica sa Director. Tumango naman ang lalaki saka inihatid nang tingin ang dalagang lumabas. Nang makalabas si Anica. Pinaupo ni Alice ang binata sa isang upuan.

"Pasensya kana Alice alam kung nagiging makulit na ako. I just think that you really are suited for this role. I can't think of anyone to give this role. At isa pa, Malaki na si Anica, pwede kana sigurong bumalik sa dati mong----"

"That's impossible director. Alam mo naman siguro kung ano ang tingin nang mga tao sa akin? Masisira lang ang pelikula kung ika- cast moa ko." Wika ni Alice.

"But you love acting more than anything in this world." Wika nang director.

"I love my daughter more than anything." Wika ni Alice saka tumingin sa director. "I can't afford to bring her more pain that what she is feeling right now. Pasensya na, muli I have to decline." Wika ni Alice sa director.

Habang nasa isang bake shop si Anica at bumibili nang pastry dalawang bata ang Nakita niyang umiiyak matapos itulak nang lalaki. Nakita niyang kumakapit ang batang lalaki sa lalaki habang humihingi nang tawad at nakikiusap ngunit hindi nakinig ang lalaki sa halip ay itinulak nito ang bata. Dahil sa ginawa nang lalaki tumama ang ulo nang bata sa isang bato dahilan upang masugatan ito. Ngunit walang ginawa nag lalaki upang tulungan ang bata.

Umalis lang ito matapos itulak patungo sa gilid ang batang babae. Nang makita ni Anica ang nangyari iniwan niya ang binibili sa loob nang shop saka nilapitan ang dalawang bata. Masyadong maraming dugo ang tumutulo mula sa noo nang batang lalaki kaya naman naisip ni Anica na dalhin ito sa hospital.

"Anica!" gulat na wika ni Claire nang makita si Anica na nasa emergency room. Kasama niya noon si Rafael na nagpunta sa hospital.

"Oh ANica, anong ginawa mo dito? May sugat ka ba? Bat ang daming dugo sa kamay mo?" Nag-aalalang tanong ni Rafael nang makita ang dugo sa kamay nang dalaga.

"Ah, hindi akin to." Wika nang dalaga saka tumingin sa batang lalaki na kasama nang kapatid na babae nito habang kinakausap nang doctor na gustong gumutin ang sugat sa noo nito ngunit panay ang tanggi nang bata kaya hindi magawang gamutin nnag doctor ang Sugat nito sa noon.

Nakita nilang lumapit si Claire sa batang lalaki. May ipinakita itong dalawang lollipop sa batang lalaki. Sinabi nitong bibigyan nito nang lollipop ang bata kung papayag itong tingnan nang doctor ang sugat niya. Tumango naman ang batang lalaki. Narinig nilang sinabi nitong dalawa ang gusto nito. Ngumiti naman si Claire saka ibinigay ang dalawang lollipop sa bata.

"She is gentle don't you think?" Wika ni Rafael habang nakatingin kay Claire. Napatingin naman si ANica sa binata. Nakikita nito ang mga mata nang binata na may kakaibang kislap habang nakatingin sa dalagang doctor.

"Yes I agree. That why you like her right?" wika ni Anica saka tumingin sa pinsan.

"Yes." Biglang wika nang binata. "Ha?" gulat na wika nito saka tumingin kay Anica dahil sa biglaan niyang sinabi, Nakita niyang nakangiti ang dalaga.

"H-hindi ang ibig kung sabihin----

"It's okay. LIgtas sa akin ang sekreto mo." Wika ni ANica saka ngumiti at tumingin sa binata. "Pero kung hindi ka mag mamadali baka maunahan ka. Maraming mga nanliligaw kay Claire." Wika pa ni ANica. "Maganda, matalino at magaling na doctor." Dagdag pa ni ANica.

"Sa palagay mo ba magugustuhan niya ang isang tulad ko. Isa lang akong sundalo at nasa hukay pa ang isang paa," wika nang binata.

"Some times I don't understand adults. If you make that as an excuse, nang hindi nalalaman ang panig nang iba, would it ---"

"Sinasabi mo ba yan dahil sa nangyari sa arrange marriage niyo ni Andrew? I can understand him and his reasons. You sounded so disappointed." Nakangitiing wika ni Rafael sa dalaga.

"Hindi Ah." Tanggi ni ANica. Natawa lang si Rafael sa sagot nang dalaga.

Napansin naman ni Claire ang paguusap nang dalawa maging ang pagtawa ni Rafael ay napansin din niya. Bagay na hindi naman nito ginagawa o ipinapakita kapag magkasama sila. Pareho sila nang college pinasukan pero hindi niya nakitang ganito makipag-usap ang binata para bang relax na relax ito sa dalaga.

Shin?!" gulat na wika ni Anica nang dumating sa hospital si Andrew. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nang dalaga. Nasa labas sila ni Rafael nang hospital kasama nang dalawang bata. Matapos magamot ang sugat sa ulo nang batang lalaki naisipan ni ANica na ihatid ang dalawa pauwi sa bahay nila. Nabigla pa siya nang makita si Andrew na dumating.

"Tinawagan ko na si Andrew. Hindi kasi kita mahahatid may pupuntahan pa ako." Wika ni Rafael kay Anica.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun." Wika ni Anica kay Rafael.

"It's okay. It's my duty to--"

"I know it's your duty to help innocent citizen." Wika ni ANica at inagaw ang iba pang sasabihin nang binata. "Let's go." Wika nang dalaga sa batang lalaki at babae saka inakay patungo sa sasakyan ni Andrew.

"She is weird." Wika ni Rafael.

"Tapusin niyo ang training course ngayon. Babalik din ako matapos kung ihatid si Anica" wika ni Andrew kay Rafael.

"Nagpakita ka naba kay General Salazar? Mainit ang ulo noon dahil sa nangyari sa hostage taking sa apartment building." Wika ni Rafael kay Andrew.

"I'll deal with it later." Wika ni Andrew saka tinapik ang balikat ni Rafael saka naglakad patungo sa kotse saka pumasok sa driver's seat.

Ikaw?!" wika nang binatang lalaking nagbukas nang pinto sa bahay kung saan inihatid ni Anica at Andrew nag dalawang bata. Maging si Anica at Andrew ay nagulat nang makita ang binata.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo kasama ang mga kapatid ko?" Tanong nang Binata. "Bakit may sugat ka sa ulo? Sinaktan mo ba ang kapatid ko?" asik nito kay Andrew.

"Hindi kuya." Wika nang batang babae saka hinawakan nag kamay nang kapatid. "Tinulungan kami ni Ate Anica. At inihatid kami nang kaibigan niya." Wika nang batang babae. Napatingin naman ang binata kay Anica.

"Dalia, dalhin mo si Tommy sa loob." Wika nang binata sa kapatid na babae nito. "TUloy kayo. Medyo maliit ang bahay namin." Wika nang binata saka niluwagan ang bukas nang pinto upang makapasok sa loob sina Andrew at Anica.

"Pasensya na kayo. Juice lang ang meron kami." Wika nito saka naglapag nang dalawang bason ang juice nang makaupo sa kahoy na sofa sina Andrew at Anica.

"Ikaw yung babaeng nabangga ko kanina? Pasensya kana sa nangyari." Wika nang binata sa dalaga.

"Wala yun." Wika ni Anica. "Yung mga kapatid mo pala Nakita ko sa kalsada kanina. Kasama nila yung lalaking humahabol sa iyo kanina. Tatay niyo ba siya?" Tanong ni ANica.

"Hindi." Biglang sabi nang binata. "Ulila na kami. SIya lang ang nagpalaki sa amin." Wika nang binata.

"Hindi naman sa nakikialam ako. Pero pinagbubuhatan niya kayo nang kamay at pinabayaan niya si Rommy kanina kahit Nakita niyang nasugatan ito nang tulak niya." Dagdag pa nang dalaga.

"Wala naman kaming magagawa. Dahil hawak niya ang buhay naming." Wika nang binata.

"You have your choice, you always have. You just have to choose one." Wika ni Andrew na tumayo bagay na ikinagulat nang binata at ni Anica. Nang tumayo si Andrew kasabay noon ang pagbukas nang pinto.

"Ramil!" wika nang lalaki na dumating na may hawak na bote nang alak. Ito ang lalaking pinatumba ni Andrew kanina at ang Nakita ni ANica na tumulak sa mga bata.

"Tiyong." Wika nang binata saka tumayo.

"Mga walang kwenta! Sino naman tong dinala mo dito sa bahay ko." Wika nang lalaki saka napatingin kay Anica. Pasimple namang iniharang ni Andrew ang kamay sa dalaga. Napatayo si Anica saka napahawak sa sleeve nang damit ni Andrew.

"Nasaan si Dalia. Dalia!" wika nang lalaki saka naglakad patungo sa silid nina Dalia at Tommy ngunit bigla siyang hinarang ni Ramil. "Huwag kang humarang sa daanan ko." Wika nito sabay suntok sa binata. Dahil sa ginawa nito sumubsob ang binata sa upuan ngunit agad din tumayo upang harangan ang lalaki na makapasok sa silid. Ngunit patuloy na itinaboy nang lalaki binata. Natuptop naman ni Anica ang bibig niya dahil sa Nakita. Muli sanang susuntukin nang lalaki ang kawawang binata nang biglang hawakan ni Andrew ang kamay nang lalaki.

"That's enough." Wika ni Andrew. Bumaling sa kanya ang lalaki at sinugod si Andrew nguniit mabilis ang reflex nang binata at strikes the back of his neck. Sa isang iglap lang biglang bumulagta ang lalaki na wala nang malay. GUlat na napatingin si Ramil sa lalaking naka higa Maging si Anica na napatingin din kay Andrew.

"Hey, how could you strike---" wika ni ANica na kay Andrew saka hinawakan ang braso nito.

"Don't worry he is just asleep." Wika nang binata saka napatingin sa kamay nang dalaga na balot pa rin nang panyo niya. "You still haven't tend your wound." Wika nang binata sa dalaga. Agad namang binawi ni Anica ang kamay niya.

"I will later. Something came up." Saka tumingin kay Ramil. "Okay ka lang ba? Ang dami mong pasa, you should visit-----"

"Okay lang ako." Agaw nang binata.

"Parati bang nangyayari to?" Tanong ni Andrew sa binata.

"Ito na ang buhay naming. Dito na ako namulat sanay na ako." Wika pa nito.

"Paano ang mga kapatid mo? Hahayaan mo ba silang mabuhay sa ganitong lugar? You might be able to take all the beating but how about Tommy and Dalia?" Tanong ni ANica. "I think no one should be okay being hurt." Wika nang dalaga saka nangilid ang luha sa mata.

"You should leave this place. If you don't have place to go. Fine me here." Wika ni Andrew saka ibinigay kay Ramil ang business card niya na nakasulat ang address nang Military community. "Let's go." Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica at inakay palabas. Hindi naman tumutol si Anica sa binata.

"Okay lang bang iwan natin sila doon?" Tanong ni ANica habang papalayo sila sa lugar nila Ramil. "They are suffering in that place." Dagdag pa nang dalaga.

"Let them decide for their own." Wika ni Andrew.

"Yun lang ang sasabihin mo? Nakita mo naman siguro ang buhay na meron sila."

"I know. Kaya lang buhay pa rin nila yun. He should learn how to stand for those that he cares the most." Wika ni Andrew.

"Icy General." Wika ni Anica saka inilayo ang tingin sa binata at napatingin sa labas. "Oh!" wika ni ANica saka natuptop ang bibig.

"Bakit?" tanong ni Andrew.

"Gabi na. Ang paalam ko sa mama ko bibili lang ako nang meryenda. Tiyak nag-aalala na yun." Wika ni Anica saka tumingin sa binata. "What Should I do?"

"Don't look at me like that. How should I know. You should have think about that before you jump into a messy situation."

"Haist. Why am I wasting my time talking to you. Icy General." Lumabing wika nang dalaga dahil sa sagot nang binata.

"Just tell her the truth." Wika ni Andrew.

"Eh di mas lalong nag-alala yun."

"Then don't jump into---"

"I know." Agaw nang dalaga. "Kasalanan ko bang hindi ko matiis ang batang iyon habang sugatan." Wika nang dalaga.