webnovel

The Gangster Lover's

Nathaniel Torres at Eyah Delmon ang dalawang taong pinagtagpo ng tadhana sa parehong paraan. Sa paraang hindi aasahan ng lahat dahil pareho itong handang hamakin ang lahat para makaligtas sa kamatayan. Hindi man nila ginusto ang kanilang tadhana pero tadhana na ang nagkusa para umabot sa puntong sila ang magkatulungan. "First love never dies" yan ang salitang pinaniniwalaan ni Nathan na kahit may nagugustuhan ng iba ay hindi magawang pakawalan ang kanyang nakaraan. Eyah Delmon isang babaeng sinanay para maging dalubhasa sa pakiki pag laban para isabak sa isang pansariling misyon upang maka pag higanti ang kanyang lolo sa pamilya na kinamumuhian nito. Marami ding mga pasabog ang kanilang nalaman sa pagitan ni eyah at Nathan kung ano ang koneksyon sa dalawa.

Ronnie_Udarbe_2333 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
7 Chs

Chapter 5

Eyah POV

Tatlong buwan din ang dumaan at naging maayos naman ang lahat. Walang naging problema at kahit nag iisa lang si Nathan na kaibigan ko sa paaralan hindi naman ako nalungkot, dahil sya lang sapat na.

Habang kumakain ako marami ang naka tingin sa akin lalo na hindi ko kasama si Nathan. Pero hindi ko nalang pinansin.

"hi pwede bang makiupo?" - tango lang ang naging sagot ko.

"diba ikaw si Eyah? Ako pala si Spearl" - tango pa rin ang sinagot ko.

"alam mo, ang cool mo nakita ko kayong nagka sagutan ni Nina ang astig nga ng mga linyahan mo, aminin nalang natin na napahanga mo ako. Akalain mo yun nakahanap din ng katapat!" malakas ang naging bumuntong hininga nya na naka kuha ng atensyon ko para tingnan sya.

" pero mag iingat ka dahil mga traydor ang grupo nila, hindi yun mapakali hanggat hindi nakakabawi."-bigla nya akong nginitian nang mag salita.

" sila ang dapat mag ingat sa akin!" walang emosyon kung sabi.

" tsk, mayabang pero alam mo gusto kitang maging kaibigan kung ok lang sayo? Kung may pagkakataon ipakikilala kita sa mga ka grupo ko kung gusto mo ipasok pa kita? "-seryusong sabi nito pero ramdam ko ang pagiging sinsero.

"hindi na kailangan kaya ko ang sarili ko" walang gana kung sagot.

"nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa nila sinisimulan, pag nagkataon baka pasalamatan mo pa ako dahil ako mismo ang nag alok sayo" paniniguro niya sa kanyang sinabi.

"hindi mangyayari yan! Dahil pag humakbang sila patungo sa akin makikita nila ang empyerno" nakita ko ang gulat sa kanyang mata dahil sa aking sinabi lalo na at direkta akong naka tingin sa mga mata niya.

"bilib din naman ako sa kayabangan mo pero binabalaan kita marumi silang umataki baka ma bigla ka!" makikita ko ang pagiging totoo sa kanyang mata pero hindi ko yun seniryuso dahil wala pa ni kahit sino ang pwedeng mag panginig sa akin sa takot.

Matagal na akong handa, hindi ako umabot sa ganito kung hindi ako hinanda ng todo. Baka sa unang araw pa ng pagsasanay ko noon ay patay na ako kung hindi lang malakas ang loob ko.

"kaya ko na ang sarili ko. Isa pa matagal na akong gangsters. Ako lang ang founder at ako lang ang member" seryuso kung sabi sa kanya.

"ano?" gulat na tanong nito dahil sa sinabi ko "walang ganun" patuloy nitong sabi sakin.

"meron,ako!" at talagang pinaninindigan ko.

"loko,maniwala ako sayo!" natatawa niyang sabi.

"walang pumipilit sayo kung ayaw mong maniwala walang problema sa akin yun. Hindi ko kawalan" paliwanag ko dito.

Pinatuloy ko ang pag kain ko ng mapansin kung hindi pa rin niya inalis ang tingin sa akin.

"bakit ba nila ginagawa to?" taka kung tanong

"dahil kay Nathan matagal na syang obsess sa lalaking yun, mahirap naman kung mag a-advice ako na layuan mo sya dahil mukhang nagkakasundo naman kayo, nagkakamabutihan, nagkaka inlove-ban." pa tawa-tawa pa nitong sabi.

"ano ba sila ni Nathan?" naging curious ako at handang makinig sa sagot niya.

"wala pero high school pa lang binabakuran nya na si Nathan, sinasaktan nya ang mga babaeng umaaligid dito o di naman kayay tinatakot. Desperado ito kaya naisipang pumasok sa mga gang para makahanap ng kakampi sa loob at labas ng paaralan. Kung napapansin mo halos lahat ng nag aaral dito may edad na kumpara sa edad ng mga college level hindi naman matanda pero sa edad nila pwede ng bumukod ng pamilya"tumango ako at patuloy lang sa pakikinig ng magpatuloy siya sa kanyang sinasabi.

"mayayaman ang nag aaral dito kung meron mang hindi yung mga scholor lang. Halos lahat dito gangster member maraming ibat ibang grupo ng gang dito, maraming founder pero wala namang gulo dahil wala namang pakialamanan. ."

"ibig mong sabihin halos lahat ng estudyante dito may grupo?" naging interesante ako kaya tutok ako sa mga isasagot niya.

" yes! yes! yes! " maarte nitong sabi.

" paano yun nang yari? " hindi ko maiwasang mabigla.

" basta na lang nang yari, maraming matatapang dito kaya hindi rin imposible. At higit sa lahat anak mayayaman kaya malakas ang loob. "

" i see" walang gana kung sagot

"hindi ka nagulat?" nanlaki ang mata nito sa sariling tanong.

"hindi" walang emosyon kong sagot.

"ano!?" gulat nitong sabi at di maiwasang lakasan ang tinig.

"alam mo nakakabilib ka! Bukod kay Shiara ikaw pa lang ang the one and only na pinapansin ni Nathan, swerte mo day!" patuloy niyang sabi sa akin.

"sinong Shiara?"

"kilala sya halos lahat dito, maliban lang sa mga bago, katulad mo" sabay turo habang may sinasabi "siya lang naman ang nag iisang babaeng kaibigan ni Nathan hindi nga lang namin alam kung hanggang kaibigan nga lang ba?" para pa itong nag iisip habang patuloy sa pag kwe-kwento.

"nasan na sya?"

"nasa hospital mga 2 year na, pero walang nakaka alam kung ano ang dahilan kung bakit na aksidente nya. Sa naririnig ko ay na comatose daw sya. Nakakaawa nga yung Nathan mo kasi simula nang na aksidente si Shiara parang nawalan din sya ng buhay, nawalan ng sigla at saya. Akala ko nga hindi na yan ngingiti uli. Hindi nga malapitan kasi palaging mainit ang ulo, may naka pagsabi hindi na lang nila tinanong si Nathan dahil nakakatakot daw itong magalit, mukhang totoo naman"

"malungkot pa la ang pinadadaanan nya" may pakiramdam sa akin na nalungkot sa nalaman.

"korek ka girl, pero dahil nandyan ka na bigla na lang sumigla"

"bakit ako?"

"aba malay ko! Well, as i can see may pagka pareho kayo ni Shiara ng kunting-kunti lang "

"anong pareho?" tinaasan ko sya ng kilay para sumeryuso.

"pareho, ahmm pareho kayong palaban, ang lakas ng datingan, astig, at ang anggas pero mas maganda siya at mas sexy din,. Pareho naman kayong bad girl type pero iba lang ang purmahan nyo. At mas mabait lang siya kompara sayo. Ang yabang mo kasi samantalang si shiara astig yun pero mabait" habang tinitingnan ang kabuohan ko.

"so sinsabi mong hindi ako maganda at sexy? At hindi ako mabait? " kunot noo kung tanong dito.

" sakto lang" seryuso nitong saad

"lakas maka pintas ha!"

"maganda - medyo sakto lang. Sexy-tama lang. Mabait pero mayabang. " habang seyusong titig sa kabuohan ko na tila nag hahanap ko pa kung ano ang pwede ma ipintas, sarap batukan!

"tss, yan ang pinaka matinding kasinungalingang narinig ko sa araw nato" inirapan ko sya

" totoo ang sinasabi ko"

"papuri ba yan o insulto? pwes mabuti pang mag sinungaling ka na lang"

"galit ka ba?"

"hindiii sobrang saya ko! Masayang-masaya ako sa papuri mo, salamat ha! Salamat kasi maganda ako na sakto lang! Salamat dahil sexy ako na tama lang! Salamat talaga mabuti na lang nag pakilala ka" sinabi ko ito sa tunong sarkastiko.

"hehehe ano ka ba para ka namang na pipilitan" tawa-tawa nitong sabi.

"nako hindi sobrang saya ko nga sa mga komento mo. Baka marami ka pang pwedeng maipintas sabihin mo na para isang bagsakan na lang" patuloy ko sa pag sarkastiko.

"wala na pananamit mo na lang baduy" wala sa sariling sagot nito. " sang lupalop ka ba ng ka bundukan nagmula at wala ka man lang ka taste- taste" patuloy nitong panlalait sa akin.

Ano ba namang klaseng tao to wala naman yata tong pakialam kung nakakasakit nang tao, sarap batukan.

"ganon ba? Baka may nakalimutan ka pa idagdag mo na!" sarkastikk kung sabi.

"wala na talaga hahaha" tumatawang sagot nito, sarap pitikin.

"tss, abnormal" pabulong kung sabi

"galit ka ba? Pasensya ka na ganito talaga ako pag magaan ang loob ko sa tao." - sinsero nitong sabikahit pwedeng pagkamalang abnormal.

"ok lang mukhang ganyan ka na talaga!" - walang gana kung sagot.

"oi, grabe ka naman basta simula ngayon kaibigan na kita. Ayaw mo mang sumali sa grupo namin ituturing pa rin kitang kaibigan. Kung may kailangan ka magsabi ka lang baka magawan ko ng paraan. Sige mauna na ako sayo may dadaanan pa ako" - kinakaway pa ang kamay nito habang nakatalikod.

"pasensya ka na, nag snack ka na?"

"tapos na, nag order na ako para sayo, kainin mo yan"

"salamat Eyah, akala ko pa naman magkakasabay tayong mag snack binilisan ko pa naman para mahabolan pa kita" - malungkot nitong sabi habang naka nguso natawa tuloy ako sa reaksyon nya dahil ang cute nyang tingnan kapag naka pouting.

"huwag ka ng malungkot sasamahan naman kita" palambing kung sabi.

"ang sarap naman" naka ngiti nitong sagot hindi ko alam kung anong tinutukoy nyang sarap yung sinabi ko o yung kinakain nya.

"kumusta ang practice mo?"

"ayos lang sa susunod isasama kita para mapanuod mo ako" excited nitong sabi

"sige ba" ganun lang ang sinagot ko pero iba ang naging epikto nito sa kanya dahil sobrang lapad ng ngiti nito na kumukinang pa ang mata habang nakatitig sa akin.

"sigurado ka?" pangu-ngumperma nito

"syempre isang Nathaniel Torres ang nag yaya ma hihindi-an ko ba yun?"

"salamat" nakangiting sabi nya

"sa game nyo papagawa ako ng banner mo" nakangiti syang nag anggat ng tingin at huminto sa pag subo.

"talaga gagawin mo yun? Para sa akin!"

"oo gagawin ko para sayo."

"sigurado ka?" pangungum perma nito sa akin.

"oo"

"talaga"

"oo nga"

"walang bawian ha!"

"oo nga, kulit mo naman"

"yes! Yes! May cheerier na ako" masayang sabi nito

"at sinong may sabing mag che-cheer ako?

" diba sabi mo? " malungkot nitong tanong sa akin.

" may sinabi ba ako? Sabi ko magpapagawa ako ng banner hindi mag che-cheer " mataray kung sabi dito.

" akala ko kasi package na yun" biglang nalungkot ang kanyang hitsura dahil sa pagka dismaya.

"hindi ako marunong sa ganun. Pero pina pangako ko kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa laro mo." pina ramdam kung supurtado ko sya kahit hindi man ako mag che-cheer sa kanya pero siniguro kung nandun ang presensya ko.

Matapos ang klase sa araw na yun nag yaya syang kumain sa labas pero tinanggihan ko dahil mas feel kung mag bar hopping.

Sinamahan nya akong kunin ang damit na iniwan ko sa locker at iniwan ang bag ko sa locker para wala akong bibit bitin pag nasa bar ako. Nag bihis lang ako ng mabilisan at nagpa bango.

Pag labas ko nakita kung naka sandal si Nathan sa pader habang astig na pinag krus ang paa habang naka pamulsa. Nang makita nya ako dali-dali nya akong tinungo at hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa parking lot.

Pagdating namin sa bar wala pang masyadong tao dahil maaga pa naman, nasa VIP kami naka pwesto kung saan tanaw namin ang lahat na nasa baba, nag order lang kami ng maiinom

"madalas ka ba dito?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang paligid.

" oo, minsan sa bahay lang ako umiinom" tinanguan ko lang sya

"gusto mong sumayaw? Sasamahan kita ." pagyaya nya sa akin.

"hindi ako marunong, ikaw na lang" tanggi ko dito.

"ganon ba, uminom na lang tayo."

"dami namang sexy dito at sobrang ganda pa" wala sa sarili kung sabi

"asan?"

"nasa dance floor" sabay turo sa gawi ng mga nag gagandahang babae" parang mga artista" patuloy kung sabi

"wala naman, ikaw lang ang pinaka maganda dito" hindi ako maka kibo, diko alam kung dahil ba sa nakainom ako o dahil sa sinabi nya kaya kinabahan ako, bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinilit kung baliwalain ang sinabi nya at tiningnan ang kontra bidang babae na papasok pa lang at sa lakas ng radar nakita nya agad ang kasama ko kaya magiliw itong papunta sa table namin.

" pano ba yan mukhang pangalawa na lang ako" turo ko sa babaeng kontra bida.

"tss, wala yan sa kalingkingan mo" walang ganang tiningnan ang papalapit na si Nina

"hi nath!" maarte nitong sabi"can i join you? "patuloy nito hindi man lang nag abalang tapunan ako ng tingin.

" may kasama ako"

"yeah right! What about a dance ?"

"may kasama ako" walang gana nitong paulit ulit sa sagot

"oh c'mon nath, hindi ka man lang magawang sabayan sumayaw ng kasama mo. Your life is so boring tapos sinama mo pa ang isa pang boring na tao and because of her pati ikaw ay madadamay sa ka boringan ng babaeng yan "

"sayaw ka" sabat ko sa usapan nila

"bakit?" nagtataka itong nakatingin sa akin.

"para maka pag enjoy ko sayang naman kung hindi mo pa sulitin, isa pa hindi naman ako mahilig sumayaw"

"ayaw ko" mabilis na tanggi nito.

"sige na ok lang ako dito" pag pupumilit ko medyo natauhan kasi ako sa sinabi ni nina na baka ma boring lang si Nathan aa akin.

"sasamahan kita dito" pag pupumilit nyang sabi.

"hihintayin naman kita dito"

" nakakarindi ka na ha! Sino ka ba para mag bigay ng permiso nya?" galit na saad ni Nina na naka kuyom ang mga kamao.

"girlfriend nya" pang iinis ko dito.

"what? Are you kidding?" nanlaki ang mga mata nito hindi maka paniwala sa sinabi ko.

"mukha ba akong nag bibiro?

" You shut up. Stop lying!"

"who's lying?"

"YOU" Turo nito sa akin.

"wag kang maniwala kung ayaw mo"

"kailan pa?" maiiyak na nitong tanong, diretsong nakatitig kay Nathan na nag hihintay ng kompermasyun. Alam kung nabigla din si Nathan dahil sa sinabi ko kaya bago pa sya makasagot inunahan ko na sya.

"ngayon lang"

"no, I can't believe this! No, no, no you will pay for this!" pasigaw nitong sabi na parang baliw hindi ma proseso sa kanyang pandinig ang aking nasabi.

Bigla nya akong sinugod para sabunutan ngunit nabigo siya dahil bago pa nya ako maunahan sinakal ko sya at mas hinigpitan ko pa ng akmang aabutin nya ako sa mga kamay nya. Sinikap nya akong abutin para kamutin sa mukha pero paabante ko syang sinakal at paatras syang nasasakal.

Hinawakan nya ang kamay kung nakasakal sa leeg nya para tanggalin ito pero wala na syang lakas para kalasin ito dahil halos maubusan na sya ng hininga at lakas sa pag kakaipit na lalamunan nya.

Sinadal ko sya sa pader at pahampas ko syang binitawan pagilid na naging sanhi ng pagtapon nya sa table at habol nya ang kanyang hininga.

"hindi ako makakapayag na manakit ka kahit walang karapatan. Ang bigas sinasaing bago kainin. Hintayin mong maluto wag kang atat. Bago mo kilalanin ang pagka tao ko, marami ka pang kaning kakainin para kilalanin kung sino ang kaharap mo"

Tiningnan ko si Nathan at pasunod din ito na para bang tingin lang nababasa na ang tinutukoy ko.

Ilang hakbang pa lang pero dinig ko ang pag basag ng wine glass para maputol ito. Patakbo nya akong sinugod para saksakin sa natirang bubog na nasa kamay nya na tila mismong ginamit na patalim para saksakin ako sa dibdib na pinunterya ang bandang kaliwa para tamaan ang puso ko.

Pataas nya akong sinaksak pa bagsak sa dibdib ko pero bago pa nya ako matamaan umikot ako at siniko ang braso nya na naging dahilan para mabitawan ang patalim nya dumeritso ako pa likod nya at sinakal ang leeg nya gamit ang braso ko at pahila akong sina bunutan ang buhok nya pababa para mapa angat ang mukha nya.

"naka drugs ka ba? Hindi ka pa naka inom may tama ka na! Ang alak nilalagay sa tiyan hindi sa ulo. Huwag mong pinag iinit ang ulo "

"demonyo ko" sigaw nito na halos di na makahinga

"" baka gusto mong makita ang empyerno? "

" sige mag saya ka dahil hindi ako titigil hanggat hindi pa napuputol ang sunggay mo! "

" sunggay, joke ba yan? nakakatawa hahaha pangalawa lang ako sayo"

"" hindi pa tayo tapos "

" tss, nakakasawa ka sa susunod na makita mo ang boyfriend ko, inaasahan kung umiwas ka na dahil selosa ako" pahampas ko ulit syang binitawan at iniwan.

Hindi ko na nilingon pa si Nathan sa likod ko nauna na akong lumabas naka pamulsang sumadal sa kotse nya. Malakas na buntong hininga ang pinaka walan ko, nilalaro ko ang maliit na bato na nasa paanan ko naka titig lang ako sa lupa dahil sa kahihiyang nangyari.

Ramdam ko ang presensya ni Nathan sa gilid ko na nakatitig sakin pero hindi ko magawang mag angat ng tingin dahil nahihiya ako na baka na disappoint sya sa mga nakita nya.

"sorry" yan lang ang tangi kung sabi habang naka titig sa lupa.

Wala man lang akong nakuhang sagot galing sa kanya, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako maka iwas sa ganung klaseng sitwasyon hindi ko man lang inisip na kasama ko ang taong minahal ko sa maliit na panahon.

Lumapit sya sakin isang pulgada na lang ang aming pagitan. Mas mataas sya sa akin ng apat na pulgada hindi ako makakilos isang maling galaw ko lang tiyak na mag aabot ang aming mga labi.

Kinabahan ako dahil hindi sya kumukibo pero bigla nya akong niyakap at hinalikan sa noo. Hindi pa man nya ako binitawan sa mahigpit nyang yakap ay ako na ang kusang kumalas.

" ganito na ako! Ganito na ang ugali ko!" malungkot kung sabi na hindi kayang tumingin sa kanya. Ngunit tinitigan nya lang ako. Kaya nag patuloy ako sa aking sinasabi.

" masyado akong hambog, mainitin ang ulo, maliit lang ang pasensya at matakaw sa gulo"

" pero kasama yan sa nagustuhan ko sayo"

"pero hindi mo pa ako kilala. Ang buong pagkatao ko"

"kahit kriminal ka pa! Tatanggapin kita"

" you dont mean it"

" i really mean it"

" bakit ako Nathan, bakit ako?

" bakit hindi? " diretso nyang sagot sa akin

" wala akong maisip na dahilan para magustuhan mo ako. "

" hindi ko rin alam. Siguro ka pag totoo ka na sa isang tao kahit walang dahilan nag kukusa lang talaga ang puso. "

" alam mo bang hindi ko pa naranasang maging masaya sa buong buhay ko. Pero wala akong magawa kundi tanggapin ang lahat nang wala ako. Pero maniwala ka ikaw lang ang unang taong nag pa ramdam sa akin na importante din pala akong tao" malungkot kung sabi

" nandito lang ako at may mga kaibigan ka pa"

"wala akong kaibigan"

"may bago kang kakilala pwede mo silang kaibiganin"

" hindi ako mahilig"

"pero may pamilya ka pa kaya huwag kang malungkot"

"ang totoo ay masaya akong nakasama ko na sila pero dahil sa tagal na panahon na hindi ko sila nakasama noon ay malayo ang loob ko sa kanila. Alam kung mahal nila ako pero naiilang ako" nagpapa katotoo kung sabi.

"anong ibig mong sabhin?" nagugu huluhan nitong tanong dahil sa aking sinabi.

" mahabang kwento, ang hirap e explain" binigyan ko sya ng matamis na ngiti at sumakay na din kami sa kotse nya.

Pinag buksan nya pa ako ng kotse at inalalayang umupo.

Nang makapasok na sya ay tiningnan ko sya. Nang mag tama ang aming mga mata ay may parang ibang sistema na nasa aking loob na para bang anong oras ay pwede akong higupin sa paraan ng kanyang tingin.

Una akong nag iwas ng tingin ng bigla nyang pinigilan ang aking pisngi. May kung anong kuryente na dumaloy sa buo kung katawan dahil sa paraan ng kanyang pag hawak o di kaya ay dulot ito nang espirito nang alak.

Masyadong mabilis ang lahat na pang yayari at sa hindi mapigilang sitwasyon bigla nya akong sinunggaban ng halik. Halik na kasing lalim at mapanghanap.

Bigla syang huminto at humingi ng paumanhin sa ginawa. Hindi ko na sya sinagot at pina kiramdaman ang aking sarili. Ngunit wala akong maramdamang protesta.

To be continue