webnovel

Napagalitan, Nanaman

You have slain an enemy!

Tama yan. Parang suwerta ako ngayong araw. Winning strike tayo.

Gabi pala.

Halos maghapon na ako naglalaro ng ML. Nakakaadik eh,wala tayong magagawa. Tsaka gusto ko na ren makaalis sa Epic. Matagal- tagal na ren ako sa Epic, kaya nakakasawa na.

Shutdown!

Oh shit! Anubayan ako pa ngayon na shutdown, bwiset. Humanda ka saken mamya Harley.

3  2  1

Ayan na.... mag rerespawn na ako.

(Knock Knock)

"Anak kakain na! Lumabas ka na dyan, mag- ayos ka na ng mesa. Kaninang hapon ka pa dyan, kulang na lang pati muka mo maging computer! Bilisan mo!" Tinatawag na ako ni Mama.

Hala, hala, hala. Hindi ako pwede mag AFK. Pero first of all, cellphone yon. Anyways, mababawasan credit score ko! Baka murahin pa ako ng mga kasama ko. Anubayan.

"Ma, mamya na ako, busog pa ako," sabi ko, kahit gutom na ren ako.

Naaamoy ko na nga ulam namen, parang Binagoongan pa nga ata ulam eh. Shax, ML o sya?

(Biglang nagbukas yung pinto, na parang pagalit)

"Anong sabi mo, maghapon ka na dyan, hindi ka na nga kumain ng tanghalian, tas sasabihin mo busog ka? Akin na yang selpon mo! Imbis na mag aral ka ng maayos, yan inaatupag mo!"

"Bat nasali pag- aaral ko dito, nakita nyo naman dati pa ma, na kahit anong aral at tutor ko, bobo pa ren ako. Anong gagawin ko ha?"

"Sumasagot ka na?!"

Hinablot nya yung cp ko sablay umalis.

Grounded ako

Goodbye ML, goodbye Mortal Combat, goobye Geometry Dash.

Ah, at least may computer ako!

Bumalik si Mama, tinaggal sa saksak lahat ng equipment sa computer.

"Kung iniisip mo na makakalaro ka naman sa computer, pwes hindi ren. Mag- aral kang bruha ka!"

Goodbye DOTA, goodbye PUBG, goodbye internet.

Officially, unofficially grounded ako.

Wala naman syang sinabi na grounded ako, pero it looks like it.

Kung saan dun pa ako magaling, dun pa ako walang access. Mabubulok na ako.

Nakakawala naman nang ganang kumain.

(May nagbukas ng pinto pero dahan- dahan lang)

"Anak kakain na," sabi ni Pops.

"Ayoko pa nga," para akong may regla kung sumagot, malamang bad trip ako noh. "Punta ako 7/11 kakain ako ice cream."

"Ahh, sige uwi ka na lang kaagad."

Sinara na nya yung pinto. Nagbihis ako tas sabay alis papuntang 7/11.

Alam ko nung paalis na ako ng bahay, nakatingin sakin si Mama, urat na urat sa mga pinaggagagawa ko.

Hay buti pa sa 7/11 may ice cream.

Nagustuhan nyo ba?:

If oo, please like so I can know if you liked the first chapter. Please give it a rate at mag comment for more improvements.

And don't forget to share ren sa friends ♡

Toodles and have a great day♡