Ikaanim na Kabanata
HINDI nagbibiro ang taong-aso nang sabihin niyang nanganganib ang buhay ko at buhay ng mga taong malalapit sa akin.
Hindi ko alam kung pansin ba ng mga kasama ko, pero ilang beses pa kaming muntik na mapahamak. Marami ang naging banta sa 'min sa mga nakalipas na araw. May kung anu-anong nilalang na lang ang bigla-bigla kung lumalabas sa kung saan na kaagad din namang tinatapos ng taong-asong nagbabantay sa amin. Pati na rin si Baito ay tumutulong.
Nagi-guilty ako dahil alam kong ako ang may kasalanan. Kung 'di dahil sa kuryosidad ko ay hindi sila madadamay. Hindi ako mapakali dahil sa tuwing nakikita kong masaya sila, hindi ko mapigilang isipin na bigla na lang silang mapapahamak ng dahil sa akin.
Laking pasasalamat ko na nga lang dahil may isang nilalang na inilalayo kami sa kapahamakan kahit na masama pa ang loob niya. Ilang beses siyang nagrereklamo sa akin.
Wala pa akong panahon para intindihing mabuti ang mga nangyayari at ang kakaibang larawan na dumidisenyo sa 'king palad sa tuwing malapit ang taong-aso ay kinakailangan pa rin ng mas malinaw na pagpapaliwanag. Hindi ko iyon makukuha at maiintindihan sa loob ng maikling panahon lang.
Sa ika-pitong araw, tulad nga ng estimasyon namin, nawalan na kami ng stock ng pagkain kaya nagpasiya na kaming umuwi. Okupado ang isip ko ng ibang bagay sa mga oras na 'yon kaya ang taong-aso ay panandaliang nawala sa pag-iisip ko.
Katulad no'ng una ay tulog kaming lahat sa biyahe dahil sa pagod. Naghiwa-hiwalay din kami noong makababa kami sa kanto ng compound namin. Hindi na rin kami nakapagpaalam ng maayos sa isa't isa dahil kaming lahat ay kating-kati nang umuwi.
Pinauna ko na silang lahat at nag-stay ako sa waiting shed. Nagpahinga muna ako saglit, total ay malapit lang sa bungad ang uuwian ko, 'di gaya n'yong lima.
Noong tuluyan akong nakapagpahinga ay buong sigla na muli akong tumayo mula sa sementong upuan ng waiting shed. Dala-dala sa aking likuran ang mabigat kong bagahe ay handa na ulit akong maglakad pauwi.
I turned my heels sideward only to be welcomed by a hard, almost wall-like, surface. Kaagad na bumulaga sa akin 'yong taong-aso, huli na para pigilin ko ang pagpihit ko kaya naman bumangga ang noo ko sa matigas niyang dibdib.
"Mag-iingat ka nga pagkilos mo!" nakangiwing sigaw nito sa akin at mahina akong itinulak palayo sa kaniya.
Hindi ko pinansin ang bastos na ugali nito at pinasadahan siya ng paningin.
"Saan ka sumakay? Paano ka nakasunod sa 'min ng mga kaibigan ko? Baka may makakitang tao sa 'yo at biglang matakot d'yan sa itsura mo!" nanlalaki ang mga matang sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid.
Baka may makakita sa kaniya na gano'n ang itsura niya! Ano na lang ang mangyayari?
Tumaas ang isa niyang kilay at humalukipkip siya.
"Lumulan ako sa itaas ng malaking bagay na gumagalaw na siyang sinakyan ninyo ng mga kaibigan mo kaya walang nakakita sa akin, at kung magkagano'n man na may nakasaksi, ang kailangan ko lamang gawin ay gapiin ang mortal na 'yon." Suminghap ako sa isinagot niya.
"Seriously!" I screamed.
"Teka! Ano ang problema mong mortal ka!" sigaw niya.
"Nasisiraan ka na ba!" nanlalaki ang matang sabi ko. "Teka, nagiging tao ka, 'di ba? Nakita ko kung paano ka naging tao no'n! Iyong nawala ang mga buntot at tainga mo! Umikli pa nga ang mga kuko't pangil mo n'on, pagkatapos, nag-iba ang kulay ng buhok mo! Nakita ko 'yon!"
"Ano naman kung nakita mo?" maangas na tanong niya at ngumuso.
"Alam mo ba ang magiging reaksyon ng taong makakakita sa 'yo?" anas ko.
Siguro, kung ang mga kaibigan ko lang ang mga makakakita sa kaniya, mapag-uusapan pa namin. Malalawak ang pag-intindi namin sa bawat isa. Gano'n kaming magkakaibigan. Pero kung ibang tao na? Who knows what might happen!
Mamamatay sa takot 'yon at kung mamalasin pa ay baka tuluyan niya rin. Hindi ako nag-aalala sa kaniya kundi sa taong maaaring makakita sa kaniya.
Malinaw ko pang naaalala na no'ng una kaming magkita ay muntik niya rin akong tuluyan.
Isa pa, kung gano'n ang itsura niya ay hindi ko siya maaaring isama sa bahay. Siguradong dadalhin siya sa perya ni Papa.
"Bumalik ka sa pagiging tao!" utos ko. Umiling siya at mas lalong pinagbutihan ang pagkahalukipkip.
"Wala akong kakayahang gawin ang gusto mo," masungit na sabi niya.
I stared at him, gaping like a fish.
"Anong sinasabi mo riyan? Pero ... nakita kita..." Nabitin sa ere ang gusto kong sabihin.
Teka nga. Ang sabi niya ay wala siyang kakayahan?
"Dahil taglay mo ang sagisag ko," bigla ay saad niya. Nangunot ang noo ko at mas lalong wala akong naintindihan sa tinuran niya.
"Atch! Hindi mo ba maintindihan? Ang ibig sabihin lang n'on, lahat ng kakayahan ko'y nakasalalay sa iyo!" naiinis na sabi niya at napapadyak. "Kaya mo akong pasunurin sa kung ano man ang nanaisin mo! Ikaw lang, mortal, ang may kakayahan niyon dahil kung pagsasamahin ay lahat ng kakayahang mahikang taglay ko ay nasa iyo na magmula na mapasa 'yo ang aking sagisag!" tuloy-tuloy na paliwanag niya at kalauna'y biglang napahinto.
Parang may na-realize siya sa sinabi niya, at mukhang iyon ay tunog-mali sa pandinig niya samantalang ang kaninang nakaawang ko labi ay unti-unti namang napangisi.
"Kaya kong gawin 'yon dahil lang sa na sa 'kin 'yong sinasabi mong sagisag mo?"
I am that ... powerful?
Namamangha akong napatingin sa kanang palad ko. Hindi na ako gano'ng nagulat noong nagliwanag iyon, hindi katulad nang unang beses ko 'yong nakita ay talaga namang nagtaasan ang mga balahibo ko.
It looks like an eye to me, but unlike an actual eye, its iris' shapes like a crescent moon.
"Paano ba gawin? Gusto ko ay maging tao ka na ngayon," nakangiting sabi ko.
Gusto kong makumpirma kung totoo ngang taglay ko ang kakayahang pasunurin siya. Ibig sabihin lang kasi n'on, kontrolado ko ang bawat kilos niya. Parang ang saya naman yatang isipin.
Bukod pa ro'n, baka kasi may makakita pa sa kaniya ngayon, problema pa kung mangyari man 'yon. Kailangang magmadali na kami sa pagkilos.
"H-Hindi ko sasabihin sa 'yo!" Ang labi niya ay halos maging kasing putla na ng kulay niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ayaw mong sabihin, ha?
Napaurong siya nang itapat ko sa kaniya ang nagliliwanag na aking palad.
Ganito rin ang ginawa ko noon. Sa takot ko sa tangkang paglapit niya ay itinapat ko sa kaniya ang aking mga palad para mapigilan siya. Ang tanging iniisip ko lang noon ay san'y hindi niya ako magawang saktan. Bigla no'ng nagliwanag ang palad ko, at isang iglap ay nag-iba ang anyo niya. I could still remember. Every single thing.
"Magbagong-anyo ka, ngayon din!"
Bigla, katulad noong una, ay nawala na lang na parang bula ang mga tainga't buntot niya. Nawala ang talim ng pangil at mga kuko niya. Naging itim na itim ang kulay ng kanina'y maputi niyang buhok. Bahagya iyong umikli at kitang-kita ko ang paglitaw ng pares ng tainga sa dapat nitong paglagyan tulad ng sa isang normal na tao.
I just stood there, witnessing everything.
Nakakamangha dahil sa kabila ng pagbabago niya ay nanatili ang ganda ng mga kulay ginto niyang mata.
Napaamang ako nang mapagmasdan ko iyong suot niyang higit sa lahat ay hindi nagbago. He looks so old-fashioned.
"A-Ano ang kalapastangang ito! Bakit ibinalik mo na naman ako sa pagiging kawangis ninyong mga mortal!"
Tiningnan niya ang mga palad na para bang diring-diri siya sa sarili niya matapos tuluyang mawala niypng kulay asul na liwanag na bumalot sa aming paligid. Tapos nang ganap ang pagbabagong-anyo niya at mukhang balik na siya sa kaniyang huwisyo.
"Ano bang inaarte mo? Kaya mo namang bumalik sa pagiging aso, 'di ba?"
Ano bang ikinagagalit niya? Ginawa ko lang naman 'yon para hindi siya mapahamak o makagawa ng malaking gulo dito sa lugar namin! Baka sabihin pa ay takas siyang mabangis na hayop o kaya naman ay i-surrender siya sa kung saan.
"Aso? Alam ko kung ano 'yon, a! Hindi ako aso!" saad niya at lumapit ng sobra sa akin. Dinukdok niya ang noo ko gamit ang kaliwa niyang hintururo. "Ako ay isang makapangyarihang nilalang! Galing ako sa lahi ng mga matataas na uri ng Soro! Hindi aso! Napakalakas ng loob mong lapastanganin ang uri ko!"
"Soro?" blangkong tanong ko at pasimpleng kinapa ang noo kong dinutdot niya. Nagpupumintig iyon sa sakit. "Maganda ang lahi ninyo kung gano'n."
Soro? Is that some kind of a monster? Kung ganoon ay ngayon lang ako nakakita ng halimaw na maganda ang itsura. Aside from the set of his golden eyes, mahahaba rin ang kaniyang pilik mata na pati iyong sa bandang ilalim ay kitang-kita. Matangos ang kaniyang ilong. Even his mouth bears a pair of glossy peach lip that seem so soft. Bukod doon ay matangkad din siyang nilalang.
Ibang-iba ang mga nasa komiks. Ang papangit ng mga naro'n.
Napangiwi na lamang ako at napakamot sa 'king sentido nang makita kong natigilan siya't namula ang kaniyang pisngi, pati yata ang tainga niya ay mapula rin.
"For now, let's get going. Ipakikilala kita sa pamilya ko. Wala na akong ibang choice dahil wala ka namang ibang pupuntahan," sabi ko bago hinubad ang suot kong bag sa 'king likuran at inabot 'yon sa kaniya.
"Ipagbuhat mo muna ako nito." Malapad ko siyang nginitian.
I saw my palm shone. Tumango siya at parang wala pa sa sarili na kinuha sa akin ang bagaheng ipinapasa ko sa kaniya.
I was humming whilst he trailed behind me. Komportable naman ang katahimikan kaya kahit hindi kami mag-usap na dalawa ay ayos lang. At isa pa, mukhang mahihirapan din akong kausapin siya dahil sa bawat paglingon ko sa kaniyang kinalalagyan ay sasamaan niya ako ng tingin o 'di naman kaya ay mag-iiwas ng mga mata. Napapabuntonghininga na lamang ako. He really looks like an untamed puppy
Noong makarating kami sa tapat ng bahay ay nabungaran ko kaagad si Isaiya sa harap ng nakabukas na front door ng bahay namin. Nakaupo siya sa pinakataas na baitang ng hagdanan habang binu-bully si Alpha. Ngiyaw nang ngiyaw ang kawawang pusa dahil hawak ito ni Isaiya sa buntot.
"Isaiya!" malakas kong tawag. "Pakibukas naman 'tong gate!" utos ko.
"Ate!" nakangiting sikmat ng kapatid ko at biglang hinagis si Alpha sa kung saan.
Nakapaang tumakbo patungo sa kandado ng gate si Isaiya. Nang mabuksan niya 'yon ay bigla siyang napaurong nang magawi ang tingin sa 'king balikat. Probably, he's looking behind me.
"S-Sino 'yang kasama mo, Ate?" manghang tanong nito. Hindi ko muna ito pinansin at hinila ko papasok ng gate ang kasama ko.
"Sina Mama at Papa?" tanong ko habang papunta sa pintuan.
"Nasa dining sila," sagot nito.
Tumango lang ako at hindi pa rin tinitigilan ang paghila sa kasama kong panay ang reklamo sa 'king likuran. I was hearing their loud footsteps, parehas pa sila ni Isaiya na nakapaa.
"Pa! Ma!" masiglang tawag ko noong matanawan ko ang mga magulang ko na magkatabi sa tapat ng dining table.
Nang lingunin ako ni Papa ay ngumiti ang mga mata nito, ngunit kaagad ding naging blangko iyon noong makita ang nilalang na kasama ko. Napagmasdan ko pang pati ang paghawak ko rito ay pinasadahan niya rin tingin.
Nagmano sa mga magulang ko na para bang normal na araw lang ito at walang kakaiba. Kaagad kong itinabi sa akin 'yong taong-aso.
We stared at each other in pure silence.
"Anak, nawala ka lang ng halos isang linggo, pagbalik mo ay may nobyo ka nang bitbit," pigil ang hiningang sikmat ni Mama na bumasag sa katahimikan, pagkagayon ay pilit niyang pinananatili sa labi ang mga ngiti.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at binitiwan ko ang kamay ng aking katabi.
"Hindi! Hindi gano'n 'yon!"
"Sania, sino 'tong kasama mo?"
Pinasadahan ng tingin ni Papa itong aking katabi. Ang wirdo ng itsura ni Papa habang pinagmamasdan ang huli. Mula sa kakaiba nitong kasuotan, kakaibang kulay ng mga mata, and mind to remind you, ang mga paa nitong walang sapin kaya sobrang dumi na.
Halos mahampas ko ito dahil sa klase ng tingin nito kay Papa. Mukhang may balak pa siyang patula—
"Hoy, Tanda! Bakit ganiyan ka kung tumitig sa 'kin, ha?"
Parehas na suminghap si Isaiya at si Mama habang si Papa ay mukhang aatakihin dahil sa inasal ng taong-aso sa kaniyang harapan.
Kaagad kong hinila ang isa niyang tainga at mapagpatawad na tumingin sa mga magulang ko. Paakyat kami ng hagdanan tungo sa 'king k'warto.
"Magpapaliwanag ako mamaya!" pahabol ko at awang-awang tiningnan si Papa sa kinauupuan nito. Pilit siyang pinakakalma ni Mama.
Shock na shock talaga si Papa.
"What was that! Mali ang inasal mo! 'Wag na 'wag mo nang uulitin 'yon!" panimulang sermon ko sa oras na makaapak kami sa loob ng aking simpleng kuwarto at maisara ko ang pinto. Pilit kong pinigilan ang pagtaas ng boses kong nanggigigil.
"Heh!" singhal nito pabalik bago ibinalibag ang bagahe kong buhat-buhat niya magmula pa kanina.
Unti-unti ay nagbabalik ang tunay niyang anyo kaya sandali akong napaisip kung paano na lang nangyari 'yon.
Nangyayari ba 'yon kapag naiinis o nagagalit siya? Nati-trigger ba ng galit na nararamdaman niya ang katawan niya para muli siyang bumalik sa dati?
"Huwag mo nga akong dinidiktahan na mortal ka! Ginawa ko 'yon dahil hindi ko nagustuhan ang titig sa akin ng matandang 'yon!" sigaw nito sa akin.
I gasped exasperatedly. Ang pangit talaga ng ugali niya!
"You—I had enough of you!" sigaw na biglang nagpatigil sa kaniya.
Nakaawang ang mga labi niya akong pinagmasdan. Ang pag-ii-slit ng kaniyang mga itim sa mata ay unti-unting bumabalik sa normal habang nanlalaki ang mata niyang nakatitig sa akin.
"G-Galit ka? B-Bakit? Bakit galit ka sa akin! Wala akong kasalanan!" Muli na namang tumaas nag boses niya.
"Sa ayaw mo man o sa gusto, magpapakabait ka na simula ngayon dahil nandito ka sa pamamahay ko! Naikntindihan mo ba!"
Itinuro ko siya. Nasa isip ko lang na umupo siya ay biglang nagliwanag ang aking palad, tapos ay bigla na lamang siyang umupo sa sahig na parang upong-aso habang paunti-unting tumatango. Naka-squat siya sa sahig at ang mga palad niyang nakukubli ng mahabang manggas ng kaniyang suot ay parehas na nakalapat sa sahig sa kaniyang harapan. Mukhang wala pa siya sa sarili at nakaawang ang kaniyang mga labi habang tinititigan ako.
I eyed him skeptically. Is it one of the effect of the emblem from him? Ito ba ang sinasabi niya nang sabihin niyang lahat ng kakayahan ay nasa akin? Urgh. Para talaga siyang aso kung maupo.
Kahit ano pa 'yon ... huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. I lost my control again.
"Tigilan mo na rin ako sa kaka-mortal mo dahil may pangalan ako. Ang pangalan ko ay Sania Aureya, okay?" pilit kong pagpapaintindi sa kaniya sa 'king muling mahinahong boses.
"Aureya?"
Nagpikit-mulat siya habang titig na titig sa akin ang kulay ginto niyang mga mata. Nakita ko rin ang paggalaw ng mga tainga niya. Sa likuran niya ay naglilikot ang mababalahibo niyang mga buntot. Napakainosente tuloy niyang tingnan, parang isang tuta na maiging nakikinig sa sinasabi ng amo nito.
"Oo." Tumango ako. "Sania Aureya Diaz ang buo kong pangalan, naiintindihan mo?"
He blinked multiple times. Isang iglap ay magkasalubong na naman ang makakapal niyang kilay.
"Heh! Kay ganda ng pangalan mo, pangit ka naman! Hindi bagay!"
Humalukipkip siya at nag-iwas ng tingin. He was even pouting. His cheeks were slightly puffed and flushed red. Halatang-halata 'yon dahil sa maputing kulay ng kaniyang balat.
Ano bang klaseng nilalang 'to? Parati na lang sumisigaw at galit ang tono.
Hindi ko na lang ito pinansin at nagtungo ako sa harapan ng aking study table. Bigla ko kasing naalala na may dapat pa akong gawin. Bukas lang ay may pasok na naman. Ang buong maghapon na lang na 'to ang tiyansa ko para makapagpahinga.
Ang buong isang linggong sembreak ay inubos namin sa pagka-camping. Nag-advance na rin naman kaming dumalaw sa mga yumao namin kaya hindi kami nakokonsensiya nang araw ng undas ay naglakbay na naman kami.
"Ano ang bagay na ito?" narinig kong tanong ng taong-aso kaya nilingon ko siya. Nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama ko, do'n sa sahig, at kinakalikot ang aking alarm clock.
"Alarm clock 'yan," sabi ko at pinagmasdan siya noong ngatngatin niya ang isa sa mga tainga ng alarm clock kong tainga ng aso ang disenyo.
"Ha! Alam kong isang mababang uri lang ng nilalang ang isa 'to at nagbalat-kayo! Hindi mo 'ko maloloko!"
Nagulat ako noong ibato niya sa sahig ang kawawa kong alarm clock, saka siya tahasang bumunot sa hangin. A wave of sparkling blue dust exploded in the air. Sa isang kisap-mata ay nasa kaniyang kamay na ang matalim niyang sandata.
"Ngayon, ipakita mo ang tunay mong katauhan!" sigaw nito bago itinapat ang espada niya sa basag na'ng salamin ng alarm clock.
"..."
No one answered him nor happened.
I sighed.
How long will I able to handle this creature?
--
Hindi alam ng nilalang na 'to kung anong hirap ko sa pagpapaliwanag at pagsisinungaling sa mga magulang ko para lang mapayagan ako na patuluyin siya sa bahay. I did everything to keep him. Hindi naman talaga ako mahihirapan kung 'di lang sana niya ginanoon si Papa.
Sira talaga ang nilalang na 'yon. Napagsabihan pa tuloy ako kay Kuya Ihara nang makauwi siya ng bahay galing sa lakwatsa.
Halos ikandado ko ang taong-aso sa loob ng kuwarto ko dahil ayaw ring pumayag ni Kuya Ihara, pero dahil mahal nila ako at magaling ako sa mga situwasyong ganito ay napapayag ko rin sila sa huli.
Gabi na at katatapos lang naming maghapunan, kaya balik na kami sa kuwarto ko. Laking pasasalamat ko at epektibo ang bawat utos na lumalabas sa 'king bibig, dahil sa sandaling marinig ng taong-aso ang sinasambit ko ay kusa at parang wala pa sa sarili niyang sinusunod ako. I feel triumphant and powerful. Ha! Kontrolado ko ang lahat sa kaniya!
Naghanda ako para makapaligo. Noong iwan ko sila para magtungo sa labas papuntang banyo ay kausap ni Isaiya 'yong taong-aso. Parehas silang nakasalampak sa sahig ng aking silid. Magkasundong-magkasundo na sila ngayon, 'di tulad kanina na halos sagpangin ng nilalang na iyon ang kapatid ko.
Madali kong tinapos ang pagliligo. Noong balikan ko ang dalawa sa aking kuwarto ay nakita kong pinagpapasahan nila ang ngiyaw nang ngiyaw na si Alpha.
Ginawa nilang volleyball ang pusa!
"Isaiya! Bakit kinakawawa n'yo ang alaga mo? Bumalik ka nga sa kuwarto mo!" utos ko at itinuro ang nakabukas na pintuan sa 'king likuran.
"Pero, Ate! Naglalaro pa kami—"
"Labas!"
Kumaripas ng takbo si Isaiya dala ang nangangalambot nang si Alpha noong sumigaw na ako. Isinara ko ang pintuan at binalingan ang nilalang na unti-unti na namang bumabalik sa anyo nito.
"Bakit bigla ka na lang nambibitin ng kaligayahan? Wala ka sigurong magawa sa buhay mo," anito habang nakahamlumbaba sa aking kama, doon siya sa sahig nakaupo.
Dama ko ang inis sa tono niya. Kaya siguro nagsibalikan ang mga buntot at tainga niya, pati na rin ang kulay puti niyang buhok, ay dahil napopoot na naman siya.
'Di ko maiwasang mapaisip. Wala bang tuwang nararamdaman sa katawan ang nilalang na 'to?
"Hmp. Dapat nga, nagpapasalamat ka pa sa 'kin ngayon dahil napakiusapan ko sila na rito ka na muna manuluyan sa amin," sumbat ko sa kaniya. "Mamaya, pumunta ka sa kuwarto ni Isaiya at doon ka matutulog, ha?"
"Heh! Nakakainis!" nakangiwing tikhim niya, saka humalukipkip.
Hindi ko na lang gaanong pinansin ang pagmamaktol niya at inilapag ko sa kaniyang harapan ang mga damit na nahingi ko kay Kuya Ihara nang sa gano'n ay may masuot siya, total ay halos magkasukat lang naman sila ng katawan. Pati 'to ay nahirapan pa akong hingin kay Kuya.
"Kaunti pa lang ang mga damit na 'yan, mangangalkal pa raw si Kuya. Maya-maya, kapag tulog na si Papa ay doon ka magtuloy sa paliguan, hindi ka puwedeng makita n'on dahil mainit pa ang mga mata ni Papa sa 'yo," anas ko at ginawa kong abala ang sarili sa nakalipas na oras.
Naging mabait naman ang taong-aso dahil pasilip-silip lang ito sa akin at sa mga ginagawa ko. Minsan nga lang ay nakagugulat dahil bigla na lang siyang magtatanong ng kung anu-ano. Bakas ang kuryosidad sa kaniyang mukha sa tuwing may itinatanong siya sa akin.
Noong dumating ang tamang oras, kung saan alam kong tulog na sina Papa, ay ipinagawa ko na sa kaniya ang mga dapat niyang gawin. Sa tulong ni Isaiya, ang aking butihin at maunawaing kapatid, ay sinamahan niya iyong taong-aso sa loob ng banyo para matapos na ang dapat nitong gawin na noo'y kinailangan kong alisin ang katinuan para lamang mapasunod. Ayaw niya pang maglinis ng katawan samantalang ang putik sa mga paa niya ay nasa buong bahay na!
Mabuti nga, kaagad na silang magkalapit na dalawa ng kapatid ko. Medyo natatakot nga lang ako at baka bigla na lang mapundi ang taong-aso at sakmalin ang kapatid ko. Isaiya has this habit of annoying people at ang nilalang na kasa-kasama niya ay ang tipo na pati ang simpleng paghinga ng mga nakapaligid sa kaniya ay kaiinisan niya.
Nang tuluyan silang matapos ay sinabihan ko na ang dalawa na umakyat sa kuwarto ni Isaiya para makatulog na. Patay na ang ilaw sa sala at masyado nang malalim ang gabi.
Aangal pa sana ang taong-aso at pilit na sumusunod sa akin, iyon at napagalitan ko. Bakit ba siya parang aso na sunod nang sunod? Ano? Pinaninindigan n'ya?
Nag-ayos na rin ako para makatulog. Masyadong maraming mga kababalaghan nitong mga nagdaang araw ang nangyari sa akin. At ang bawat isa roon ay unti-unti nang nagsi-sink in sa utak ko.
Even so, I need to make myself believe of everything. That it isn't just an imagination nor a fiction. It's happening ... he's real.
Habang tahimik ako na nakahiga sa 'king kama ay pinagmasdan ko ang kanan kong palad. Unti-unti 'yong umilaw at ang madilim kong kuwarto ay bahagyang lumiwanag dahil doon.
Marami pa akong tanong. Tungkol sa nilalang na may ari ng sagisag na 'to, at kung ano mismo ang sagisag na 'to...
Paano? Paano nga ba napunta sa akin ang bagay na 'to?
I just hope that my questions will be answered one of these days. Gustong-gusto ko na ng kasagutan. Hindi ako matatahimik kapag ganito.
Isinara ko ang nag-iilaw kong kamay at tuluyan akong pumikit. Hinanap ko ang antok sa 'king katawan, pero wala akong natagpuan. Pagkagayon ay pinilit ko pa ring makatulog.
Nagpabaling-baling ako sa kung saan-saan, ngunit hindi talaga ako inaabot ng antok. Itinitig ko ang aking mga mata sa madilim na kisame nang sandaling maibuklat ko ang mga 'yon para magmuni-muni pa ng ilang sandali. Siguro, inaatake na naman ako ng insomnia.
Mabilis akong napabangon sa aking kinahihigaan nang makarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa labas ng aking kuwarto.
Ano 'yon? Isaiya?
Siya lang naman ang may lakas ng loob na puntahan pa ako sa ganitong oras ng gabi, lalo na kung hindi pa siya inaantok.
Dahan-dahan ay tinungo ko ang pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at huminga ako ng malalim bago ko iyon tuluyang binuksan.
Ngunit walang tao akong nabungaran sa 'king harapan nang mabuksan ko ang pinto. Kung 'di lang may narinig akong tumikhim ay hindi bababa ang aking mga mata pababa at hindi ko makikita ang taong-aso na naka-squat sa sahig.
Pinangunutan ko siya ng noo. Hilig niya talaga ang gano'ng posisyon, ano? Naka-squat na parang dumudumi at ang mga palad niya ay magkadikit na nakalapat sa sahig. Asong-aso.
Ano na naman kaya ang nangyari at balik na naman iyong mga magagalaw niyang buntot at tainga?
"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko.
Marahas siyang tumayo at padabog na dumaan sa gilid ko. Noong lingunin ko siya ay naroon na siya sa tabi ng aking kama, sa may lapag. Pa-Indian sit siyang pumusisyon sa sahig. Ang kaniyang ulo ay bahagya niyang iniyuko at nagsimula nang pumikit habang nakatago sa mahahaba at maluluwag niya manggang ang kaniyang pagkakahalukipkip. Ang kaniyang mga buntot ay yumakap sa kaniyang katawan mula sa likuran.
Kumunot ang noo ko habang napapaisip. Hmp. Parang ang sarap yatang yakapin ng mga 'yon dahil mukhang malalambot.
"Oy! Sandali!"
Mabilis kong isinara ang pintuan nang matauhan ako. Binuksan ko iyong ilaw at saka ako nagtungo sa kaniyang harapan. Nag-squat ako para magkapantay kami. Iminulat niya ang kaniyang mga talukap at nagtama ang aming mga mata.
"Ba't nandito ka? 'Di ba, ang sinabi ko sa 'yo, doon ka sa kuwarto ni Isaiya?" kunot-noo kong saad.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at kaagad iyong naglikot. Halos hindi niya maituon sa akin ang mga tingin niya.
"N-Napakaingay matulog ng nakababata mong kapatid! Halinhinan sila ng kaniyang pusa sa paghuni kahit pa sila'y tulog! Nabuwisit ako kaya rito na lamang ako sa 'yo!" Humalukipkip siya at pilit na iniwas ang mata sa 'kin.
"Hmm..." Tumango-tango ako. Although, I'm a little bit skeptical.
Oo, maingay matulog si Alpha, para ngang palaging nananaginip ng masama ang pusang 'yon dahil sa sobrang ingay at likot kung matulog, pero si Isaiya?
Hmp. Siguro, totoo nga. Hindi naman siguro magbabalik ang mga pangil niya kung hindi siya nagalit.
Dumako ang aking mga mata sa kaniyang katawan at pinagmasdan ko ang kasuotan niya.
"Bakit 'sinuot mo ulit 'yang damit mo?" tanong ko kaya balik na naman ang atensiyon niya sa akin.
"Hindi ko gusto ang mga kasuotang ibinigay mo. Hindi ako komportable sa mga iyon. Isa pa, ang kasuotan ko ay higit na mahalaga," anito at muling pumikit.
Napalabi na lang ako habang tumatango. Bahala siya. Kung sabagay ay naka-survive siya sa matagal na panahon na iyong mukhang maalinsangang kasuotan na 'yon ang suot niya.
Pero, teka ... ilan taon na nga pala siya?
Kung titingnan kasi ay parang kaedad niya lang si Kuya Ihara na edad bente-tres pa lang naman.
"Pst!" sikmat ko.
Bumukas muli ang mga mata niya. This time, magkasalubong na ang kaniyang pares ng makakapal na kilay.
"Bakit na naman!" asik niya.
"Ilang taon ka na?" tanong ko.
Nawala ang gatla sa kaniyang noo at mukhang napaisip siya sa itinanong ko. Para itong bata na tumingin sa kaniyang mga palad at mukhang nagbibilang pa siya.
"Hindi ko alam kung gaano kahaba ang ginugol ko sa pagtulog bago mo ako natagpuan. Ang natatandaan ko lang ay nasa dalawang libong taon na ako—"
"Dalawang libo!" Sa gulat ko ay napasigaw na lamang ako. "Gano'n ka na katanda?"
"M-Matanda?" Kung pagmasdan niya ako ay para bang nasaktan ito sa sinabi ko. "Kay bigat mo namang mang-insulto! Hindi mo ba alam na sa lahat ng pulong ng mga Soro ay ako ang pinakabata!" sigaw nito pabalik sa akin.
"Anong bata ang pinagsasabi mo? Ang tanda mo na kaya!"
"Mortal!"
Halos sakmalin niya na ako kaya tumawa ako.
Natigilan akong bigla at pinagmasdan siya. Hindi ko alam, pero biglang sumagi sa isipan ko ang pangalan niya.
Pangalan ... bakit nga ba wala siya n'on? Hindi ba iyon puwede sa kanila? Kung gano'n hindi niya pa nararamdaman ang sayang dulot na matawag sa iyong sariling pangalan.
"Soro ... 'yon lang ba ang tawag sa inyo ... sa 'yo?" kunot-noong itinanong ko. Kahit si Baito ay iyon lang ang tawag sa kaniya.
"O-Oo! Ano naman?" maangas niyang tanong. "Ang isang Sorong walang nagmamay-aring Batas ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakakilanlan." Nakita ko ang pilit nitong pagpapatapang sa mga mata niyang alam kong may bahid ng lungkot. I just saw it.
"Ano 'yong Batas?"
"Iyon ang mga tawag sa mga nilalang na magkakaroon ng karapatang pag-arian ang isang Soro," aniya. "Isang kahihiyan sa 'ming lahi ang hindi makapagsilbi sa isang Batas. Nabubuhay kami para sa kanila ... iyon ang turo sa akin." Nag-iwas siya ng tingin.
Tumango-tango ako at tuluyang umupo sa malamig na tiles. Ramdam ko pang tumama ang aking hita sa kaniya nang mas lumapit ako. Ngayong interesado na ako sa sinasabi niya, kailangang mas malapit ako.
"Turo lang sa 'yo? Hindi ka sigurado?"
"H-Heh! Sinabi ko nang hindi ako nabuhay sa 'ming tahanan dahil ang bawat pinakabatang Sorong mabubuhay ay magsisilbi sa kagubatan!" asik niya. "Hangga't hindi ako napapalitan ... hindi ko masisilayan ang aking pinagmulan."
Para bang kay sakit niyon para sa kaniya. Sa boses niya ... ramdam na ramdam ko na iyon.
"Tama na! Tigilan mo na ang katatanong sa akin!" Marahan niya akong itinulak kaya nausog ako palayo.
Now, he's shutting me out. Siguro nga, dahil nabuhay siyang mag-isa kaya ganito siya. Hindi ko maiwasang isipin na napakalupit ng tadhana sa mga kagaya niya. Mga Soro? Batas? Magsisilbi? Wala akong ibang interprestasyon doon kundi pagpapaalipin sa isang napiling nilalang.
Kaya siguro may sinabi siya noon na sila ang may karapatang mamili ng magiging Batas nila, pero sa oras na makapili na sila at mailipat ang sagisag sa tinatawag na "Batas"" ... wala na silang magagawa.
Kaya siguro ... galit na galit siya noon nang makitang na sa akin ang sagisag niya...
Siguro ... hindi niya ako matanggap ... dahil hindi ako ang pinili niya ... wala na siyang magagawa.
Sandali kaming natahimik. Maiging kong kinokolekta ang mga salita sa 'king bibig. Kahit ano'ng pagpilit ko ... ramdam ko talagang malungkot siya.
"Pangalan..." Nag-angat ako ng paningin at nagtama ang aming mga mata.
"Ha?" Nawiwirduhan niya akong pinagmasdan.
"Pangalan..." pag-uulit ko. "P'wede bang hayaan mo ako na bigyan ka ng pangalan?"
Umawang ang kaniyang mga labi at tila pa huminto ang kaniyang paghinga sa sinabi ko. Mariin ko siyang pinagmasdan para sa kaniyang sagot.
Nag-iwas siya ng tingin. But before that, I saw an emotion formed within his gold orbs ... which I couldn't name.
"Bahala ka." At saka na siya tuluyang pumikit.