webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
31 Chs

Chapter 15: Finding sign

Kevin's POV

"Sam? Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya habang nagkakalkal ito ng kong ano sa kwarto nito. Nakatayo lamang ako sa may pintuan habang pinapanuod ko siya sa ginagawa niya. Noong nakaraang araw pa ganito ang ikinikilos niya, maging ang kasambahay nito ay nagtataka narin.

I know it is the good side of Sam pero nakakatakot naman na bigla bigla na lang siyang magiging ganyan. Nilapitan ko siya saka ko hinila at pinaupo sa kama.

"Sam, ano bang problema?" tanong ko dito. Tahimik lang naman ito na nakatingin sa ibang direksiyon. Maya maya pa ay ibinaling naman nito saakin ang kaniyang atensiyon.

"Kevin, hindi ako si Sam. Kakambal ko si Sam. Yung babae na sinampal ko noong nakaraang araw, siya iyong pumatay kay Martin."sambit nito saakin. Napakunot noo na lamang ako sa mga sinabi niya.

"Asa katawan ako ni Sam dahil sa kagagawan ni Ina. Ang purselas na ginagalaw mo ang dahilan para magkapalit kami ni Sam. Ako si Morioka ng Damnivia."wika nito saakin. Alam ko namang dahil sa purselas nawawala ang Sam na alam kong may masamang ugali eh kaya nga ginalaw ko ulit yun para maging mabait na Sam ang kasama ko. Akala ko inner side niya lang, yun naman pala kapatid niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Anong mayroon?

"At ikaw, patay ka na. Binuhay kita dahil nararamdaman ko sa katawan na ito na kailangan ka niya."wika nito. So kailangan ako ni Sam? Eh bakit ganoon siya saakin kabrutal?

"May dugo ka ng bampira ngayon, Kevin. Sa oras na mamatay ang katawan namin ng kakambal ko, mawawala ka rin."sabi nito na naging dahilan ng pagkatakot ko. Nagpapasalamat naman ako na binuhay ako nito pero, pero tama ba narinig ko? Sa oras na mawala silang dalawa, mawawala din ako? So kailangan ko silang protektahan? Paano sila mama at papa? Paano ko sasabihin ito sa kanila?

Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko dahil upang magkatinginan kami sa mata sa mata.

"Huwag kang mag alala, mukhang ang kapatid ko ang bahala sayo."sabi nito saakin saka ngumiti. Tumayo ito mula sa kama na aming inupuan.  Natahimik na lamang ako atsaka pinanuod ko na lamang  siyang maghanap ng kung ano sa kabinet ni Sam.

Hindi talaga ako makapaniwalang mangyayari itong weird na pangyayaring ito. Vampires? Killers? Talaga ba? We are just an ordinary human being before pero paanong naging ganito?

Nilingon ko siya at tila ba nawawalan na ito ng pag asa sa paghahanap nito.

"Ano ba iyang hinahanap mo?"tanong ko dito dahilan upang makuha ko ang atensiyon nito saakin. Lumapit ito muli saakin.

"Palatandaan kong asaan si Solomon."wika nito. Sino si Solomon? Bakit niya ito hinahanap. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahilan upang bigla nitong ipakilala saakin si Solomon.

"Si Solomon ay kaibigan namin ng aking kapatid, kasama rin namin siyang napunta dito sa mundo niyo nang ipadala kami ng aming Ina rito." ani nito saakin.

"Eh papaano mo mahahanap ang palatandaan ni Solomon kong dito ka lang sa kwarto mo o niyo naghahanap?" tanong ko dito. Tama naman ako, hindi ba? Alangan namang mabuhay si Solomon bilang libro o kung ano, hindi ba?

"Palatandaan lang ni Solomon ang kailangan ko para malaman ko kung asaan siya." wika nito saakin atsaka ibinaling muli ang atensiyon  sa hinahanap na palatandaan.

Ilang oras itong naghahanap sa loob ng kwarto nito. Pinabayaan ko na lamang siya sa kwarto niya dahil hindi ko naman alam kong anong palatandaan iyong hinahanap niya. Pumunta ako sa kusina at saka ako nag timpla ng juice na maiinom nito para sa meryenda.

"Kamusta sir si maam?" tanong saakin ng kasambahay nito. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Ito na kasi ang nag alaga kay Sam mula ng mawala ang Ina't Ama niya dahil sa isang aksidente. Nginitian ko na lamang ito upang mapangiti narin ito.

"Okay naman na po siya. Kinausap ko na po siya kanina, siguro baka dahil sa stress sa dapat naming i-shoshoot kapag okay na po ang lahat yung dahilan ng kinasstress niya."wika ko dito. Mukha namang epektibo ang mga sinabi ko dito.

"Mabuti naman kung ganoon po, sir." wika nito saakin bago ako nito hinayaang mag isa sa kusina. Agad kong tinapos ang paghahanda ko ng meryenda para kay Sam upang maibigay ko na ito sakaniya.

"Sam, magmeryenda ka na muna."pag aalok ko dito. Agad naman itong lumapit saakin at kinuha ang dala dala kong pagkain para sakanya. Naupo ito sa kama at inilapag din doon ang pagkain. Lumingon ito sa direksiyon ko dahilan upang mapangiti ako sakanya. Maya maya pa ay ngumiti ito saakin.

"Halika't saluhan mo ako sa meryenda." alok nito saakin.

"Ah hindi na, aalis narin naman na ako eh."wika ko dito. Tumayo ito at lumapit papunta saakin. Hinila ako nito saka ako nito hinatian ng tinapay at ibinigay saakin.

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo ako sinasaluhan." ani nito saakin saka ngumiti. Sa ganda ng ngiti niya, nakakaakit talaga siya. Paano kaya kung si Sam talaga itong kasama ko? Malamang ibinato saakin nito yung pagkain. Kilalang kilala ko yun bilang maattitude kong kaibigan. Nakakapanibago lang talaga ngayong wala siya.

Maya maya pa ay napabalik na lamang ako sa realidad ng bigla itong magsalita.

"Okay ka lang?"tanong nito saakin saka ako nito nginitian. Tumango naman ako bilang tugon sa tanong nito.

Pagkatapos kong kumain ng meryenda ay agad na akong nagpaalam dito. Inaantay narin siguro ako nila mama at papa sa bahay.

Inihatid naman ako nito papalabas ng kanyang bahay saka humalik sa pisngi ko dahilan upang mamula ang mga ito.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko dito na may halong pagkabigla pa sa mukha ko. Ngumiti lang naman ito saakin.

"Mag iingat ka pauwi ha."bilin nito. Tumugon naman ako ng ngiti at tango dito saka ako tuluyang tumalikod dito at naglakad papalayo.

I really don't know why I felt like this pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang nararamdaman ko.

Don't tell me, I fell in love with that, Morioka ha.

Ang bilis naman ata?

Si Sam na matagal ko ng nakasama, hindi ko kahit kelan naramdaman itong ganito.

Babaero at manloloko pa nga ako noong panahong si Sam ang kasama ko eh.

Pero bakit ganito?

Ano ba itong nararamdaman kong ito para sakanya?

Hindi naman nakakatae yung pagmumukha niya, nakakainlove pa nga.

Ah ewan, bahala na.

A/N: Hi everyone💜 Mukhang hindi ko matutupad ang thrice a week akong mag uupdate ha 😂 Wala eh, natutuwa akong magsulat ng magsulat 😊 Thank you po sa lahat ng readers and commenters at maging ang voters ng story 😊 I love you all!