((( SENA )))
Katulong ako ni Tang Ismael sa pagtatanim ng bulalak… nagkukwentuhan kami tungkol sa mga bagay
bagay na gusto lang namin pag-usapan. Pero di ko maiwasan mapansin na ina-aruga talaga ni Aaron ang
kanyang ama… ang sweet nila.
Sana kapag nagka-anak din ako, aarugain din ako ng anak ko… yung tipo
na nagbibiruan kayo… at napipikon ang anak mo, na halos wala namang magawa…
Nung nagdaang araw may lagnat si Tang Ismael, kaya di muna ako pinatuloy dito… Kala naman yung
trangkaso Virus. Hay naku. Mga tao talaga dito sa pamamahay ni Tang Ismael, grabe kasensitive. Wala
lang, andito ako, dahil feeling ko, lagi kong kasama ang yumao kong Ama… saka wala naman talaga
akong magawa sa buhay ko. Kailan kaya ako makaka-uwi ngng Maynila… lapit na graduation namin.
"Tang, ang ingay sa barangay kanina."
"Di mo ba alam na bukas fiesta dito?"
"Huh?"
"Oo, kaya mamayang gabi may sayawan… yayain mo si Aaron. Hahaha… yun kung makipag-sayaw yun
sayo."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com