webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
1032 Chs

Chapter 47 His Only Family

((( SEAN )))

Di ko inaasahan na sumasakay sila sa sasakyan na ito papunta sa may kalsada. Kailangan ko ata marinig mamaya ang paliwanag ni Pol tungkol dito.

At ang ama ko naman parang Teenager na natatawa sa kaasaran na pinapakita ko. Dahil lupa at mga damo ang dinadaanan namin at tataas saka baba, halos maalog ang buo kong katawan. At napakasaya naman ng matandang to.

"Pol, itong anak ko, talo pa ang arte ng isang babae."

"Tumahimik nga kayo… Pagabi na…"

"Bilisan mo pa Pol, parang ang bagal ng usad natin. Wag ka mag alala sa anak ko. Aaron, humawak ka sa bewang ko."

Tsss…

At tumawa yung matanda. Nag aagawan na ang liwanag at dilim… ng biglang bumusina si Pol at ikinapreno nito.

Isang babae na sinadya talagang harangin kami. Hingal ito. Saka napahawak sa binti.

"Miss, nagpapakamatay ka ba?!" maangas na sabi ni Pol. At siniko ako ng matanda,

"Multo yan." Sabi ng mahina sakin ng aking ama na halata namang nagbibiro.

Napa angat ako ng paningin na ikinagulat ko… Ang babaeng to… Sinusundan ba ako nito…

Lumapit ito kay Paul ng… umiyak

"Naliligaw ako! Tulungan niyo ako!"

"Taga saan ka ba Iha? Saka relax's di kami makiki kain sa inyo." Pagbibiro ng tatay ko.

Nakatitig ako sa babaeng to, nang magtama ang paningin niya sa akin…

Pero parang wala lang?! Di niya ba naalala…. Shit.

"Di ko po alam. Pero parang dito lang din…"

"Pol, sa tingin ko may bago tayong pasahero."

Wow. Wag niyong sabihin may balak ang magaling kong ama na tulungan ang babaeng to na sa gigil ko gusto kong gawing punching bag. Argh! At kung makipagsiksikan pa siya dito…

"Aaron, kaya mo bang umuwi mag-isa?"

So means ako ang sisipain paalis ng magaling kong Ama.

"Ay wag na takot ka pala sa multo, Pol ako na magmamaneho at uwi ka na. Dalhin namin ang dalagang to sa Barangay." Sinunod nga niya ang aking Ama, na lalo kong ikinagulat, nag momotor ba ang matandang to mag-isa?!

"Tay, anong ibig sabihin nito?!"

"Marunong ka baAaronl gamitin ang sasakyan na ito. Sus bata ka, kilala kita … ni bike nga di ka marunong?"

Tss… sa ganitong klaseng sasakyan hindi.

"Wala ka talagang bilib sa Daddy mo. Ahahha. Saan ko ba nakuha yang Daddy na salitang yan.

Nakakadiring tawag ng mga mayaman , no anak."

"Tay---------"

"Angkas ka na Iha."

"Salamat po."

"Te-te------."

"Usog." At napabaling ako sa babaeng, aba inutusan niya ako.

Di ako kumilos.

"Hay naku Iha, gentleman lang yang anak ko, magpagitna ka na lang para di ka mahulog sakaling mas mabilis ako magpatakbo kaysa kay Pol. Pol, mag iingat kang umuwi."

What! Inaasar ba ko ng matandang to?!

Napausog na lamang ako. Di ba ako natatandaan ng babaeng to… At kung sasabihin ko naman siguradong mangingialam sa akin ang matandang to.

Biglang kumapit sa balikat ko yung babae para maka angkas… Nang makaupo sa likuran ko… inis kong inalis sa balikat ko ang kamay niya.

"Manong, anak niyo ba to… Ang Arte."

"naku, mas maarte pa talaga yan sa babae."

"Baka hindi po lalaki ang anak niyo…"

Arghhhhhhh!

Tumawa na lamang ang matanda,

At halos malaglag ang kaluluwa ko sa nangyaring pagmamaneho ng matandang to… pero yung babae tawang tawa sa sobrang saya. Bakit parang sila yung mag-ama.

"Manong saan ba ang punta ninyo?"

"Sa palengke sana."

"Punta muna tayo dun bago sa barangay."

"Sige, halata naman na mahihirapan ako sa anak kong, to."

"Ay naku, ang klase kasi ng anak niyo, parang walang hangganan ang buhay niya. Habang may buhay magpakasaya, ano ba!" Saka niya ako tinapik tapik sa balikat ko, na inis ang reaksyon na pinakita ko,"

" Yan nga ang gusto ko sa anak kong yan. Kaya nga nagkunwari na lang ako na may sakit para maka-uwi yan."

Na halos ikinagulat ko. Pinaglalaruan ba ako ng matandang ito. Di niya ba alam na halos… natatakot ako sa ginagawa niyang pangkukunwari.

"Tay wag mo ng uulitin to, please lang."

"Hahaha. Lam mo nak, kailangan ko pa mabuhay ng matagal, kasi di ko pa nakikita ang apo ko."

"Oy, kaw lalaki ka, wag kang Killjoy, kung saan ang tao masaya hayaan mo siya. Kung masaya ang tatay mo sa ginagawa niya, hayaan mo siya… at kung mahalaga ang tatay mo sayo, pagbigyan mo ang hiling niya. Mabuti ka nga may chance ka pa na ipakita sa kanya na mahalaga siya sayo…"

"Shut Up."

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts