webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
51 Chs

Chapter 46

Nagpanagpo naman ang landas nina Jace at Isabelle sa isang mall. Namimili ng damit ng baby si Isabelle ng matanaw niya si Jace, kaya naman dali-dali niya itong hinabol at tinawag.

"Jace! Sandali..." ani ni Isabelle

"Isabelle! Ano ang ginagawa mo dito?" Tugon ni Jace

"Namimili ng damit ng baby. Ikaw saan ka pupunta?" Ani ni Isabelle

"May hinahanap lang ako na pupwedeng iregalo para sa bata. Mag aanak ako sa binyag sa isang araw. Teka pala! para kaninong baby?"tugon ni Jace

Nagtaka si Jace kung para kanino ang bibilhin ni Isabelle. Hindi naman nagdalawang isip si Isabelle na sabihin ang katotohanan kay Jace.

"Jace..bumalik na si Clary.. bumalik na siya kasama ang anak ninyo." Ani ni Isabelle

Gulat na gulat si Jace sa kanyang nalaman. Halos hindi ito makapaniwala na bumalik na pala ang mag-ina niya.

"Talaga? Bumalik na si Clary at ang anak ko?" Ani ni Jace

"Oo Jace. Babae ang anak niyo ni Clary. Kailan mo gustong dumalaw?" Tugon ni Isabelle

Magkahalong pananabik at saya ang nararamdaman ni Jace na makita at mahawakan ang kanyang anak.

"Kailan ba ako pwedeng dumalaw?" Ani ni Jace

"Anytime! Ikaw lang naman ang hinihintay." Tugon ni Isabelle

Napaisip si Jace ng malalim.

"Parang hindi ko pa kaya magpakita kay Clary." Ani ni Jace

"Ha?? Bakit naman?" Tugon ni Isabelle

"Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya sa kabila ng mga sakit na dinulot ko sa kanya." Ani ni Jace

"Ay sus! Ipag-isang tabi na lang muna ninyo ang mga damdamin ninyong dalawa! Kailangan kayo ng anak ninyo." Tugon ni Isabelle

"Oo na.. sa isang araw dadalawin ko na ang anak ko. Salamat sa pagsasabi sa akin." Ani ni Jace

"Sige na.. at baka hindi kaya ni kuya Brian si Clarace pag nagligalig. Wala pa naman si Clary sa bahay." Tugon ni Isabelle

Labis-labis ang ngiti ni Jace ng marinig niya ang pangalan ng kanilang anak ni Clary.

"Oh! Ano at nakangisi ka?" Ani ni Isabelle

"Aba siempre.. napakagandang pakinggan ng pAngalan ng anak namin.. CLARACE... ang sarap ulit-ulitin." Tugon ni Jace

"Sus! Sige na Jace tumatawag na si Kuya."  Ani ni Isabelle

Nakangiti na iniwan ni Isabelle si Jace, samantala dumeretso na siya kaagad pauwi pagkatapos niyang mamili ng mga gamit ng bata.

Makalipas ang ilang araw, nagbalik na si Clary sa kanyang doctor upang alamin kung ano nga ba ang resulta ng pabago-bago niyang nararamdaman. Batid sa kanya ang tensyon habang papalapit siya sa kwarto ng doctor.

"Kaya mo yan Clary... lahat naman ng hamon nalalampasan mo." Sambit niya sa kanyang sarili

Pagpasok niya sa opisina ng Doctor, pinaupo siya at doon sila nag-usap. Pinakita kay Clary ang dalang resulta at doon biglang natahimik ang kanyang buong pagkatao.

Magkahalong kaba at takot ang kanyang naramdaman matapos marinig ang resulta sa kanyang doctor.

"Im sorry Clary..." ani ng doctor

Hindi sumagot si Clary. Tumayo ito at marahang lumabas sa silid. Dumeretso ito kaagad sa kanyang opisina. Pagdating niya doon, nagugunita pa din niya ang sinabi ng doctor.

"Ms. Clary.... Ms. Clary...." ani ni Lea

Nakatulala si Clary, kaya lumapit si Lea at tinapik ito sa kanyang Balikat.

"Ms. Clary ..." aning muli ni Lea

Napakurap si Clary at huminga ng malalim.

"Ok ka lang ba Ms. Clary?" Ani ni Lea

"Aaah... oo ok ako.. bakit pala Lea?" Tugon ni Clary

"May bisita po kayo.."ani ni Lea

"Sino?" Tugon ni Clary

Binuksan ni Lea ang pinto at pinapasok sina Isabelle kasama ang anak nito.

"Belle! Anong ginagawa niyo dito." Ani ni Clary

"Si Clarace kasi.. iyak ng iyak hndi naman namin alam kung bakit." Tugon ni Isabelle

Kinuha ni Clary si Clarace, pinagmasdan niya ito, hinaplos ang pisngi at hinagkan sa noo kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.

"I love you sweetie... mommy will always love you.." bulong ni Clary kay Baby Clarace.

Kinilabutan naman si Isabelle sa tagpong iyon. Tila ba may isang nais ipahiwatig ang pagpatak ng luha ni Clary.

"Clary???" Ani ni Isabelle

Tumingin si Clary sa mga mata ni Isabelle.

"Thank you.... thank you sa pagmamahal na Pinaparamdam mo sa anak ko.. sana kahit anong mangyari hindi ka magsawang mahalin ang anak ko." Ani ni Clary

Nauutal habang nagsasalita si Isabelle

"Cla——Clary... bakit ganyan ka? Para kang sira.." tugon ni Isabelle

Ngumiting muli si Clary at hinawakan ang braso ni Isabelle

"Your the best... tandaan mo yan lagi ha..." ani ni Clary

Nakatulog na si Baby Clarace habang dumedede kay Clary.  Samantala patuloy pa din sa pagtAkbo sa isipan ni Isabelle ang mga sinabing ito ni Clary.

Pagdating ni Jace sa opisina nila, hindi pa din siya tinitigilan ni Cassandra sa kakahingi ng tawad. Pilit nitong ipinagsisiksikang muli ang kanyang sarili.

"Jace... pwede ba tayong mag-usap?" Ani ni Cassandra

Tumayo si Jace at lumabas ng kanyang office.

"Marami pa akong gagawin. Bumalik ka na sa team mo." Tugon ni Jace

"Saglit lang Jace... im sorry ok.. mahal kita..." ani ni Cassandra

Tumalikod si Jace at lumakad, nagtatakbo naman si Cassandra at niyakap niya si Jace.

"Jace please... im sorry... come back to me please." Ani ni Cassandra

Pinagtitinginan na sila ng mga empleyado. Sa tagpong ito unti-unti ng nayayamot si Jace. Inalis ni Jace ang pagkakayakap sa kanya ni Cassandra.

"Tama na.. tapos na tayo... hindi kita mahal." Ani ni Jace

Sumiklab ang poot ni Cassandra ng marinig ang sinabing ito ni Jace.

"Hindi mo ako mahal? Bakit sinong mahal mo si Clary? Na kahit hanggang ngayon wala pa ring kayo!" Tugon ni Cassandra

Napuno si Jace at humarap kay Cassandra.

"Huwag na huwag mong idadamay si Clary sa usapang ito! Dahil kahit kailan hinding hindi mo mapapantayan si Clary sa buhay ko!" Ani ni Jace

"Iniwan ka na ng Clary mo! Hindi ka mahal ni Clary. Ako! Ako lang ang nagmamahal sayo!" Tugon ni Cassandra

Tumawa si Jace

"Haha.. at anong alam mo sa pagmamahal? Magmamahal ka tapos makikipag sex ka sa ibang lalaki. Ganyan ka ba kadesperada?" Tugon ni Jace

Nagbulong-bulungan ang mga empleyado sa kanilang narinig. Samut-sari naman ang tingin ng mga ito kay Cassandra.

Hindi na nakaimik pa si Cassandra, marahil ay dala ito ng hiya sa mga sinabi ni Jace patungkol sa kanya. Umalis naman kaagad si Cassandra sa gitna ng trabaho.

Nang mga sumunod na araw, bumalik si Cassandra sa opisina dala-dala ang resignation letter. Nagpasya na itong lumayo dahil sa kahihiyang natamasa niya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts