webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
51 Chs

Chapter 45

"Ang cute cute mo... oh my God.. mana ka talaga sa Mommy mo." Ani ni Isabelle

Lumapit sa kanila si Brian at nakipagkulitan, nalimutan naman ni Isabelle ang pakikipagtalo niya sa kanyang kuya.

"Nakakatuwa ano.. akalain mo yun, magkakaroon pala ng little Clary." Ani ni Brian

"Oo nga kuya.. at ang bilis lang ng panahon, heto tayo may kaharap ng isang bata." Tugon ni Isabelle

Maya maya naman ay nagkamalay na si Clary. Bumangon ito dahan-dahan at lumapit sa dalawang magpinsan.

"Isabelle..." ani ni Clary

"Clary!!" Tugon ni Isabelle

Ibinababa niya ang bata at dali-daling inakap ni Isabelle si Clary.

"Ano ka ba! Bakit ba hindi ka nagparamdam.." ani ni Isabelle

Hindi mapigilan ni Isabelle ang saya ng muli niyang makita ang kanyang kaibigan, kaya naman hindi maiaalis ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Sorry na.. plano ko talaga ito... gusto ko lang kasing makalimot sa mga pinagdadaanan ko." Tugon ni Clary

"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?" Ani ni Isabelle

"Ayaw ko na kasing madamay ka pa. Isa pa kasama ko naman ang kuya mo." Tugon ni Clary

Pinunasan ni Clary ng luha si Isabelle

"Halika nga payakap nga uli. Sobrang miss na miss na kita." Ani ni Isabelle

Habang nakaakap siya kay Isabelle, may biglang tumulo sa kanyang ilong. Dinampi niya ito at nakita niya na may dugo.

"Sa sobrang init ng panahon,dumudugo na naman ang ilong ko." Ani ni Clary

"Ano ba yan.. saglit lang, nag wowork ka na ba uli?" Tugon ni Isabelle

"Oo.. kaya siguro ako nahilo at nawalan ng malay kanina dahil sa sobrang pagod ko." Ani ni Clary.

"Hinay-hinay lang... kakapanak mo pa lang baka mamaya mabinat ka." Tugon ni Isabelle

"Ok lang ako... kaya ko naman.. isa pa kailangan ko ng magwork para sa anak ko." Ani ni Clary

Napailing naman si Isabelle sa rason na ito ni Clary.

"My Gosh! May ari ka ng kompanya, mayaman ka hindi mo naman kailangan magpakahapit ng pagtatrabaho." Tugon ni Isabelle

Napatulog na ni Brian si Clarace, nang mailapag ito sa kanyang kuna, sumingit siya sa usapan ng dalawa.

"Oo nga naman Clary, minsan nga napapansin na din kita na sobra ka sa kakatrabaho. Kulang ka sa tulog, alagaan mo din naman ang sarili mo." Tugon ni Brian

Hindi na nakaimik pa si Clary. Napagtulungan siya ng magpinsan kaya naman binago na niya ang kanilang usapan.

"Bukas babalik na tayo sa Manila. Namimiss ko na din doon." Ani ni Clary

"Talaga?? Yes! Mas makakapunta ako kay baby kahit na anong oras." Tugon ni Isabelle

"Ready ka na ba? Na makita mo siya?" Ani ni Brian

"Oo naman.. kaya ko nang harapin ang Daddy ni Clarace. Isa pa madami akong meetings kay/ nais ko na din na bumalik kaagad sa Manila." Tugon ni Clary

"Work na naman... akala ko pa naman gusto mo ng maging normal ang buhay." Ani ni Isabelle

Nagtungo si Isabelle malapit sa kinalalagyan ni Clarace. Pinagmasdan niya itong muli habang natutulog. Halos hindi makapaniwala si Isabelle na may anak na nga si Clary.

Kinabukasan, balik Manila na sina Clary, iniwan niya ang kanyang anak kay Isabelle upang magtungo sa kanyang companya para sa isang malaking meeting.

"Thank you Lea... napakalaki ng tulong mo habang wala ako dito." Ani ni Clary

"Wala yun Ms. Clary... sabi ko naman sayo ako ang magiging mata mo dito. Anyways, may meeting ka with Mr. Rosales kasama ng bagong investors." Tugon ni Lea

"Really? Nakuha mo si Mr. Rosales.? Sige ako na ang bahala sa kanila." Ani ni Clary

Maganda ang bungad ng kanyang pagpasok sa companya. Nakumbinsi ni Lea ang isang malaking investor na maginvest sa kanilang kumpanya upang mas lalo pa itong lumaki.

Nagtungo kaagad si Clary upang i close ang deal. Nagustuhan naman nina Mr. Rosales ang naging presentasyon ni Clary kung kaya naman nagkapirmahan na ng kontrata.

"Thank you Mr. Rosales."ani ni Clary

"With pleasure.." tugon ni Mr. Rosales

Pagkatapos ng meeting na iyon ay dumeretso naman si Clary sa meeting with the board members upang magbigay ng financial statement para sa buwan na wala siya.

Naging maganda din ang kinalabasan nito sapagkat tumaas pa ang kanilang kita sa mga nakalipas na buwan. Walang tigil si Clary sa pagmomonitor ng mga sales kahit pa siya ay buntis noon hanggang sa makapanganak siya

"Ms. Clary ok ka lang? May dugo ang ilong mo." Ani ni Lea

Kumuha ng tissue si Clary at pinunasan ito.

"Pagod lang ako... don't worry Lea ok lang ako." Tugon ni Clary

"Kung hindi mo na kaya sabihin mo lang sa akin at mag re-reschedule ako ng mga meetings mo." Ani ni Lea

"Kaya ko pa Lea... sige na alin ang sunod kong meeting?" Tugon ni Clary

Dinala ni Lea si Clary sa huli nitong meeting. Halos mag-aalas sais na ng hapon ng matapos ang lahat ng pending works ni Clary.

"Im so tired... fuck! Hindi naman ako ganito dati..." sambit ni Clary sa kanyang sarili

Pagtingin niya sa Kanyang cellphone, nakita niya kaagad ang picture ng kanyang baby. Napawi nito ang pagod ni Clary at nagpasyang umuwi upang mahagkan at maakap muli si Clarace.

Habang nasa taxi, biglang sumama ang pakiramdam ni Clary. Nanlamig ang buo niyang katawan at pakiramdam niya ay mainit siya.

"Manong pwede po ba pakideretso ako sa ospital?" Ani ni Clary

"Walang problema Ms. Clary.. ok ka lang ba?" Tugon ni Manong

"Ayos lang po ako.. gusto ko lang po sana mag pakonsulta masama po kasi ang pakiramdam ko." Ani ni Clary

"Sige, dederetso na tayo sa pinakamalapit na Hospital." Tugon ni Manong

Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa ospital. Dinala siya sa urgent room at doon naghintay ng doctor. Mayamaya pa ay dumating na kaagad ang kanyang Doctor at siya ay kaagad na sinuri.

"Ok bumalik ka na lang sa isang araw para sa resulta. May lagnat ka magpahinga ka, baka sa isang araw bigla na lang lumalala yan. Isa pa huwag ka munang magtrabaho ng napakarami." Ani ng Doctor

"Kailangan po eh.. may anak na ako.." tugon ni Clary

"Oo nga at may anak na tayo.. pero iisa ang buhay, mas masarap ang mabuhay kasama ang anak natin.. so pano iiwan na kita mag roround pa ako." Tugon ng Doctor

"Sige doc salamat.." ani ni Clary

Nagtungo na si Clary sa entrance upang hintayin si Manong.

"Sana ok lang ang lahat.." sambit ni Clary sa kanyang sarili

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts