webnovel

THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG)

Si Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified playboy ang ating bida. Isang araw ay nakilala niya ang isang tomboy na nagngangalang Reyann Florante, maangas ito at basagulera. Dahil sa parehong problema sa kani-kaniyang pamilya, nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan. Sa dinami-rami ng magagandang babaeng nakasama ni Francis, si Reyann lang ang tanging nagpagulo sa nananahimik niyang puso, at dumating nga ang araw na narealized niyang mahal na mahal na pala niya si Reyann. Magagawa kayang mapaibig ng ating certified playboy ang isang tomboy?

iamyanagi · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
23 Chs

CHAPTER 5

Maganda ang gising ni Reyann, maganda rin ang mood niya dahil nanalo siya sa karera ng nagdaang gabi. Kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal ng mag ring ang cellphone niya

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you thru it all

Even if saving you send me to heaven

Umalingawngaw sa loob ng kusina ang chorus ng kanta ng 'the red jumpsuit apparatus' na Your Guardian Angel, ringtone ito ng cellphone ni Reyann, paborito niya ang kantang iyon.

"Hello, sino 'to?" Sinagot ni Reyann ang tawag na di manlang nag abalang tignan kung sino ang tumatawag.

"You didn't save my mobile number?" Tanong ng nasa kabilang linya. Napatingin si Reyann sa screen ng kanyang cellphone.

"Uy english boy ikaw pala, napatawag ka?" Ani Reyann sa kausap sa cellphone.

"We need to talk" Wika ni Francis sa kabilang linya.

"Kailan? Ngayon naba?" Tanong ni Reyann.

"Later, after my photo shoot, maybe 2 o'clock or 3" Sagot ng binata.

"Ok! Copy!" Sagot ni Reyann.

"Tatawagan nalang ulit kita pag nasa bahay na'ko" Ani Francis sa kabilang linya.

"Susme, patawag tawag kapa, magkapit-bahay lang tayo noh!, malalaman ko agad pag nakauwi kana, wag kana magsayang ng load" ani Reyann. "Yung pantatawag mo ipasa load mo nalang sakin" Pagdadaldal pa ng tibo

"Ang daldal mo, bye na!" Iritableng wika ni Francis.

"Wait, wait.." Pahabol ni Reyann.

"What?!" Inis na tanong ni Francis

"Seryoso ako, papasa load naman"

"What pasaload?" Iritable paring tanong ni Francis.

"Ang engot mo naman, pasaload lang di mo alam, pasaload, yung papasahan mo 'ko ng load mo" Saan ni Reyann.

"I don't know how do that pasaload you've talking, I have to go, bye!" Magsasalita pa sana si Reyann pero agad na pinutol ni Francis ang tawag.

"Ha! Ang damot, pasaload lang eh" Bulong ni Reyann sa sarili, ipinagpatuloy na nito ang pagluluto.

*****

Lampas alas dos na ng tanghali nang makauwi si Francis sa kanyang bahay, nakita niya ang tibong kapitbahay na dumungaw sa bintana, inaabangan talaga nito ang pagdating niya.

Saktong naipark niya ang kotse sa garahe ng sumulpot si Reyann

"Hi madamot" Bungad ni Reyann.

"Pwede ba tibo, hindi ako madamot, para kang bata, para yun lang!" Inis na sabi ni Francis pagkababa ng kotse, may bitbit itong dalawang supot ng chowking.

"Uy ano yan pagkain? Ang sweet mo naman pinagdala mo pa'ko ng pasalubong" Namimilog ang mga matang sabi ni Reyann.

"Who told you na sayo 'to?" Naglakad na papasok ng bahay si Francis, nakabuntot naman sa kanya si Reyann.

Pagkapasok sa sala ng bahay ay pabagsak na naupo si Reyann. "Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Reyann

"Excited? Di ba pwedeng magmiryenda muna?" Ani Francis at isa-isang inalis sa plastic ang mga pagkaing binili, una niyang binuksan ang styro na may lamang siomai.

"Wow! Siomai! Penge" Kumuha ng isa si Reyann at isinubo ng minsanan ang siomai.

"Hey! This is mine, iba nalang kainin mo" Inilayo ni Francis ang styro kung saan nakalagay ang siomai.

"Yan ang gusto ko eh, paborito ko yan" Sa sobrang pagkatakam sa mga siomai ay walang anu-anong hinablot ang styro at kumuha na naman ng isang siomai.

"I said this is mine!" Singhal ni Francis at hinablot ang styro. "Sige umulit kapa, hahalikan kita jan" Pagbabanta ni Francis.

"Odi iyo na yan! Isaksak mo sa baga mo!" Naupo ulit si Reyann at humalukipkip.

"Takot naman palang mahalikan" Napapangising wika ni Francis.

"Anong takot? Di ako takot! Nakakadiri lang isipin" Wika ni Reyann.

"Walang nakakadiri don, gusto mo subukan natin?" Wika ni Francis, binasa pa nito ang mga labi na tila ba nang aakit.

"Tumigil ka! Uupakan kita jan!" Ani Reyann at iniamba pa ang mga kamao na handang sumuntok anumang oras.

"Tss, try lang naman" Pang-iinis pa ni Francis.

"Kumain na lang tayo" Pag-iiba ni Reyann sa usapan.

"Eat all you can, basta wag lang 'tong siomai" Ani Francis, paborito din kasi nito ang siomai. Nahalungkat ni Reyann ang chaopan at fried chicken, agad niya itong nilantakan.

"Di kapa ba kumain?" Tanong ni Francis, sa pagsubo kasi ni Reyann ay parang kahapon pa 'to di kumakain.

"Kumain, pero instant noodles lang" sagot ni Reyann na punung-puno ng laman ang bibig.

Nakaramdam ng konting awa si Francis para sa tibo.

"Bat di ka nagluto?" Tanong pa ng binata.

"Wala ng laman ang ref ko eh, gipit pa'ko ngayon" Sagot ni Reyann.

Naawa si Francis sa kalagayan ng dalagang tibo, alam niyang may pinagdadaanang problema ang pamilya nito at ang business nila kaya nga tinanggap nito ang offer niya na magpanggap na gf niya.

"Pahihiramin kita ng pera, mag grocery ka mamaya" Saad ni Francis at nag-iwas ng tingin.

"Di nga? Uy wag kang magbiro, di ko yan tatanggihan" Wika naman ni Reyann.

"Ayaw mo yata eh" Wika ni Francis.

"Gusto ko, eto naman ang sensitive, ano na nga kasi ang pag-uusapan natin?" Pag-oopen ni Reyann sa dapat nilang pag-usapan.

"Iniinvite ulit kasi tayo ni Papa sa isang dinner, I'm sure magtatanong yun kung nakapag-usap na tayo, ang sasabihin natin nag-usap na tayo at kapag 30 yrs old na'ko dun tayo magpapakasal" Explain ni Francis sa plano nya.

"Okey, madali lang pala ang gagawin" Ani Reyann at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Is that clear?" Paglilinaw ni Francis

"Oo, klarong-klaro" Sagot ni Reyann na puno parin ng pagkain ang bibig.

*****

Araw ng sabado at hindi busy ang araw para kay Francis, tinext nya si Reyann na magkikita sila sa The Saints Square, kailangan nilang bumili ng isusuot ni Reyann sa family dinner, kung minsan ay naiisip niya na parang mali ata ang ginawa niyang maghire ng girlfriend, napapalaki kasi ang nagagastos niya, pero naiisip rin nya na baka pag isa sa mga flings niya ang ipapakilala, masyado itong mag assume at baka umabuso pa lalo na't malalaman nitong mayaman ang pamilya ni Francis. Okey narin ang kapitbahay niyang tibo, atleast napapasunod niya ito sa gusto niya, kahit pa nga madalas na ubod ito ng daldal at may pagkabayolente at masungit minsan at panay ang reklamo, aminado siyang madalas siyang mairita kay Reyann pero nag eenjoy naman siyang kasama ito, lalo na pag inaasar niya ito.

"Hi, ikaw si Francis diba? yung model?" Tanong ng isang babaeng sa tantya ni Francis ay mga 20 pataas ang edad.

Nginitian ni Francis ang babae at sabay tango rito, bilang pagkumpirma na siya nga ang sinasabi ng babae.

"Papicture naman" Sabi ng babae.

"Sure" Wika ni Francis, nagselfie sila ng babae, abot hanggang tenga ang ngiti ng babae ng tignan ang picture nila.

"Thank you" Wika ng babae at humakbang na ito palayo.

"Ang tagal naman ng tibong yun" Bulong ni Francis sa sarili at pumasok muna siya sa loob ng kotse, upang maiwasan na may makakilala na naman sa kanya. Dinampot ni Francis ang cellphone at idinayal ang numero ni Reyann.

"Hey where are you?!" Singhal agad niya pagkasagot ng tibo

"Malapit na, atat ka naman, may aksidente akong nadaanan kaya medyo natrapik ako" Paliwanag ni Reyann.

"Bilisan mo! you wasting my time" Inis na sabi ni Francis at ibinaba na ang tawag.

Ilang minuto pa ang hinintay ni Francis bago dumating si Reyann, gamit nito ang motor, nakasuot ito ng fitted blue shirt at maong na pantalon, nakarubber shoes din ito, at itinago naman sa sumbrero nito ang may kahabaan nang buhok.

"San tayo?" Tanong agad ni Reyann pagkakita kay Francis

"Just follow me" Wika ng binata. Nagpunta sila sa department store. Matapos makapamili ng damit at sapatos ay nagmiryenda sila.

"Bakit bumili pa tayo ng bagong damit, e diba tatlo na yung binili mo nung una tayong namili" Tanong ni Reyann habang sumusubo ng fries. "Iisa palang naman ang nasusuot ko"

"Mas maganda na yung may reserba, magpatulong ka nalang na mag ayos ng sarili mo, di na kita dadalhin ng salon" Wika naman ni Francis.

"Oo na, ako nang bahala dun"

Pagkatapos kumain ay lumabas na sila sa fast food chain. Binitbit lahat ni Francis ang mga pinamili nila at nakasunod lang sa kanya si Reyann, patungo sila sa parking lot upang kunin ang kani-kaniyang mga sasakyan, pero habang naglalakad, isang lalaki ang mabilis na humablot sa kwintas ni Reyann at kumaripas ito ng takbo.

"Hoy ibalik mo yang kwintas ko!" Sigaw ni Reyann at walang pag-aalinlangang sinundan ang lalaki, sinabayan niya ang bilis ng takbo nito.

"Hoy! Hinto!" Sigaw parin ni Reyann, di nakikinig ang lalaki, sa halip ay mas binilisan lang nito ang pagtakbo.

Malayo na ang nararating ni Reyann at ng lalaki. "Ayaw mong huminto! Pwes pasensyahan tayo!" Hinubad ni Reyann ang suot na rubbershoes, at inasinta ang lalake, at binato niya ito ng ubod lakas gamit ang sapatos, tinamaan sa likod ang lalake at nawalan ito ng balanse kaya napadapa ito, mabilis na pinuntahan ni Reyann ang kinaroroonan ng lalake.

"Langya ka, pinagod mo pa'ko!" Hinablot ni Reyann ang kwintas niya mula sa kamay ng lalake, at tinalikuran niya ito at isinuot sa leeg ang kanyang kwintas.

"Reyann! Sa likod mo!" Huli na nang masabi ito ni Francis, nasaksak na ng lalake sa likuran si Reyann gamit ang isang balisong.

Naramdaman ni Reyann ang pagbaon ng matulis na bagay sa kanyang likuran, unti-unting gumagapang ang kirot sa kalamnan nito, hanggang sa unti-unti naring namamanhid ang bahagi ng kanyang katawan na nasugatan.

"Hulihin nyo yan!" Utos ni Francis sa mga pulis na rumisponde, agad namang nasakote ang snatcher, sa dami ng mga taong nakiki-usyoso ay di na nagawang makatakbo pa ng snatcher.

"Ha-hay*p na snatcher, pa-papatayin pa ako ng g*go" Hirap na sabi ni Reyann. "Hang-gang di-dito nalang yata a-ako"

"Wag kang magsalita ng ganyan! Malakas kapa sa kalabaw!" Pagpapalakas loob na sabi ni Francis, kahit na ang totoo ay kinakabahan na rin sya. Lumalakas ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ni Reyann. Kinapkap ni Francis ang bulsa nito, nagbabaka sakali na may magamit na panyo upang ipantakip sa sugat ni Reyann, pero wala siyang nakapa kaya napilitan siyang tanggalin ang suot na polo, mabuti nalang at may sando siyang suot, mabilis niyang itinakip sa sugat ng tibo ang damit.

"Wala bang ambulance dito?!" Malakas na tanong ni Francis.

"May tinawagan na ako para magdala ng ambulansya" Mahinahong sagot ng isa sa mga rumispondeng pulis.

Di parin humihinto ang pagdurugo ng sugat ni Reyann, butil-butil na ang pawis nito sa noo at namumutla narin ito. Tumagos na sa kamay ni Francis ang dugo, naramdaman ito ng binata, nakaramdam na ng takot si Francis sa lakas ng pagdurugo ng sugat ni Reyann, walang pag-aalinlangan nitong binuhat si Reyann at isinakay sa nakaparadang tricycle, malayo ang kinaroroonan ng kotse ni Francis, kaya no choice na sya kundi isakay sa tricycle si Reyann.

"Tara kuya! Babayaran kita kahit magkano!" Wika ni Francis sa driver. Mabilis na pinaandar nito ang tricycle.

Isinugod sa pinaka malapit na ospital si Reyann, mabilis naman itong inasikaso ng nurse at doktor.

Pabalik-balik si Francis sa paglalakad sa harapan ng emergency room ng hospital, hindi siya mapalagay, sobrang nag-aalala siya para kay Reyann, kasama narin dito ang pag-usig ng kanyang konsensya, kung hindi na nya ito inayang lumabas ay hindi sana ito mapapahamak, kahit na lagi silang nagbabangayan at nag-aasaran ay kaibigan narin ang turing ni Francis kay Reyann.

Makalipas ang trenta minutong paghihintay ni Francis ay lumabas ang isang doktor mula sa ER.

"Doc, kumusta si Reyann?" Tanong ni Francis pagkalapit sa doktor.

"Maraming dugo ang nawala kay Miss Florante, some blood vessels was damaged kaya mabilis ang pagdurugo ng sugat niya, kinakailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible" Wika ni Doctor Chua.

"Gawin nyo ang dapat gawin Doc, make sure na magiging okey si Reyann, please.." Pakiusap ni Francis, nagpaalam na ang doktor upang isagawa na agad ang blood transfusion. Kahit hindi paladasal na tao si Francis, bigla nalang siyang napausal ng dasal dala ng sobrang pag-aalala nya kay Reyann.

Lord please, iligtas mo siya.

Itutuloy....

*****

Please vote..

God bless.