webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
25 Chs

Chapter III First Dance

First Dance

Bago magsalita ay muling humugot nang malalim na buntong-hininga si Issay upang pakalmahin ang kinakabahang puso at bigyan ng lakas ng loob ang sarili sa kung anuman ang sasabihin. Matiim siyang tumitig kay Jevy na ngayon ay matiim ding nakatitig sa kanya. His eyes filled with expectations and Elyssa doesn't want to disappoint him.

"Anong sasabihin mo, Issay?" mahinang tanong nito bagamat may manipis na ngiti sa labi na para bang inaasahan na kung anong sasabihin niya.

Issay cleared her throat before answering. Sinigurado niya na seryoso ang mukha niya ngunit puno ng sensiridad.

"Jevy, I know this is fast. And I know I still have doubt in my heart about your confessions. But I want to try, Jevy. I want to try going out and dating you. In that way, I will know more about you. So let's give it a try," sensirong pahayag niya habang hindi inaalis ang tingin sa binata kahit pa ang puso niya ay nagririgodon sa kaba. Seryoso siya sa sinasabi niya sana lang ay sersyoso rin si Jevy sa sinabi nito. This is her first time confessing to someone, and she doesn't have any idea if she's doing it right. Sana lang tama ang ginagawa niya without making it too clingy.

Elyssa wants to experience dating. And she wants to do it with the guy who makes her heart race like a dozen horses galloping. The guy who will make her fall hard, dahil ito ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya ay gusto niya itong seryosohin. She wants this to be memorable with the only guy who caves inside her heart for the last four years of her college life.

For once, gusto niyang suwayin ang pagiging istrikto ng ama. Magkakaroon na rin naman siya ng trabaho. Siguro panahon na rin upang i-entertain niya ang kanyang love life at maging makulay naman ang mundo niya.

"Issay..." Jevy held her hands ang squeeze it gently. Matiim na tumitig sa kanya ang asul nitong mata na nagtataglay ng pagmamahal para sa kanya. "Please tell me you're serious about this. Kumakabog na nang malakas ang dibdib ko. Huwag mo naman akong paasahin." Nakangiwi itong ngumiti.

Kahit si Issay ay kinakabahan sa sariling desisyon pero sigurado na siya. Matamis siyang ngumiti saka bahagyang tumango.

"Yes, Jevy. Pumapayag na akong maging girlfriend mo..." mahina lang ang pagkakasabi niyang iyon, pero sigurado si Issay na rinig na rinig siya ni Jevy.

Lumapad ang pagkakangiti ni Jevy na nagpalabas ng mapuputi nitong ngipin na lalong umaakit kay Issay. Dumukwang palapit sa kanya ang binata. Napasinghap naman siya at kaagad na lumakas ang kabog ng dibdib dahil halos gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila. Amoy na amoy ni Issay ang mabangong hininga nito na nahahaluan ng wine at pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya. Lalo na nang biglang nitong idinikit ang noo nito sa noo niya.

"So, we're official? We are girlfriend-boyfriend?"

"Hmm. . . I guess it is." Nangingiting sagot niya bagamat may hiya pa rin sa boses niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala na may boyfriend na siya.

"Thank you, Issay. I promise, I will be a good boyfriend." Nangingiting sabi ni Jevy habang magkadikit pa rin ang noo nila.

Napanģiti si Issay pero ang puso niya ay malakas pa rin ang kabog dala ng excitement, kaba at nahihiya pa rin siya rito kahit papaano.

"Don't promise. Just be a good boyfriend."

"I will be, sweetie. I will be. Hindi ako nagtiis ng apat na taon kung sasayangin ko lang din naman."

Nanatiling magkalapat ang noo nila at magkalapit ang mukha nila habang matiim na nakatitig sa isat-isa.

Nang unti-unting bumaba ang labi ni Jevy sa kanya ay hindi siya umiwas. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang paglapat ng labi ng kasintahan at ninamnam ang halik nito. Her first kiss. She didn't flinched or waver. Gusto niyang namnamin ang tamis ng kanyang unang halik.

Sa una nakalapat lang ang mga labi ni Jevy na lasang red wine, sa kanyang labi at 'di gumagalaw upang estimahin ang reaksiyon niya. Ramdam ni Elyssa ang mainit na hininga nito at lasap niya ang alak sa labi nito. Nang gumalaw ang labi nito ay kusa niyang ibinuka ang labi pero hindi kumilos upang tugunin ang halik nito. Wala siyang experience at hindi niya alam kung paano humalik. Kaya hinayaan niyang si Jevy ang magdala ng halikan nila, bagamat sa kaso ni Elyssa ay nagustuhan niya kung ano ang ginagawa ni Jevy sa labi niya.

Ginalugad ng ekspertong dila ni Jevy ang loob ng bibig niya pero hindi pa rin gumalaw ang kanyang labi. Kaya nagulat si Elyssa nang bigla itong tumigil at bumitaw. Kaagad naman siyang nagmulat ng mata at sinalubong ng nagtatakang tingin ang titig nito.

" You don't like my kiss?" he asked, frowning.

Umiling siya.

"Then why?"

Napangiwi siya.

"I'm sorry, Jevy. You know, this is my first kiss," nahihiyang pag-amin niya.

"Ohh..." anito saka bahagyang inilayo ang mukha at pinagsalikop ang palad nila.

Parang hinaplos ang puso ni Elyssa dahil hindi man lang ito nadismaya sa sinabi niya kung bakit hindi siya marunong humalik. Inintindi siya nito.

"We can always practice, sweetie. I am willing to teach you!" Nakangising tudyo ni Jevy at hinarap siya saka hinaplos ng isang palad ang mukha niya.

Ngumiti si Issay.

"Ikaw ha, kabago-bago pa lang natin 'yan na kaagad ang itinuturo mo sa'kin!" pagbibiro niya.

Jevy chuckled.

"Doon din naman ang punta natin, eh."

Umirap siya.

"Aba, at halik lang yata ang habol mo sa'kin eh!" kunwaring sermon pa niya.

Kaagad namang sumeryoso ang mukha ng kasintahan dahil sa huli niyang sinabi.

"No, of course not!" depensa nito. "Halika ka nga rito..." Masuyo siya nitong hinigit at niyakap ng mahigpit na hinayaan naman ni Elyssa.

Langhap niya ang mabangong pabango ng kasintahan at dahil 'don ay para nang lalagnatin ang pakiramdam niya. Gustong-gusto niya ang yakap nito. Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ito. She can feel every happiness in every veins running through her body. She felt secured.

"Ginusto kita dahil gusto kita at hindi dahil gusto kitang halikan. I like every thing about you, Issay. Kaya, please don't think that I like you because I just want to kiss you. I like you because it's you. Okay?" may diing wika ni Jevy habang masuyong hinahaplos ng kamay nito ang buhok niya.

"Natatakot lang ako, Jevy. Baka kasi 'yon lang ang habol mo sa akin, eh. I'm sorry if I think that way. Wala pa akong karanasan sa isang relasyon, so I don't know what to do to keep a relationship flourish. Please enlighten me," aniya. Gumanti siya nang mahigpit na yakap dito.

"I'm just here to guide you, sweetie. Let's just take it slow. Dahil kung magmamadali tayo, madali tayong magsawa. At ayokong mangyari 'yon. I want this relationship to last long. At ang pundasyon ng matatag na relasyon ay ang tiwala sa isat-isa. Let's do it by slowly knowing each other everyday. Malayo pa ang patutunguhan ng relasyon natin." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya at inipit sa likod ng tainga niya.

"Thank you for being understanding. Hindi ko akalaing may ganitong side ka pala. What I always see about you, is being a bully. Sorry for being judgemental." Nakangiti niyang tugon. Nanatili silang magkayakap at ninanamnam ang init ng bawat isa upang pawiin ang lamig na dala ng simoy ng hanging panggabi.

"Issay... Jevy?"