webnovel

Unexpectedly

Shanaia Aira's Point of View

PIGIL na pigil ang tawa ni Gelo habang nagpapaalam sa mga babaeng kausap. Nang medyo makalayo na kami ay saka ko lang pinakawalan yung pinipigil kong tawa mula pa kaninang sumugod si Yella.

Sabay pa kami ni Gelo na halos hindi na makahinga sa katatawa.

" What's funny, mom, dad?" tanong ni Yella. Nakataas pa ang kilay na akala mo yung kontrabida sa palabas ni Judy Ann Santos.

Sabay din kaming nahinto ni Gelo sa pagtawa. Si Shan ay nangingiti naman na nakatingin lang sa amin.

Kinuha ni Gelo si Yella at kinarga. Si Shan naman ay kumapit sa kamay ko at sabay kaming naglakad pabalik sa hotel.

" Oh it's nothing sweetie. We're just amused on the way how you acted in front of those girls. I never thought you were that jealous." sabi ni Gelo kay Yella.

" I don't want you to be surrounded by girls, mommy will be upset." sagot nya sa ama.

" Your mom is the only girl for me. She's my one and only. I am just being friendly here. Understood sweetie? " ngumiti si Yella sa ama at isinabit ang maliliit nyang braso sa leeg ni Gelo.

" Yes daddy! " sagot nya tapos hinalikan si Gelo sa pisngi.

Nagkatinginan kami ni Gelo tapos sabay na ngumiti. Huminto siya sa paglalakad at hinintay kami ni Shan, nauuna kasi sila ng konti sa amin. Nung nasa tabi na nila kami ay inakbayan ako ni Gelo at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa hotel room namin. Napapatingin pa nga sa amin yung mga taong nadadaanan namin, yung tingin na may ngiti at paghanga.

Pagdating sa room namin ay inuna ko ng paliguan yung dalawang bata. Nang matapos kong mabihisan ay dinala ko muna kay Isay sa kabilang room para makaligo naman kami ni Gelo.

Pagbalik ko sa room namin ay inabutan ko si Gelo na nagpupuno ng tubig sa bathtub.

" Baby wait lang, malapit na mapuno ito." tumango ako at kumuha na lang ng pamalit naming damit sa bag namin.

Nang matapos ay tinawag na nya ako. Pagpasok ko ng bathroom ay naglalagay na siya ng sabon para dito.

" Mauna ka na, magse-shave lang ako saglit. " sabi nya tapos pumunta dun sa may salamin at nag-umpisa ng mag-shave.

Naghubad na ako at inilagay dun sa may gilid ng tub yung basang rash guard at underwear ko tapos lumusong na ako sa tub. Medyo maligamgam yung tubig kaya medyo na-relax ang buong katawan ko. Nilaro-laro ko pa yung mga bula sa tub.

Maya-maya ay lumapit na si Gelo sa akin. Shocks! hubo't hubad na pala siya, hindi ko man lang namalayan. Wala talagang pakundangan na humarap sa akin ng walang saplot. Palibhasa, halos perpekto ang six pack abs na katawan nya at walang mantsa. Kaya proud syang ipangalandakan sa akin ito. At yung kamoteng kahoy nya, hindi pa galit yan pero nagmamalaki na. Saan ka pa?

Umapaw ang tubig sa tub ng maupo sya sa likuran ko. Humilig siya sa dulo ng tub na pader na ang hangganan saka ako hinila at niyakap mula sa likuran. His arms snaked on my underboob while I can feel his hard kamoteng kahoy against my back. Torture!

He rested his chin on my shoulder.

" I was so amused at what Yella did earlier." sabi nya.

" Selosa. Mana talaga sayo." I heard him chuckled.

" Yeah right. Pero tawang-tawa ako nung nagpamewang pa sya, akala mo malaking tao."

" Pinipigil ko nga rin yung tawa ko eh. Pero si Shan tahimik lang. Nakikitawa nga lang eh. "

" Oo nga. Yun ang nagmana sa ugali mo. " sabi nya.

" Hindi lahat. Sayo pa rin yung karamihan. "

" Malakas talaga ang dugo ng Montero. " natatawang wika niya.

" Sus! Ang sabihin mo, ikaw yung ganadong mag-exercise sa ating dalawa. "

" Hahaha! " umalingawngaw ang lakas ng tawa niya sa buong bathroom.

Nagulat na lang ako ng bigla syang napunta sa harap ko at marubdob na akong hinahalikan.

Grabe talaga tong si Gelo, basta sa kaharutan, number one.

At buong husay ang ipinamalas nyang galing sa kaharutan sa mismong bath tub.

Best actor nga!

*****

NUNG sumunod na araw ay kung saan-saan pa kami namasyal. Nagpunta kami sa Sea Life aquarium, nag-underwater viewing kami dun.Si Yella at Shan ay tuwang-tuwa na makakita ng Penguins. Then we went to the Zoo, where you can find a lot of native and exotic animals. Nag-zipline kami at nanood ng bungee jumping. Tatlong theme parks ang pinuntahan namin at ang kahuli-hulihan sa itinerary namin ay yung museum.

So far, halos napuntahan namin ang mga magagandang places at nag-enjoy kami sa ibat-ibang activities. Yung natitirang dalawang araw bago kami mag-start sa trabaho namin ni Gelo ay ilalaan na lang namin sa bahay. Mas maganda yung mahaba ang pahinga namin bago sumabak sa panibagong trabaho.

Pag-uwi namin galing museum ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Eia. Nag-iimbita sila na doon na lang kami mag-dinner na mag-anak dahil dumating daw ang daddy niya at gusto kaming makita.

Nagpaunlak naman kami tutal matagal na rin naman na hindi kami nagkikita nung daddy ni Eia at gusto rin namin na ipakilala sa kanya ang mga anak namin.

Kaming mag-anak lang ang pumunta, naiwan ang tatlong kasambahay para naman may mag-asikaso sa bahay.

Sa gate pa lang ay tumitili na si Eia at mabilis na pinanggigilan ang kambal. Naiiling na lang kami ni Gelo sa sobrang ingay nya. Akala mo nakalunok talaga ng mega phone. Sabagay dati pa lang, ganyan na yan.

Nagmano kami kay tita Amanda at kay tito Eleazar, ang daddy ni Eia. Sumunod ang kambal na syang ikinatuwa ni tito.

" Very good naman pala itong kambal nyo, marunong magmano." tuwang-tuwa na sabi ni tito.

" Ah opo, kahit sa ibang bansa po sila lumaki, tinuro po namin sa kanila yung Filipino values. Anyway, si Yella at si Shan nga po pala tito Eli, mga anak po namin ni Gelo. Kids siya si lolo Eli, daddy ni tita Eia. "

" Hello po, lolo Eli." halos sabay na bati ng kambal.

" Ay nakakatuwa naman. Ang cute nila. Pero mukhang wala kang kamukha sa kanila Aira, parehong kamukha ni Gelo eh. " puna ni tito Eli.

" Ay sinabi nyo pa tito, malakas po ang dugo ni Gelo. " natawa ng malakas si Gelo na syang ipinagtaka ni tito Eli.

" Ako raw po yung ganadong-ganado nung gawin namin yung kambal." bulong ni Gelo kay tito Eli. Nanlaki ang mata ni tito ng maunawaan yung sinabi ni Gelo at siya naman ang natawa ng malakas.

" Dinner is ready! Narito na rin yung mga hinihintay natin." anunsyo ni tita Amanda. Nagkatinginan kaming tatlo. Si Gelo, si tito Eli at ako.

" May bisita pa ba tayo bukod sa kanila?" tanong ni tito Eli sa asawa.

" Meron. Kami po."

Sabay-sabay kaming napatingin sa mga dumating.

OMG!