webnovel

He is Back

Shanaia Aira's Point of View

NAIIYAK na rin ako sa tagpong nasasaksihan ko. Umiiyak kasi si dra. Faith ng magkaharap sila ni kuya. Mabuti na lang wala pa ang mga classmates ko dahil maaga pa. Umupo muna ako sa front row habang nag-uusap sila pero dinig ko pa rin yung mga boses nila.

" Andrew I'm sorry. Hindi man lang ako nakapag-paalam sayo. Tapos nung nandun na kami sa Canada hindi na kita na-contact man lang dahil pinagbawalan ako ni papa. Ituon ko na lang muna daw ang isip ko sa pag-aaral. Kung tayong dalawa daw talaga ang para sa isa't isa kahit dumaan pa ang ilang taon, magtatagpo pa rin tayo sa dulo. Yun na lang ang pinanghawakan ko Andrew, at alam kong nasaktan kita. Pero kahit na malayo ako, alam ko ang nangyayari sa buhay mo through Jackie. Siya lang ang tanging nakakaalam kung nasaan ako. I'm really sorry at sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. " paliwanag ni dra. Faith habang walang patid sa pagtulo ang mga luha nya.

" Shhh. hush now Faith. Hindi ako nagpunta dito para awayin ka dahil sa nangyari. I'm here because I wanted to see you. Past is past. Huwag na nating pag-usapan yon. Hindi ako nagtanim ng galit sayo. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yon. Nung unang araw na nawala ka, syempre nagtampo ako pero kalaunan natanggap ko rin. Gaya nga ng sinabi mo, kung tayo talaga magtatagpo pa rin tayo sa dulo. " sabi ni kuya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ni doktora. Medyo kumalma naman na siya.

" Salamat Andrew. Mapapatawad ko na rin ngayon ang sarili ko. "

" Is it true na kaya hindi ka ulit nagka-boyfriend ay dahil hindi mo mapatawad yang sarili mo dahil may sinaktan kang tao?" tanong ni kuya.

Nakayukong tumango si doktora. " Wala akong karapatang magmahal at mahalin dahil nakasakit ako ng iba. Pakiramdam ko rin magkakasala ako sayo dahil hindi naman tayo nag-break. Umalis lang ako ng walang paalam. " sagot nya na nagpangiti ng malapad kay kuya Andrew.

" You mean, girlfriend pa rin kita kasi hindi naman tayo nag-break di ba? " tila nanunudyong tanong ni kuya na ngiting-ngiti pa kay doktora.

" Apparently, yes pero nagka-girlfriend ka kaya parang wala na rin tayo."

" Bakit alam mo?"

" Of course, nabalitaan ko. Artista yung girlfriend mo at nasa politics ka. But I'm sorry for what happened years ago between you and her and for Shane too. Nalungkot ako ng sobra sa balitang yon. Mabuti na lang nakabalik ka sa posisyon mo as vice mayor."

" Hindi ka rin pala updated ano? " pang-aasar ni kuya kay doktora.

Nahihiyang tumingin si dra. Faith kay kuya.

" Hindi ba sinabi ko kanina na nakikibalita ako tungkol sayo? "

" Kasi love mo pa ako ano? Umamin ka. Hindi mo ako makalimutan kasi I'm your first in everything?" tudyo pa ni kuya na ikinapula naman ng mukha ni doktora. Halata ko kasi maputi sya. Kinikilig naman ako sa kapapanood sa kanila.

" Andrew ano ba? May batang nakakarinig sa atin oh. " protesta ni doktora sabay turo sa akin.

" Bata? Sinong bata? Eh naunahan na nga ako nyan, may fiance na yang si Aira."

" Really?" gulat na tanong ni doktora.

" Twenty two na yan mukha lang sixteen. " sagot naman ni kuya.

" Alam ko naman dahil nasa med school sya. Nagulat lang ako na may fiance na pala sya. "

" Wala tayong magagawa, nasa lahi namin ang magaganda at gwapo. "

" Hay Andrew hindi ka pa rin talaga nagbabago. Pero totoo naman yon. Lahi nyo nga ang pagiging celebrity di ba? " sabi ni dra. Faith tapos may biglang nagkakaingayang estudyante na isa isang pumapasok na sa room.

" I'll go ahead, nandyan na mga students mo. Can I have your number? " tanong ni kuya kay dra. sabay lahad ng cellphone nya dito.

" Sure. "sagot nya tapos nag-type sya sa cellphone ni kuya.

" Alis na ako. I'll text you na lang. Bunso I'll go ahead. Mag-text ka kung magpapasundo ka. " sabi ni kuya ng lingunin ako. Tumango lang ako tapos lumabas na sya ng room namin matapos kumaway ng nakangiti kay dra. Faith.

Tumingin si dra. Faith sa akin then mouthed the word thank you. Nginitian ko sya ng malapad at nag ok sign lang ako na syang ikinangiti nya.

Masaya ako na nagkita na sila ni kuya at nagkapatawaran. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang favorite prof ko ay naging ex pala ni kuya. Napaka-bata ko pa kasi nung maging sila kaya marahil hindi ko sya masyadong natatandaan. Umaasa na lang ako na magkaroon ng development sa kanilang dalawa ngayon. Gusto ko na maging masaya na si kuya Andrew kasi mahirap at malungkot din yung pinagdaanan nya with ate Margot. Alam ko naka-moved on na sya kaya gusto ko na maging masaya na ulit sya. I hope this time its with dra. Faith. Bagay kasi sila.

Lunch break ng ikwento ko sa dalawang bestfriends ko ang nangyari kaninang umaga. Paumpisa na kasi ang klase namin kanina nung dumating sila kaya hindi ko na nasabi.

" Really besh? Si kuya Andrew yung ex ni dra. Faith?" manghang tanong ni Venice.

" Shhh. ang ingay mo. Baka may makarinig nakakahiya kay doktora." sita ko sa kanya. Napatakip naman siya ng bibig at lumingon sa paligid. Buti na lang abala sila sa pagkain kaya walang tumingin sa gawi namin.

" Sorry. Na-excite lang." sabi nya na naka-peace sign pa.

" So, anong balak ni kuya Andrew? " tanong naman ni Charlotte.

" Hayun mukhang ipu-pursue nya si doktora. Iba ang mga ngiti ni kuya ngayon, parang high school na first time tinubuan ng crush." natatawa kong turan.

" Nakakakilig naman. I can't wait na manligaw ulit si kuya Andrew kay doktora—" sabi ni Venice nang matigilan ito dahil nakatingin sa tv na nasa itaas ng poste sa gitna ng canteen. Kinalabit nya ako sabay turo dun sa tv.

Breaking news : kasalukuyang kinukunan ngayon ang pagdating ng grupo ng sikat na aktor na si Gelo Montero sa airport. Matatandaan na umalis sila papuntang Paris para mag-shoot ng bago nyang movie. Ngayon nga ay pabalik na sila ng bansa. Makikita po sa screen ang pagbaba nila sa eroplano. Kasabay ni Gelo sa pagbaba ang kanyang leading lady na si Gwyneth Faelnar na naka-angla pa sa braso ni Gelo. Totoo yata ang balita na may namamagitan na sa dalawa. Yun lamang po ang ating breaking news. Balik sayo dyan sa studio Gladys.

Gladys : yon lamang po ang ating showbiz breaking news mga kapamilya. Isa na naman pong romance ang namumuo sa ating mga artista. Totoo nga kaya ang tsismis na sila na? Abangan na lang po natin sa mga susunod na balita. Ito po si Gladys Villa nag-uulat.

" Besh?" mahinang tawag ni Charlotte.

"Alam nyo kung ano yung totoo di ba? Kay Gelo lang tayo maniniwala." mahinang tugon ko. Tumango naman sila pareho at itinuloy na ang pagkain.

Ayoko mang makinig ng mga showbiz tsismis pero minsan hindi maiiwasan. Para itong tukso na kung kailan iniiwasan mo saka naman lumalapit sayo. Ano man ang alam ng publiko sa namamagitan kay Gelo at Gwyneth, hindi ko na dapat patulan yon dahil higit sa lahat, ako ang nakakaalam ng totoo.

Yung nakikita ng tao sa telebisyon, bunga lang yon ng kanilang malaking expectations sa kanya.Pinupuno lang ni Gelo ang kanilang imahinasyon. Binibigay lang ni Gelo kung ano yung gusto ng tao sa kanya sa harap ng camera. Dahil si Gelo pag umuwi na ng bahay, simpleng tao na siya. Naghihikab sa harap ko, umuupo sa inidoro, naglilinis ng tenga at ilong at higit sa lahat ako ang nagmamay-ari sa kanya hindi ang publiko.