webnovel

Chapter 6: Patiently Suffered

I sighed a deep breath habang nakatayo sa harapan at nakatingin sa kabuuan ng bahay. Ganito pala kagaan sa pakiramdam kapag nagbunga ang mga pinaghirapan mo. Our old nipa hut is now completely a house. Inayos ko ang pagkakasabit ng dala kong shoulder bag at pinindot ang doorbell.

Ilang segundo akong naghintay ngunit walang lumalabas. Sumilip pa ako sa loob at mukha namang may tao dahil nakasindi ang ilaw sa sala. I pushed the doorbell once again hanggang sa bumukas ang pintuan. Nakilala ko naman agad si Rae na lumabas at naglakad papalapit sa gate.

"Sino 'yon?" sabay bukas niya ng gate.

"Ate Rae, ako 'to," masayang bati ko.

Saktong nakita niya ako at ang prente niyang mukha kanina ay napalitan ng pagka-masungit. Para bang takang-taka ito kung bakit ako nandito or maybe she didn't expect na bibisita ako ngayon dahil hindi ako nagsabi katulad ng ginagawa ko date.

"Ishee? Anong ginagawa mo rito?" pagkunot ng noo niya.

"Naisipan ko lang bumisita, ate— pero huwag kang mag-alala, sandali lang ako. Gusto ko lang kayong makita lalo na si mama at papa," nakatingin lang siya sa akin at saka pinag-krus ang mga kamay.

"P-Pwede ba akong pumasok?"

Hindi siya nagsalita at tumabi na lang so I assume, okay lang sa kanya ang pagpasok ko. Tinalikuran niya ako at naglakad papasok kaya ako na lang ang nagsara ng gate. Nahagip pa ng mata ko ang isang kotseng itim na naka-parking sa tapat ng bahay. Katulad ito ng nakita kong kotse kanina. I just didn't mind it, hindi lang naman iisa ang kotseng itim dito sa Pilipinas.

Naglakad ako papalapit sa pinto at pinihit ang doorknob. Mula pa lang dito, dinig ko na ang tawanan mula sa dining room. Paghakbang ko sa loob ng bahay, napatingin ako sa kabuuan nito. Hindi na ito tulad ng date na halos pasukan ng tubig-ulan ang bubong. May chandelier na rin na puti. Puti ang mga tiles at maayos na rin ang mga pader. Maayos na ang upuan na sofa at ang mga decorations nito sa lamesa. Mukha ngang bagong bili ang ibang gamit.

Muling nagtawanan sa dining room kaya doon napunta ang atensyon ko. Slowly, I took my steps papunta doon hanggang sa makita ko ang buong pamilya na sabay-sabay kumakain. Mukha ngang tuwang-tuwa pa sila. Tatlong putahe ang nakalapag sa babasaging lamesa.

Nandoon si mama, papa, ate Rae at ang bunso naming si Shea.

Habang tumatawa si papa ay napatingin sa gawi ko, "Pa?" bati ko na ngumiti. Natigilan siya. Ganon na rin sila mama. Biglang natahimik ang masayang bahay.

Una akong lumapit kay papa, "Mano po," kukunin ko sana ang kamay niya na inilayo niya sa akin.

"Kumain na kayo, mga anak," saad niya sa dalawa na parang wala ako rito.

Hindi ko na lang din dinibdib 'yon at lumapit kay mama, "Ma, mano po," hinayaan lang ako ni mama na abutin ang kamay niya kahit na ramdam ko na napilitan lang siya.

"Ate Ishee!" pagkaway ni Shea sa akin habang ngumunguya ng hotdog. Hawak niya pa ang tinidor sa isang kamay at may nakatusok na hotdog doon.

Nginitian ko siya, "Hello, bunso!"

"Tara, samahan mo kaming kumain dito! Nagluto si mama ng food," mga nasa pitong-taong gulang na ito. Ang lapad pa nga ng ngiti niya at medyo madungis na ang bibig.

Napatitig ako sa mga ulam nila. Chicken curry, hotdog at pansit. Bukod pa rito ay may salad sa gilid at isang piling ng saging. Kusa akong napalunok. Magmula kahapon ay hindi pa ako kumakain. Wala na kasi akong pera kaya kahit taga-linis ay inangkin ko na bilang trabaho.

"Hindi na, may sariling bahay ang ate mo. May pera din siya. Kaya niyang kumain ng mag-isa," pagharang ni papa. Tiningala niya ako na nasa pagitan nila ni mama, "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"

"W-Wala naman po, pa. Gusto ko lang bumisita," pag-iling ko.

"Pwes hindi namin kailangan ng pagbisita mo. Umalis ka na. Nakakawalang-gana ang pagmumukha mo," saad niya. I just feel like biglang bumigat ang paghinga ko.

Napapasulyap pa rin ako sa pagkain nila, "P-Pwede po bang pakainin niyo muna ako bago niyo ako paalisin," panlalakas ng loob ko.

Bigla siyang tumayo na ikinatigil naming lahat. Hinarap niya ako at kinuha ang isang bowl ng chicken curry, "Kumain?" natawa siya at mas lalo akong napaatras nang bigla niyang itapon sa akin ang laman ng bowl. Halos hugutin ko ang sariling hininga sa pagkabigla.

"Ayan, kainin mo lahat 'yan. Leche ka! Sinisira mo ang araw ko," hinarap niya si mama at idinuro ako, "Paalisin mo 'tong anak mo dito," diin niya, "At ikaw? Hindi namin kailangan ng pagbisita mo. Mas magandang huwag ka ng bumalik dito. Malas ka sa buhay namin!" paninigaw niya sa akin na hindi ko na makuhang indahin. Kusang tumulo ang mga luha ko.

"PALAYASIN MO 'TO, RUFINA!" sigaw ni papa hanggang sa bigla akong hinila palabas ni mama.

"Ma, nasasaktan ako!" pilit kong inaalis ang kamay niya sa akin.

"Umalis ka na, Shein. Utang na loob."

"Ma, bakit ba?!" nagawa kong makaalis sa kamay niya nang tumapat kami sa pintuan, "Bakit ba palagi niyo na lang pinapakinggan si papa?! Anak niyo din naman ako dba?!" I wasn't able to resist myself kaya tuluyan na akong naiyak.

"At sinong gusto mong pakinggan ko ha? Ikaw? Anak lang kita!" sabay duro niya sa akin.

"Anak mo lang ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko na halos matawa pa, "Eh bakit si ate Rae at Shea?" itunuro ko ang dining room, "Anak mo din naman sila pero prinsesa ang turing mo sa kanila, hindi ba?! Ano bang pinagkaiba ko sa kanila, ma?! Eh ako nga nabibigyan ko kayo ng pera at napapakain dba— " halos bilangin ko sa mga daliri ko ang mga bagay na naibigay ko sa kanila nang tila maputulan ako ng dila sa malakas na pagdapo ng kamay ni papa sa akin. Ngayon, nasa tapat na namin siya. Ang dalawa, nanonood lang sa amin.

Ayaw kong manumbat. Never did I. Pero nagagawa ko lahat ng 'to ngayon dahil sa trato nila sa akin.

"Nanunumbat ka na ngayon?! Ha?! Dahil may maipagmamalaki ka?! Pwes wala kaming pakielam!" sigaw ni papa. Ang masayang tawanan sa bahay ay napalitan ng sigawan.

Aktong lulusubin niya ako ng humarang si mama, "Jacinto, tama na!" tinignan niya ako, "Shein, umalis ka na dito. Huwag mo na kaming guluhin!" bigla akong hinila ni mama papalabas ng bahay.

"Ma, ano bang nagawa ko sa inyo para ganituhin niyo ako?!"

Halos makaladkad na ako hanggang sa makalabas ako ng gate at itulak niya ako. Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw, muli akong nasubsob sa sahig. Tiningala ko siya, "Huwag mo na kaming guluhin, utang na loob Shein!"

"Hindi naman ako nanggugulo ma ah! Binibisita ko lang kayo."

"Pwes, huwag ka ng umuwi dito. Hindi ka namin kailangan. Dun ka sa bahay mo!"

"Ano bang ginawa ko, ma?! Binigay ko naman lahat dba? Binigay ko lahat para matanggap mo ako, para matanggap ako ni papa.... p-pero kulang pa ba? Sabihin mo sa akin ma kung ano pang kulang. Ibibigay ko sa inyo, kahit pa buhay ko! Kung kailangan kong mamatay para lang matanggap at mahalin niyo ako, gagawin ko!"

Lumuhod siya at mahigpit na hinawakan ang buhok ko, "Huwag kang gumawa ng eskandalo dito, nakakahiya. Hindi ka ba talaga nakakaintindi, Shein?!" mahina man ang boses niya ngunit may panggigigil. Parang nagpipigil din siya. Tulad ko ay naluha na rin ito.

"Ma!" yun na lang ang nasabi ko at wala na akong mailabas na salita. How I really feel right now is too heavy that I can't even explain it. It's innefable.

"Huwag ka ng babalik dito," binitawan niya ako at tuluyan akong tinalikuran. Mas lalong rumagasa ang mga luha sa aking mukha na sobrang labo na ng paningin ko. Pabagsak niyang isinara ang gate.

Hinang-hina man dahil sa walang pahinga at nanlalambot na mga tuhod, pilit akong tumayo. Ayaw kong dito matapos ang lahat. Pinunasan ko ang mga luha at pilit inayos ang sarili. Ramdam ko rin ang paghapdi ng ilang parte ko sa katawan dahil mas nadagdagan ang mga galos ko sa katawan.

"Shein?"

Napatingin ako sa nadaanan kong babae, "Tita," inabot ko ang kamay niya at nagmano. Pilit akong ngumiti.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"O-Opo, napuwing lang."

"Sus, rason mo. Pumunta ka nanaman sa bahay niyo? Bakit mo kasi pinipilit ang sarili mo sa mga taong hindi ka mahal?"

"Grabe naman po kayo, tita. Magbabago pa po sila, lalo na si papa."

"Tatay mo? Hindi na yon magbabago. Kung ako sayo, itigil mo na ang pagtustos sa kanila tutal hindi nila nasusuklian ng pagmamahal. Ibigay mo na lang sa sarili mo lahat ng kita mo."

Ngumiti na lang ako, "Mauna na po ako, tita."

"Sige, mag-iingat ka."

Nilagpasan ko siya at naglakad-lakad na lang kahit na hindi ko alam kung anong direksyon na ang tinatahak ko. Mula sa mataas na sikat ng araw kanina, pansin ko na madilim na ngayon pero tuloy pa rin ako sa paglalakad. Sobrang nanlalambot na ang mga tuhod ko. Parang wala na akong lakas. Maski ang tyan ko ay nagrereklamo na. Para akong naglalakad na wala na sa sarili.

Naupo ako sa isang bench na natanaw ko. Sakto namang kumulog at unti-unti akong napapatakan ng maliliit na butil ng tubig. It didn't bother me. Sumandal ako sa bench habang nakatingin sa kawalan.

Not long after, tuluyang bumagsak ang malakas na ulan. I didn't care. I just remained where I was. Nag-uumpisa na akong ginawin nang mababad ako sa malakas na ulan. Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao. They should just mind their own business. Baka mas mabigat pa sa problema ko ang problema nila.

Kahit nakayuko ako, tanaw ko ang isang itim na sasakyan na tumigil sa tapat ko. I was just thinking if I should still go back there? After what happened. Baka pwede pa silang magbago.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko kahit magaan ang tyan ko. Para ngang may tao pa na tumigil sa tapat ko. Tumingala ako pero bago ko pa man siya tuluyang makita, nanlabo at unti-unting nagdilim ang aking paningin. Ni hindi ko nga ramdam na bumagsak ako sa kung saan, ang alam ko lang, giniginaw ako.

"You suffered enough, Miss Velrama," dinig kong bulong ng kung sino.

...3ieguno...

Wish me luck sa story na 'to, self. Hindi ko alam ang patutunguhan.