webnovel

Chapter 4

~•~

Habang naghihintay dito sa garden nila para magpenta ay nakikinig muna kami ng music. Actually, ayoko pa nga sanang mauna dito. Gusto ko pa sanang hugasan 'yung mga platong pinagkainan namin pero hindi nila ako hinayaan at basta nalang akong hinila ng nilalang na si Nick.

Kaloka! hindi ako sanay na ganito. Ayokong maging pabigat pero sabi nga ni Mamita.

"We have maids, you don't have to wash the dishes, Ijah." Ito namang si Nick Carter Hila ng hila sa'kin kaya ako nandito ngayon. Hilahin ko kaya lungs nito?

Pero sa toto o lang. Ang ganda ng garden nila, nakakarefresh ng utak. Madami silang bulaklak at may puno din ng Manga. Kaya naman naisipan kong dito sumilong habang sumasayaw naman ang iba't ibang kulay ng bulaklak sa saliw ng hangin. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Kaso nga lang, may problema na naman ako.

Si Nick Kasi eh! Iniwan ako dito dahil bibili muna siya ng Easel? Dahil "yun ang paglalagyan ko sa canvas habang nagpepenta. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang na nakayuko ako. Pero wala! hindi nakinig bingi yata.

Naiwan tuloy sa'kin ang magkapatid na sina Jareid at 'yung mukhang bugnutin na si Jayvan. Ang laki yata ng problema ng isang 'yan sa mundo. Parang pasan niya 'yung buong galaxy sa sobrang pagkanunot ng noo niya. Nakatitig pa ito sa laptop niya at parang may kinakalikot dito.

"Will you stop staring at me?" iritadong sambit nito sabay sinamaan ako ng tingin na ikinagulat ko na naman. Paano niya nalamang nakatingin ako sa kanya aber? Eh, wala naman siyang ibang ginawadiyan kun'di ang magkulikot at  magdabog.

"Don't shout at my girlfriend Kuya Vanz!" singhal naman ng batang si Jareid kaya napa iling-iling nalang ako. Magkapatid nga sila, walang duda.

"Cass!"

"Tsk!" rinig kong reklamo ng dalawa. Bakit ba kasi nandito sila? Moment namin to ni Nick eh,

"Nakabili kana?" tanong ko naman habang papalapit na siya at ang laki ng ngiti nito. Ay! nanalo ba siya ng lotto?

"Yep! here, ang hirap palang maghanap ng Easel. Dapat talaga ipenta mo ako ngayon nag-effort ako para mahanap lang 'yan." sagot naman nito kaya gumanti naman ako ng ngiti.

Di'ba ang sweet niya lang na tao? Pwede na siyang gawing candy cheret.

"Sure, ikaw pa." Gagawa ako ng Realistic painting ngayon kaya bawal ang distraction.

"Pwede mo rin ba akong ipenta babe? gusto ko 'yung kita ang abs ko habang pinipenta mo." agad naman akong nabilaukan at napa-ubo sa sinabi ni Jareid. Kakasabi ko lang na bawal ang distraction di'ba?

"Don't bother, Reid. I bet she can't even paint a stick figure." sambit ni Jayvan sabay halakhak niya habang nakatingin parin sa laptop niya. Ako ba 'yung sinabihan niya ng ganun dong?

Kahit gusto kong sumabog sa inis ay pinili ko nalang manahimik. Bahala siya diyan, basta ang alam ko I can paint! ipenta ko pa sa gitna ng ilong niya 'yung simasabi niyang stick figure. Pag-twerkin ko pa ang drawing ko sa ilong niya ha!

"Actually Couz, magaling talaga siya. I've seen her works and it's all amazing!" sambit naman ni Nick kaya ang lakilaki na ng ngiti ko. Pati puso ko ngumiti narin Ipa X-ray ko pa. Eh kasi naman eh! kakakilig!

Hindi na naman sumagot si Jayvan at bigla nalang umalis dala ang laptop niya. Oh yas, Loving it! umalis ka na shoo!

"Just don't mind Kuya Vanz babe, I believe you are a great Artist. And You'll be the greatest if you'll become my wife." Hindi ba talaga titigil ang bata na ito kakababe sa'kin? Jusko naman!

Nakakastress sa totoo lang.

"Umupo ka diyan, malapit sa mga Rosas na pula Nick." panimulangnutos ko sumunod naman siya agad. Tama makinig ka sa iyong Reyna yeeih!

"Teka 'wag masyadong malapit sa bulaklak baka masaktan ka." bawi ko naman dahil nakalimutan kong may tinik pala 'yung magandang Rosas.

Parang love lang yan eh. Falling inlove is an amazing experience. Masaya at nakakakilig pero kahit anong ganda nito ka-akibat ng saya ang sakit. Kaya alalahaning magtira parin ng pagmamahal para sa sarili. Para kung maghiwalay man kayo, you will still value your life kahit hindi na siya kasama dito.

"Hindi kita sasaktan babe, I promise." Biglang sagot ni Jareid na ikinataka ko. Kitang-kita ko pa kung paano namula ang mga mukha nila. Kainis ah, may nag joke ba? hindi ko man lang narinig hmp!

"Magsimula na nga tayo! Huwag kang gumalaw ah? mas mabuti narin sigurong 'wag kang huminga as much as possible." sambit ko at nanlaki naman ang mga ni Nick sabay hawak banda sa puso niya.

"But I-I might die." nanlaki ang mga nito habang nakatitig sa'kin. Pfft! gusto kong matawa sa mga reaction nila. Pati narin si Jareid na umupo sa tabi ni Nick kanina ay Umurong at napalunok pa.

Hahaha!

"Joke!" sambit ko sabay humagalpak ng tawa. sabay naman silang napahinga ng malalim.

"Woah, I thought it was for Real." sagot naman ni Nick sabay ayos ng damit niya habang ako ay nakatawa parin. Jusko dong Napakapriceless ng mga mukha nila kanina. Hahaha. Inayos ko na naman ang mga lagamitan para magsimula na. And then bahagyang napatitig sa subject ko.

Bakit ba napakaputi ng nilalang na 'to? ilang gallon ba ng Gluta nilaklak niya? Haisst ano ba 'tong mga tanong ko. Malamang mayaman kaya ganyan 'yung balat.

Nagsimula na akong magpenta mula sa buhok niyang dinaig pa sa ganda ang buhok ko. Pagkatapos ang mukha nito. Sinunod ko naman ang mga mata niyang singkit at matataas na mga pilikmata. Ang mga Kilay niyang mas makapal pa sa kilay na meron ako.

Grabe! wala pa bang girlfriend 'to? Mag-aapply ako. Pero syempre charot lang ulit. Kasunod naman na pinenta ko ang Matangos na ilong niya na may nunal pa na parang tuldok lang ng isang ballpen. Tumingin naman ulit ako sa mukha niyang hindi man lang kumurap kanina pa. Namumula na nga 'yung mga mata niya dahil dito.

"Wuy! kumurap ka naman Nick hahaha sige ka! sasakit mata mo niyan."

"Eh baka kasi--"

"Jusko! okay lang, Kaloka ka! joke lang 'yun eh tinotoo mo naman." sagot ko naman sabay tawa kaya napakamot nalang siya sa ulo niya. Me pulgas?

"How about me babe?'' reklamo naman ni Jareid kaya nag shhh sign naman ako.

"Ipepenta din kita basta wag makulit okay?" utos ko dito at tumango naman siya na parang isang five years old kiddo. Buti naman teka nasan na nga pala ako?

Kasunod ko ring ipeninta ang labi niya ayt! Grabe, tao pa ba itong pinepenta ko? Sobrang perfecto kasi. Ng matapos ako sa pagpepenta ay agad kong nilagyan ng signature 'yung baba. Sabay pakita ko sa kanya ng matapos na ako.

Nakita ko naman kung pano lumiwanag ang mukha niya sabay mas nilakihan ang ngiti habang nakatitig sa ginawa ko. At 'yun lang worth it na ang pagod ko.

"Wow! This is amazing!" masayang sigaw nito sabay tayo at nagtatalon pa. Nakangiti naman akong nakatingin sa reaction niya.

Napakapriceless kasi na makitang masaya siya sa gawa ko. Ngiti pa lang solve na ang pagod. Ang sayasaya ko na nagustuhan niya.

"Babe what about me?" Agad naman akong napatingin sa tabi ko ng marinig ang batang si Jareid. Ay Oo nga pala kaso. Hindi ko na kayang magpinta ulit. Limang oras ko din ginawa ang isang 'yun. Masakit sa mata, sa totoo lang.

"Jareid, pwedeng mamaya nalang?" Sagot ko naman dahil kailangan ko talagang magpahinga. Ang sakit ng Ulo ko shete!

        "Are you okay?"

   "Okay lang ako,"

        "Oh, bayad na ako sa utang ko sa'yo ah? wag ka ng maniningil."

     "Aw! what was that for?" gulat na saad nito habang nakasimangot na.

"Kaloka ka! 'wag kang ngiti ng ngiti baka magulat ka may nahulog nalang sa'yo bigla? Diyan na nga kayo kailangan ko na munang magpahinga."palusot ko sabay takbo ng malakas papasok sa mansion. Habang naguguluhan naman ang dalawang naiwan lang sa garden.

"What did I do?" rinig ko pang sigaw nito kaya napatawa naman ako hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa mansyon. Kaloka! crush ko na yata ang Nick na 'yun.

"Aray!" daing ko ng magslide ako at naumpog pa 'yung napakaganda kong pwet sa tiles shit! naglilinis pala si Manang at hindi ko man lang napansin. Shunga ka talaga Kasa! shunga!

"Tsk, stupida!"

"Ay nako! Kathina ijah, Pasensya kana ha? kailangan ko kasing linisin agad 'yung natapon ni Sir na snacks kanina. Pasensya na talaga ija," Ah, kaya naman pala kalaking tao lampa? Pinahirapan pa talaga ang maids, bakit hindi nalang siya naglinis?

"Okay lang po," sagot ko naman sabay tayo ko at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko.

Kainis talaga ng ugali ang bugnutin na 'yun tsk! Bahala nga siya! Basta ako may Nick na ako.

"Wait what?"