webnovel

That Badass Girl (Filipino Version)

Mai Zanzenin : A sweet girl that turns into a cold hearted DEMON Gugustohin mo ba na mapalapit sa kanya? Kahit na ang kapalit nito ay...... KAMATAYAN?

JcCuabo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
20 Chs

Chapter 19: New Friends?

Three / Ken POV

Today is another day. Nang matapos ang nangyari sa cafeteria ay wala ng nakakatuwang bagay ang nangyari sa amin kahapon . Hindi na rin muna kami pumasok sa mga subjects namin dahil ang ginawa namin ay naglibot libot ulit kami sa buong L.U para makabisa namin ang pasikot-sikot sa buong lugar. So far okay naman ang paglilibot na ginawa namin. Marami kaming mga bagay na nagawa...

at marami rin kaming mga bagay na natuklasan. Kagaya nalang ng pagkatuklas namin sa totoong kagandahan ng L.U, talaga ngang kahanga-hanga ang lugar na iyon. (Smirk )

Wednesday ngayon, kaya maaga akong gumising at naghanda para sa pagpasok. Maaga rin kasi ang pasok namin ni queen. 8am ang pasok namin ngayon, may PE class pa kasi kami eh. PE as in..

P- pahirap sa buhay

E-exercise

Oh diba pahirap talaga?

=__=)

tss

Pero joke lang po yon,

wag niyong masyadong seryusohin.

Hehe ^_^)v

Sa L.U kasi kahit 3rd year ka na ay meron ka pa ring P.E class, except nga lang sa mga 4th year students dahil hindi na nila ito kailangan. 1st year, 2nd at 3rd year lang kasi ang required na magkaroon ng ganitong subject. Gusto man o ayaw ng mga magaaral ay kailangan nilang pumasok sa klase na ito. Required kasi yon ng school. Bakit? Dahil ang PE classes ay nagsisilbing paghahanda ng mga magaaral sa ginaganap na palaro sa L.U kada taon. Hindi lang kasi yon basta-bastang palaro, dahil sa palarong yon doon nakataya ang degnidad at karangalan ng buong skwelahan. Naging tradition na rin ng L.U na magimbita o manghamon kada taon ng mga University upang maging katungale nila sa palaro, kaya naman ito ang karaniwang inaabangan ng mga estudyante sa L.U. Kung sino o anong school ang magiging kalaban nila.

Paano ko nalaman ang mga to?

Simpli lang, yon ay dahil....

MATALINO ako...

Hahahaha (^O^)

Di' joke lang. Nakapag research kasi ako tungkol sa L.U eh.

(A: Weh? Di nga?)

Tss (=___=)

Oo nah!!

Inutosan ako ni queen na magresearch tungkol sa L.U kaya alam ko tsk.

Panira!!

(>︿<)

" Halika na Three." Sabi ni queen sa akin pagkababa niya ng hagdan. Nandito kasi ako sa receiving area ng bahay namin, inaabangan siyang bumaba.

" Hindi ka ba kakain muna?" Tanong ko habang sinasabayan siya sa paglalakad palabas ng pintoan.

PE pa naman namin ngayon, tapos hindi siya kakain tsk.

" Nope, I'm not hungry." Sabi niya habang mabilis na naglalakad.

=___=)

' Psh kaya napakapayatot mo eh dahil hindi ka nagbe-breakfast.' I said in mind.

" Ako na ang magmamaniho." Sabi ko ng makarating kami sa garahi.

" Bakit sinabi ko bang ako? Tss." Nakapokerface na sabi niya saka mabilis na pumasok sa loob ng kutsi.

" Hay buti naman." I said in relief. Dahil kung sakaling magpresinta ulit si queen na siya ang magmamaniho, baka humiwalay na ang kalukuwa ko sa katawan ko.

Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan tapos ay pinagana ko agad ang makina ng kutsi. Baka kasi magbago bigla ang isip nitong si queen eh mahirap na, pa bago-bago pa naman ang isip nito tsk.

Nang mabuhay na ang makina ng sasakyan pinaharurut ko agad ito papuntang L.U.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungong L.U, hanggang makarating kami sa parking lot ng school ay tahimik pa rin si queen. Hindi naman yon kataka-taka dahil palagi naman siyang tahimik,  pero ang katahimikan niya ngayon ay sadyang kakaiba. Parang may kung anong itim na aura na bumabalot sa kanya ngayon na naging rason upang kilabutan ako ng matindi.

' Hindi yata naging maganda ang pagtulog ni queen kagabi. Huhu nakakakaba tuloy. ' >__<)

Naglalakad na kami ngayon ni queen sa pathway papunta sa department building namin. Medyo nakadistansya ako ng kunti sa kanya habang naglalakad kami. Nauuna siya sa akin habang ako naman ay nasa likuran niya, parang ganito...

      |      Queen        |

      |             Ako      |

Ayaw kasi niyan na may kasabay siya sa paglalakad pagganitong bad mood siya. Baka mabigla ka nalang na nasuntok ka na pala niya sa mukha tsk

Masakita pa naman yan kung manuntok.

=__=)

" Saan tayo ngayon Three?" Biglang sabi ni queen sa akin, pero nakatalikod pa rin siya habang naglalakad. "A-ah...s-sa room 29 tayo ngayon queen." Medyo aligaga at mautal-utal na sabi ko dahil sa pagkabigla.

Ikaw ba naman ang kausapin ng hindi ka handa hindi ka rin mauutal? Tss (>__<)

" Mauna ka." Malamig na sabi ulit nito habang nakatalikod pa rin sa akin.

" O-okay." Mabilis na sabi ko tapos ay tumakbo ako ng kunti upang mauna sa kanya. Matapos yon ay hindi na muling nagsalita pa si queen hanggang makarating kami sa aming silid aralan.

" T-tika bakit walang tao?" Nagtatakang sabi ko noong buksan ko ang pintoan ng silid.

Ni isang tao kasi ay wala akong makita sa loob.

"Ano na? Wala ka bang balak na pumasok?" Sabi ni Queen habang bored na nakatingin sa akin.

" W-walang tao Queen." Alanganing sabi ko.

"What?! Bakit wala? Malapit ng mag 8, sigurado ka ba na sa room na to ang P.E class ngayon?" Kunot nuong sabi ni queen sa akin.

"O-Oo naman queen sigurado ako. I double check it kanina, room 29 talaga." Kakaba-kabang sabi ko. Baka kasi uminit lalo ang ulo nito, patay ako pagnagkataon tsk.

(>__<)

" Kung ganon ano to?!" Medyo nakataas na ang boses na sabi ni queen habang matalim ang tingin sa akin.

Huhuhu galit na talaga siya..Patay ako nito!!  (T︿T)

" Ammf...excuse me." Sabi ng isang tinig kaya napalingon agad kami dito.

" Bakit?" Sabi ko sa babae pagkakita ko sa kanya.

Oo babae siya. Isang MAGANDANG babae. Nakasuot siya ng pink na damit na kita ang balikat, saka above the knee na itim na palada na talagang bumagay sa maputi at makinis niyang kutis.

Uunahan ko na kayo,

HINDI ako manyak readers

I'm just stating the fact.

Gets?

Good!

Hehehe (^O^)v

" Bibig mo Three baka pasukan ng langaw." Parang nandidiring sabi ni queen sa akin na ikinahiya ko. Pasimple kung isinara ang bibig ko na NAKANGANGA nga talaga.

(>__<) 

Huhu

Nakakahiya!

Π︿Π)

" Ano ka ba queen baka marinig ka." Bulong na sabi ko dahil sa hiya.

' Huhuhu queen naman eh..... pahamak ka talaga!! Nakakahiya doon sa babae.' I said in mind. (>__<)

Isang nahihiyang ngiti ang binigay ko sa babae bilang paghingi ng despinsa. Isang matamis na ngiti rin naman ang iginante niya sa akin kaya ako nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga magagalit siya eh.

Wew

" May kailangan ka Miss?" Nakangiting tanong ko sa kanya noong makabawi ako.

" Wala naman. Pero...pasinsya na, hindi ko kasi sinasadyang mapakinggan ang usapan ninyong dalawa." Medyo nahihiyang sabi nito.

" Ah ganon ba? He-he-he okay lang yon miss wag kang magalala." Nakangiti pa rin na sabi ko. Dapat kasi KABAITAN at KAGWAPOHAN ang pinapakita sa mga babae, hindi kabastusan. Diba?

Lalo na't ganito kaganda.

Hahaha ^_^)v

"Ang landi tss." Renig kong bulong ni Queen sa likod ko.

>__<)

Pagiging friendly ang tawag dito queen hindi kalandian huhu

T︿T)

( A: Friendly daw...tama si Mai malandi ka!!)

Pariho lang kayo ni queen author eh... Pariho kayong Mga JUDGEMENTAL!!

Huhuhu sinasaktan niyo ko palagi... mga bad!!

T︿T)

Back to the story....

" PE ba ang subject niyo ngayon?" Tanong noong babae.

" Oo...Ganon rin ba sayo?" Panghuhula ko. Malay mo baka tama ako. ^_^)v Hehe

" Oo." Nakangiting sagot nito sa akin habang tumatango.

Oh diba tama ako?

Hahahaha

^o^)v

" Bakit walang tao dito?" Takang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa loob ng silid.

" Ah hindi kasi dito sa room 29 gaganapin ang PE class ngayon kundi sa Gym." Sagot niya.

" Ahh kaya naman pala walang tao....Pero tika, kung alam mo naman pala na doon sa Gym ang PE bakit nagpunta ka dito?" Nagtatakang tanong ko. Nakakapagtaka naman talaga yon eh.

" Ang totoo....kanina ko pa kasi kayo sinusundan eh." Nahihiyang sabi niya.

Eh?(0_o)?

Kanina pa?

Kaya naman pala may naramdaman akong parang sumusunod sa amin kanina, siya pala yon.

" Bakit mo naman kami sinusundan?" Tanong ko.

" Narinig ko kasi ang paguusap niyo sa pathway kanina...PERO HINDI KO YON SINASADYA HA...nasa likoran ko lang kasi kayo kaya narinig ko." Sabi nito na may actions pang kasama. Lalo na doon sa part na

' hindi ko yon sinasadya' dahil parang natarata siya doon.

Hahaha

^__^)

Nakakatuwa siya..

" Hmmm..Kaya ba naisip mo na sundan kami dito dahil baka maligaw kami?" Sabi ko. Isang tango lang ang sinagot niya sa akin kaya nagsalita ako ulit. " Kung ganon salamat. Kung hindi dahil sayo baka naligaw na nga kami." Nakangiting sabi ko sa kanya.

" Okay lang yon. Ano hali na kayo? Baka malate pa tayong tatlo." Sabi niya.

" Sige tayo na." Sagot ko kaya nagpauna siya sa paglalakad, nakasunod naman kami ni queen sa kanya. " Siya nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Dennis." Nakalingon na sabi nito sa amin.

" Ako naman si Kenneth, siya naman si Mika." Pagpapakilala ko  sa aming dalawa ni queen. Ako na ang nagsalita para kay queen dahil alam ko naman na hindi yan sasagot. Baka ma offend pa to si Dennis.

Tahimik kaming naglalakad ngayon papuntang Gym. Maging ang paligid ay subrang tahimik rin, wala pa kasi masyadong  istudyante dahil maaga pa. " Siya nga pala Dennis anong kurso ang kinuha mo?" Pagbasag ko sa katahimikan naming tatlo. Alam ko kasi na naiilang pa si Dennis na makipagusap sa amin kaya ako na ang na una. Gentleman ako eh hahaha (^O^)v

" I took Business Management, kayo?" Siya

" Katulad rin ng sayo. Nga pala Dennis nagkita na ba tayo dati? Parang pamilyar ka kasi sakin eh." Tanong ko sa kanya. Narealize ko kasi na parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.

" Ah Oo nagkita na tayo kahapon. Ako yong isa sa mga babae na pinagtanongan mo ng deriksyon kung saan ang office ng Dean." Sagot niya.

Ahh kaya naman pala.

" Basta talaga magagandang babae naaalala mo agad." Biglang sabat ni queen sa usapan namin ni Dennis na ikinabigla ko ng kunti, pero nakabawi naman ako agad.

=__=)

' Tsk minsan na nga lang to magsalita si queen puro naman masamang bagay ang lumalabas sa bibig ' I said in mind.

Palihim ko siyang tinitigan ng masama. " Ba't ka nakatingin sakin ng masama? Lalaban ka na?" Malamig na sabi nito. Para naman akong isang makahiya na biglang tumiklop dahil lang sa sinabi niya.

" H-hindi po...hindi po ako lalaban." Sagot ko. Nakataas ang mga kamay ko na parang sumusuko. Parang ganito....

------->   \(Π︿Π)/

Pati ba naman palihim na masamang tingin ko nakikita pa niya? Tsk

Ang tinik talaga!

>__<)

" Dapat lang, dahil pagnaasar ako sayo baka balian kita ng buto jan." Nakapokerface  na sabi niya. Isang CUTE na pout nalang ang isinagot ko kay queen. Mahirap na kung magsasalita pa ko.

Huhuhu Π︿Π)

mahirap talagang maging gwapo....●︿●)

inaapi ka nalang palagi...

hehehe

(^O^)v

" Ang cute niyo namang tingnan na dalawa." Nakangiting sabi ni Dennis sa amin.

Seriously?

Anong cute dito Dennis?=__=)

Cute pa ba yang inuutos-utosan ka palagi? Pinagbabantaan ka araw-araw at binabatok-batukan ka nalang?!

Huhuhuhu

Kakaiba rin to si Dennis eh,

KAKAIBA ANG TRIP!!

Π︿Π)

Tsk

Dahil hindi ko alam ang isasagot ko, isang alanganin na ngiti na lang ang iginanti ko sa kanya.

" Nandito na tayo." Mayamaya ay sabi niya habang nakahinto sa isang pintoan.

" Dito na ba ang Gym?" Sabi ko habang nakaturo sa pinto.

" Naku hindi, dressing room saka locker to ng mga babae sa PE, doon pa sa unahan ang Gym. Siya nga pala nasa kabilang side  ang locker ng mga lalaki. Dito ka dumaan sa hallway na to makikita mo yon agad." Nakaturong sabi niya sa hallway na hindi kalayoan sa kinatatayoan namin ngayon. Bali ganito kasi ang set up...

              GYM       |

    -—-— ___ -——-

   |   -----------    —

   |  |                 |   |

   |  |      Boys  |   |

   |   -----    ---    |

   |   -----------   |    

   |   |     P       |    |

   |   |     o       |   | Girls

   |   |     o       |    |

   |   |     L       |    |

   |      --------     |

    ------------    |

                      |    |

" Sige. Doon muna ako Queen, Dennis. Babalik nalang ako dito pagtapos na ko." Paalam ko sa kanila saka ako nagumpisang maglakad patungo sa dressing room para sa mga lalaki.

No One's POV

" So....halika na sa loob?" Medyo naiilang na sabi ni Dennis kay Mai/Mika.

" Geh." Sagot ni Mai/ Mika sa kanya habang nakapamulsa.

Tahimik na pumasok sa loob ng silid ang dalawang naiwan na babae. Dahil sa malapit nang magalas 8 pumunta agad sila sa kanya-kanya nilang mga locker upang makapagsimula nang magbihis. Number 29 ang locker ni Mai/Mika habang number 10 naman ang kay Dennis. Kaya naman magkatapat lang ang mga locker nila na pinapagitnaan lang ng isang mahabang upoan.

Sa isang helira kasi ng mga lockers ay 20 ka tao ang pweding gumamit. Ganito kasi ang arrangement; ang 1-10 ang nasa taas, ang 11-20 naman ang nasa baba. Parang ganito....

Pinto 

1   11              21   31

2   12              22   32

3   13     C      23   33

4   14     H      24   34

5   15     A      25   35

6   16      I     

7   17     R      26   36

8   18             27    37

9   19             28    38

10 20             29    39

                       30   40

————         ————

Shower         Shower

Room           Room

————         ————

Shower        Shower

Room          Room

————        ————

 

Malaki at malawak ang silid kaya naman 80 katao ang pweding gumamit ng dressing/locker room na ito. May 6 na shower room rin ang silid, at kada shower room ay maaaring makagamit ang 10 katao. Every department ay may kanya-kanyang PE dressing/locker room. Hindi kasi nagdalawang isip ang L.U na gastusan ang pruyektong ito, dahil para rin naman ito sa mga magaaral nila at para na rin sa palarong ginaganap nila kada taon.

Nang buksan ni Mika ang locker niya ay napasipol siya ng mahina.

' Not bad .' Sabi niya gamit ang isip. Kung gaano kasi ka bungga ang silid na kinalalagyan niya ngayon ay ganon rin ka astig ang uniform nila. Isang black jagger na hanggang ankle ang unang nakita ni Mika sa loob, sunod ay isang Maroon and black jersey with sleeve na may nakaprint na logo ng Luhan University sa front ang ikalawang napansin niya. Nakaprint rin doon ang favorite number niya (11) at ang kunwaring last name niya (Lee) sa likod. At ang panghuli ay isang jacket na kulay Dark Blue with a touch of white ang huling napansin ni Mika na subrang nagustohan niya. May nakaprint rin dito na hindi kalakihang logo ng L.U sa front na makikita sa kanang bahagi.

Matapos suriin ang mga gamit ay sinukat niya ito isa-isa. Ngunit napagpasyahan niya na ang Jagger at Jersey nalang ang isusuot niya at iiwanan na lang ang jacket sa loob ng locker.

Sabay na natapos sina Mika at Dennis sa pagbibihis kaya naman sabay na rin silang lumabas ng silid. Paglabas nila ay sakto naman ang pagdating ni Three/Kenneth, kaya dumeritso agad silang tatlo papuntang Gym.

GYM....

Mai POV

Nang makapasok kami sa loob ay namangha ako sa ganda ng gymnasium ng L.U. Oo nga't hindi ito kasing laki pero kasing ganda naman ito ng HG, kaya hindi na rin masama.

Napansin ko rin ang mga magagarang kagamitan sa loob na animoy nasa isang professional NBA court ako sa subrang ganda. Unang tingin pa lang ay mahahalata mo na agad na ang mga nagaaral dito ay may kaya talaga sa buhay.

" Wow, kasing ganda pala ng HG ang gymnasium ng L.U?!! Ang astig pa ng court nila oh, subrang kinis ng sahig! Sa subrang kinis pwede na sigurong manalamin jan. Hindi ba queen?" Manghang-mangha na sabi ni Three na sinangayunan ko. Ang ganda kasi talaga ng court nila, halatang high maintenance. Sa labas lang kasi namin nakita ni Three itong gym kahapon. Sa ground kasi kami nagfucos sa pagiikot kaya hindi namin alam na ganito pala kaganda ang loob.

" Hali na kayo Ken, Mika doon tayo oh." Sabi noong Konny sa amin habang nakaturo sa may mga taong naguumpokan.

(A: Dennis yon Mai hindi Konny =__=)

Dennis, Konny parihas lang yon,

Tss napaka pakialamira mo talaga author... Kaya ka napapahamak eh.

Tsk

(A: Π︿Π) Huhuhu kailangan talagang ipaalala? Tss..continue...)

" Wala ba kayong pool dito Dennis?" Out of the blue na tanong ni Three.

" Meron naman, ang laki nga ng pool dito eh." Sagot naman ni De- basta sagot niya Tss =___=)

" Talaga?! Saan naman? Malayo ba dito? Gaano ka laki yong pool?!!" Sunod-sunod na tanong ni Three kay De-

(A: DENNIS!!)

Kay Dennis dahil sa excitement.

Tsk kailangan talagang sumigaw?!

Psh =___=)

Back to the story.....

" Haha hindi rin halata na excited ka noh? Malapit lang yon dito, nadaanan lang nga natin ang daan papuntang pool kanina eh. If you like samahan ka nalang namin mamaya." Nakangiting sagot ni konny este Dennis kay Three na halatang aliw na aliw sa mga sinasabi nito.

" TALAGA?!! SIGE SIGE samahan niyo ko!!" Mas excited na sabi ni Three. Para siyang batang nabigyan ng mama niya ng isang garapong kindy..

' Tsk napakaisip bata.' I said in mind. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi kung ganyan ang akto niya.

Mahilig kasi talaga si Three na magswimming, kaya hindi na nakakapagtaka na maghanap yan ng pool. Maypagka shukoy yan eh tss =___=)

" Asan na ba yon sila." Mahinang sabi ni Dennis na rinig ko naman. Matalas ang pandinig ko remember? Kaya malinaw ko siyang narinig.

Nakatayo kami ngayon malapit sa bleachers na laan para sa mga players. Mula dito nagpalinga-linga si Dennis na parang may hinahanap.

Mga kaibigan siguro niya.

" Dennis, dito!!" Mayamaya ay rinig kong tawag ng isang boses kay Dennis na parang nakalunok ng microphone ang bibig sa subrang lakas. Automatiko akong napalingon sa sumigaw na yon. Tatlong magagandang babae ang nakita kong kumakaway sa gawi namin. Ang isa ay may mahabang buhok at singkit na mata na talagang bumagay sa medyo pahabang hubog ng mukha niya, ang pangalaw ay isang babae na may hanggang balikat na buhok. Subrang cute na cute siyang tingnan sa bangs niya na bumagay sa cute niyang mukha. Ang pangatlo ay isang babae na may kulay blond ang buhok ang huli kong napansin. Maamo ang mukha niya at maypagkamahinhin ang dating.

(A: Himala naka appreciate ng beauty hahaha ^_^v )

Tss syempre naman noh,

dahil maganda naman talaga sila. Kahit masama ang ugali ko i know how to appreciate beauty tsk

=__=)

" Ayon pala sila eh....!!" Masayang sabi ni Dennis habang nakaturo sa tatlong kaibigan. "Hali kayo, ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko." Nakangiting baling nito sa amin.

" Queen?" Baling naman ni Three sa akin na parang tinatanong ako kung sasama ba kami. Tumango nalang ako bilang sagot, dahilan para mapangiti siya ng malapad.

Parang sira tss

(=__=)

" Tayo na?!" Sabi ni Dennis saka nagpauna sa paglalakad.

" Sige!! Hali ka na queen." Sagot naman ni Three na sumunod agad kay Dennis.

Tss =__=)

Umiral na naman ang pagkaplayboy...

Tsk hindi na nagsawa..

" Diba siya yong nanggulo kahapon?"

" Oo siya nga yan. Ang kapal ng mukha noh?"

" Sinabi mo pa." Mahinang bulong ng ibang istudyante habang naglalakad kami palapit sa tatlong kaibigan ni Dennis.

Kung makabulong naman tong mga to akala mo hindi ko sila naririnig

Psh.

Matalas ang sense of hearing ko kaya rinig na rinig ko kayo mga abnormal!!

Sa halip na sigawan silang lahat ay hindi ko nalang sila pinansin, wala ako sa mood eh =__=)

And besides I DON'T FUCKING CARE sa mga sasabihin nila tungkol sa akin. Mga BASURA lang naman sila

=___=)

" Hi girls, kanina pa ba kayo?" Nakangiting bati ni Dennis pagdating namin sa tapat ng mga kaibigan niya.

" Hindi naman, kararating lang rin namin bago kayo dumating." Sagot naman noong babaing may mahabang buhok.

" Talaga? Mabuti naman." Sagot ni Dennis.

" Ate Denny sino yang mga kasama mo ?!" Sabi noong babaing cute habang nakatingin sa amin.

" Oo nga, sino sila Denny?!" Sabi naman noong babaing mahinhin na kulay blond ang buhok.

" Sila ba? Sila sina Kenneth at Mika, mga Transferee students sila. Ken, Mika sila naman ang mga kaibigan ko." Pagpapakilala ni Dennis sa amin.

" Hello sa inyo!!" Very energetic na bati ni Three sa tatlo. Nakakaway pa siya sa mga ito na parang close na close na sila.

Tss napakaFC =__=)

" Hello rin sayo, ako nga pala si Nicole del Rosario,17 years old. Nice to meet you." Magiliw na bati noong cute na babae na ang pangalan pala ay Nicole.

   

" Hi I'm Kylie Marie Colleen's 18 years old, but you can call me Kayee for short." Nakangiting bati ni Blond hair na Kayee pala ang pangalan.

" Ako naman si Sandy Cruz 18 years old. Kung ganon kayo pala ang nagpagalit ng tudo kay Trey kahapon?" Tanong nito sa amin, dahil nga sa tinatamad akong magsalita at wala namang mga kwenta ang mga taong pinaguusapan namin dahil hindi ko sila kilala si Three nalang ang hinayaan kong sumagot sa kanila.

" Oo kami nga. Bakit mo alam?" Sagot naman ni Three.

" Syempre naman malalaman ko, sino ba naman ang hindi makakaalala sa tanging mga tao na nagpataob sa kahambugan ng leader ng fabulous 4? Syempre wala hindi ba? Ikalawang araw niyo pa lang ngayon pero pinaguusapan na kayo dahil sa nangyari kahapon." Paliwanag nito.

" Hindi naman namin sila gaganonin kung hindi sila ang na una." Paliwanag naman ni Three.

" Alam naman namin yon dahil nakita namin ang buong pangyayari. Kaya ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa nila sa inyo." Sabi ni Dennis na nagbow pa sa harap namin.

" Bakit ka humihingi ng tawad sa amin Dennis? May relasyon ba kayo ni Trey kaya ka nagso-sorry??" Takang tanong ni Three. Kahit naman ako magtataka rin, hindi naman siya ang bumangga sa amin kaya bakit siya hihingi ng tawad?

" Pinsan niya kasi si Jhin, isa sa ng bully sa inyo kahapon kaya siya nagso-sorry." Sabi ni Kayee na nagpakunot ng noo ko.

Jhin?

Hindi ko siya matandaan..

Pero isa lang ang sigurado ako,

hindi ko gusto ang pangalan na yon

(ಥ_ಥ)

" Kaya mo ba kami sinundan kanina para patawarin namin ang pinsan mo?" Malamig na sabi ko. Napuna ko ang pagkabigla nilang apat sa sinabi ko or lets just say na SA TUNO ng pananalita ko sila nagulat?

Tss i don't like PRETENTIOUS people, I FUCKING HATE THEM!!

(ಥ_ಥ)

" S-syempre h-hindi....sinundan ko kayo dahil g-gusto kong makatulong. Wala akong iniisip na ganyan." Medyo takot man ay nagawa pa rin ni Dennis na  depinsahan ang sarili niya sa sinabi ko. Nakita ko rin sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo kaya okay na sa akin ang paliwanag niya.

" Kung ganon pala apology not accepted." Sabi ni Three kay Dennis.

" Ha? Bakit naman?" Takang tanong nito.

" Hindi naman ikaw ang nagkaatraso sa amin kaya hindi namin pweding tanggapin ang sorry mo. Hindi ba queen?" Sabi ni Three

" Hmmm. tama, hindi mo dapat inaako ang kasalanan na hindi mo naman ginawa. Kung gusto mong magtanda at matuto ang pinsan mo wag mo siyang pangunahan sa paghingi ng tawad sa mga taong nagawan niya ng kasalanan dahil parang kinukunsinte mo na siya niyan." Pangaral ko sa kanya. Parang nagulat naman siya sa sinabi ko. Kahit nga rin ako nagulat sa sarili ko ,siya pa kaya? Tss naging advicer pa tuloy ako ng dahil sa kanila.

Pahamak!! -__-)

" Hmmm....tatandaan ko yan Mika!" Nakangiting sabi ni Dennis nang makabawi siya sa pagkagulat. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot. Baka ano na naman ang masabi ko,

Pahamak pa naman minsan ang bibig ko.

tsk >__<)

Maya-maya pa ay dumating na ang professor namin.