webnovel

Chapter Three: FFY - So weird!

***

Makalipas ang two months. Iwas at tago ang ginawa ko huwag lang mag-krus ang landas namin ni Rex after the Break up. Hanggang may isang balita akong natanggap na pinapauwi na si Rex ng tito niya sa Canada, doon na raw mag-aaral si Rex. Desisyon daw iyon ng uncle niya dahil nasira raw ang buhay nito kakalaklak ng alak at kakayosi. I feel guilty dahil sa mga nagawa ko. Ahead siya sa akin ng limang taon, kumbaga, third year high school ako, siya naman fourth year College. After din kasi ng break up namin, dalawang araw lang ang nakalipas nalaman ko kaagad na 'mali ako'. Na hindi niya pala babae yung narinig kong kasama niya nung araw na tumawag ako sa kanya, auntie niya pala, ikalawang asawa ng uncle niya. Hindi ko kasi alam na may new wife na pala ang uncle niya. Sobrang laking pagsisisi ko dahil nagdesisyon ako nang hindi inaalam ang buong storya. Hindi na rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan at kausapin siya. Kaya minabuti ko na hayaan na lang at tuluyang tapusin ang lahat sa amin. Pakiramdam ko kasi, iyon ang mas makabubuti upang hindi ko na madagdagan pa yung sakit na naidulot ko sa kanya.

***

I feel so guilt. I didn't like the decision I made after so many years that until now, it seemed like I was still carrying it. Nung naramdaman ko na yung kulo ng tiyan ko inaya ko na si Jhonet na kumain. Bumaba kami sa ground floor at pumasok sa Mac Dish. Isang sikat na kainan dito sa mall. Um-order na din kami at naupo sa bakanteng p'westo.

"Bhessy, naalala mo yung guy kanina?" Biglang tanong ni Jhonet habang kumakain kami. Tumango na lang ako. "May kahawig siya." Ngumiti ito. Napatigil naman ako sa pagkain.

"Sino?" curious kong tanong.

"Si Rex. Hawig sila bhessy. Pansin mo ba?"

Medyo nainis ako. Hindi sila magkahawig. Super labo pa sa blurred na magiging magkahawig sila, swear! Mayabang iyon eh si Rex super bait.

"Hindi no." at nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain.

"Hi miss Jhonet."

Napatingin ako sa likod ko. Oh no! Si Mister Yabang pala. Kapag nga naman minamalas ka oh. Napansin ko pa ang ngiti ni Jhonet. Nagngingitian sila? Napakunot ang noo ko.

"Ow! May kasama ka pala. Ide-date sana kita eh. Hmm... can I sit here?" itinuro ang isang bakanteng upuan.

Napatango si Jhonet. Inis na inis naman ako. Paano ba naman pumayag si bhessy na paupuin itong mayabang na lalaki na ito. Bakit ba kasi siya pumayag? 'Wag niyang sabihing type niya itong mayabang na ito. Maloloka ako! Naupo naman si yabang. Nagngingitian sila at nagtititigan, aba? Ang loka, bibigay pa yata.

"Hmm... Again, I'm Ace and you are Jhonet right?" ini-abot niya ang kanang kamay niya kay Jhonet, inabot naman ni Jhonet ito at nag-shake hands sila. Tumango lang si Jhonet. Ngitian at tinginan lang ang ginagawa ng dalawa na para bang wala ako rito. Aba? Kabadtrip ahh. Parang invisible ang beauty ko rito ahh. Damn!

"Nice meeting you, Jhonet." nakangiting wika ni Ace.

"Nice meeting you too, Ace." nakangiting sagot naman ni Jhonet.

Nananadya ba talaga itong antipatikong ito? Syete naman oh! Umubo-ubo ako para naman mapansin nila na 'hello nandito po ako' sh*t. Napatingin si Jhonet sa akin. Humarap at ngumiti naman sa akin si yabang.

"Oh". Gulat na reaksyon pa ang ibinungad niya sa akin. "Nandyan ka pala? You are the maid of Jhonet if I'm not mistaken, right?" seryoso niyang sabi. Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Ngumiti siya na may halong pag-aasar at ibinaling ang tingin kay Jhonet.

Badtrip talaga itong halimaw na to. Isang -isa na lang talaga bibingo na ito sa akin. Hindi naman ako mukhang maid para tawagin niyang maid ng bhessy ko ah. I'm prettier than to his date kanina. Kainis!

"Ah Mister Ace, she's my bhessy. Aile is her name." pakilala sa akin ni Jhonet sa mayabang na halimaw na lalaking ito. Hays! Salamat. Naisipan din ni bhessy na liwanagin sa mayabang na ito na hindi ako maid. I'm her best friend. Biglang nagsamid-samiran si Yabang. Tatayo na sana ako dahil nasusura na talaga ako. Hindi ko na talaga ma-reach itong mayabang na ito kaso bigla siyang nagsalita ulit.

"Ah..." tumango-tango pa siya. "Aile." Tumingin siya sa akin at tumango-tango ulit. "Ah okay... As in Aile Padilla?" saka tumawa. Nagulat naman kami nang bangitin niya ang surname ko. "Just kidding!" dugtong pa niya. Biglang nagbago ang mukha nito at naging seryoso. Ang weird niya, sobra! Si Jhonet naman, halatang kinikilig sa pagpapacute ng kumag na ito. Biglang tumayo si yabang.

"Bye for now, Jhonet." Saka ito kumindat at ngumiti kay Jhonet tapos itong si Jhonet naman halatang pinipigilan ang kilig then after that, bigla itong lumakad palabas ng Mac Dish. Umirap lang ako sa kanya. Kabadtrip kasi, super yabang.

"Mukhang kinikilig ka sa mayabang na iyon ha?" nakataas na kilay kong tanong. Napahawi naman ng buhok si Jhonet at napangiti. "Don't you dare!" dugtong ko pang utos.

Inaway ko si Jhonet habang palabas kami ng mall at sinabi kong 'wag siya kinikilig kapag kinakausap siya ng mayabang na iyon kasi mukha siyang ewan. Ano siya? Easy to get. Nayamot tuloy ako. Kaibigan ko ba talaga siya? Ang sagot ba naman sa akin, GWAPO raw kasi. Sh*t saan banda?

Pagkauwe ko sa bahay. Nag-promise ako sa sarili ko na last na talaga ang pag-e-emote ko at ang pagiging miserable ko. Hindi ko na hahayaan na makontrol ako na emosyon ko. Sabi nga nila 'Mind Over Matter''. If you don't mind, hindi magma-matter sa iyo.

Naupo ako sa sofa at nagbabasa ng e-book sa cellphone ko na ang pamagat ay HIGH SCHOOL LIFE nang lapitan ako ni mama at tabihan.

"Anak." niyakap niya ko. "How's your day?" Tanong ni mama kaya napahinto ako sa pagbabasa.

"Okay lang naman, Ma." At ngumiti ako saka yumakap kay mama. Si mama na lang ang mayroon ako ngayon. After ng lahat ng nangyari, alam kong nagpapakatatag lang si mama para sa akin pero deep inside hindi pa totally healed si mama. Nang kumalas na ko sa pagkakayakap.

"Anak, Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw yung buhay ni mama." Paglalambing ni mama.

Tiningnan ko si mama at ngumiti ako ulit. Kahit papaano, blessed pa rin ako dahil may mama akong katulad niya. Never siyang nagkulang sa pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Gabi na rin at umuulan pa, naalala ko tuloy yung mga times na twing umuulan, lagi akong yumayakap kina mama at papa baka kasi kumidlat at kumulog, iyon kasi ang kinatatakutan ko pero nasanay na rin ako na maging matapang, kailangan e.

"Mahal na mahal din kita, mama." At niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Hinalikan naman niya ako sa forehead afterwards.

"At anak, sana 'wag kang matakot na magpapasok ng mga tao sa buhay mo dahil sa nangyari sa atin. Gusto kong gawin mo iyong inspiration para mas maging matatag ka. Tayong dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Gusto ko na masaya tayo." Ngumiti si mama. Tumango naman ako, "Lagi mong tatandaan, kung may umaalis sa buhay natin, I'm sure may darating na mas better kaysa roon sa nauna. Remember that okay?" I nod again. "Huwag mong iisipin na pare-pareho ang mga lalaki. Magkakaiba sila, anak."

Doon sa huling sinabi ni mama, hindi ako um-agree. Eh bakit may na-encounter ako kanina, super yabang?

Hanggang sa paghiga ko sa kama ko ay nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni mama. Hindi nga ba pare-pareho yung mga lalaki? Ang hirap naman kasing paniwalaan e. Boys are boys. They are just nice in the beginning but after you fall deep to them, they will change. Sa una lang sila magaling. Sa una lang.

Biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito sa side table ko at tiningnan kung sinong nag-text.

"Bhessy. Gising ka pa? May chika ako sa iyo."

Napakunot ang noo ko. Ano naman kayang kwento niya?

"Hello. Anong chika mo?" bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko. Ramdam kong excited siya sa i-chichika niya sa akin.

"Bhessy. Hulaan mo kung sinong nag-friend request sa akin sa Instanote account ko?" masaya niyang tanong.

"Wala ako sa mood manghula, bhessy. Ikukwento mo ba o i-end call ko na ito." Masungit kong sabi.

"Okay...Okay... Halatang wala ka nga sa mood. Haha." Sabay tawa niya. "Si Mister Ace in-add ako sa instanote account ko." Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya.

"Don't accept him, okay?" May gigil kong sabi.

"Hala! Na-accept ko na bhessy. Pinagpa-flood hearts nga yung mga post ko." at kinikilig niyang sabi.

"Kinilig ka naman? Babaero iyon! I warn you, bhessy. Tigil-tigilan mo iyang ginagawa mo na iyan ha. Stop liking him." Utos ko.

"Bhessy naman. Mali lang ang impression mo sa kanya. I'm sure if makilala natin siya ng lubos, hindi naman siguro siya ganoong ka-very bad person no?" pagtatanggol niya sa Mister yabang na iyon.

"Wala akong panahon na makilala siya. Okay? At saka p'wede ba 'wag na 'wag mo nang babanggitin yung mayabang na iyon." Inis kong sabi. "Pag hindi ka pa talaga tumigil diyan. Mag F.O. na tayo." Warned ko sa kanya.

"Grabe naman sa F.O." sabay hinga niya ng malalim. "O' siya, fine! I will stop liking him for the sake of our friendship. Pero bhessy, hindi mo ba siya type?"

"Type?" agad kong tugon. "No way. Over my dead body." Seryoso kong sagot.

"Huwag kang magsalita ng tapos." Wika niya. "Baka mamaya, kainin mo iyang sinabi mo." Sabay tawa.

"Hay naku! Matutulog na ko. Matulog ka na rin. Akala ko naman kung anong chika iyan. Tungkol lang pala sa kumag na iyon. Bye!"

Hindi ko na siya hinintay magsalita, in-end ko na kaagad ang call. Ilalapag ko na sana yung phone ko ng mag-send si bhessy ng photo.