webnovel

Chapter 3

AT DUMATING na ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw kung saan magsisimula na sila sa pagiging interns sa Lenares Group Inc. Kinakabahan siya, hindi maiiwasan. Hindi niya alam kung ano ang mga pupwedeng mangyari.

Relax, Daniella Elleiza Salvan. Everything's going to be just fine.

Ang sabi ni Helen, ang sekretarya ni Vhivian, before eight o'clock kailangang nasa opisina na sila. It's almost eight thirty at wala pa rin si Vhivian Robles. At kailangan nilang maghintay.

"Hi, Miss Salvan."

Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa may bandang likuran niya. Nanigas ang buong katawan niya. Napatingin siya kay Carla na noon ay nagulat rin at nakatitig lamang sa kanya.

Inaasahan niya na anytime, magkikita at magkikita sila ni Dexter Lenares. Pero bakit ba nagkakaganito siya?

"Good morning, Mr. Lenares," ang sunod-sunod na bati ng mga co-intern niya.

Dahan-dahan, nilingon niya ito at tumayo. Ngunit muntikan na siyang matumba sa pagkagulat ng malamang ilang pulgada lang pala ang distansiya nila sa isa't isa.

Naging alerto naman si Dexter at agad siyang nahawakan nito sa braso niya. "Are you alright?"

Napatitig siya ng husto sa mga mata nito. She's never been this close to someone...like Dexter Lenares. At doon niya lang nalaman ang kulay ng mga mata nito. Light brown!

Is he wearing contact lenses?

"They're real," bigkas nito.

"Ha?" Natauhan siya bigla ng maalalang nasa lobby sila ng mga sandaling iyon. And she has this feeling na pinagtitinginan na naman sila ng lahat.

For the second time around, clumsiness!

"You're staring straight into my eyes. They're real."

Napayuko siya sa pagkahiya. Wala nman akong balak titigan siyang talaga.

"Are you alright?" tanong sa kanya nito muli.

"Y-Yes."

Hinawakan nito ang kamay niya. Tiningnan nito ang palad niya. "You're okay," sabi nito.

Tinutukoy nito ang sugat niya sa palad. Tinanggal niya na ang bandage dahil maayos na iyon at it's healing.

"I'm okay," aniya. Bahagya niyang hinila ang kamay upang makawala sa pagkakahawak nito. "T-Thank you, Sir."

"This will be your first day, right?"

Tumango-tango lamang siya. Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Naalarma siya bigla. "I mean, yes, Sir. Today is our first day here as company's interns."

"Mrs. Robles will be late. Nagkaroon lang ng problema sa paaralang pinapasokan ng anak niya." Sinilip nito ang Timex wristwatch nito. "Pero sa tingin ko, she's on her way now."

"It's okay."

"You're leading this batch?"

"Yes, Sir. I was appointed being the Lead Intern of this batch."

"Alright." Tiningnan nito ang ibang intern na nakikinig sa kanila. "Kinse lang kayo?"

"Yes, Sir."

"At lahat sa Marketing Department?"

"Yes, Sir."

Napatingin ito muli sa kanya. At wala siyang ibang magawa kundi ang umiwas na naman. Ngayon alam niyang kahinaan niya ang mga titig nito.

"You look so tensed again, Miss Salvan. Relax. Hindi ako kumakain ng intern."

Bahagya siyang natawa sa biro nito.

"Anyway, bigla akong may naalala nang makita kita. Kaya kita nilapitan agad."

Nagtaas siya ng ulo. "Ano iyon, Sir?"

"I am expecting for an answer."

Answer? Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "I'm sorry, pero hindi ko po kayo maintindihan."

"Sagot mo doon sa tanong ko. To whom you dedicate that last song of yours last night?"

Nakaawang ang mga labing tiningala niya ito. Oh my gosh! Oh my gosh! As in oh my gosh! Siya ang nagbigay ng bulaklak? Hindi siya sigurado pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"You want me to repeat the question? " untag nito sa kanya.

"K-Kayo iyong nagpabigay ng bouquet kagabi?" Hindi siya makapaniwalang talaga.

"Yes. I wanted to give it to you personally kaya lang nagyaya ng umuwi ang mga kasama ko dahil natapos na ang show ninyo. Kaya pinakiusapan ko na lang ang isang waiter na ibigay iyon sayo. You liked it?"

"Of course."

"Of course?"

"Yes, Sir. I liked it. Thanks a lot."

"Why, Miss Salvan? May iba kang inaasahan na nagbigay sayo 'nun?"

"Not really. Palagi naman kasi akong nakakatanggap ng bulaklak pagkatapos ng show. I-I had no idea na sayo pala manggagaling iyon. Hindi lang kapanipaniwala."

"Hindi kapanipaniwala? "

"Ang ibig kong sabihin, hindi ko inaasahan na nandoon ka last night at nagbigay ng flowers."

"Binigyan na kita. Hindi ka pa rin naniniwala? "

Napalunok siya. "Thank you."

"You're most welcome, Miss Salvan. "

Lumapit ang sekretarya nito. "Excuse me, Sir Dexter, but you're meeting will start in five minutes. "

"I'll be there, Alexa."

Umalis na ang babae.

"So?" baling nito sa kanya. "I am waiting for your answer, Miss Salvan."

Ano ba ang gusto nitong malaman? When she look at him para itong presidente na naghihintay ng kasagutan sa mga pangyayari sa bansa. Ayaw patagalin lahat, hindi makapaghintay. And she can see his eagerness sa mukha nito.

"Para sa audience ko," aniya. "Sila naman ang dahilan kung bakit kumakanta ako doon."

"I see. No one's special?"

"N-No one."

"Alright." Sinilip nito muli ang relos. "I need to go. It's nice to see you, Miss Salvan. And I hope to see you around again."

Ngumiti lamang siya.

"Enjoy the rest of your day everyone." sabi pa nito sa mga nandoon bago tuluyang umalis.

Nang makitang nasa elevator na ito ay agad siyang nilapitan ni Carla.

"Oh my gosh! What happened? " pabulong na tanong nito sa kanya. "Ano bang pinag-usapan ninyong dalawa at mukhang napakaseryoso niyo?"

"Nangungumusta lang," aniya.

"Iyon lang? Mahigit kinse minutos kayo sa pag-uusap kumustahan lang?"

"Siya iyong nagbigay ng flowers sa akin last night sa bar," nakangiting sabi niya. Aaminin niya, kinikilig siya ng husto.

"Really?"

Tumango siya. "Hindi nga ako makapaniwala, eh."

"Damn! You got it girl. He likes you."

"Shhhh..." Napalingon-lingon siya. Bahagya ng tumataas ang boses ni Carla. Nababahala siyang baka may makarinig sa kanila.

"And it seems you like him, too."

"Carla!" Pinanlakihan niya ito ng mata.

"What? You're obviously obvious this time, Miss Daniella Elleiza Salvan. Para kang fireworks kapag kaharap mo siya, alam mo ba iyon?"

"Stop it. Kapag may nakarinig sa atin iisiping pinagpapantasyahan natin si Dexter Lenares."

"Asus! At ako pa talaga ang lolokohin mo."

Saka lamang tumigil si Carla nang dumating si Helen. Tinawag na sila nito at pinapasok sa loob ng Conference Room ng Marketing Department.

Oh well, this is a good start. Para bang inspired siya sa araw na ito.

*** *** ***

"DANELLE!"

Lakad takbong tinungo niya ang kinaroroonan ni Helen. Nasa loob siya ng opisina ni Vhivian at inaayos ang mga kakailanganin para sa isang urgent meeting ngayong hapon. Sa mga sandaling ito ay may kanya-kanya na silang task. Silang dalawa ni Carla ang siyang napiling magiging assistants nina Vhivian Robles at ng sekretarya nitong si Helen.

"Yes, Ma'am Helen?"

"May ipapakiusap sana ako sayo," anito at inabot sa kanya ang ilang papeles. "Kailangang mapirmahan iyan ng BAC Chairman. Siya na lang kasi ang hindi nakakapirma."

"Para ba 'to mamayang hapon?"

"Yes. At importanteng maka-attend siya sa meeting. You can do it, right?"

"Of course, Ma'am Helen. "

"Thank you, Danelle."

Humakbang siya papalayo ng opisina. Ngunit natigilan siya dahil hindi niya alam kung saan ang kinaroroonan ng opisina ng BAC Chairman. At hindi niya rin kilala kung sino ito.

Tiningnan niya ang notice na hawak niya. Isa-isa niyang binasa ang mga pangalan at designation ng mga nandoon. At nagulat siya sa huling pangalang nabasa.

Mr. Dexter Lenares, Chairman, Bids and Awards Committee (BAC). What?!?

Agad siyang bumalik kay Helen.

"May problema ba?" tanong agad nito sa kanya.

"B-Baka pwedeng tawagan na lang natin siya sa office niya?"

"Ayaw na ayaw ni Sir Dexter na dinadaan sa tawag ang importanteng bagay tulad nito. Ibigay mo lang iyan kay Alexa at siya na ang bahalang mag-abot niyan kay Sir Dexter."

Napahinga siya ng malalim. Pupwede naman palang sa secretary nito iaabot iyon. Pero gusto niya ring makita si Dexter.

"Go now, Danelle. Kailangang mapirmahan niya iyan at baka magiging busy iyon."

"A-Alright."

At ano pa nga ba ang magagawa niya? Habang nasa elevator siya ay iniisip niya kung ano ba ang mangyayari sa paghaharap nilang muli.

Oh come on! Sa Secretary mo ibibigay iyan kaya hindi mo kailangang mag-expect na makikita mo siya.

Nang makarating siyang fourth floor ay nanginginig ang mga tuhod niya habang hinahakbang ang hallway hanggang department ni Dexter. Napatingin sa kanya ang mga employee ng pumasok siya.

Binati niya ang bawat nakakasalubong niya. Sa may 'di kalayuan ay natanaw niya ang opisina nito. Nasa labas ang cubicle ni Alexa at nang makita niya ang babae ay dumeretso siya rito.

"Good morning, Ma'am Alexa," nakangiting bati niya rito.

"Hi!" Ningitian rin siya nito. "You are Ma'am Vhivian's intern, right?"

"Yes. I am Danelle," pakilala niya.

"Nice to meet you. So, what can I do for you?"

"May papapirmahan lang sana akong notice kay Mr. Lenares. " Inabot niya ang notice dito.

Binasa ng babae ang nakasulat doon. "Oh," anito pagkatapos. "Mamayang hapon na pala 'to." Tumayo ito at lumabas ng cubicle. "Wait here. And please, sit down."

"Thank you."

Ilang sandali ring nasa loob si Alexa. Nang makabalik ay hindi nito dala ang notice.

"Pasok ka sa loob," sabi nito. "Gusto kang makausap ni Sir Dexter. "

Gusto niya akong makausap? At bakit? At heto na naman siya. Mukhang mawawala na naman sa sarili niya dahil makakaharap niya na naman ito.

"Nasa kanya pa ang notice. "

"O-Okay. Thank you." Tumayo siya at tinungo ang nakasarang pinto. Akmang kakatokin niya ang pinto ngunit pinigilan siya ni Alexa.

"Don't knock. Just get inside."

Pinihit niya ang door knob. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto hanggang bumukas iyon. And to her dismay, hindi lang pala nag-iisa si Dexter sa opisina niya. May kasama ito. Isang magandang babae.

"Miss Salvan?"

"I-I'm sorry," aniya. "A-Ang sabi kasi ni Ma'am Alexa huwag na akong kumatok. H-Hindi ko alam na may kausap kayo."

"It's alright. Come on in."

"I'll just wait outside."

"Come in. She's going to leave anyway."

Pumasok siya sa loob. Nanatili lamang siyang nakatayo.

"I'll see you then." Tumayo ang babae at nilapitan nito si Dexter na nakaupo sa swivel chair nito. Hinalikan nito sa pisngi ang lalake. "Goodbye. I love you."

"I love you, too."

At kailangan niya pang marinig iyon? Marahan niyang nakagat ang pang-ibabang labi niya. Hindi niya maipaliwag kung ano man ang nararamdaman niya.

Ningitian niya ang babae ng mapadaan ito sa kanya.

"Hi," anito bago tuluyang lumabas ng opisina.

Napakaganda niya, ang nasa isip niya. Malamang ang mga ganoong tipo ang gusto ni Dexter. Alam niya, wala siyang chance. And why she's thinking about chances?

"Are you going to do that routine everytime you're in my office, Miss Salvan? "

Agad siyang napatingin kay Dexter. "S-Sir?"

"Iyong tatayo na lang diyan?"

"Oh."

"The next time you do that, I will never let you come here again."

Never? Parang batang tumungo siya sa visitors' chair na nasa harapan ng mesa nito. Umupo siya. "Thank you."

Binasa nito ang notice. "Mamayang alas dos pala 'to," anito. Nakatingin lamang ito sa papel.

"Yes, Sir."

"Kailan napagdesisyonan ni Ate Vhivian na magpatawag ng urgent meeting?"

"About three hours ago, Sir."

Napatango ito. Inangat nito ang uli at tiningnan siya. "You'll be there?"

"Sir?"

"Sa meeting. Are you going to be there?"

"Yes. Tutulong kami sa pag-a-assist."

"Good. "

Good. Bakit nasabi nito iyon? Good dahil ba makikita siya nito?

"I guess we're going to see each other more and more, Miss Salvan."

Ngumiti lamang siya.

"Right?"

"Y-Yes," biglaang bigkas niya. "I guess."

Matapos mapirmahan ang notice ay inabot na nito iyon sa kanya.

"Thank you." Tumayo siya.

"May gagawin ka ba after work?" tanong nito sa kanya.

Napaisip siya. May gagawin ba siya? "I-I guess, wala, Sir."

"You guess?"

"W-Wala akong gagawin," pagtatama niya.

"Can we have coffee?"

Is he asking me for a date? Kung pupwedeng magsisisigaw siya sa mga sandaling ito ay gagawin niya. Coffee lang, date na agad?

"Kung okay lang sayo."

Of course okay na okay! "It's okay."

"Good. See you later then."

Hindi niya maitago ang tuwa sa paglabas niya ng opisina nito. Sa pagpasok niya ng elevator hindi niya mapigilang mapahiyaw. Who knows? Nag-iisa lamang siya.