webnovel

CHAPTER 4

"LOOK who's late?" Natigilan ako sa lakas ng sigaw sa akin ng guro nang makapasok ako sa classroom.

Dumaan ako sa likod na pintuan kaya't lahat ng mga kaklase ko ay kinakailangan pang itagilid ang ulo para makita ako. Imbes na matakot ay humarap ako sa kanila nang may malaking ngiti kasabay ng mala-aso kong hingal.

"Hello po sa inyong lahat! Pasensya na po at na late ako! Na traffic ho kasi ako!" Pagdadahilan ko pa.

Nakasuot ng salamin ang gurong babae at base sa kanyang itsura ay nasa edarang trenta pataas na siya. Itinuro niya ako gamit ang dulo ng stick.

"Tell me your name, bakit ngayon lang kita nakita sa klase ko?" Masungit niyang tanong.

Mas lalo akong ngumiti, tipong kita ang aking gilagid. "Ako po si Nana Zie Dela Vega. Transfer student ho ako at ngayon lang ako naka attend sa klase niyo po."

Tumaas ang isa niyang kilay habang turo-turo pa rin sa akin ang stick. "Are you poor?"

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa kanya. "Opo, ma'am!"

"Miss." Madiin niyang sabi. "You must call me Miss Fae."

"Okay po, Miss Fae."

"Kung gano'n, bakit ka napasok sa akademyang 'to kung poor ka lang?"

Nabawasan ngiti ko. "Scholar ho ako."

"Hindi ba nag provide ang school sa'yo ng free uniform? Bakit lukot 'yang suot mo, parang pinulot lang sa basurahan." Tumutunog ang pagkataray niya.

Naririnig ko ang palihim na hagikhik ng mga kakalse ko, natutuwa sa pagatatray sa akin ni Miss Fae.

"Ito pong suot ko ay binigay ng school, libre ho."

Sarkastiko siyang ngumiti. "Ahh.. kung gano'n, ikaw 'yung walang ma-provide na plantsa?"

Tumango ako ng dalawang beses. "Gano'n nga ho."

May isang babae na kaklase ko ang siyang nagtaas ng kamay. Doon nabaling ang tingin namin. "Miss Fae! Sabi niya nag overheat daw 'yung plantsa niya kaya ganyan na lang uniform niyan! Wala nga 'yan pati salamin para makita sarili niya eh!"

Nagtawanan silang lahat na para bang isa iyong nakakatuwang biro. Nanahimik naman ako.

Sarkastikong napailing ang gurong babae. "Is that so? Tsk! Take your seat, Nana. We'll discuss about you later."

Tahimik akong naupo sa aking upuan. Binuksan ko ang bag ko para silipin doon ang panyong puti na pinaglagyanan ko ng nakuhang mga hibla kay Ryker. Palihim akong napangiti nang maisip ang tagumpay ko. Ngunit nabura iyon nang bumakas sa alaala ko ang nangyaring pagdampi ko ng labi ng sa kanya.

Sunod-sunod akong napailing at mariing napapikit. Hindi pwede! Wala lang 'yon, Naziena. Dampi lang na halik ang tawag do'n at walang kahulugan! Aksidente, hindi sinasadyang pangyayari!

Kumbaga.. Sibling kiss ang tawag do'n..

Umasim ang mukha ko. S-Sibling kiss?! Anong sibling kiss?! Hindi ko naman siya kapatid--ay wait? Baka kapatid ko pala ang Ryker na 'yon! P-Pero..

Nanlaki ang butas ng ilong ko at gulong-gulong napasabunot sa magulo, buhaghag, patay kong buhok!

Punyemas..

Napaayos ako ng upo nang may bumato sa akin ng lukot na papel. Hindi lamang isa o dalawang beses na binato ako, kundi marami! Naglinga-linga ako at nakita ang grupo ng mga lalaki na tahimik na nagtatawanan habang nakatingin sa akin. Naglulukot pa sila ng papel at patuloy akong binabato na para talagang nang aasar.

Imbes na maasar ay nag flying kiss pa ako sa kanila ng paulit-ulit. "Muah! Muah! Muah! Muah!"

Nalukot ang mukha nila, bumakas ang pagkadiri sa mga mukha na kinangisi ko. Mang aasar pa kayo ah?

Nginusuan ko sila para asarin pa. Bahagya kong inangat ang palda ko para ipakit ang hita ko sa kanila sa paraang nang aakit. Kamuntikan na akong matawa nang makita ang labis na pagkadiri sa kanilang mga mukha! Sabay-sabay silang nag iwas ng tingin.

HAHA! Mga mahihina ang bayag!

"Ay bayag!--" napatalon ako sa gulat nang may sumipa sa upuan ko mula sa likuran!

Nang lingunin ko iyon ay bumungad sa akin si Ryker na masama ang mukha! Matalim na nakatingin sa akin habang nakaupo sa kanyang upuan.

Kanina pa ba siya nandiyan?!

"Excuse me, Nana?" Unalingawngaw ang boses ni Miss Fae, agad akong napaharap sa kanya. "What did you just said, Nana?"

Sunod-sunod akong napailing. "W-Wala ho. Nabilaukan lang."

"She said BAYAG." nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Ryker!

Gulat akong napaharap sa kanya. "Hoy!"

Matalim man ang mga mata ay nginisihan niya ako. "Nana said bayag while flirting with other boys."

Lalong nanlaki ang mga mata ko! Dumagundong ang kaba ko nang sa unang pagkatataon ay marinig ang pangalan kong sinambit niya. Ngunit mas kinabahan ako sa sinabi niya!

"A-Anong flirting with other boys ka diyan?!" Hindi ko napigilang mapasigaw.

Tinuro niya ang grupo ng mga lalaki kanina at tinuro ang aking palda. "If not flirting.. You're seducing them.. aren't you?"

Napaawang ang labi ko. "K-Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"

Subalit mas lalong napaawang ang labi ko nang magsalita ang isa sa mga lalaki kanina. "Miss Fae! It's true! She's trying to seduce us!"

Awtomatiko akong napatayo at humarap sa lalaking 'yon. "Aba! Yawa kang bata ka ah!"

"NANA! Sit down!" Hinampas ng guro ang mesa gamit ang kanyang stick.

Nahilot ko ang aking sintido. Oo nga pala, ako si Nana. Kalma lang, Naziena. Mga bata ang kaharap mo. Be another person for pete's sake!

Naupo ako at may malaking ngiti na humarap sa babaeng guro. "Walang katotohan, ma'am. Binato nila ako ng papel at nang aasar kaya inasar ko rin sila."

"Miss!" Mariin niyang sabi. "Don't call me ma'am. Do I have to repeat myself again? I'm Miss Fae!"

"Sorry, MISS Fae." Mariin ko ring tugon.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bastos ka bang babae ka?"

Nangunot ang noo ko pero pinilit pa ring lakihan ang ngiti ko. "Hindi ho, ikaw ba? Bastos ka ba, MISS Fae?"

Nalukot nang tuluyan ang mukha niya. "What kind of scholar student are you?! Ganyan ba ang ugali ng mga mahirap na tao? Madungis na nga, basura pa ang pag uugali!"

Hindi ako tumugon, pinili ko na lang itikom ang bibig ko at baka kung ano pa ang maibulgar ko. Narinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko na kinanguso ko na lamang.

"GET OUT! Simula nga 'yon, huwag ka nang pumasok sa klase ko! OUT!" tinuro niya ang harapang pintuan.

Deretso akong tumayo at kinuha ang aking bag. Pero sa halip na dumaan sa harapang pintuan kung saan siya nakaturo ay doon ako sa likurang pintuan dumaan.

"Bastos!" rinig ko lang sigaw niya.

Napakamot ako sa aking ulo at tuluyang naglakad pababa ng 4th floor. Mukhang napaaga ang recess ko ngayon ah.

Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon nila sa oras na malaman nilang graduate na ako ng college at isang summa cum laude na estudyante. Oh well, I must hide my identity no matter what.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang canteen. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay may nakaagaw na sa atensyon ko. Pamilyar na lalaki ang kumakain sa canteen.

Walang anu-ano'y pumasok ako sa loob at dumeretso sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat nang mag angat ng paningin sa akin.

"What?" Asik niya sa'kin.

Ngumiti naman ako ng malaki. "Hi, Colby! Nandito ka pala kaya pala akong nakitang cute sa classroom kanina! Hahahahaha!

Sumama ang mukha niya. "Leave me alone. You're so annoying."

"Psh!" Napanguso ako. "Bakit ang sungit mo?"

Hindi niya ako tinugon, patuloy lang siya sa pagkain ng carbonara. "Pwede makihingi? 'Di pa kasi ako kumakain ng almusal. Gutom na gutom na ako!"

"Go buy some." Tugon niya.

"Eh wala akong pera! Mambuburaot muna ako sa'yo--"

"Eat."

Kusa akong natigilan nang biglaan niya iyong ilagay sa harapan ko. Ni hindi man lang niya ako tiningnan at walang anu-ano'y tumayo siya at naglakad palabas ng canteen! Ilang segundo ko ring pinanood ang pag alis niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Matagal akong natameme at napatingin sa carbonara na wala pa sa kalahati ang naubos. Wow. Ang bilis naman niyang ibigay. Siguro'y nakulitan agad sa'kin..

"Yey! Hihi!"

Akma ko iyong titikman nang may sumipa sa upuan na inuupuan ko!! Inisan akong lumingon sa aking likuran at nakita roon ang masamang mukha ni Ryker!

"B-Bakit ba bigla-bigla kang sumusulpot para lang sipain ang upuan ko?!" Gulat, inis kong sigaw sa kanya.

Punyemas, kung kapatid ko lang din 'to ay magpapakamatay na lang ako! Paano naman lalaking ganto si Duziell? Diyos ko!

"I know what's your purpose and intention." Seryoso niyang sabi na kinaawang ng labi ko.

"H-Ha?"

Tumayo ako at tiningala niya, ang tangkad ng lalaking 'to. Paano lumaki ng ganto si Duziell? Shoot! Hindi ako sigurado kung siya ba talaga si Duziell.

Yumuko siya sa'kin at nagtama ang mga mata namin. "You think I wouldn't know?"

Nanlaki ang mga maga ko at napalunok.. Gano'n na lang ang kaba ko!

"A-Anong sinasabi mo?"

"I know what you want, Nana." Seryosong-seryoso niyang sabi! "You're busted."

S-Shooooot! N-Nahalata niya ba.. Shoot! Shoot! Shoooot!

"I now understand why you're hitting on me."

"R-Ryker--"

Gamit ang hintuturo niyang daliri ay tinulak niya ang noo ko ng ilang beses.

"You. Are." tumaas ang sulok ng labi niya. "Obsessed. With. Me."

Mas nanalaki ang mga mata ko ganundin ang butas ng ilong ko! "O-Obsessed? H-Haaaaa?!"

Umayos siya ng tayo, ngising-ngisi. "I figured it out now. First, you steal my attention. You ripped my shirt so that I will remember you. Then again, you tried to steal my attention again by pulling my hair earlier. You're violent and in love with me at the same time.."

Ilang beses akong napakurap. "Ha?"

Muli siyang yumuko sa akin. "That's what makes you.. obsessed with me."