webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter Thirty-Three

"Hi! Pwede bang maki-share ng table?" sabi ng isang hindi pamilyar na babae.

Mukhang bago lang sya sa school na to.

"Go ahead," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nakarinig naman ako ng mga bulungan tungkol sa babaeng tumabi sa'kin. Ganon naman palagi. Wala kasing may lakas ng loob na makipag-kaibigan sa akin. Masyado silang naiintimidate sa akin. Dahil don wala akong kaibigan sa school na 'to. Hindi naman ako nagrereklamo dahil may maganda rin itong epekto sa akin. Mas nakakapag-aral ako nang maayos at mas madali kong nakuha ang rank no.1 sa school na 'to.

"Ako nga pala si Michelle Sta Maria, Michie nalang, ikaw si Samantha Perez hindi ba?" nakangiting tanong nya. ^^

"Yes," tipid na sagot ko.

"Alam mo bang sikat ka rito?" kumakain sya habang nagtatanong.

Mukhang bago nga lang sya dito. Kumakain sya habang nagsasalita. Ang kalat ng pinggan nya. Ngayon lang ako nakakilala ng ganitong klase ng babae! Hindi ba nya alam kung ano'ng school ang pinasukan nya?

"At alam mo ba na sinasamba ka ng mga estudyante dito? Nakakatawa! Hahaha! Akala yata nila dyosa ka! Hahaha!" at tumawa sya nang malakas.

"Tapos na ako," kinuha ko ang tray at itinapon ang basura.

Lumabas na ako ng canteen at habang naglalakad sa hallway may ilang estudyante ang bumati sakin.

"Hi Samantha!"

"Samantha ang ganda mo talaga!"

"Tapos ka na ba mag-lunch Samantha?"

Tumango lang ako sa mga bumati sakin. Hindi ako ngumingiti. Hindi ako marunong magpakita ng expression sa mukha. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ilag sila sa akin. Ang mga estudyanteng bumati sa akin, hindi nila ako kilala. Hindi ko rin sila kilala. Walang may kilala sa totoong Samantha.

Ang totoo, gusto kong tumakbo palayo sa lugar na 'to. Gusto kong sumigaw. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawalan ng kulay ang mundo ko. Para akong nalalaglag sa balon. Walang nakakarinig sa akin.

"Paborito mo bang libro yan?"

Tumingin ako sa nagtanong, nasa tapat ko sya at nakangiting nakatingin sakin. Sya na naman. Sinundan nya ba ako dito sa garden?

"Hindi."

"Kung ganon bakit mo binabasa? Maganda ba?"

Medyo naiinis na ako sa babaeng ito. Bakit nya ba ako kinakausap? Ano bang kailangan nya?

"Dahil kailangan kong basahin ito," nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Ang boring naman. Wala ba talaga kayong ibang alam gawin kung hindi ang mag-aral?"

"Iyon naman talaga dapat ang ginagawa ng mga estudyante hindi ba? Mag-aral."

"Pero kung minsan kasi nakakalimutan nila na mga bata parin tayo. Kailangan matutong mag-saya. Ano nga pala ang hobbies mo?"

"Mag-basa," hindi ko tinignan ang reaction nya pero alam kong inip sya.

"Yun lang? Wala nang iba?" winagayway nya ang dalawang braso nya habang pabalik-balik sa paglalakad.

"Tinuturuan kami ng St. Celestine High kung paano kumilos nang nararapat at dalhin ang mga apelyido namin ng may karangalan. Ano ba sa tingin mo ang school na ito? Hindi ito public na pwedeng mag-lakwatsa at pabayaan ang pag-aaral," iyon na yata ang pinakamahabang nasabi ko sa isang tao.

"Masaya ka ba?"

"Saan?"

"Sa ginagawa mo? Hindi ka ba nasasakal dito?"

"Hindi na importante 'yon," isinara ko ang libro. Hindi naman ako makapagbasa dahil sa transfer student ito.

"Pano mo nasabi yan? Importante sa isang tao ang maging masaya! Kailan ka ba huling tumawa?"

"Bakit mo ba itinatanong ang mga bagay na yan?!" naiinis na talaga ako.

Medyo tumataas na din ang boses ko. Kailan daw ba ako huling tumawa? Ano bang pakialam nya?

"Dahil gusto kong malaman," ngumiti na naman sya.

"Bakit naman?"

"Dahil gusto kitang maging kaibigan at gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa'yo."

Natigilan ako sandali sa sinabi nya. Tinitigan ko lang ang mukha nya. Ano ba ang sinasabi ng isang ito? Ako? Gusto nyang kaibiganin

"Humanap ka nalang ng iba, yung makakasundo mo," tumayo ako at lumakad palayo.

"Hindi ako susuko Sammy! Magiging friends din tayo at mapapangiti din kita! Bye friend!" sigaw nya.

Hindi ko alam na doon na pala mag-uumpisa na magbago ang lahat sa buhay ko. Dahil sa isang makulit na new student na gustong makipagkaibigan sa isang katulad ko.

***

Kinabukasan sya ang unang nakita ko pagpasok ko ng classroom.

"Sammy! Good morning friend!" bati sa'kin ng new student na hindi ko maalala ang pangalan nang pumasok ako sa classroom.

"Morning..." pero hindi good. Umupo na ako at nagbasa.

"Sammy... Sammy... Sammy~" kinakanta nya na ngayon ang pangalan ko habang nag-ho-hop palapit sa desk ko. "Sammy... Sammy... Ang kaibigan kong si Sammy~"

Hindi ko sya pinapansin at nagbasa lang ng panibagong libro. Nakatingin na sa'min ngayon ang mga kaklase namin. Hindi ba sya nahihiya?

"Ang maganda at matalinong si Sammy~ Kaibigan ni Michie na si Sammy~" umupo sya sa side ng desk ko at tinitigan ako.

Tinitigan lang nya ako nang tinitigan habang nakangiti. Naiinis ako sa kanya.

"Gusto mo ba si Michie, Sammy? Kasi si Michie gustong gusto si Sammy!" gumagamit sya ng third person ngayon. Ang weird nya talaga!

"Ms. Sta. Maria, umupo ka nang maayos sa pwesto mo!" dumating na pala ang instructor namin. Si Ms Concepcion.

"Yes Maam!" sumaludo ang new student kay Ms Concepcion at nag-march papunta sa silya nya.

Nakita nya na nakatingin ako sa direksyon nya kaya naman kinawayan nya ako.

Nang matapos ang klase naiwan sa room sina Ms. Concepcion at ang makulit na new student. Sa tingin ko pinagsasabihan sya dahil sa kakaiba nyang character. Nang makalabas na ako narinig ko ang usapan nila.

"Ms. Sta Maria, inaasahan ko na sa susunod babawas bawasan mo na ang pagkilos bilang isang... Ang ibig kong sabihin matuto ka sanang kumilos ng tama. Alam kong hindi ka sanay at lumaki ka sa isang mahirap na pamilya pero hindi iyon excuse para pagbigyan ka namin! At ang isa pa, inaasahan ni Mr Smith na maturuan ka ng kagandahang asal, kung hindi namin magagawa iyon reputasyon ng school na ito ang masisira. Naiintindihan mo ba?"

"Opo Ma'am," malungkot na sagot nya.

"Good! Alam kong maiintindihan mo. At isa pa nga pala Ms. Sta Maria, iwasan mo na si Ms. Perez simula ngayon."

"Si Sammy?! B-Bakit naman po sya napasama sa usapan na to Ms. Concepcion?!" lumakas bigla ang boses nya.

"Hush! Hinaan mo ang boses mo Ms. Sta Maria. Hindi ganyan mag-salita ang isang dalaga."

"S-Sorry..."

"Sasabihin ko sayo kung bakit. At makinig kang mabuti sa sasabihin ko."

"Yes Ma'am."

"Mahalaga si Ms Perez para sa school na ito. Sya ang itinuturing naming kayamanan. Isa syang dyamante na iniingatan namin. Maimpluensya ang pamilya nya kaya naman malaki ang naitulong nito sa St. Celestine. Nang malaman ng ibang importanteng tao ang tungkol dito napagpasyahan nilang dito na rin ipasok ang mga anak nilang babae. Maraming donasyon ang dumating sa eskwelahan na ito. Bukod doon dahil sa kagandahang asal at katalinuhan ni Ms Perez mas naging kampante sila na ipagkatiwala sa amin ang edukasyon ng mga anak nila. Inaasahan nila na maituturo rin namin sa mga anak nila ang mga natututunan ni Ms Perez. Isa syang star sa school na ito. Sya ang sumisimbolo at nagdadala ng pangalan ng school na ito."

"Wow! Ang galing pala talaga ni Sammy! Hahaha!"

"At ikaw naman Ms. Sta Maria, hindi ka nababagay na makipag-kaibigan sa kanya. Hindi ka magandang impluensya para kay Ms Perez. Baka matuto lang sya ng kalokohan dahil sa'yo. Maraming mata ang nakatingin sa kanya. Tumitingala at umiidolo sa kanya. At kung didikit ka sa kanya malalason mo lang ang pag-iisip nya. Hindi ka magandang impluensya para sa kanya Ms Sta Maria. Naiintindihan mo rin naman siguro."

Nagkaron ng ilang segundo ng katahimikan sa loob.

"G-Gusto nyo na layuan ko si Sam?"

"Oo, ganoon na nga."

"Ang selfish nyo! Ano ba ang tingin nyo kay Sammy?! Isang palamuti dito?! Alam nyo bang hindi ko pa sya nakikitang ngumiti?! Nang dahil sa inyo—"

"Ms. Sta Maria! Hindi ko akalain na ganito na pala kasama ang ugali mo. Sumasagot ka na ngayon sa mas nakakatanda sayo?!"

"Ayoko! Hindi ko sya lalayuan! Ayoko!" umiiyak na sigaw nya.

"Kung hindi ka susunod, mapipilitan kaming paalisin ka sa school na ito."

Matagal na katahimikan ang sumunod. Hindi ito ang unang pagkakataon na may estudyanteng napagsabihan para layuan ako. Pero kahit na may ilang beses na itong nangyari sa'kin, hindi ko parin maiwasan na makaramdam ng uneasiness sa puso ko. Naiintindihan ko naman kung bakit nila ito ginagawa. Natatakot sila sa magiging epekto ng pagkakaroon ng kaibigan sa akin. Natatakot sila sa isang bagay na hindi nila alam kung kaya nilang kontrolin o hindi.

"Naiintindihan mo ba Ms Sta Maria? Wala kaming magiging problema sa pagpapaalis sa'yo sa eskwelahan na ito. Sasabihin lang namin kay Mr. Smith na hindi mo kayang sumunod sa mga patakaran namin."

Hindi ko maintindihan kung ano ang background na sinasabi ni Ms Concepcion.

"Ms Perez hindi ka pa ba pupunta sa susunod mong klase?" tanong ng isang boses sa likod ko.

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Agad akong napatingin.

"Vice Principal..." nakita ko sya na pinag-aaralan ako sa pamamagitan ng tingin. Isa syang babae na nasa late 30s at may kakaibang aura na pakiramdam mo ay nanliliit ka sa tingin nya.

Tumingin sya sa pintuan sa harapan ko at pagkatapos ay binuksan nya.

"V-Vice Principal kayo po pala. May kailangan po ba kayo?" gulat na tanong ni Ms Concepcion.

"Ms Sta Maria sige na, pumasok ka na sa susunod mong klase," sabi ng Vice kay Michie.

"Opo," pinunasan ni Michie ang pisngi nya at lumabas ng silid.

Napatigil sya nang makita nya ako sa labas. Mukhang iiyak na naman sya. Hindi ko alam kung bakit napakalungkot ng mga mata nya.

"Sam," ngumiti sya ng tipid sa akin.

"Ms. Perez sabay na kayong dalawa na pumunta sa susunod nyong klase. Dumiretso ka sa office ko pagkatapos," sabi ng Vice Principal sa akin.

"Opo," sagot ko at nauna nang naglakad.

"Sam?" tanong ni Michie. Nakasunod sya sakin.

"What?"

"G-Gusto mo ba si Michie?"

"Hindi ba halata?" emotionless na tanong ko.

"Pero gusto talaga ni Michie si Sam..."

"Hindi. Hindi kita gusto."

Napatigil sya sa paglalakad. Nilingon ko sya. Nakayuko sya habang nakatayo sa gitna ng hallway. Papatalikod na sana ako dahil tingin ko ay nagsasayang lang ako ng oras sa kanya pero may nakita ako. Isang tila butil ng crystal ang nalaglag mula sa mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit pero nang mga oras na 'yon naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya. Pakiramdam ko kasama nya rin ako na nasasaktan, kahati nya ako sa bigat ng nararamdaman nya.

Kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanya pero napatigil ako nang i-angat nya ang mukha nya at pilit na ngumiti sa akin.

"P-pasenya ka na ha... Hahaha!" tumatawa sya habang may tumutulong luha sa mga mata nya. "Siguro nga hindi talaga ako bagay sa lugar na ito. Pero alam mo ba Sammy? Gusto talaga kita... Nakikita ko—nakikita ko na pareho lang tayo. Hahaha!" pinunasan nya ang mga luha nya gamit ang kanyang kamay. Ngumiti sya. "Hindi ko alam kung bakit ako sinisipon, ang init init naman. Sige ha," lumakad na sya.

"Heto," inabutan ko sya ng panyo.

Tumingin sya dun sa panyo na nasa kamay ko at pagkatapos ay sa akin. Parang nagulat sya. Silly girl. Mukha syang isang lost puppy.

"Hindi magandang tingnan sa isang babae ang umiiyak nang walang gamit na panyo para ipunas. Kunin mo na."

Tingin ko mas lalo pa syang iiyak. Weirdo. Pero ngumiti lang sya and this time isang genuine smile iyon.

"Salamat," kinuha nya ang panyo sa kamay ko. Pinunasan nya ang basa nyang pisngi and she even blew her nose.

Inabot nya sakin pabalik ang gamit na panyo. Kahit galing Paris ang panyo na 'yun sa tingin nya ba kukunin ko pa 'yon galing sa kanya?

"Err. Keep it."

"Okay!"

Naglakad na ulit kami. Hindi sya nagsasalita at nakakapanibago yun. Nakangiti lang sya habang hawak ang panyo, tinititigan nya.

"Hindi ako galit o naiinis sayo. Ginagawa ko lang kung ano sa tingin ko ang dapat. Nakita mo naman hindi ba? Hindi nila ako hahayaan na magkaroon ng isang kaibigan. Hindi ako... normal," paliwanag ko.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon sa kanya. Siguro dahil sa guilt. Ang emotionless na si Samantha nakakaramdam ng guilt dahil sa new student? Psh! Binuksan ko ang pinto ng classroom at pumasok. Nakasunod sya sa likod ko. Nag-umpisa ang klase at minsan nararamdaman ko na nakatingin parin sakin ang new student na yon.