webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter Sixty-Five

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni TOP habang nagmamaneho ng kotse nya.

"Wala naman," nakatingin ako sa labas.

"Nag-iisip ka ba ng ibang lalaki?"

"H-Hindi ah!" ang totoo nyan, iniisip ko si Sir Anthony. Nakakaawa naman sya. Isang tragic love story.

"You better..."

"TOP?"

"Ano?"

"Ano'ng gagawin mo kapag... namatay ako?"

*SCREEEECHH!*

"AAAHCK!" bigla syang nagpreno, muntik na akong mag-dive buti may seatbelt.

"Dammit!" he cussed. "May cancer ka ba?!"

"Wala ah! I'm perfectly healthy!"

"Pupunta tayo sa hospital! Ipapa-check up kita!" Nag-drive na ulit sya.

"Wala nga! Nagtatanong lang ako kung ano'ng gagawin mo kung sakali!"

"Hwag kang magtanong ng tungkol dyan!" galit na naman sya.

"Sorry.."

"Shit!"

Umiwas ako ng tingin. Galit talaga sya. Nakakatakot!

"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi," huminga sya ng malalim. "Hindi ko naman kayang magalit sayo, mahirap magalit sa'yo. Pero hwag mo na ulit akong tatanungin nang ganyan Miracle. Hindi mo magugustuhan ang sagot ko."

"I'm sorry. Hindi ko na dapat tinanong pa 'yun."

"Naiinis lang ako minsan, hindi kasi kita maintindihan," tapos bumulong sya. "Mga babae. Ang hirap intindihin."

"Hindi naman kami mahirap intindihin, manhid lang talaga ang mga lalaki!"

"Hindi kami manhid. Masyadong malaki lang talaga ang expectations nyo sa'min. Hindi naman kami manghuhula para mabasa kung ano'ng iniisip nyo. Dapat matuto kayong magsabi kung ano'ng gusto nyo o nararamdaman nyo," tumingin sya sakin saglit. "Kita mo kung ano'ng nangyari sayo nang..." bumuntong hininga sya. "Hindi ko malalaman kung ano'ng nangyayari sa'yo kung hindi mo sinabi. At hindi ko alam kung anong gagawin ko nung hindi ka nagsasalita."

"Eh kasi nakakahiya no, you're a guy," tapos bumili pa sya ng napkin para sa'kin!

"I am not just a guy Miracle. I'm your boyfriend, you can always depend on me. Para saan pa at naging boyfriend mo ako kung hindi kita aalagaan?"

"Ayokong maging pabigat."

"Ako lang ang pwedeng magsabi kung pabigat ka o hindi."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi ka pabigat at gusto kitang alagaan kaya hayaan mo nalang ako."

"I don't know what to say"

"You don't have to say anything," he smirked. "Just kiss me."

And I did. Inalis ko ang seatbelt ko at nilapitan sya. Hinalikan ko sya sa labi.

***

Nagising ako sa tunog ng makulit kong alarm clock. It's ten o'clock. Kailangan kong pumunta sa bahay ni JG ng twelve. Ngayon lang ulit kami makakapag-bonding ni JG since palagi syang busy. Artista. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at lumabas na ako ng bahay.

"Teka! Sammy!" tawag ni Michie.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ang Crazy Trios na nakabihis pang-alis. Saan naman kaya sila pupunta?

"Aalis din kayo?" tanong ko sa kanila.

"Sasama kami sayo!" sabi ni Maggie.

"Huh?"

"Pupunta ka sa mall diba?" tanong ni China.

"Pasama kami!" - Michie

"Hindi ako pupunta sa mall."

"Hwag kang magkaila Sammy, alam namin na pupunta ka sa mall para mag-shopping! Sale kaya ngayon!" - China

"Yup! Yup!" - Michie

"Sale? Kailan ba ako bumili ng sale?" tanong ko.

Hindi sila nakaimik. Tinignan lang nila ako.

"Exactly. Kaya, kayo nalang ang pumunta sa mall, bye." Mabilis akong pumara ng Taxi at sumakay.

Sorry friends, pero hindi kayo pwedeng sumama sa lakad ko lalo na kung malalaman nyo na si JG ang kasama ko. Sigurado ako, hindi nyo sya bibigyan ng katahimikan.

Pinapasok kaagad ako ng maid sa loob ng bahay ni JG nang dumating ako. Dumiretso naman ako sa kwarto ni JG. Kailangan kasi nya ng tulong para sa 'disguise' nya. Since sikat sya masyado, mahirap para sa kanya ang maka-pasyal sa mga pambublikong lugar.

"JG?" kumatok muna ako sa pinto bago buksan.

"S-Sam?"

"OH MY GOSH!" Isinara ko ulit ang pinto. "SORRY!" sigaw ko. Shucks! WAAH! ANO BA 'YAN?!

Pagkalipas ng ilang segundo, muling bumukas ang pinto. Thank God, hindi na sya shirtless! Wala naman malisya 'yon para sa'kin dahil sabay kami halos lumaki ni JG. Pero nakakaramdam ako ng guilt para kay TOP.

"Sam, pasok ka," nakangiting sabi nya sa'kin.

"Sorry kanina ha. Bigla akong pumasok."

"It's alright," nag-shrug lang sya at lumapit sa isang bundok ng mga damit sa kama nya. "Sinusubukan ko na maghanap ng damit na pwede kong magamit sa lakad natin pero.."

"D&G, Prada, Armani. Nasan na yung mga binili natin dati?"

"Nakita ni Manager, itinapon."

"Damn." Isa talagang fashion freak ang manager ni Gabby.

"Did you just?"

"Huh?"

"Did you just curse?"

"Oh, uh. Did I?"

"Yes. Sam, nahahawa ka na sa KANYA," idiniin nya ang salitang kanya.

"Gabby, please let's not talk about my boyfriend—"

"I don't understand! Do you really like him? Why him? Of all people, why him?"

"'Him' has a name and it's TOP. He's my boyfriend and I chose him because I love him!" I hissed.

Almost immediately, nakita ko ang sakit sa mata nya. Nakagat ko ang dila ko. Ang daldal ko talaga. Pero naiinis kasi ako kapag minamaliit nila si TOP.

"That's not possible. You don't know him that well."

"I love him."

"Fine! You love him, you don't have to tell me twice," he said through gritted teeth. "Just be careful. I don't trust that guy."

"You don't have to."

"You're blind."

"Love is blind."

"He's not good for you Samantha."

"Believe me," I smiled. "He's too good for me."

He sighed. "You win for now, pero gusto ko parin na mag-ingat ka sa kanya,"

"Gabbie.." I whined.

"Sammy."

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyo sa kanya ni Kuya Lee, may dapat ba akong malaman?"

"Wala. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam namin sa taong 'yon."

"Alright. I'm sure magkakasundo rin kayo ni TOP kapag nakapag-bonding na kayo."

"Doubt it," bulong nya.

"May sinabi ka ba?"

"Let's drop it. Isipin nalang natin kung alin sa mga ito ang isusuot ko," turo nya sa bundok ng mga damit.

"Mahabang pilian ito."

"Yeah, well, mahaba pa naman ang oras."

"I swear to God, JG, kailangan mo nang maghanap ng bagong manager."

"Yung hindi fashion freak?"

"Yes!"

"Bakit hindi ka mag-apply?" pabirong sabi nya.

"No thanks. Baka sumikat pa ako bigla."