webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter One Hundred Twenty-Two

Two Years Later

Itinago ko ang notebook na hawak ko sa bag ko. Nakalapag na ang eroplano. Kalalabas lang namin ng airport ni Red. It's so good to be back! Ang saya sa pakiramdam na nakabalik na rin kami dito sa Philippines! I missed the familiar air of this country! I missed the same old surroundings. At namiss ko ang pagtatagalog!

"Home Sweet Home!" sambit ni Red saka huminga nang malalim habang nililibot ng tingin ang paligid.

Ngumiti ako sa kanya. May mga dumating na lalaking naka-suit at kinuha ang mga gamit namin.

"Mommy! Are we in the Philippines now?" Ngumiti ako.

"Yes baby, we're here," sagot ko sa two years old na batang lalaki na nasa braso ni Red.

"Mukhang inaantok ka pa Angelo ah," sabi ni Red sa bata.

"No Daddy," humikab sya. "I'm not sleepy yet."

Sumandal yung ulo ni Angelo sa balikat ni Red. Maya-maya nakatulog na sya. Kung titignan mabuti, parang mag-kamukha silang dalawa.

Tumawa ako. "Napagod sa byahe," sabi ko.

Ngumiti si Red. "Let's go.." inilahad nya ang kamay nya sa'kin.

Hinawakan ko yun at sabay kaming naglakad. Si Angelo buhat nya sa isang braso at mahimbing na natutulog. Dalawang taon ang lumipas nang umalis kami para tumira sa France.

Marami ang nagbago sa'kin, sa amin ni Red. Sabihin nalang natin na...may nabuo kaming feelings towards each other. It was mutual. Simula nang umalis kami rito...wala na kaming nareceive na balita tungkol sa mga kaibigan namin. Sinadya ng mga parents namin ni Red na putulin ang communication namin sa mga naiwan naming kaibigan dito.

Gusto nilang maging dependent kami ni Red sa isat-isa hoping na mauwi 'yon sa isang malalim na relasyon. May naghihintay na sasakyan para sa amin. Pumasok kami sa loob. Nang umandar ang sasakyan, tumingin ako sa bintana. Ang daming nagbago sa paligid. Ang Crazy Trios, kumusta na kaya sila? Nasaan na kaya sila?

Nang makarating kami sa bahay dumiretso kami sa kwarto na ipinagawa para kay Angelo. Isa 'yong kwarto na pambata. Puno ng laruan na panglalaki na naaayon sa edad nya. Inihiga ni Red si Angelo sa kama nito.

"Red. Magkamukha kayo."

"Sus! Tagal ko nang sinasabi sa'yo eh. Sa'kin ipinaglihi si Angelo, hilig mo makipagtalo," naka-smirk nyang sabi.

"Sana nga lang hindi nya nakuha ang ugali mo," hirit ko.

"Parang ang sama ng ugali ko ah?"

"Hmm." Nag-shrug ako at lumabas ng silid.

"Hindi naman eh," narinig kong bulong nya.

Napangiti ako. Naniwala naman? Bumaba na ako ng hagdan.

"Samantha."

Nagulat ako nang nasa tabi ko na sya kaagad.

"Bakit?"

"Aalis ka ba?" usisa nya.

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya. Tumango ako.

"Gusto mo ba na samahan kita?"

"Hindi na Red. Ako nalang. Isa pa, may pupuntahan ka rin di'ba?"

"Oo. Sigurado ka ba na hindi mo kailangan ng kasama?"

"Sigurado."

Tumango sya at naging seryoso.

"Tawagan mo ako kung kailangan mo ako."

"Wala na tayo sa France, Jared. Hindi ako maliligaw dito sa Pilipinas."

"Alam mo na hindi 'yan ang tinutukoy ko."

Huminga ako nang malalim. "Sige. Tatawagan kita kapag kailangan."

"Magiging okay din ang lahat Samantha."

Sana nga. Ngumiti ako at naglakad na palabas ng bahay. Sumakay na ako ng kotse ko. Natuto na akong mag-drive sa France. Mag-isa na ako ngayon, mapupuntahan ko na sya.

Sa wakas makikita ko na sya. Lagpas two years na ang lumipas. Kumusta na kaya sya? Timothy. Naghihintay ka parin ba? Sa pagda-drive ko, marami akong nadaanan. Yung park. Yung all boys school. Yung all girls school. Napahinto ako sa tapat ng gate ng St. Celestine High. Sa tapat ng gate nakita ko si Timothy.

Si Timothy at ako na nakatayo sa tapat ng school habang nanunuod ng fireworks two years ago. Two years. Two years Timothy. Hinihintay mo parin ba ako?

***

In-off ko ang engine ng sasakyan. Matagal kong pinagmasdan ang Sweets House. Nagbago na sila ng design. Muntik ko nang lagpasan kung hindi ko lang nabasa ang pangalan ng shop. 'Sweety's Sweets House'

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse. Pumasok ako sa loob ng shop. Nandito kaya si Sweety? May ibang staff na nagtatrabaho rito. Mas malaki na rin ang loob nito, dumami ang tables at mas marami ang customers. Umupo muna ako sa isang table for two. Hinahanap ko si Sweety pero hindi ko sya makita sa paligid. Itatanong ko sana sa kanya kung nasaan si Timothy. Bago ko harapin si Timothy, kailangan ko munang malaman kung ano ang nangyari sa kanya nung nawala ako. May girlfriend na kaya sya? Parang...hindi ko kayang humarap sa kanya kung meron. Sya parin talaga ang...laman ng puso ko.

"Ano po'ng order nyo Mam?" tanong sakin ng waitress, may inabot sya sa'kin na menu.

"Uhh. Orange juice, please?"

"Yun lang po ba? Baka po gusto nyong i-try ang special strawberry cake namin. Popular po yon sa mga customers namin."

Strawberry. Favorite ni Timothy.

"O sige."

"Coming right up."

Umalis na sya. Nang dumating ang order ko. Tinanong ko sa waitress kung nasaan si Sweety.

"Wala pa po sya Ma'am. Sa tingin ko po parating palang po sya."

"Ganon ba? Sige salamat."

Ano kayang oras darating si Sweety? Kinain ko nalang ang cake na nasa harapan ko. Strawberry. Ito rin ang cake na in-order namin ni Timothy dati. Ang huling punta namin dito, ang huling date namin. Huling date pero pinaka-memorable sa lahat. Natigil ako sa pagiisip ko ng nakaraan nang biglang may umupo sa tapat ko.

"Hello Samantha."

"Sweety? Akala ko..ang ibig kong sabihin wow! Na-miss kita!"

Ngumiti sya. Two years. Nag-matured na sya. Simple at iba na sya ngayon. Parang ang iksi naman ng two years para marami ang magbago. Ano'ng nangyari nang umalis ako? Lahat ba ng naiwan ko dito, lahat ba sila nagbago?

"I didn't expect to see you again after two years," pati ang paraan nya sa pagsasalita iba na rin.

"Bumalik ako para tuparin ang pangako ko kay Timothy." Halatang nagulat sya.

"Bumalik ka... para sa kapatid ko?" tila di makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Gusto ko kasi bago kami magkita.. Gusto ko munang malaman kung ano ang nangyari nang mawala ako.. Bago ako magpakita sa kanya, gusto ko handa ako."

Tinitigan nya ako nang matagal na parang hindi sya makapaniwala sa mga naririnig nya. Medyo namutla sya at parang kinakabahan.

"May problema ba?"

"Hindi mo alam?"

"Ang...alin?"

Tumingin sya sa ibang direksyon at huminga nang malalim.

"Kaya pala hindi ka umuwi rito dati..hindi mo alam," bulong nya.

Ano ang hindi ko alam? May nangyari ba na...? May nangyari ba kay Timothy?

"Ano'ng nangyari?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Kinagat nya ang labi nya. "Wala talaga silang sinabi sa'yo?"

"Sino?"

"Ang mga magulang mo. Si Lee. Wala silang sinabi?"

"Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga 'yon?"

Huminga sya nang malalim at tinitigan ako nang diretso. "Hindi mo na kailangan pang magpakita sa kanya Samantha."

Kinabahan ako. "Bakit? Hindi na ba nya ako gusto pang makita? Galit ba sya sa'kin? May—" hindi ko masabi. May mahal na ba syang iba? Sumikip ang dibdib ko.

Umiling si Sweety. "Tatlong bwan mula nang umalis ka, nagkaron ng aksidente," umpisa nya.

Aksidente? Hindi. Kaninong aksidente?

"Ang kapatid ko.. Naaksidente ang sinasakyan nya. Malala ang pinsala na nakuha nya.." naluluha nyang kwento.

Nabasag ang puso ko. Pakiramdam ko tumigil ito sa pagtibok. Naaksidente... si Timothy? Bakit? Hindi ko alam. Oh God.

"Hindi mo na kailangan pang magpakita sa kanya Samantha... Dahil hindi ka na nya makikita pa. Kasi wala na.. Wala na sya—" pinigilan ko syang sundan ang sasabihin nya.

"HINDI!!" tumayo ako. Ayokong marinig! Hindi ko kayang marinig!

"Samantha.." gulat nya akong tinignan.

"Hindi 'yan totoo! Hindi pwede! Hindi 'yan pwedeng mangyari!" umagos ang luha sa mga mata ko.

Ang hirap huminga. Pakiramdam ko binagsakan ako ng malaking bato. Hindi pwedeng mawala si Timothy! Hindi sya pwedeng mamatay! Hindi nya ako pwedeng iwan.

"Hindi pa sya patay!" tumakbo na ako palabas.

"SAMANTHA!!"

Narinig ko syang tinawag ako pero hindi ako lumingon. Hindi ito totoo! Ayoko! Hindi mo ako iiwan, hindi ba Timothy? Hinihintay mo parin ako di'ba?

Hindi ito totoo! Ayoko! Hindi mo ako iiwan, hindi ba Timothy? Hinihintay mo parin ako di'ba?