webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter One Hundred Twenty-Three

Isang milagro kung paano ako nakarating sa beach house nang hindi naaksidente. Panay lang ang agos ng luha ko. Nahuli ako. Hindi ko ito kaya. Pinatay ko ang engine ng sasakyan at nagstay muna sa loob nito. Ang akala ko okay na ang lahat. Akala ko kapag bumalik ako rito magiging okay na ang lahat. Hindi pala. Nagkamali ako. Malayo pala sa iniisip ko ang magiging eksena sa pagbabalik ko. Wala si Timothy. Wala sya para yakapin ako. Wala sya para halikan ako. Wala sya para ngitian ako.

Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko nalang sya iniwan. Sana nanatili nalang ako sa tabi nya. Sana naging makasarili nalang ako at hindi inisip ang mangyayari sa pamilya nya noong mga oras na 'yon.

Nagsisisi ako. Wala na sya. Wala na ang lalaking pinangakuan ko na babalikan ko. Hindi ko na sya makikita pa. Umiyak ako nang umiyak. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Sumigaw ako sa loob ng sasakyan. Bakit naging ganito? Ang tanga ko. Bakit ko ba sya iniwan?! Kung hindi siguro ako umalis buhay pa sya ngayon. Magkasama pa siguro kami ngayon. Tama nga ang sabi nila. Nasa huli palagi ang pagsisisi. Pinunasan ko ang mga luha ko. Lumabas ako ng sasakyan at tinignan ang bahay sa tapat ko. Ang beach house ni Timothy.

Two years na nang huli kong punta rito. Mukhang walang ipinagbago ang buong lugar. Ang beach house, katulad parin ng ayos dati. Mukhang may nag-aalaga ng bahay. Mabuti kung ganon. Ang dami kong naaalala rito. Mga magagandang alaala namin ni Timothy. Ito nalang ang meron ako ngayon, mga alaala. Parang panaginip lang ang lahat. Pumunta ako sa kusina. Nagulat ako. Nakikita ko si Timothy, nakangiti at naghahanda ng pagkain namin. Nakasuot sya ng apron.

"Wifey," tawag nya.

"Yes Hubby?" katabi nya ako.

"Nakuha mo ba?" tanong nya.

"Huh? Ang alin?" tanong ng sarili ko.

Huminga sya nang malalim at nagpatuloy sa paghiwa ng mga sangkap para sa lulutuin nya. Tinuturuan nya akong magluto. Isa itong alaala. Parang isang DVD na naka-play sa isip ko.

"Naiinlove ka na naman sa'kin nyan."

'Yon ang eksaktong sinabi nya sa'kin nang mapansin nya akong nakatitig sa kanya.

"Hindi ah! Matagal na, mas inlove lang ngayon."

Tumawa sya. Pagkurap ko, nawala sya.

"Timothy."

Tumigil na sa pag-play ang imaginary DVD sa isip ko. Lumabas ako ng kusina at napunta sa sala. Nakita ko ulit sya. Isa na namang alaala. Magkatabi kami sa sofa, balot ng kumot at may kandila sa lamesa.

"Pinagtatawanan mo ako?"

"Hindi TOP, iniiyakan kita oh. Grabe dami kong luha."

"Pilosopo ka na ngayon?"

"Hahaha! Ang cute mo grabe!"

"Hindi ako tuta"

"Kakainis ka!"

"Ano'ng kasalanan ko?"

"Ang gwapo mo kasi masyado!" Kinurot sya ni Samantha two years ago sa pisngi.

"Hwag mong paglaruan ang mukha ko Wifey"

"KYAAH! Tinawag mo akong Wifey! Ulitin mo nga!"

Don natapos ang alaala ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Minumulto ako ng mga alaala ko. Ang sakit isipin. Ang sakit isipin na hanggang doon na lang 'yon. Mga alaala nalang. Sunod kong pinuntahan ang kwarto na ginamit namin ni TOP. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Katulad kanina..isang alaala ulit ang nagpakita.

"Oy Timothy ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?"

"Matutulog."

"Eh diba doon ka sa kwarto mo matutulog?"

"Nagbago na ang isip ko. Ayoko na palang matulog don."

"Psh! Gusto mo lang matulog sa tabi ko eh. Hahaha!"

Nawala sila. Natapos na ang palabas. Lumapit ako sa kama at umupo doon. Hinaplos ko ang bahagi na hinigaan ni Timothy. Kinuha ko ang unan at niyakap 'yon.

Naaamoy ko parin sya. Posible ba 'yon? O dahil nakatatak na sa isip ko ang amoy nya? Agad akong tumayo. Kailangan kong umalis dito. Kailangan kong lumayo dito bago pa ako mabaliw! Bago pa ako... Bago pa... Hindi ko kaya...Hindi ko kayang umalis. Nandito si Timothy. Ang mga alaala nya nandito. Dito ko lang sya nakikita. Lumabas muna ako ng kwarto. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Unknown Number. Sino kaya ito? Wala ako sa mood na makipag-usap sa iba lalo na sa hindi ko kilala. Ni-reject ko ang tawag. Nadaanan ko ang kabilang kwarto. Napatigil ako sa tapat ng pinto nito. Ito ang kwarto na ipinagbabawal ni TOP na pasukin ko. Hinawakan ko ang doorknob, hindi sya naka-lock. Binuksan ko yung pinto at pumasok sa loob. In-on ko yung ilaw.

Tumambad sa'kin ang babaeng multo. Hindi ako nakagalaw. Tinitigan ko sya. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"H-Hello?"

Hindi sya gumalaw. Hindi sya nag-salita. Nilapitan ko sya. Huminga ako nang malalim. Hinawakan ko sya. Nalaglag yung wig nya. Isa lang syang mannequin. Isang mannequin na nakasuot ng blackhood. Mukha syang totoo. Akala ko totoo. Sya rin ang nakita ko sa kwarto noon. Pero ano'ng ginagawa ng mannequin sa kwarto namin dati? Di kaya tinatakot lang ako ni Timothy noon? Pero bakit nya ako tatakutin? Napatingin ako sa paligid. Para ba hindi ako pumasok dito sa kwarto na ito? Ano'ng meron dito? Napupuno ng gamit ang buong kwarto.

Mga paintings at ilang gamit na nakalagay sa mga salamin na lalagyan ng mga alahas. Mukhang isang gallery. Tinignan ko ang mga nasa lalagyan. Hindi naman mga alahas ang nakalagay doon. Mukhang mga basura ang iba. May laso, balat ng chichirya meron ding putol na krayola. Bakit naman nya itatago ang mga ito? Tinignan ko ang mga paintings. Portrait ng mga lugar, children's playground, isang malaking puno, lake at ang iba ay classroom. Nasa pinakamalaking portrait ang mukha ng isang batang babae.

Nakangiti at hinahangin ang buhok. Kanino kayang silid ito? Hindi kaya kay Timothy? Pero bakit naman may ganito si Timothy? Baka sa iba? Baka naiwan ng unang may-ari ng bahay. Baka sa anak ng unang may ari nitong bahay.

Hindi na siguro ito ginalaw ni Timothy dahil baka balikan ito ng dating may-ari. Huminto ako sa gitna ng silid. May isang video tape sa loob ng isang salamin. Parang napaka-importante nito. Siguro nasa loob non ang mga sagot sa tanong ko. Binuksan ko ang lalagyan at kinuha ang tape. Twelve years ago pa ito nakunan.

Ang tagal na pala. Mukhang maganda ang naging pag-iingat dito. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Red.

"Red?"

[Samantha hinahanap ka na ng kapatid mo.]

"Gising na si Angelo? Sabihin mo pauwi na si Mommy."

[Tsk! Sige. Ano'ng oras ka babalik? Nga pala kamusta na si TO-]

"Ah! Teka lang ha. Tawag ka nalang mamaya! Bye!"

In-end ko na ang call. Hindi rin pala nya alam. Tinignan ko ang tape na hawak ko. Saan ko kaya ito pwedeng i-play? Bakit nga pala ako nakikialam sa gamit ng iba? Pero pano kung kay Timothy ito? Siguro tape ito nung bata pa sya. Baka nga. May nakita akong player at tv sa sulok. In-on ko 'yon. Gumagana pa! Inilagay ko na ang tape at hinintay magplay. Blue lang sya nang matagal. Akala ko blanko pero biglang may lumabas na video. Nagulat ako. Isa 'yong children's play. Isang kwento na sa tingin ko ay.. Beauty and the Beast. Napaupo ako. Ang batang 'yon na gumanap bilang prinsipe, si Gabby 'yon. At kasama rin sa play, ang gumanap bilang fairy...ay walang iba kung hindi ako. Pinanood ko ang play nang paulit-ulit.

Naguguluhan ako. Wala akong maalala. Hindi ko maalala ang play na ito. Pero sigurado ako na ang batang fairy ay walang iba kung hindi ako. Bakit ganito? Bakit may tape nito si Timothy? Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Bakit wala akong matandaan? Naisipan kong tawagan si Kuya Lee. Sigurado ako na may alam sya tungkol dito. Hindi ako umaasa ng kahit ano. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang mga malalaman ko.

"Kuya Lee."

[Hello? Princess! Nakabalik na ba kayo sa Philippines? Si Angelo?]

"Kuya may itatanong ako sa'yo. At gusto ko na...sabihin mo ang totoo."

[Alright. Are you feeling okay Princess? You sound upset.]

"Kuya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa'kin twelve years ago. Bakit wala akong maalala?"

Hindi sya nakasagot. Tahimik lang sya.

"Kuya... Please... Tell me? I need to know."

[Why do you ask?]

"I'm watching a play right now that was recorded twelve years ago. Hindi ako pwedeng magkamali, ako ang bata rito."

[He still got that tape huh?]

"Kuya?"

May alam nga sya. Narinig ko syang bumuntong-hininga.

[It all happened twelve years ago. You were six and attending kindergarten in America.]

"America."

[You had a bestfriend. Her name is Audrey...]

"Audrey?" Nanuyo ang lalamunan ko.

[Audrey Dela Cruz.]

JARED DELA CRUZ

"Daddy! Where is Mommy?"

Kinarga ko si Angelo. "She's on her way Angelo."

"Daddy." Pilit syang bumaba sa braso ko.

Ibinaba ko sya sa kama. Humiga ako roon at pinanood ko syang paglaruan ang mga laruan nya.

"Daddy who is this? She's pretty!"

"Lemme see." Inabot ko ang wallet ko na hawak nya. Tinuro nya ang picture sa wallet ko. "Oh that's.."

Ang picture na kinunan twelve years ago.

"Who Daddy? Who?" niyugyog nya ang braso ko.

"That's Samantha."

"She has Mommy's name!"

Nginitian ko ang batang katabi ko. "Yeah. Kapangalan nya si Mommy," sabi ko nalang.

Tinignan ko ang picture. Apat na bata na malapad ang ngiti sa camera. Ako. Si Samantha. Si Audrey. Si TOP. Lahat kami. Twelve years ago masaya. Magkakaibigan. Now it became too complicated for the four of us. Nagkaroon ng aksidente noon. Doon natapos ang lahat. Nagkaron ng trauma si Samantha, nagka-amnesia sya dahil sa nangyari. Nakalimutan nya kaming tatlo. Pati ang kapatid ko na bestfriend nya noon. Tanda ko pa na iyak sya ng iyak dahil nawalan sya ng kaibigan. Nang umalis si Samantha, pakiramdam ni Audrey...pinagtaksilan sya. Inabandona. Hindi pinahalagahan. Kaya naman nagalit sya kay Samantha. Si TOP nag-bago na rin. Bigla rin syang nawala. Lahat kami nagbago. Dahil sa insidenteng 'yon. Hindi na bumalik ang dati.