webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter Eighty-Three

Nagpunta kami ni TOP sa isang malapit na restaurant. Mukha syang seaside restaurant. Puro seafoods kasi ang nasa buffet table.

"Ano ang mga kinukuha mo Timothy?" pinapanuod ko sya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Sa halagang nine hundred ninety-nine pesos may eat-all-you-can plate ka na. Mukha namang masasarap ang mga pagkain. Sosyal pa ng place. Mukhang nasa Hawaii! May banda na natugtog, reggae. Very relaxing, para lang kaming nasa honeymoon.

"Basta, kainin mo nalang 'to."

"Eh ang dami kaya nyan," reklamo ko sa kanya.

"Kainin mo 'to para naman magkalaman ka ng kahit kaunti. Ang payat mo, para kang may sakit."

"Kapal nito! Ang sexy ko kaya!"

Tinignan ako ni TOP. Mula ulo hanggang paa. Tapos hindi sya nagsalita. Nagpatuloy lang sya sa pagkuha ng pagkain.

"Ang sama nito!" hinampas ko sya sa balikat.

"Bakit? Wala na nga akong sinabi para hindi ka masaktan."

"Ah ganon? Hindi masaktan? Psh!"

Tumingin ako sa sarili ko. May hinaharap naman ako at behind ah! Hindi nga lang ganon kalaki at katambok pero atleast papasa naman! I think? Maliit din ang waistline ko. Hindi ba sya nase-sexyhan sa'kin?

"Ano ba ang sexy para sayo Timothy?" Nag-isip sya. Ang tagal. Then tumingin sya sa'kin at nag-smirk.

"Yung..."

"Yung?" Naghintay ako. Natapos na sya sa pagkuha ng pagkain pero hindi parin sya umiimik. "Ano na?!"

"Simple at hindi maarte." ARAY KO!! "Physically fit." Hmm. Di yata ako pasado. "Mabango." Palagi akong naka-perfume so okay ako dun! "Graceful and confident." Uhh.. Hindi ako sure kung ganon ako eh. Siguro? "Independent." No comment!! "Hones," ngumiti sya at umalis sa buffet table para maghanap ng table namin. Honest?

(__.___") BAGSAK! Hindi ako ganon! Lalo na sa school! Ibang iba ang pagkatao ko dun! Ang bait ko, mahinhin at palaging nakangiti dun. So hindi ako sexy para kay TOP? Bakit walang vital stats? thirtysix-twentyfour-thirtysix yun yata ang gusto ng mga guys?? Pero hindi ako ganun, twentyfour yung waistline ko, yun lang!! Ayaw nya ng katawan?? Ayaw nya ng BODY??

SAWI! EPIC FAILURE! REJECTED! EXPIRED CAN! EVICTED! BURADO! WAAAHH! BAGSAK AKO! OUT!!! Sumunod na ako kay TOP. Umupo na ako at kumain. DEPRESSED!! TALUNAN! SAWI! HINDI AKO SEXY!!

Mabuti pang ibuhos ko nalang sa pagkain ang aking depression! Ngayon lang yata ako na-out! Hindi ko matanggap! Para na siguro akong isda sa Feeding Frenzy sa dami at bilis ng pagkain ko. I DO NOT CARE!! REJECTED NAMAN AKO EH!! HINDI RAW AKO SEXY!! EPIC FAILURE TALAGA!!

"Miracle, nilinis mo na plato mo."

"Uhh.." napatingin ako sa plato ko, ubos! "Masarap pala yung food dito."

Tumawa lang siya at umiling. Hindi pa sya tapos kumain. Naunahan ko pa sya? Habang naghihintay matapos syang kumain. Ininom ko nalang yung juice ko. Hindi na ako malungkot ngayon. Sa sobrang pagkain ko, nawala bigla. Tama pala sabi nila. Kapag malungkot o galit, kumain lang para mawala.

"That good?" nakangiting tanong ni TOP.

"Yup!" ngumiti ako.

"Miracle," inabot nya ang isang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Yes Hubby?"

Unti-unti ay inangat nya ang kamay ko at hinalikan ito. Napa-singhap ako nang dumampi ang labi nya sa palad ko. Tinitigan nya ako sa mga mata pagkatapos. Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang ikot ng mundo.. pati na rin ang paghinga ko.

"And lastly, pinaka-sexy ang babaeng magana kumain," nakangiting sabi nya.

('・_・') Huh? Namula ako. Ibig sabihin.. sexy na rin ako?

"Let's go?" tumayo sya habang hawak ang kamay ko.

Tulala at namumula na tumayo na rin ako.

"T-Teka! Magpapalit lang ako ng damit," kinuha ko ang mga paperbags.

"Okay then."

Umalis na ako at pumasok sa ladies room. Ni-lock ko yung isang cubicle at nag-bihis. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim. Nilabas ko ang damit na isusuot ko. Black skinny jeans at gray body hugging shirt. Lumabas ako ng cubicle at nagpunta sa may sink. Tinignan ko yung hitsura ko. Nilugay ko yung buhok ko na nakaikot sa isang bun. Medyo kumulot sya. Nag-apply din ako ng simpleng make-up. Naglagay ako ng smokey eyes effect at lipgloss. Lumabas na ako sa ladies room. Hinanap ko si TOP pero hindi ko sya makita.

"Excuse me Miss," tawag ko sa waitress na naglilinis ng table namin.

"Yes ma'am?"

"Nakita mo ba kung nasaan yung kasama kong lalaki? Yung matangkad? Naka-white shirt na may black leather jacket?"

"Yung gwapo?" kinikilig na tanong nya.

"Uhh yeah."

"Yung matangkad?"

"Oo."

"Yung kung makatingin eh maka-laglag panty?"

"Oo sya nga."

"Yung dream guy ko?" kumikislap ang mga mata na sabi nya.

"Boyfriend ko sya. Akin sya."

"A-Ay ganon po ba? B-Bagay po kayong dalawa. Kalalabas lang po."

"Ok salamat."

"Wala pong anuman. Hihihi!"

Lumabas na rin ako ng restaurant at nakita si TOP sa may gilid, nakatayo at naghihintay.

"TOP bakit ka lumabas?" lumapit ako sa kanya.

"Pinakuha ko pa kasi yung jeep," sagot nya habang nakatingin sa relo nya.

Ang sinasabi ni TOP na jeep ay yung black Hummer nya. Yung mataas ang gulong na parang pang-mountain. Medyo alangan kasi sya gamitin 'yung Aston Martin nya dahil may pagkalubak ang daan. Maya-maya pa ay pumarada na ang Hummer ni TOP sa harapan namin. Lumabas yung vallet at inabot kay Timothy ang susi. Inabutan naman ni TOP ng malaking tip yung lalaki.

"Get in." Tinulungan ako ni TOP makasakay. Ang taas kasi. Sumakay na rin sya after.

"Miracle, what the hell are you wearing?" Sa wakas napansin din nya!

Nilingon ko sya. Ngayon lang ba nya napansin ang damit ko? Nase-sexyhan na kaya sya sa'kin? Tumutulo na ba ang laway nya dahil sa suot ko? Naaapektuhan na ba sya ng alindog ko?

"Oh this? Like it?" matamis ang ngiti na tanong ko.

"Take it off," madilim ang mukha na sabi nya.

"A-ANO?!"

"Take. It. Off"

"Pervert!" hinampas ko sya sa ulo.

Okay. Napasobra ata ang ka-sexyhan ko at masyado syang naapektuhan.

"Aw! F*ck! You hit me!" hindi makapaniwalang saad nya.

"Bakit hindi? Eh pinaghuhubad mo ako!" Sinamaan ko sya ng tingin.

"What?! Tss!" Napailing sya at nasapo ang noo.

"Oh ano?! Ikaw napaka!! Gusto mo tawagin ko si Lola para paluin ka ulit?! Hah?!"

"Magpalit ka ng damit, masyadong manipis ang suot mo."

"Huh?"

"Kaya kita pinaghuhubad para magpalit ka ng damit. Kung anu-ano ang iniisip mo dyan," naiinis na sabi nya sa'kin.

Pahiya ako dun ah! Teka! Di ba sya nase-sexyhan sa'kin?! Bakit hindi?!

"Ayoko!" matigas ang ulo na sagot ko.

"Palitan mo yan Miracle!" utos nya.

"Ayaw!" umiling ako.

"Hindi mo papalitan?"

"Hindi!"

"Pwes uuwi na tayo!"

"Hubbyyyy."

"Iuuwi na kita," seryosong sabi nya at ini-start na ang sasakyan.

"Ano ba kasing problema sa suot ko?"

"Miracle tinignan mo ba ang sarili mo sa salamin?"

"Oo! At wala akong nakitang mali sa suot ko!"

"Wala?" tumawa sya ng sarcastic. "WALA?!"

"You are overreacting Timothy!"

"I am not overreacting Miracle. I want you to change your clothes because that shirt looks horrible!"

"Sobra ka!"

"Where did you get that piece of shit anyway?!"

"It's not a shit Timothy it's a shirt! And it's from BENCH. Sana kung nagco-concentrate ka kanina sa date natin eh di sana nakita mo kung saan ko nakuha itong damit!"

Kumunot yung noo nya at bago pa sya makapag-salita inunahan ko na sya.

"Oh wait, paano ka nga pala makakapag-concentrate kung naka-glue yung mga mata mo sa ibang bagay. Or more like ibang babae!" Galit na nag-cross arms ako at sumandal sa upuan.

"What the hell are you talking about?! How did we end up in this argument?! Gusto ko lang palitan mo ang damit mo! Damn it!"

"So inaamin mo? Na wala yung atensyon mo sa date natin kanina?"

"Miracle," huminga sya ng malalim, mukhang pinipigilan nyang magalit. "Nasa iyo ang buong atensyon ko sa date natin. F*ck it! Nasa iyo lang ang atensyon ko noon pa!"

Nagulat ako sa pag-sigaw nya.

"Yeah right! Kaya nga hindi mo alam na pinakita ko sa'yo itong damit kanina eh!"

"Hindi ko maintindihan, damit lang pinagtatalunan pa natin! You are acting like a freaking spoiled brat again!"

"F*ck you!" Sa sobrang galit ko ay naisigaw ko iyon sa kanya. Tinawag nya akong spoiled brat!

"What did you say?"

"Stop the car!"

"No."

"I SAID STOP THE CAR!!" sigaw ko sa kanya.

Bigla syang nag-break.

"Now what?" tanong nya na halatang naiinis na.

"Umuwi ka mag-isa mo!" hinawakan ko yung handle para buksan yung pinto ng sasakyan.

"Miracle!"

"Buksan mo!" utos ko sa kanya, naka-lock pala yung pinto.

"No."

"OPEN IT!"

"Stop being so melodramatic please?"

"Melodramatic?! Just open this f*cking door Timothy!!"

"No."

"I hate you! I really hate you right now!" sigaw ko sa kanya.

Natahimik sya. Sa ilang segundong katahimikan na 'yon, parang may sumipa sa likod ko. Yung puso ko, sumasakit. Nahihirapan akong makahinga. Nang huminahon ako pinagsisihan ko ang ginawa ko. Pero bago pa ako makapag-sorry nagsalita na sya.

"I know," mahinang sagot nya.

Napatingin lang ako sa kanya. Gusto kong bawiin yung mga sinabi ko! Bakit ko ba kasi sinabi yon?! Walang imik na pinaandar nya ulit ang sasakyan at umuwi na kami. Pagkadating don, lumabas na sya ng Hummer at dumiretso sa loob ng bahay. Hindi man lang sya lumingon sa'kin. Ni hindi man lang ako kinausap. And somehow, mas dumoble yung sakit na nararamdaman ko. Nagulat lang naman ako dahil sinabihan nya ako ng spoiled brat.

"Argh! Ang stupid mo Samantha! Bakit kasi kailangan mo pang makipagtalo sa kanya?! Kung sana nagpalit ka nalang ng damit eh di tapos! Walang problema! Kaso pinairal mo na naman yang pagiging matigas ang ulo mo kaya ayan! Iniwan ka tuloy!! Sinaktan mo pa sya! Galit na tuloy sa'yo! Ang stupid mo talaga!! Stupid!!" sigaw ko sa loob ng Hummer.

Pano ka ngayon?! Panigurado galit yon! Inuntog-untog ko yung ulo ko sa salamin habang paulit-ulit kong sinasabihan ng stupid ang sarili ko. Nang sumakit na ang ulo ko tinignan ko yung bahay. Bukas na ang ilaw dun sa kwarto. Matutulog na kaya sya? Lumabas na din ako ng sasakyan. Feeling guilty, pumasok ako sa loob ng bahay. Umakyat ako sa kwarto. Kailangan kong aminin ang pagkakamali ko. Kailangan kong mag-sorry sa kanya. Kailangan kong bawiin ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya.

Hindi rin naman nya ako matitiis eh. Magkakabati rin kami kaagad. Mabilis naman sya magpatawad. Wala sya sa loob ng kwarto pagkapasok ko. Pero bukas yung ilaw ng bathroom. Umupo ako dun sa kama. Hinintay ko syang lumabas. Iniisip ko yung mga sasabihin ko. Nire-recite ko nang paulit-ulit. Nasaulo ko na nga yung linya na sasabihin ko eh. Biglang bumukas yung pinto ng bathroom at lumabas si TOP. Nagpalit na sya ng damit.

"Uhh.." tumayo ako. Hindi nya yata ako napansin kasi nasa kabilang side ako ng kama. "T-Timothy yung tungkol kanina kasi ang totoo nabig-" napatigil ako nang makita na kinuha nya yung isang unan at lumapit sa pinto.

"T-Teka! Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa kwarto ko," malumanay na sagot nya at binuksan yung pinto.

"Pero hindi pwede -I mean- Pwede ba muna tayong mag-usap?"

"Pagod ako. Bukas nalang pwede?" malamig na sabi nya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Napa-upo ako sa kama. He hates me. Nakatitig lang ako dun sa kakasara lamang na pintuan. Nag-uunahan na tumulo yung mga luha ko. Ang stupid ko kasi eh! Walang ibang dapat na sisihin dito kung hindi ako lang! Hindi ako makatulog. Buong gabi akong gising. Gusto ko sana syang puntahan dun sa kabilang kwarto ang kaso.

Baka galit pa rin sya. Ang daldal ko kasi eh. Kung anu-ano yung mga pinagsasabi ko sa kanya. Despite the fact na alam kong hindi nya kayang tumingin sa ibang babae, inakusahan ko parin sya. Stupid ko talaga!

Lumipas ang ilang oras. Dumaan ang magdamag. Hindi ako nakatulog. Nakaupo lang ako mag-isa sa kama. Pinag-sisisihan ko yung ginawa ko sa kanya.

Malapit nang mag-umaga. Namamaga yung mga mata ko. Umiyak kasi ako buong gabi eh. Tumayo ako sa kama at sumilip sa bintana. Malapit nang mag-sunrise. Nagbihis ako kaagad at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa kwarto ni TOP. Dahan-dahan akong lumagpas don at bumaba sa hagdan. Lumabas ako ng bahay. May dala akong camera. Wala lang, gusto ko lang kuhanan ng picture ang sunrise sa beach. Sigurado ako na maganda yun.

Pumunta ako sa may kubo. Yung dati kong tinambayan. Inaayos ko yung digicam. Buti may digicam don. Ang hangin talaga sa beach! Ang lamig! Malapit na nga pala ang December. Malapit na mag-pasko! Unti-unti ay tumaas na ang sikat ng araw. Kinunan ko ng maraming shots. Ang ganda. Sana kasama ko si TOP ngayon. Sana mas na-enjoy ko ang ganda ng sunrise.

Ang hangin. Ang lamig. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin na tumatama sa akin. Di nagtagal, nakatulog ako.