webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
126 Chs

Chapter Eighty-Nine

Pagkatapos ng eksena namin sa ilalim ng tubig hinila na ako ni TOP paalis sa dagat. Tulungan ko raw sya mag-ihaw ng pagkain namin. Pumayag nalang ako. Utos 'yan ng Hari ko eh. At ang isa pa, isa 'yon sa three wishes nya. Ang utos ng Hari ay hindi nababali! Bumalik muna ako sa bahay para magpalit ng damit at maligo. Nagmadali ako at nagbihis. Paglabas ko ng banyo may naghihintay pala sa'kin sa kwarto. Nakakagulat. Ano kaya ang kailangan sa'kin nito?

"Red?"

Biglang bumigat ang atmosphere nang humarap sya sa akin. Somehow may feeling ako na sobrang bigat ng problema nya.

"Sam."

"Ano'ng ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" gulat na tanong ko.

"May gusto lang akong sabihin," sagot nya.

"Shoot."

"This is your last day with TOP. Hindi na kayo pwede pang magsama ulit."

Natigilan ako. Ano raw? Sinabi na rin nya sa akin ito kahapon. Akala ko niloloko lang nya ako. Niloloko lang din ba nya ako ngayon?

"Are you kidding me?" gulat na tanong ko.

"No Samantha. I'm dead serious."

"Hoy Red hwag mo akong binibiro nang ganito ha. Hindi na nakakatawa."

"Hindi ako nagbibiro Samantha," seryosong sabi nya.

Wala akong masabi. Ilang minuto ko syang tinitigan. Seryoso lang sya.

"Bakit? May nagawa na naman ba akong masama?! If this is about what happened yesterday—"

"Takte! Hindi 'yon Sam."

"Then what?! Ano ang rason mo para sabihin sa'kin yan?!"

Huminga sya nang malalim.

"Your parents are here."

"W-WHAT?!!" Wala akong ibang masabi pagkatapon non. Umuwi na sila?

"Ang masama pa, nabalitaan nila ang pagsama mo kay TOP. Hindi magandang balita."

"Oh God..." bulong ko at napaupo sa kama.

"Iniipit nila ang kompanya nila TOP. Binigyan nila kami ng tatlong araw para ibalik ka sa kanila. Kung hindi ka namin mapapabalik bukas, babagsak nang tuluyan ang kompanya ng mga Pendleton."

Tumingin ako sa kanya.

"Pababagsakin nila ang kompanya ng mga Pendleton at sapilitan ka nilang

kukunin. Hindi lang 'yon. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit kami napilitan na pumunta rito."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na kaya nilang gawin 'yon.

"Ano pa?"

Natahimik sya sandali.

"Magsasampa sila ng kaso laban kay TOP. Kidnapping. Maaari syang makulong dahil wala ka pa sa legal age. Isa kang minor Samantha. Pero sya, malabo na malusutan ito kahit na magpahayag ka pa ng statement sa court." Huminga sya nang malalim. "Hindi na rin ako magugulat kung magsampa sila ng rape."

"Rape?!" Namutla ako. "That's impossible! Wala naman nangyari sa aming dalawa!"

Nakahinga sya nang maluwag. "Walang dapat na mangyari sa inyo ng kaibigan ko Samantha. With or without consent, kailangan walang mangyari."

Si Timothy makukulong? Hindi pwede! Hindi sya pwedeng makulong! Hindi! Ako ang may kasalanan nito! Ako ang dapat na sisihin dito! Kasalanan ko. Kasalanan ko. Ako ang nakaisip na tumakas kami.

"Mag-desisyon ka na. Bukas, bago sumikat ang araw may darating na helicopter. Gawin mo kung ano ang tama at mas mabuting hwag mo itong ipapaalam sa kanya, alam mo na siguro kung ano ang gagawin nya.." umalis na sya sa kwarto pagkatapos.

Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto si Red narinig ko syang bumulong. "I'm sorry."

***

'Gawin mo ang tama' Ano nga ba ang tama? 'Kailangan mo nang mag-desisyon' Ano'ng desisyon? 'Pababagsakin nila ang kompanya ng mga Pendleton.' Ano ba ang mahalaga? 'Makukulong si TOP.' Hindi pwede.

Bakit ganon? Minsan na nga lang ako maging masaya, mapaparusahan pa ang taong nagpapasaya sa'kin. Bawal ba talaga akong maging masaya?

"Miracle."

Bigla akong natauhan at tumingin sa nagsalita.

"Hubby," nginitian ko sya.

"What's wrong?" tumabi sya sa akin at ipinulupot ang braso nya sa waist ko.

Inilapit nya ako sa kanya. Nakaupo kaming dalawa sa buhangin habang nakatingin sa dagat.

"W-Wala naman," nag-iwas ako ng tingin.

"Miracle.."

"Wala nga.." pinilit ko ulit ngumiti sa kanya.

Magtatanong pa sana sya pero bigla ko syang niyakap. Ayoko syang pakawalan. Iniisip ko palang na maghihiwalay kami, sobrang sakit na. Hindi ako makahinga. Sana ganito nalang kami. Ayoko nang matapos pa ang sandaling ito.

"Timothy.." mahinang tawag ko sa pangalan nya.

"Hmm?" niyakap din nya ako at hinalikan sa ulo.

"Mahal kita."

Naramdaman ko syang ngumiti.

"Mahal na mahal.."

"Hwag mong sabihin yan na parang mawawala ka," sabi nya.

Kung alam mo lang Hubby.

"Basta Hubby.. Tandaan mo ha.. Na mahal na mahal kita" parang kinukurot ang puso ko

"Wifey?"

Humiwalay ako sa kanya at tumakbo sa dagat. Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak. Ayokong umiyak. Hindi nya ako pwedeng makita na umiiyak. Sumisid ako sa dagat. Kasabay ng pagpatak ng unang luha ko..