Kabanata 9
Laro
Nakabuntot lang ang kotse ko sa kotse ni Leo. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang papunta kami ni Taiga sa bahay nila para sa birthday niya. Naalala ko pa ang naging reaksyon ko matapos niya kaming imbitahan kanina.
"Gusto mong bumawi 'di ba?! Tara sama ka! Birthday ko today, dude!" masayang sabi ni Leo habang nakaakbay sa akin.
"Uyyy, Leo! Nandito ka? Bakit 'di mo sinabing birthday mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
Pasimple naman akong umalis sa kanyang pagkakaakbay at inalok siya ng kinakain namin ni Taiga ngunit tumanggi lang siya.
"Anyway, happy birthday!" nakangiting pagbati ko sa kanya.
"Happy birthday, tol!" pagbati rin ni Taiga na siyang ikinatango lang ni Leo. Bumaling siya ulit sa akin.
"Syempre kung sinabi ko sa'yo na birthday ko, baka mawala na ang curiosity mo sa akin. I want you to be curious to me all the time, Theo."
"Gago! Sagwa mo!" mura ko sa kanya. Tumawa lang siya sa akin.
"Anyway, tara?! Sabi mo babawi ka 'di ba? This is the right moment!" masaya niyang pag-aya. Bumaling siya kay Taiga. "Invite na rin kita, Taiga. Tutal wala naman kayong sched ng klase bukas. Saturday naman at pare-pareho tayong walang klase. It's time to party!" masaya niyang sigaw habang napapasayaw pa.
"Saan ba place ng birthday mo? Baka ma-out of place attire namin aa. Pamasok sa eskuwela pa itong damit namin." alangan kong sabi.
Pareho lang kaming nakasuot ng polo shirt at maong pants ni Taiga.
"Sa bahay lang naman, dude! Saka hindi kailangan ng kung ano-anong attire. Simpleng kainan lang at syempre hindi mawawala ang party!"
"Nakakahiya naman, tol. Wala kaming pangregalo. Biglaan naman kasi. Hindi na lang siguro kami sasama." sabi ni Taiga na bakas sa boses ang lungkot.
"Presence niyo na lang sa birthday party ko ang iregalo niyo. Okay na ako dun, Taiga. For Theo, a date would be damn good for a gift." sagot niya habang tumataas-taas pa ang kilay.
"Are you hitting on my bestfriend, Leo?" tanong ni Taiga na ikinabigla ko.
"Hindi ba sinabi ko na kay Theo noong Grad Ball natin na I really like him?" walang pag-aalinlangan niyang sagot kay Taiga. Bumaling siya sa akin.
"Wala kang aasahan sa akin –" tanggi ko agad sa kanya ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy.
"Ssshhh! Don't worry Theo, gusto pa lang naman kita and I won't expect na magugustuhan mo rin ako." paliwanag niya. "And besides, sabi mo straight ka naman. Kaya hindi ako aasa na magugustuhan mo ako. Hindi naman ako katulad ng iba na aasa sa'yo."
"What?!" reaksyon ko sa kanya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Taiga.
"You didn't know? Marami kayang nagkakagusto sa'yo noong high school tayo. Typical sporty, studious, handsome, and good boy looking. Madami kaya akong nahuhuling naglalagay ng love letter sa locker mo." saad niya sa akin.
"Wala pa sa lima ang nakukuha kong love letter noong high school. Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan? Fake news iyan!" Tukso ko sa kanya.
"I've seen it with my two eyes, Theo. Anyway, tara na? You just said that you will make it up to me? Hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi and hindi mo ako nireplyan agad. I thought we're friends?" pangongonsensya niya sa akin. Naging epektibo naman ito.
"Fine! Sasama na ako." Sagot ko sa kanya. "Pag-usapan na rin natin yung sa case study mo para magka-progress ka na." alok ko pa.
"Thanks, dude!" pasasalamat niya. "Tara na? Convoy na lang tayo, may dala akong kotse ee."
Inubos ko lang ang Mango Graham Shake at tumayo na sa pagkakaupo.
"Sasama ka na rin 'di ba Taiga? Nandoon si Phoemela, hinding-hindi papayag 'yun na ma-out of place ka." Tukso ni Leo kay Taiga sabay tawa na parang demonyo.
"Tsss..." reaksyon lang ni Taiga.
Pumasok na ako sa kotse kasunod si Taiga. Kumaway pa sa akin si Leo bago itinuro ang kotse niya. Ilang sandali pa, papunta na nga kami sa bahay nina Leo.
Pumasok kami sa isang subdivision somewhere in Marikina. Medyo na-traffic lang kami ng kaunti dahil sa Friday nga ngayon at rush hour. Huminto ang kotse ni Leo sa isang bahay na medyo may kalakihan. Dalawang floor ito ngunit may kalakihan ang lote. Dinig sa labas ang tunog na nagmumula sa speaker. Buti na lamang at malayo ng kaunti ang kapitbahay.
Lumabas kami ni Taiga ng kotse at sinalubong si Leo. Madami-dami din ang kotse na naka-park 'di kalayuan.
"Leo, nakakahiya naman. Marami yata kayong bisita." nag-aalangan kong sabi.
"Ano ka ba? Nandito na tayo ee. And besides, tayo-tayo lang ang nandyan. Mga kaibigan ko noong High School at sa UP. Walang matatandang kamag-anak. That's how cool my parents are for allowing me to have a birthday party like this!" masaya niyang paliwanag.
Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Iginiya niya kami ni Taiga papasok ng bahay nila. Aniya, pinasimulan na niya kanina pa ang kainan. May mga nag-iinuman na daw kanina pa. Sabagay, mag aalas siyete pa lang naman. Tinext ko na nga si mama na baka gabihin ako ng uwi.
Pagkapasok namin, madami-dami rin ang table na nakapaikot sa gilid ng pool. Marami rin akong kakilala noong high school ang nandito. Pamilyar naman ang mga mukha ng iba na mukhang kaibigan ni Leo sa UP. Maraming bumabati kay Leo at nagpapasalamat naman siya sa mga bumabati. May mga nakikipag high five din sa kanya at kay Taiga. May mga tumatango rin naman sa akin bilang pagbati.
"Theo!" tili ni Steffi nang makita kami.
Yumakap siya sa akin na parang tuwang-tuwa. Nasa likod niya si Christiana na ngumiti at kumaway sa akin. Binati niya si Taiga pero tango lang ang natanggap niya mula sa kaibigan ko.
"Kilala mo si Theo?" tanong ni Leo.
"My God, cous! Yayakapin ko ba kung hindi ko kilala?" pagbasag ni Steffi.
"Magpinsan kayo?" tanong ko.
"Isa ka pa! Tatawagin ko bang cous 'tong panget na ito kung hindi ko pinsan?" ako naman ang binasag ni Steffi.
"Malay mo cous-sintahan." pagbawi ko rin naman. Tinawanan lang ako ng dalawa sa sinabi ko.
"Tara na sa table." Aya ni Leo. "Saan ka'yo nakaupo Steffi? Doon na lang din sina Theo at Leo. Tutal magkakilala naman pala kayo. Puntahan ko kayo doon pagkatapos kong mag-ikot sa mga bisita." Paalam niya kay Steffi.
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila kay Steffi. Umupo kami sa isang apatang upuan sa gilid na bahagi ng venue. Buti na lang sa gilid. Ayoko talagang uma-attend ng party na nasa gitna at kitang-kita ka ng ibang tao. Ang hirap kasing kumilos. Alam mo yung pakiramdam na para bang binabantayan ng iba ang kilos mo.
Katabi ko si Taiga samantalang nasa harap ko naman si Steffi. Nasa harap ni Taiga si Christiana na tahimik lang na sumusulyap sa kaibigan ko. Kita ko pa ang pagpula ng pisngi niya tuwing nahuhuli siya ng kaibigan kong nakatingin.
"Taiga, my love!" sigaw ni Phoemela.
Kumuha siya ng upuan sa katabing mesa at umupo sa tabi ni Taiga. Kumawit agad ang kanyang kamay sa braso ni Taiga na palagi niyang ginagawa.
Pansin ko ang pagsimangot ni Christiana. Si Steffi naman ay kuryosong nagmamasid lang sa mga mangyayari.
"Guys, dito na lang tayo. Pagdikitin natin table natin sa kanila." aya ni ni Phoemela sa mga kaibigan niyang 3 lalaki at isang babae.
"Ano ba yan, may epal. Tara, kuha na lang tayo ng food Steffi at Theo." pag-aaya ni Christiana sa amin na mabilisang sinulyapan si Phoemela na may pagtaas pa ng kilay.
"May sinasabi ka?" tanong ni Phoemela.
"Kinakausap ka? As far as I know we are not close to each other. I won't waste my time talking to you." pagtataray ni Christiana na nakapagpagulat sa akin.
"Then good for me kung ganoon. Hindi ko rin naman balak ang makipag-close sa'yo. I choose my friends wisely... and I don't think we can be friends." balik na pagtataray ni Phoemela.
Tahimik lang na nagmamasid si Taiga. Nahuli ko pa ang ngisi niya nang mapadako ang tingin niya sa akin. Kinindatan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Paano niya nagagawang matuwa na may nag-aaway na babae nang dahil sa kanya. Hindi man malinaw ang lahat pero siya ang pinagtatalunan nina Phoemela at Christiana. He should do something about this! Para hindi nagtatarayan ang dalawang ito.
"Tama na 'yan!" pagpapagitna ko sa dalawa. "Tara na Christiana at Steffi. Kuha muna tayo ng food doon. Ikaw Taiga? Sasabay ka ba sa amin sa buffet table?" tanong ko.
"No, Theo! Ako na kukuha ng food para kay Taiga. I can do anything for him." Pagpigil sa akin ni Phoemela. Malandi naman siyang bumaling kay Taiga at hinimas pa ang braso ng kaibigan ko. "Kaso huwag kang malilito ha! Nandoon yung handa sa buffet table, hindi ako!"
Naghiyawan naman ang mga kaibigan ni Phoemela sa kanya. Putek, hindi ko kinaya yung mga bagay na lumabas sa bibig niya. Ganito niya ba kagusto si Taiga? Para na niyang inihahagis ang sarili para sa kaibigan ko.
"Ayyy iba!"
"Palaban! Sana all handang magpakain!"
"May nanalo na!"
"Phoe-Ga for the win!"
Ayan ang mga isinigaw ng mga kaibigan ni Phoemela sa kanya. Tinatawanan niya lang ito pero bakas sa kanya ang pagpula ng mukha. Si Taiga naman ay napapailing na natatawa na lang kay Phoemela. Si Christiana naman ay parang naestatwa sa pagkakatayo. Nang makabawi, hinila niya ang kamay ko para makapunta na sa buffet table. Agad namang sumunod sa amin si Steffi.
"Ang landi talaga ng babaeng iyon! Nakakainis! I won't stoop to her level para lang magpapansin kay Taiga! My goodness!" litanya ni Christiana.
Maging ako rin ay nabigla sa sinabi ni Phoemela. May nangyari na ba sa kanila ni Taiga? Kaya ba noong nakaraan hindi siya sumabay sa akin dahil magkasama sila ni Phoemela? At kung wala pang nangyayari sa kanila, pumayag kaya si Taiga sakaling ayain siya ni Phoemela? Masarapan kaya siya tulad ng ginagawa namin dati?
Iniling ko ang ulo ko at ibinaling na lang ang pansin sa mga pagkain. Saktong pagkain lang ang kinuha ko dahil baka mapainom kami ng alak ngayon. Idaan ko na lang sa alak mga iniisip ko baka sakaling maliwanagan ako.
Bumalik kami nina Christiana at Steffi sa table namin. Tahimik lang ako samantalang ang dalawa ay nag-uusap. Nakabalik na rin si Phoemela sa table namin dala ang plato na may pagkain at juice.
"Hindi ka kakain? Bakit ang dami naman niyan para sa akin?" tanong ni Taiga kay Phoemela.
"Sa ating dalawa ito no! Hati tayo. Isang pinggan na lang saka kutsara at tinidor ang kinuha ko. Share na lang tayong dalawa. Hindi ka naman siguro 'Laway Conscious'!" paliwanag niya sabay hagikhik. "Hindi na rin mahihirapan ang catering service sa paghuhugas ng pinggan. Mababawasan pa sila ng hugasin. Oh my God! Ang bright ko talaga!"
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Phoemela. Nabalot muli sa hiyawan ang table namin mula sa mga kaibigan niya.
"Para kayong tanga, ako lang ito! Si Phoemela Miranda lang ito!" pagyayabang ni Phoemela.
Bumulong-bulong pa si Christiana sa katabi niyang Steffi. Sa lakas ng hiyawan ng mga kaibigan ni Phoemela, hindi ko narinig ang sinasabi ni Christiana.
Kumain na lang ako nang tahimik. Parang walang lasa ang kinakain ko sa mga nangyayari. Gumana na naman ang selective listening ko. Parang wala na naman akong naririning sa mga masasayang kwentuhan sa paligid.
Ilang sandali pa, dumating si Leo at tumabi sa akin. Nasa sentro siya ng mesa sa pagitan ko at ni Steffi. Binati namin siya at masaya naman siyang nagpasalamat.
"Mukhang hindi ka naman nag-eenjoy, Theo." puna ni Leo sa akin.
"Baliw! Nag-eenjoy naman ako. Hindi lang ako sanay makihalubilo sa iba." sagot ko sa kanya.
"Chillax ka lang dyan! Mag-loosen up ka muna. Kuha kitang alak, wait!"
Aangal pa sana ako pero mabilis siyang umalis. May dala-dala siyang dalawang bote ng San Mig Light. Iniabot niya ito sa akin at nagpasalamat naman ako sa kanya. Ininom ko ang alak at pagdako ng tingin ko sa banda ni Taiga, nakatitig siya sa akin na para bang sinasabi niya na huwag akong magpakalasing.
"Nasaan yung amin?" tanong ni Christiana sa pinsan niyang si Leo.
"Kumuha ka doon, ano ka may utusan?" asar ni Leo sa kanya.
"Aba, bisita ako dito! Dapat pinagsisilbihan ako ng may birthday!" balik ni Christiana.
"Aba 2010 na! Iba na ang panahon ngayon at uso na ang self-service sa mga bwisita!" asar pa ni Leo na tumawa pa ng malakas.
Kumuha rin naman siya ng mga alak at ibinahagi sa mga nasa table namin. Napadami na rin ang inom namin ng San Mig Light. Marami kaming napagkwentuhan nila Steffi at Leo. Samantalang si Taiga at Phoemela naman ay parang may sariling mundo. Hindi naman makasali sa usapan namin si Christiana dahil busy siya sa pagbabantay sa dalawang nasa tabi ko.
"Guys, laro tayong magkaka-table!" masayang aya ng isa sa lalaking kaibigan ni Phoemela.
"Ano'ng laro? Marami namang alak na naka-ready dyan." sabi ni Leo.
"Tequila, lemon saka salt pwede na. Laro tayo ng Truth or Dare!"
"Ang corny naman!" angal ng isa pang kaibigan ni Phoemela.
"Ehdi huwag kang sumali, ang KJ mo kahit kailan!"
Kumuha na nga si Leo ng tequila, lemon at ng asin. Inilapag niya ito sa table kasama ng shot glass at isang bote na walang laman. Maingay na ang paligid kasabay ng malakas na tugtog pero tahimik lang akong nagmamasid.
Ilang sandali pa, nagsimula na ang Truth or Dare.
"Simple lang ang rules. Kung sino ang unang matapatan, siya ang mamimili kung Truth or Dare ba. Ang pangalawang matatapatan, siya ang magtatanong or magpapagawa ng Dare. Kapag Truth ang pinili mo at ayaw mong sumagot, drink a glass. Kapag sumagot ka naman at may umalma na nagsinungaling ka, iinom ka pa rin ng shot glass. Kapag hindi mo naman ginawa ang dare, iinom ka rin ng shot. Ang nagtanong o nagpagawa ng dare ang bahalang mamili kung saang part ng katawan didilaan ang salt." paliwanag ng nag-aya ng laro.
Umikot ang unang bote at tumapat ito sa kaibigan ni Phoemela na lalaki. Sa pangalawang ikot naman, kay Phoemela ito tumapat. Dare ang pinili ng kaibigan ni Phoemela.
"Maghubad ka ng damit at mag-sexy dance ka. Dali!" dare ni Phoemela.
Walang pag-aalinlangang naghubad ng damit ang lalaki. Kung sabagay, kung ganyan kaganda ang katawan ko ibabalandra ko talaga. Sumayaw ng sexy ang lalaki na para bang isa siyang mananayaw na kinuha para sa bachelorette party. Naramdaman ko ang pagsiko ni Taiga kaya naman lumingon ako sa kanya na nagtatanong kung bakit. Umiling lang siya sa akin nang nakasimangot.
Nagpatuloy lang ang pag-ikot ng bote hanggang sa natapatan ng bote si Phoemela at ang isa niyang kaibigan. Dare rin ang pinili niya.
"I dare you to give Taiga a lap dance!" masayang sabi ng kaibigan na nakapagpahiyaw sa lahat.
"Iyon lang ba? Easy peasy lemon squeezy!" sagot ni Phoemela sa tabi ni Taiga sabay tayo.
Nang-aakit na tumingin si Phoemela kay Taiga. Kinuha niya ang baba ng kaibigan ko at humalik sa pisngi nito. Nabalot naman sa sigawan ang lahat. Nakakuha kami ng atensyon ng iba pang nasa party. Sumampa paharap kay Taiga si Phoemela at gumiling siya nang gumiling sa kandungan nito. Natatawa at naiiling na lang si Taiga sa pagsasayaw niya. Napakagat siya ng labi at tumingin sa akin. Itinaas niya ang kilay niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Tumingin lang ako kay Steffi na nakatawa naman sa akin. Tila tuod naman si Christiana sa mga nangyayari.
Ilang sandali pa, tumalikod kay Taiga si Phoemela at mapang-akit na ikinikiskis ang katawan niya sa kandungan ni Taiga.
"Shit! May matigas na!" sigaw ng lalaking kaibigan ni Phoemela.
Umalis si Phoemela sa kandungan ni Taiga at natatawang bumalik sa kanyang upuan na katabi lang naman ni Taiga.
"Shems, ang laki! Sherep!" malanding sigaw ni Phoemela na ikinatawa ng lahat maliban sa amin ni Christiana.
"Whore alert." bulong ni Christiana ngunit nabasa ko sa pagbuka ng bibig niya ang sinabi niya.
"Let's continue! Ako naman ang magpapaikot!" alok ng nakangiting si Leo.
"Go, Birthday Boy!" sigaw ni Phoemela.
Umikot ang bote at tumapat ito kay Christiana. Pinakot muli ni Leo ang bote at tumapat naman ito kay Leo.
"Napakadaya!" sigaw ni Christiana.
Tumawa nang malakas si Leo at nang-aasar na nagsalita sa pinsan niyang si Christiana. "Walang daya 'yon, cous! Swerte lang talaga ako. Truth or Dare?"
"Duh! Ehdi truth!" mabilis na sagot ni Christiana.
"Sabi na nga ba, tama ako ng hula. Boring!" pasaring ni Phoemela.
"Ako ba pinatatamaan mo?" tanong ni Christiana kay Phoemela.
"Kung tinamaan ka ehdi ikaw nga pinatatamaan ko." mataray na balik ni Phoemela.
"Ehdi dare na lang kung ganoon!" sigaw ni Phoemela.
Tumawa nang malakas si Leo sa pagsigaw ni Christiana. Ang awkward ng atmosphere. Parang ilang kalabit na lang mag-aaway ang dalawang babaeng nag-aagawan para kay Taiga.
"I dare you to hug Phoemela in 1 minute!"
"What!" gulat na sigaw ni Christiana.
"Ayoko nga! Baka mamaya may sakit pa sa balat 'yan at mahawaan pa ako! Iba na lang, Leo!" pilit ni Phoemela kay Leo.
"Excuse me? Wala akong sakit sa balat no! Between the two of us, ikaw ang mukhang may ketong!" asar ni Christiana.
"Chill! Kung ayaw mong gawin Christiana, you need to drink the liquor. Hindi lang ikaw, pati si Phoemela iinom din kasi ayaw niyang pumayag makipag-hug." Natatawang paliwanag ni Leo.
"That's so unfair!" katwiran ni Christiana.
"I would rather drink this damn tequila than to let her hug me! Maisip ko pa lang na yakapin niya ako, gusto ko nang masuka!" basag ni Phoemela kay Christiana.
"Oh, I think we are settled now! Drink the tequila now, girls!" pagpagitna ni Leo.
Agad namang kinuha ni Phoemela ang alak at ininom ito. Pagkatapos, dinilaan niya ang asin na inilagay ni Leo sa leeg niya. Naghiyawan ang lahat sa ginawa ni Phoemela. Agad namang bumalik si Phoemela sa upuan niya na katabi ni Taiga. Parang wala lang ang sa kanya ang ginawa niya at ang hiyawan ng mga tao.
"Ikaw naman, cous!" pagpipilit ni Leo sa pinsan niya.
Kinuha ni Christiana ang alak. Agad niya namang ininom ang alak at kaswal na dinilaan ang palapulsuhan ni Leo.
Maingay na ang table namin. May mga nanonood na rin sa ginagawa naming laro. Agad na pinaikot ni Christiana ang bote at una itong tumapat sa akin. Sa pangalawang ikot, tumapat ito kay Leo.
Nakangising tumingin sa akin si Leo na para bang nang-aasar. "Truth or Dare?"
Nag-cheer pa ang mga kasama ko at sumisigaw sila ng Dare. Nang tumigil na ang kanilang sigawan, agad akong nagsalita.
"Truth." tipid kong salita na nagbigay ng panghihinayang na reaksyon sa mga kasama ko sa table.
"Sa mga nandito, sino'ng nagugustuhan mo? But I hope it's me that you like!" nagsigawan ang mga tao sa tanong ni Leo.
"Bromance!"
"Espadahan is real!"
Nagtawanan ang lahat sa sumigaw. Naiilang ako sa tanong at sa atensyon ng lahat ng tao sa akin. Hindi ako sanay.
Napatingin ako sa mga kasama namin sa table at nag-aantay lang silang lahat sa sagot ko. Huminto ang tingin ko kay Taiga na nag-aantay din ng sagot ko.
"W-Wala!" utal kong sagot. "Wala akong nagugustuhan." agad kong sagot matapos kong makabawi.
"Wala ka pala, Leo!"
"Babagal-bagal ka kasi!"
Nagtawanan ang lahat. Nang humupa ang tawanan, nagulat ang lahat sa pagsingit ni Steffi.
"Parang hindi naman 'yan ang sinabi mo sa akin last time, Theo! 'Di ba crush mo si Phoemela?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Steffi. "What?!"
Tumingin ako sa kanya na para bang sinasabi ko na anong sinasabi niya? Ano'ng intensyon niya at bakit niya sinabi yun? Agad naman siyang ngumisi nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.
"Oh my God!" maarteng sigaw ni Phoemela. "Kaya pala medyo iwas ka sa akin, Theo!"
"What are you saying, Steffi? We all know the truth!" sabi ko na para bang sinasabi sa lahat na paniwalaan nila ang sinasabi ko.
"My Goodness! I can't believe it!" bulalas muli ni Pheomela at humarap siya kay Taiga at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Don't worry, babe! Ikaw naman ang gusto ko talaga. I'm sorry, Theo! Pero my heart is only for Taiga!" maarteng sabi niya sabay smack sa labi ni Taiga.
"Whoaaa! Smack lang?"
"Laplapin na 'yan!"
Iyan lang ang naintindihan ko dahil nabalot muli ng sigawan ang paligid nang dahil sa paghalik ni Phoemela kay Taiga. Nahuli ko ang titig ni Taiga at umiling lang ako sa kanya na para bang sinasabi na mali ang sinasabi ni Steffi.
"Is that true?" tanong sa akin ni Leo.
"Why don't you ask your cousin if it is true or not? I don't need to explain. I think she's the one who needs some explanation!" diin kong sagot kay Leo.
"Chill, dude!"
Sinamaan ko naman ng tingin si Steffi. Kinindatan niya lang ako at nag-thumbs up pa siya. Para bang sinasabi niya sa akin na "I know what I am doing, just watch and learn".
"Dahil may umapela sa sagot ni Theo, I am sorry to tell you but you need to drink this tequila!" paalala ng isa sa kaibigang babae ni Phoemela.
Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang binigay nilang isang shot ng tequila. Agad namang tumayo si Leo at hinubad ang kanyang pang-itaas na damit. Walang hiya-hiya siyang humiga sa mesa matapos na igilid ang mga nakapatong dito.
"Body shot! Body shot!" malakas na cheer nila sa akin.
Kitang-kita na ang improvement sa katawan ni Leo dahil sa kanyang pagwo-work out. His built is just right for his height. Nasa tamang kinalalagyan ang mga muscles sa katawan niya. Ang pinakamagandang parte ng katawan niya ay ang malapad at pormado niyang dibdib na kahit na may damit naman talaga siya ay kapansin-pansin na. Maganda ang pagkakahulma nito.
Natatawang inilagay ni Leo ang asin sa gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Inilagay naman ng natatawa ring si Steffi ang lemon sa bibig ni Leo.
"Huwag mong sabihin na kukunin ko pa sa labi ni Leo ang lemon? Hindi ba pwedeng hawakan ko na lang? Ganoon din naman ang ginawa ng iba 'di ba?" pag-alma ko kay Steffi.
"Oh come on! Let's have some fun! Katuwaan lang ito! Pagbigyan mo na kami. Besides, pareho naman kayong lalaki 'di ba? Walang ilangan!" masayang paliwanag ni Steffi na akala mo ay napakadali lang ng kanyang pinapagawa.
"Pareho nga kaming lalaki pero—"
"Wala ng pero-pero! Kung straight ka nga, wala lang sa'yo ito! Just do it!" pagpupurisigi pa ni Steffi.
"Drink it, Theo! Drink it, Theo!" pag-uudyok ng lahat sa akin.
Tulala lang ako sa hawak kong tequila. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay ininom ko ang shot glass at mabilis na inilagay ko ang magkabilang kamay para pagitnaan ang katawan ni Leo. Dinilaan ko ang asin na nasa dibdib ni Leo. Lasang-lasa sa dila ko ang alat na hatid ng asin at sa pinagsamang pawis na mula sa mainit na katawan ni Leo. Malakas na hiyawan ang narinig ko sa paligid.
Kinagat ko ang lemon na nasa labi ni Leo. Mistulang nagdikit ang mga labi namin ngunit alam ko at dama kong hindi. Umalis ako sa pagkaka-lean ng katawan ko sa nakahigang katawan ni Leo at mabilis na kumalat ang asim na dulot ng lemon sa bibig ko.
"Dumikit labi nila!" deklara ni Steffi.
Umiling ako sa kanila ngunit tulad ng kanina, hindi na naman napakinggan ang mga sinasabi ko.
Minsan nakakasawa na rin ang magsabi at magpaliwanag sa ibang tao. Para bang kahit sagutin mo sila ng totoo, ang kagustuhan nilang paniwalaan pa rin ang mas matimbang para sa kanila.
"CR lang ako!" paalam ni Taiga sa lahat.
Ako lang ang nakapansin ngunit nakita ko sa mukha ni Taiga ang galit. Hindi ko alam kung tama bang sumali ako sa larong ito. Mali na naman ako ng larong sinalihan. Sa larong ito, mukhang talunan na naman ako.