Nang magsimula ang kanilang laban, kasalukuyan pa ring sinusubukan ni Luo Feng ang lakas ng mga bago niyang blade techniques kaya hindi pa niya nagagamit ang pinakamalakas niyang Strike Travel na technique sa paggalaw. Ito ang dahilan kung bakit siya nacorner ng 12 mga undying. Pero binigyan siya ng kanyang kapaligiran ng kakayahang mamaximize ang kanyang paggamit sa technique ng kanyang blade para labanan ang mga ito.
Nang ilabas niya ang kanyang strike travel, mabilis niyang nawasak ang undying mula sa Ka Wu.
"Blood river energy! Strike travel movement!" ayaw nang patagalin ni Luo Feng ang kanilang laban!
Shua! Shua! Shua!
Nagwarp ang kanyang imahe habang nagpapakita ng tatlong magkakamukhang imahe sa kanyang tabi. Nagulat dito ang 12 mga undying dahil mas magiging mahirap na ngayon ang kanilang pakikipaglaban kay Luo Feng. Dito na sila nagsimulang patalsikin ng mga pagatake ni Luo Feng at sapilitang umatake nang paisa isa.
Chi!
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com