Matapos maging isang Swallowing Beast ay mas lalo pang bumilis ang paglakas ng kanyang katawan, pero…matapos masanay ng tuluyan sa bago niyang katawan ay hindi magawa ng kaluluwa ni Luo Feng na iwasan ang natural na pagiging walang awa, kalupitan at nanlalamig na emosyon ng Swallowing Beast. Matapos manatili sa kalungkutan ng kalahating taon ay normal lang na pumasok sa kanyang isipan ang natural na pagiging walang awa ng lahing ito…
Dahil dito ay lalong nanlamig at naging walang awa si Luo Feng.
Pero matapos marinig ang balitang ito ay agad na naramdaman ni Luo Feng ang mainit na dugo na muling dumadaloy sa kanyang katawan. "May mga anak na ako, may mga anak na ako!" Pinalakas ng pagkasabik na ito ang kanyang kaluluwa.
"Malapit na, malapit na, walong buwan pa. Matatapos din ang pagpapalaki ko sa bago kong katawan. At sa oras na dumating ang panahong iyon ay maaari na rin akong makabalik at makita silang lahat."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com