webnovel

Ang Pang-aakit

Editor: LiberReverieGroup

"Wow, hindi na 'to pangit. Nagawa talaga ng 15 na itong makakuha ng halos 8000 cubic meters ng universe crystals." Tawa ni Luo Feng habang inabot ang dalawa nilang bagong storage rings kay Hong. "Itago mo ito kuya Hong."

Itinaas ni Hong ang kanyang kamay at sinalo ito. "Mas maganda kung mas marami tayong maeengkuwentrong team na kagaya nito."

"Tama!"

Ngumiti si Luo Feng habang tumatango. "Sa oras na magkaroon tayo ng sapat na universe crystals ay maaari na rin tayong makabili ng mga Universe level na alipin! Sa pamamagitan nito ay mas magiging matibay pa lalo ang pundasyon ng Earth para depensahan ang kanyang sarili." Sa ngayon ay isa pa ring hindi kilalang planeta ang Earth. Magagawa pa rin itong pabagsakin ng mas malalakas na uri ng fighters o grupo.

Kaya kinakailangan nilang tatlo na makipaglaban ng husto!

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com