Sa loob ng bar sa first floor ng Limit Hall ay makikita ang sampung fighters na nag-uusap-usap. Ang mga taong nakaupo sa isa sa mga tables nito ay walang iba kundi ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad. Hindi nagtagal ay nakita nila ang bagong dating na si Luo Feng na papalapit sa kanila.
"Hoy Luo Feng."
"Nandito ka na pala Crazy!"
Bumati ang lahat ng tao sa loob ng bar sa kanya. Matapos itong ngitian at sagutin ni Luo Feng ay umupo siya sa table kung saan nakapuwesto ang mga miyembro ng Fire Gammer Squad. Ang mga tao sa table na iyon ay walang iba kundi sina Gao Feng, Wei Tie, Wei Qing, Chen Gu, Luo Feng at ang may kapansanang si Zhang Ke. Sabay-sabay na umupo ang mga ito, nagusap-usap at naglasing hanggang sumapit ang 9PM, oras kung kailan hinatid nila ang dati nilang kasamahang si Zhang Ke pauwi.
Ang natira na lang sa table matapos noon ay si Luo Feng at ang apat na miyembro ng Fire Hammer Squad.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com