Napasaya ng husto ni Luo Feng ang kanyang mga magulang sa pagbabalik nito sa kanila. Pero walang kaalam-alam sina Luo Hong Guo at Gong Xin Lan na sa loob ng napakaikling panahon ng tatlo hanggang apat na araw ay nagawa na ng kanilang anak na si Luo Feng na makaranas ng napakaraming bagay! Madaling araw ng sumunod na araw, habang makikita pa ang makapal na hamog na bumabalot sa buong siyudad ay muling nagpaalam si Luo Feng sa kanyang pamilya para pumunta sa Hong Ning headquarter city.
"Kababalik mo lang at aalis ka na agad?" napuno ng pagkain ang kanilang hapagkainan. Tumayo ang kanyang ina para itulak ang wheelchair ni Luo Hong Guo at ihatid ang kanilang anak na si Luo Feng.
"Mabilis lang po ako, makakauwi po ako rito mamayang tanghali," tawa ni Luo Feng.
"Makakauwi para magtanghalian? Personal akong aalis para mamili ng mga sangkap at magluto ng paborito mong pagkain," natutuwang sinabi ni Gong Xin Lan.
Tumango naman si Luo Feng.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com