Sa labas ng palasyong napapaligiran ng hamog na nakatayo sa gitna ng thunder island sa virtual universe nagpakita si Luo Feng.
"Wala na sa kontrol ko ang mga bagay bagay." Sabi ni Luo Feng habang nakatayo sa harapan ng palasyo at nagiisip kung ano ang nangyari "Kung hindi ako makakalabas dito, makukuha nila ang mga ginagamit kong kayamanan. Mahihirapan na akong makuha ang mga ito."
"Luo Feng." Sabi ng isang boses.
Natigilan si Luo Feng at agad na lumingon. Nakita niya ang isang nilalang na nakasuot ng gintong kapa habang nakatayo sa tabi ng bangin. Ito ay ang namumuno sa Primal Chaos City na nakatingin sa Thunder Island na nasa kaniyang ilalim.
Naglakad palapit dito si Luo Feng at nagbigay galang "Guro."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com